You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region 02
Division of Cagayan
LICERIO ANTIPORDA SR.NATIONAL HIGH SCHOOL
Buguey , Cagayan
Pagsusulit para sa Unang Markahan
FILIPINO 12-HUMSS@ STEM
S.Y. 2023
Pangalan______________________________ Seksyon__________________ Iskor

I. Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pahayag at piliin lamang ang titik ng pinakawastong sagot. Bilugan
ang inyong sagot.

I. Panuto: Bilugan ang tamang sagot sa bawat katanungan sa ibaba.


1. Bakit sinasabing ang pagsulat ay isang pisikal at mental na aktibiti ang ginagawa?
a. Sapagkat ginagamit nito ang ilang bahagi ng ating katawan tulad ng mata at kamay sa paggawa ng
ating sulatin gayundin ang kaisipan..
b. Dahil natutunan ang pagsulat gamit ang utak.
c. Sapagkat ginagamit ang kaisipan sa pagpapahayag ng saloobin .
d. Sapagkat pinapalawak nito an gating kaalaman.
2. Ito ay artikulasyon ng mga ideya,konsepto,paniniwala ,nararamdaman sa paraang nakalimbag.
a.pakikinig b.pagbabasa c.pagsusulat d.pagsasalita
3. Isang uri ng paglalagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng
kwento,salaysay ,nobela,dula,parabula at iba pa.
A. Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
4. Anyo ng pagsulat na nagsaad ng obserbasyon ,uri,kondisyon,palagay ,damdamin ng isang manunulat
hinggil sa isang bagay,tao,lugar,o pamgyayari.
a.paglalahad b.paglalarawan c.pagsasalaysay d.pangangatwiran
5. Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa
ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na ginamit sa
pagkuha ng datos sa pagkukuwento. (bahagi ito ng hal. ng Abstrak)
A.Saklaw at Delimitasyon B.Metodolohiya C.Introduksyon D.Resulta
6. Tumutukoy ito sa anomang pasulat na isinasagawa upang makatupad sa isang pangangailangan sa pag-
aaral.
a. Akademikong Pagsulat b. Teknikal na Pagsulat c. Propesyonal na Pagsulat d. Malikhaing Pagsulat
7. Inilalahad dito ang mga pangangailangan sa pangsakatuparan ng proyekto at kung ano ang mga layunin
at kahalagahan nito?
a. Badyet b. deskripsyon c.kategora d. rasyonal
8. Alin sa mga sumusunod ang hindi kailangan habang kumukuha ng tala para sa gagawing kakatikan ng
pulong?
a. Audio recorder b.bolpen at papel
c.katitikan ng nakaraang pulong
d.celphone recorder
9. Alin sa sumusunod na pangungusap ang HINDI nangangatuwiran?
a. Dapat wakasan na ang korapsyon sa bansa.
b.Hindi talaga mawakasan ang korapsyon sa bansa.
c.Ginagamit sa pagkukwento ng mga pangyayari
d. pagkilala sa sariling gawa
10. Alin sa sumusunod ang pangungusap na naglalahad?
a. Matangos ang ilong ng babae.
b. Pulang-pula ang ilong ng babae.
c.May dugong hapones ang babae.
d.Maganda ang babae.
11. Ano ang pagkakatulad ng paglalarawan at pagsasalaysay?
a. Hindi maaring gamitin sa posisyong papel.
b.Gamitin bilang mga ebidensya sa argumento.
c.Ginagamit sa pagkuwento ng mga pangyayari.
d.Lahat ng nabanggit
12. Alin sa mga sumusunod ang maaring gamiting matibay na ebidensya para sa argumento?
a. narinig na kwento
b.balitang napanood
c.sariling karanasan
d.kwentong kalye
13. Alin sa mga sumusunod ang kadalasang makikita sa bahagi ng katitikan ng pulong?
a.mga dumalo
b. agenda
c.oras ng pagsisimula ng pulong
d.oras ng pagsasalita ng tagapulong
14. Alin sa mga sumusunod ang hindi nararapat na ilagay sa unang pahina ng katitikan ng pulong?
a.lugar ng pulong
b.pangalan ng organisasyon
c. oras ng pagsisimula ng pulong
d.agenda
15. Itinuturing itong pinakamababang antas ng wika,may katumbas itong “slang “ sa ingles.
a.balbal b.kolokyal c.lalawiganin d.pambansa
16. Di maliparang uwak:pambansa Buang:_________
a.pormal b.kolokyal c.balbal d.panretorika.
17.Ano ang pinatunayan ng paggamit ng wikang Filipino sa iba’t-ibang disiplinang pang-akademya?
a. pambansang wika ang wikang Filipino
b.intelekwalisado na ang wikang Filipino
c.marami na ang nakakunawa sa Filipino
d.obligadong gamitin an gating sariling wika
18. Ang akademikong papel ay isang halimbawa ng pormal na pagsulat samantalang ang journal ay halimbawa
ng ____________.
a.kumbinasyon ng pagsulat
b.elektronikong pagsulat
c.di pormal na pagsulat
d.Sulat kamay
Si Ana ay may bilugang mata at makikinis na kutis.Habang tinititigan ko ang kanyang maamong mukha
napasulyap ako sa kanyang mapupulang labi.
19. Anong uri ng pagsulat ayon sa layunin ang binasang pahayag?
a.paglalahad b.pangangatuwiran c.paglalarawan d.pagsasalaysay
20. Ayon sa kanya naituturo ang pagsulat sapagkat hindi naman ito namamanang kakayahan .Sino ang nagwika
nito?
a.Isagani R.Cruz
b.Virgilio Almario
c.Juan Luna
d.Lope K Santos

