You are on page 1of 2

De La Salle John Bosco College

La, Salle Drive, Mangagoy, Bislig City


Departamento ng Batayang Edukasyon

Eksaminasyon: Lagumang Pagsusulit Panuruang Taon: 2023-24 Kwarter: 2 Bilang: 40


Guro: Joannah O. Garces Asignatura: Filipino sa Piling Larang (Akademik)

I. MARAMIHANG PAGPIPILIAN
PANUTO: Basahin nang mabuti ang bawat pahayag. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay isang sining sa pagpapahayag ng saloobin sa harap ng madla o maraming tao. Nakapaloob dito ang
pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa pasalitang tumatalakay sa isang partikular na pasa.
a. Panukalang Proyekto c. Talumpati
b. Bionote d. Abstrak
2. Ang panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsyon ng mga inihaing gawaing naglalayong lumutas ng
isang problema o suliranin. Sino ang nagsabi nito?
a. Besim Nebiu c. Harper
b. Dr. Phil Bartle d. Lynne at Jeremy
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa paggawa ng panukalang proyekto?
a. Pagsulat ng mga Benipisyo c. Pagsulat ng mga Pangangailangan
b. Pagsulat ng Wakas d. Pagsulat ng Katawan
4. Alin sa sumusunod ang layunin ng panukalang proyekto?
a. Magbigay impormasyon sa mga problema sa komunidad
b. Magbigay resolusyon sa mga suliraning talamak sa komunidad
c. Upang magbigay ng dagdag gastos sa mga mamamayan
d. Upang makalikom ng salapi sa pagpapatupad ng proyekto
5. Sino ang dapat na maglatag ng panukalang proyekto?
a. Isang propesyunal na nangangasiwa ng proyekto
b. Ang pinakamatanda sa grupo
c. Ang pinakabunso sa grupo
d. Isang odinaryong empleyado
6. Ano ang isa sa mga sangkap ng isang maayos na panukalang proyekto?
a. Maraming emplayado sa paggawa
b. Isang malaking bulwagang pagdaraosan
c. Realistikong oras sa paggawa
d. Maraming kasangkapan
7. Isang uri ng talumpati na naglalayong hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang paniniwala ng
mananalumpati sa pamamagitan ng pangangatwiran at mga patunay.
a. Panlibang c. Pampasigla
b. Panghihikayat d. Papuri
8. Bubunot ang mga mag-aaral ng mga paksa sa loob ng kahon. Bibigyan sila ng tatlong minuto upang pagisian ang
kanilang sasabihin. Anong uri ng talumpati ito?
a. Maluwag c. Biglaan
b. Manuskrito d. Isinaulo
9. Kinabisado ni Martin ang kanyang itatalumpati para sa pagdaraos ng Buwan ng Wika sa kanilang paaralan. Pinag-
aralan din niya kung ano ang tamang bigkas, kilos o galaw na gagawin sa kanyang pagtatalumpati.
a. Maluwag c. Biglaan
b. Manuskrito d. Isinaulo
10. Ang DLSJBC sa lungsod ng Bislig ay magdaraos ng ika-60 na pagkakatatag ng kanlang paaralan. Isinulat ni Gg.
Villasor, punong-guro ng paaralan, ang kanyang sasabihing mensahe sa harap ng magulang at mag-aaral.
a. Maluwag c. Biglaan
b. Manuskrito d. Isinaulo
II. TAMA O MALI
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay tama. Isulat ang salitang MALI kung ang pahayag ay mali.

1. Layunin ng talumpating panlibang ang makapag-bigay ng inspirasyon sa mga tagapakinig.


2. Ang talumpati ay binubuo ng dalawang bahagi: Panimula at katawan.
3. Dapat na maging malinaw at makatotohanan ang pagtatalumpati.
4. Ang manuskrito ay talumpating ginagamit sa mga kumbensyon.
5. Ang isinaulong talumpati ay masusing pinag-aralin at hinabi nang maayos bago bigkasin.
6. Ang panukalang proyekto ay isang detalyadong balangkas ng mga inihaing gawaing naglalayong lumutas ng isang
problema o suliranin.
7. Sa pagsasagawa ng panukalang papel, ito ay kailangangang magtaglay ng apat na mga mahahalagang bahagi.
8. Ang unang hakbang sa pagsasagawa ng panukalang papel ay tukuyin ang layunin at ilista ang mga suliranin sa
komunidad.
9. Maaring hindi na sumangguni sa mga eksperto kung nakapagsagawa na ng isang isang pananaliksik.
10. Makikita sa katawan ang mga benipisyong maaring maidulot ng proyekto.

III. ENUMERASYON
Panuto: Isulat ang mga uri ng talumpati at ibigay ang kanilang layunin at halimbawa.

URI NG TALUMPATI AYON SA LAYUNIN LAYUNIN HALIMBAWA(Situational)


1.
2.
3.
4.
URI NG TALUMPATI AYON SA PAGHAHANDA HALIMBAWA(Situational)
1.
2.
3.
4

You might also like