You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VIII- EASTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF CALBAYOG CITY
CALBAYOG CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
CALBAYOG CITY, SAMAR
PANIMULANG PAGSUSULIT SA PAGSULAT NG FILIPINO SA PILING LARANGAN
TEST I. Panuto. Basahin ang mga pahayag o sitwasyon. Piliin ang tamang sagot at isulat ang
wastong titik sa sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng akademikong sulatin?
a. Abstrak c. Panukalang proyekto
b. Liham pangkaibigan d. Replektibong sanaysay
2. Anong layunin ng bahagi ng tekstong nasa kahon ?

Suportahan ang mga Pilipinong mananaliksik.Pondohan ang kanilang mga


proyekto. Ipadala sila sa ibang bansa para sa lalong mataas na edukasyon at mga
pagsasanay.Imbitahan sila upang magbahagi ng kanilang kadalubhasaan.

a. Magpabatid b. magturo c.mang-aliw d. manghikayat

3. Anong uri ng akademikong sulatin ang inilahad?

Si Eugene Y. Evasco ay manunulat, editor, tagasalin, at kolektor ng mga aklat


pambata. Kasalukuyan siyang propesor ng panitikan at malikhaing pagsualt sa
Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, UP Kolehiyo ng arte at
Literatura.Ilan sa bago niyang aklat ang Isang Mabalahibong Bugtong at Ang
Tatlomh Prinsipe ng Kalinaw,Harana sa Kuliglig,at ang salin ng Charlotte’s Web ni
E.B. White. Nagwagi siya ng UP Gawad sa Natatangigng Publikasyon sa Filipino
( Kategorya ng Malikhaing pagsulat). Iniluklok siya sa Hall of Fame ng Carlos Palanca
Award for Literature noong 2009 at kasalukuyang Associate ng UP Institute of
Creative Writing. Kawawagi niya lang ng pagkilalasa Romeo Forbes Short Story
Competition,Unang Gantimpala sa Sanaysay sa Palanca Awards, at ng Catholic
Mass Media Awards for Best Short Story ngayong 2017.

a. Abstrak b. bionote c. photo essay d. replektibong sanaysay


4. Tinatalakay ng teksto ang etimolohiya o pinagmulan, kahulugan, aspektong political , at
aspektong moral ng salitang “tokhang”. Anong huwaran ito ng akademikong ssulatin?
a. Pagbibigay-depinisyon c. Paghahambing at pag-iiba
b. Pag-iisa-isa o enumerasyon d. Problema at solusyon

P3 Brgy. Hamorawon, Calbayog City


Tel No. 0552091535
Email:
5. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng isang mahusay na bionote?
a. Mahaba ang nilalaman upang masabi ang lahat ng kwalipikasyon.
b. Gumagamit ng ikatlong panauhan bilang pananaw sa pagsulat
c. Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian.
d. Nakaayos ang talata mula sa pinakmahalagang kwalipikasyon tungo sa di mahalaga.

6. Ano ang tekstong nagsusuri sa isang paksa ayon sa pananaw at karanasan ng may-akda ? Isa
itong paraan ng metakognitibong pagsulat kung saa, nagagawa ng may- akdang suriin at
unawain and sarili niyang paraan ng pag-iisip.
a. Bionote b. replektibong sanaysay c.posisyong papel d. photo essay

7. Ano ang maikling buod ng isang saliksik,artikulo o ulat?


a. Abstrak b.bionote c.replektibong papel d. posisyong papel

8. Ano ang tekstong nagpapahayag ng paninidigan ng isang indibidwal o organisasyon tungkol sa


isang napapanahong paksa? Ang pangunahing nitong layunin ay humiling ng pagkilos sa
tao,organisasyon o sector na pinatutungkulan nito.
a .Abstrak b.bionote c.replektibong papel d. posisyong papel

9. Ano ang pangunahing katangian ng repleksibong sanaysay?


a. Personal lamang b.Personal at subhetibo
c. Personal at obhetibo d.Personal at pormal

10. Sa pagsulat ng akademikong repleksiyong papel, ano ang dapat gamiting pamamaraan?
a.Impormatibo b. deskriptibo c. naratibo d. argumentatibo

11. Bahagi ng panukalang proyekto na nagdedetalye ng kakailanganing pera upang makompleto ang
proyekto.
a.Panukala b. Artikulo c. Badget d. Materyales

12. Tala ng mahahalagang diskusyon at desisyon sa pulong.


a. Lakbay Sanaysay b. Piktoryal na Sanaysay
c. Katitikan ng Pulong d. Agenda

13. Sulating humihiling sa mga indibidwal,grupo, o ahensya na maisagawa ang planong gawain.
a. Agenda b. Katitikan ng Pulong c. Photo Essay d. Panukalang Proyekto