21. Iwasan ang maging maligoy ..Hindi makakatulong kung hihigit sa ______ pahina ang panukalang proyekto.

a. 3 b. 10 c.15 d. 5
22. Nagkakaiba ang bawat sulatin depende sa batayan .Alin ang hindi kabilang sa batayang inilahad.
a. katangian b. paksa c.anyo d. layunin
23. Sa katitikan ng pulong isinasaalang -alang ang sumusunod maliban sa isa.
a. agarang solusyon sa problema
b. pagpaplano ng mga hakbang na kailangang gawin
c.paggawa ng mga desisyon ,mosyon ,o boto.
d. pagsubaybay ng mga problema at aksyon

24. Ang pamagat ng panukalang proyekto ay dapat tiyak,maikli at____________.


a. obhetibo b.malinaw c.naaayon sa paksa d.konkreto
25. Sa pagsulat ng Katitikan ng pulong kailangang ang panauhang gagamitin ay___________.
a. pangkasalukuyan b. depende sa nasimulan c.pangnangdaan d. panghinaharap
26. Kung may bagay na hindi maintindihan ,lapitan at tanungin agad ang namamahala rito o ang iba pang
dumalo
a. bago ang pulong b. pagkatapos ng pulong
c. isang araw pagkatapos ng pulong d. habang nagpupulong
27. Maikling bersyon ang isang sulatin kung saan makikita sa ginawang sulatin ang imahen ng ibinuod na
artikulo.
a. abstrak b. sintesis c. bionote d. katitikan ng pulong
28. Tiyaking _________ang pagkakasunod –sunod ng mga planng gawain upang maipakita sa mag-aapruba ng
panukalang proyekto na ito ay organisado at sigurado.
a. maikli b. lohikal c. nakalahad d. malinaw
29. Mga katangian ,nga hilig,paborito libangan ,nga bagay na natuklasan sa sarili .Matatagpuan ito sa anong
talata ng bionote?
a. una b. ikatlo c. ikalawa d. ikaapat
30. Hindi lamang iisang kasanayan ang gagamitin sa pagsulat ng katitikan ng pulong .Kailangang pairalin ang
talas ng pandinig ,bilis ng pagsulat at linaw ng____________.
a. layunin b. pagiisip c. mata d. pagsulat
31. Ang sumusunod ay kaibahan ng akademikong sulatin sa iba pang sulatin ,maliban sa isa.
a. paggamit sa antas ng wika
b. paraan ng pananaliksik
c. pagkakaiba sa layunin ng mga awtor.
d. pagpili sa paksang isusulat
32. Anong uri ng talumpati ang biglaan at at walang ganap na paghahanda.karaniwang makikita ang ganitong
uri ng pananalumpati sa mga job interview,ilang okasyon ng question and answer ,at pagkakataon ng
pagpapakilala?
a. A.Extempore B. Isinaulong talumpati c. Improntu d.a@b
33. Anong uri ng akademikong sulatin na karaniwang gawain ng mga taong nanunungkulan sa gobyerno o
pribadong kompanya na naghahain ng bagong programa na may layuning magbigay ng dagdag na
kita ,trabaho,kaayusan sa komunidad,at iba pa.
a. A.Panukalang proyekto B.Bionote C.Posisyon paper d. lakbay sanaysay
34. Paano ginagawa ang pagbubuod o synopsis?
a. maging payak sa mga salitang gagamitin.
b. gawing mahaba ito upang maging kaaya-aya basahin
c. maaring buuin ito ng maraming talata
d.ginagamitan ng mabulaklaking salita.
35. Paano ba mapapadali ang pagsusulat ng buod?
a. mahalagang matukoy ang sagot sa sumusunod na tanong sino,ano,kailan saan,bakit paano.
b. pagbanggit ng pamagat ng may-akda at pinanggalingan ng akda.
c. basahin ng maraming beses ang akda upang maisaulo ang isusulat
d. mahalagang maunawaan ang mga kaisipan nakalahad sa akda.
36. Anong uri ng akademikong sulatin na karaniwang gawain ng mga taong nanunungkulan sa gobyerno o
pribadong kompanya na naghahain ng bagong programa na may layuning magbigay ng dagdag na
kita ,trabaho,kaayusan sa komunidad,at iba pa.
A.Panukalang proyekto
B.Bionote
C.Posisyon paper
D.lakbay sanaysay
37. Ano ang pagkakapareho ng buod at abstrak?
a. May iisang talata lamang
b. Binubuo ng 200-300 salita
c. Nagsusuma ng akademikong sulatin
d. Naglalaman ng introduksyon at
konklusyon
38. Alin sa sumusunod ang naglalahad ng konklusyon?
a. Ang pag-aaral ay isang pangunahin o eksploratoryong pag-aaral sa ugnayan ng wika
at ang mga tradisyon /pamamaraan ng paggamot o medisina.
b. Tunay ngang mayaman ang festival bilang pagkukunan ng mahahalagang
impormasyon bilang daluyan ng kultura at identidad ng anumang wika,lahi at kultura.
c. Marapat lamang sundan,hamak man, ang mga katangi-tanging pinasimulan ng mga
Pilipino propesor na gumagamit ng wikang Filipino bilang instrumento sa pagsusuri.
d. a@c

