You are on page 1of 4

De La Salle John Bosco College

La, Salle Drive, Mangagoy, Bislig City


Departamento ng Batayang Edukasyon

SUMMATIVE TEST SA FILIPINO 12


Filipino sa Piling Larang (Akademik)

Pangalan:____________________ Petsa:_________________
Seksyon:_____________________

I. MARAMIHANG PAGPIPILIAN
PANUTO: Piliin ang titik ng wastong sagot.

1. Ito ay isang sulating naglalayong maipabatid sa mga mambasasa ang karanasan ng manunulat sa
kanyang paglalakbay.
a. Posisyong papel c. Replektibong Sanaysay
b. Lakbay Sanaysay d. Pictoryal Essay
2. Nangangailangan ito ng masusing pag-aaral na may gabay sa tamang proseso ng pagsulat.
a. Iskolarling paraan ng pagsulat c. Epektibong pagsulat
b. May kalinawan d. May Paninidigan
3. Ito ay naglalayong linangin ang mga kasanayan sa pagsulat. Gumagamit ito ng pormal na format at
teknik sa pagsulat.
a. Akademikong sulatin c. Akademikong Pagsulat
b. Papel Pampaaralan d. Pananaliksik
4. Ginagamit ang sulating ito upang maipabatid sa mga mambabasa ang kabuuang nilalaman ng teksto sa
maikling pamamaraan.
a. Sintesis c. Abstrak
b. Bionote d. Talumpati
5. Ito ay nagpapakita ang maikling paglalahad ng kabuuan ng isang pag-aaral.
a. Sintesis c. Abstrak
b. Bionote d. Talumpati
6. Ito ay nagbibigay ng isang katotohanang impormasyon ng isang indibidwal tungkol sa mga nakamit o
nagawa bilang isang propesyunal sa napiling larangan.
a. Talumpati c. Bionote
b. Sintesis d. Biography
7. Ito ay naglalayong mabigyang resolba ang mga suliranin.
a. Pananaliksik c. sintesis
b. Katitikan ng pulong d. panukalang proyekto
8. Layunin ng sulating ito ang humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon
at maglahad ng isang paniniwala.
a. Sintesis c. abstrak
b. Talumpati d. posisyong papel
9. Ito ay isang tala o rekord upang pagtibayin ang mga nilalaman ng mga usapin sa pulong at magsilbing
gabay upang matandaan ang mga ideya ng pinag-usapan.
a. Posisyong papel c. Ulat
b. Katitikan ng pulong d. Talaan
10. Nais na malaman ni Jenny kung ang kanyang binabasang pananaliksik ay may kaugnayan sa kanyang
kasalukuyang ginagawang pag-aaral at kung ito ba ay maaaring gamitin sa kanyang pananaliksik. Ano
ang dapat niyang basahin?
a. Kaugnay na Literatura c. Sintesis
b. Mga Suliranin ` d. Abstrak
11. Si Cong. Tampos ay nagpanukalang kailangan ipasa sa Senado ang pagkakaroon ng isang anak lamang
bawat pamilya. Anong sulatin ang kailangan niyang gawin o gamitin?
a. Replektibonhg Sanaysay c. Talumpati
b. Posisyong papel d. Panukalang proyekto
12. Si Kyle ay ang presidente ng kanilang silid-aralan. Nais niyang maibsan ang nararanasang init ng
kanyang mga kaklase kaya’t nais niyang magkaroon ng air conditioner at air purifier ang kanailang silid-
aralan. Anong angkop na sulatin ang gagamitin ni Kyle?
a. Panukalang Proyekto c. Lathalain
b. Posisyong Papel d. Artikulo
13. Si Joseph ay gumawa ng isang sanaysay patungkol sa pagtaas ng porsiyento ng mga Kabataang
nagpapakamatay dahil sa depresyon. Kumuha siya ng mga impormayon mula sa mga pananaliksik
ngunit hindi niya bingyan ng wastong rekognasyon ang mga manunulat nito. Ano ang tawag sa ginawa
ni Joseph?
a. Plagiarism c. Libelo
b. Kumuha ng mga batayan d. Pagkuha ng impormasyon sa internet
14. Pinagawa ni Bb. Santos ang kanyang mga mag-aaral ng isang bionote patungkol sa kanilang mga
iniidolong mga sikat na mga personalidad. Ano dapat ang mababasa ni Bb. Santos sa mga sulatin ng
kanyang mga mag-aaral?
a. Mga datos patungkol sa mga karanasan ng kanilang mga idolo
b. Mga impormasyong may kaugnayan sa kanilang mga iniidolo
c. Mga kwalipikasayon, nakamit, at kridibilidad ng kanilang idolo
d. Lahat ng nabanggit
15. Si Asyong ay ang naatasang mangulo sa kanilang gagawing pagpupulong. Upang maging organisado
aqng gagawing pulong, ano ang unang gagawin ni Asyong?
a. Gumawa ng talumpati c. Gumawa ng proyektong ibabahagi
b. Sumulat ng katitikan ng pulong d. Gumawa ng agenda

II. PAGPAPASIYA
Panuto: Isulat ang T kung ito ay TAMA. Kung ito ay MALI, isulat ang salita o lipon ng mga salitang
nakapagpapamali sa pahayag.

1. Ang akademikong pagsulat ay isang prosesong makalilinang sa mga kasanayan ng mga mag-aaral na
sumulat ng isang pormal, wasto, at epektibong sulatin.
2. Ang sintesis ay isang buod na siyang naglalarawang sa isang buong pag-aaral at ang nagpapakita ng
isang pahayaw na paglalahad ng isang pananaliksik.
3. Ang paggamit ng mga balbal di kaya’y mga impormal na mga salita ay di maaring gamitin sa pagsulat
ng isang akademikong sulatin.
4. Dapat at inkonsistent ang manunulat sa mga datos at pahayag sa pagsulat ng isang akdemikong sulatin.
5. Sa akademikong pagsulat, malilinang ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsusuri at makabuo ng mga
bagong konsepto na maaring gamitin sa kanialng mga sulatin.

III. ENUMERASYON
Panuto: Isulat ang tamaqng sagot.

1-5. Ano-ano ang mga Katangian ng Akademikong Pagsulat.


6-10. Magbigay ng halimbawa ng akademikong sulatin.

IV. SANAYSAY (10 puntos)


Panuto: Sumulat ng isang maikling sanaysay na nagpapaliwanag sa mga layunin ng akademikong
pagsulat.
De La Salle John Bosco College
La, Salle Drive, Mangagoy, Bislig City
Departamento ng Batayang Edukasyon

SUMMATIVE TEST SA FILIPINO 12


Filipino sa Piling Larang (Akademik)

SUSI SA PAGWAWASTO

I. MARAMIHANG PAGPIPILIAN

1. B
2. A
3. C
4. A
5. C
6. C
7. D
8. B
9. B
10. D
11. B
12. A
13. A
14. C
15. C
II. PAGPAPASYA
1. T
2. ABSTRAK
3. T
4. INKONSISTENT
5. T

III. ENUMERASYON
1. PORMAL
2. OBHETIBO
3. MAY PANININDIGAN
4. MAY PANANAGUTAN
5. MAY KALINAWAN
6. ABSTRAK
7. SINTESIS
8. BIONOTE
9. PANUKALANG PROYEKTO
10. TALUMPATI
11. KATITIKAN NG PULONG
12. REPLEKTIBONG SANAYSAY
13. PANUKALANG PAPEL
14. POSISYONG PAPEL
15. PICTORIAL ESSAY
16. LAKBAY SANAYSAY

You might also like