14. Dokumentong naglilista ng mahahalagang puntos o usapin na tatalakayin sa pulong.


a. Agenda b. Katitikan ng Pulong
c. Photo Essay d. Panukalang Proyekto

15. Kaugnay sa repleksibong pagsulat ang ____.


a.Repleksibong pagsasalita c.repleksibong pakikipagkapwa
b.Repleksibong pakikinig d. repleksibong pag-iisip

P3 Brgy. Hamorawon, Calbayog City


Tel No. 0552091535
Email:
16. Ano ang tawag sa mga koleksyon ng mga materyal na nilikha sa isang particular na
itinakdang panahon?
a.Fortpolio b. Fortfolio c. Portfolio d. Portpolyo

17. Isang halimbawa ng repleksibong sanaysay ang _____.


a. Reaksiyong papel c. lahok sa personal na journal
b. learning log d. lahat ng nabanggit

18. . Ang lakbay-sanaysay, higit sa lahat ay tungkol sa _____.


a. Pagbiyahe b. pagtuklas c. pakikisalamuha d. pagsasaya

19. Maituturing na pinakamahalagang elemento ng photo essay ang _____.


a. Larawan o imahen b. salita c. pamagat d. disenyo

20. Alin sa mga sumusunod ang hindi nararapat na ilagay sa unang pahina ng
katitikan ng pulong?
a. Oras ng pagtatapos ng pulong c. pangalan ng organisasyon
b.Lugar ng pulong d. Mga suhestiyon o rekomendasyon

21. Ano ang pangunahing layunin ng larawang sanaysay?


a.Magbigay -aliw at magbigay impormasyon
b.Magbigay impormasyon lamang.
c.Maglahad ng mapanuring pag-iisip
d.Magpakita ng personal na damdamin at karanasan

22. Ang posisyong papel ay gumagamit ng anong uri ng lengguwahe?


a.Akademiko b.Teknikal c. Journals d. Profesiyonal

23.Ang kabuuan ng posisyong papel ay nakabatay sa anong paraan?


a.Opinyon b. Ebidensiya c. Balita d. Sabi-sabi

24. Ang pagsulat ng lakbay sanaysay ay patungkol sa ano-ano?


a.Lugar, Kamag-anak, Sarili c. Lugar, Ibang tao, sarili
b.Lugar, Bansa, Kapaligiran d. Ibang tao, banyaga, sarili

25. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng maling paghahanda ng


materyal para sa portfolio?
a. Planuhin ang magiging nilalaman ng portfolio.
b. Magdagdag ng ilang pang material sa portfolio kahit di –kasama sa mga gawain.
c.Tukuyin ang paksa ng lilikhaing portfolio.
d.Tingnan ang kallakasan at kahinaan ng mga sulatin.

26. Tumutukoy sa piktoryal na sanaysay na nagsasalaysay ng isang kuwento sa pamamagitan ng


pagsusunud-sunod ng mga pangyayari.
a. Tematikong pictorial essay c. Naratibong pictorial essay
b. Personal pictorial essay d. Repleksibong pictorial essay

P3 Brgy. Hamorawon, Calbayog City


Tel No. 0552091535
Email:
27. Ito’y isang komposisyong binubuo ng mga larawan.
a. Repleksibong sanaysay c. Lakbay - sanaysay
b. Pang- larawang sanaysay d. Posisyong sanaysay
28. Alin sa mga sumusunod na dahilan ang HINDI nagsasaad ng isang mahusay na
paghahanda ng Agenda?
a.Ang pagtatala ng mga mangyayari sa pulong.
b.Ang mga kalahok sa pulong ay may direksiyon.
c.Walang sinasaad na impormasyon hinggil sa pagdadausan ng pulong.
d.Nakatatanggap ng mga paalala mula sa kalihim

29. Ito’y uri ng larawan na maaaring ilakip sa pictoryal na sanaysay na nagsisilbing lagom.
a. Portrait b. Detail Photo c. Signature Photo d. Clincher Photo

30. Tumutukoy sa larawan ng isang tao na ang ipinapakita ay ang mukha o ang ulo
hanggang balikat.
a. Portrait b. Detail Photo c. Signature Photo d. Clincher Photo

Mula bilang 31-34. Gamitin ang mga larawan sa ibaba upang masagutan ang
katanungan.
31. Alin sa mga larawan ang nagpapakita Kontra –Militarisasyon na pang-aabuso ng mga yunit
ng military sa kanilang komunidad ?

32. Sa mga sumusunod na larawan, alin ang naglalahad ng isang ritwal upang maging maayos
ang kanilang gawain?

33. Alin sa mga larawan ang nagpapakaita ng Kalampag sa isang Embassy na nanawagan na
maging maayos ang kanilang pakikipag-ugnayan sa bansang Pilipinas?

34. Sa mga larawan, alin ang naglalahad ng kawalang-hustiya sa mga taong nabiktima ng iba’t
ibang kriminalidad?

a. c.

P3 Brgy. Hamorawon, Calbayog City


Tel No. 0552091535
Email:
b. d.

35. Ito’y uri ng portfolio na nagpapakita ng repleksyon ng mag-aaral sa kanyang pagkatuto.


a. Portfolio ng proseso c. Portfolio ng Dokumentasyon
b.Portfolio ng Pinakamahusay na gawa d. Portfolio ng Kasanayan

36..Alin sa mga sumusunod ang di-wastong elemento ng pictorial na sanaysay?


a. Caption b. Kuwento c. Paksa d. Opinyon

37. Alin sa mga pahayag ang di wastong paraan ng pagsulat ng isang lakbay-sanaysay?
a. Isulat ang karanasan at damdamin sa naging paglalakbay.
b. Isang manunulat-mananaliksik.
c. Bilang isang turista lamang.
d. Magbasa tungkol sa lugar na pupuntahan bago pa ang paglalakbay.

38. Alin ang mga bahagi sa pagsulat ng posisyong papel?


i. Introduksyon ii. Katawan iii. Rekomendasyon iv. Konglusyon
a. I,IV, III a. II, III,IV c. I,II,III d. I, II, IV

39. Ang isang mahusay na manunulat ng lakbay-sanaysay ay may anong katangiang ?


a. Sumusuri sa pagkatao ng mambabasa. c. Sumusuri sa pagkatao ng manunulat.
b. Sumusuri sa isipan ng isang tao. d. Sumusuri sa isipan ng mambabasa.

40. Ang repleksibong sanaysay na “plato” ay sumisimbolo sa anong repleksyon ?


a. Katotohanan ng Tao b. Katotohanan ng isang mamamayan
c. Katotohanan ng Buhay d. Katotohanan ng Pamumuhay

41. Ano pang proseso ang iniuugnay sa pagsulat ng repleksibong sanaysay?


a. Pagtuklas sa sarili c. Pagtuklas sa kaalaman
b. Pagtuklas sa mga tao d. Pagtuklas sa mga pangarap

42. Sa pagtatala ng mga nangyayari sa pormal na pulong, karaniwang ginagamit ang mga sumusunod
maliban sa isa:
a. tape recorder b. laptop c. lapis o bolpen at papel d. kamera ng cellphone

P3 Brgy. Hamorawon, Calbayog City


Tel No. 0552091535
Email:
43. Ito ang bahagi ng panukalang proyekto na naglalahad ng mga dahilan sa pagsasagawa ng
proyekto at ang mga kahalagahan nito.
a. rasyonal b. planong gawain c. panukalang badyet d. pakinabang

44.Ano ang gamit ng katitikan ng pulong sa isang pagpupulong , maliban sa isa?


a. Ipaalam sa mga sangkot sa pulong. c. Ipaalam sa mga di nakadalo sa pulong.
b. Ipaalam sa mga nakadalo sa pulong. d. Ipaalam sa lugar na pagpupulungan.

45. Ano ang pinahahalagahan sa pagsulat ng piktoryal na sanaysay?


a. salita b. larawan c. salita at larawan d. karanasan

46. Ano ang simbolo ng awit na “kanlungan” ni Noel Cabangon?


a. pagmamahal b. Pasakit c. lugar d. Tao

47. Ito’y binubuo ng mga matitibay na argumento o mga dahilan upang mapasang-ayon ang mga
mambabasa.
a. paglalahad b. pangangatwiran c. pagsasalaysay d. panghihikayat

48. Uri ng sanaysay na patungkol sa mga nararamdaman, kaugnay ng mga nakikita o naoobserbahan.
a. Impormal b. Pormal c. Personal d. Impersonal

49. Uri ng port folio na nagsisilbing koleksyon ng mga material na nagpapakita ng pag-unlad ng
mga mag-aaral sa kanyang kakayahan..
a.Portfolio ng proseso c. Portfolio ng Dokumentasyon
b.Portfolio ng Pinakamahusay na gawa d. Portfolio ng Kasanayan

50.Alin sa mga sumusuno ang nagpapakita ng wastong daloy ng talumpati?


a. Paghahanda - Pag-unlad - Kasukdulan - Pagbaba
b. Paghahanda - Kasukdulan - Pag-unlad - Pagbaba
c. Paghahanda - Pagbaba - Pag-unlad - Kasukdulan
d. Pagbaba - Pag-unlad = Paghahanda – Ksukdulan

Inihanda nina :

JASMIN A.ARESGO,MT I

JESSALYN A. CUPLA, T II

P3 Brgy. Hamorawon, Calbayog City


Tel No. 0552091535
Email:
P3 Brgy. Hamorawon, Calbayog City
Tel No. 0552091535
Email:

You might also like