39. Ano ang pinatunayan ng paggamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang disiplinang pang –
akademya?
a. Pambansang wika ang wikang Filipino
b. Intelektwalisado na ang wikang Filipino
c. Marami na ang nakakaunawa ng wikang Filipino
d. Maunlad ang wikang Filipino
40. Ito ay buod ng papel –pananaliksik na naglalaman ng
kaligiran ,layunin ,metodolohiya ,mga resulta at konklusyon sa pag-aaral?
a. Agham b.abstrak c.humanidades d. pananaliksik

41. Sa pagbuo ng Panukalang Proyekto, anong mga hakbang ang dapat na sundin?
I. Pumili ng Proyekto
II. Ayusin ang mga hakbang sa pagsasagawa nito
III. Ibigay ang layunin ng proyekto
IV. Sumulat ng liham ng pag-sang-ayon

a. I,II,III,IV b. I,III,II,IV c. II,I,III,IV d. III, II, I, IV


42. Sa pagsulat ng bionote anong ang unang hakbang na dapat mong isagawa?
a. pagsunod-sunorin ang mga impormasyon ayon sa estilo
b. interbyuhin ang taong gagawan ng bionote
c. tiyakin na wasto ang mga impormasyong isinulat
d.alisin ang mga impormasyong hindi kailangan

II. Basahin at unawain ang mga pahayag, Isulat sa patlang ang titik ng tamang kasagutan
batay sa pamantayan. A. Kapag ang unang pahayag ang tama samantalang mali ang
ikalawa B. Kapag ang ikalawang pahayag ang tama samantalang mali ang una C.
Kung ang dalawang pahayag ay tama D. Kung ang dalawang pahayag ay mali
Halimbawa: a. Ang Bionote ay isang halimbawa ng akademikong sulatin b. Ang
Posisyong papel ay hindi maihahalintulad sa debate. Sagot: Ang sagot ay A
sapagkat ang unang pahayag ay tama samantalang mali ang ipinapahayag ng
ikalawang pangungusap
__________43. a. Mahalagang makatotohanan ang panukalang proyekto at posible itong
maisakatuparan sakaling maaprubahan.
b. Kinakailangang isaalang-alang ang salaping gagamitin bago pumili ng anumang
panukalang proyekto sapagkat ito ang tutustos dito.
_________44. a. Sa pagsulat ng panukalang proyekto ay hindi na dapat pang idetalye ang mga
gawain sapat ng maipaalam mo ang kategorya ng iyong proyekto.
b. Hindi dapat maligoy at kagyat na paglalahad ng mga kinakailangang impormasyon
sa iyong proyekto
_________45. a. Sa pagsulat ng panukalang proyekto, isipin mo na nakikipag-usap ka sa iyong
kliyente at ang layunin mo ay itanghal ang iyong produkto o serbisyo upang kaniya itong
tangkilikin
b.Tiyaking lohikal ang pagkakasunod-sunod ng mga planong gawain upang maipakita sa
mag-aapruba ng panukalang proyekto na ito ay organisado at sigurado.
________46. a. Kung walang sapat na badyet o pondo ang inyong samahan ay hindi na
makagagawa ng panukalang proyekto sapagkat walang ibang paraan upang maisakatuparan ito.
b. Kapag naaprubahan na ang isang panukalang proyekto ay nararapat na ihanda ang mga
perang gagamitin at dagdagan ang presyo ng bawat materyales na gagamitin upang
magkakomisyon bilang bayad sa pagpapakapagod dito.
_________47. a. Ang Bionote ay maituturing na marketing tool. b. Kailangan na tapat sa binote upang
maisaalang-alang ang kredibilidad mo.
________48.

III. Basahin ang mga sumusunod na abstrak ng pananaliksik at tukuyin ang pananaw at
lapit pamamaraang ginagamit ng mananaliksik.Ipaliwanag ang sagot batay sa
pagbibigay ng maikling paliwanag ukol sa pagkakagamit ng nasabing pananaw at
posibleng ambag ng pananaliksik sa wika at kultura,at anong uri ng abstrak ang
ginamit dito.(15 puntos)

ABSTRAK
Layunin ng papel na ito na talakayin ang katangian ng Pinoy indie
alinsunod sa historikal na pagbalikwas nito at potensyal na gamit awtentiko at
makabuluhang materyales sa pagtuturo ng mga varayti ng wika at panlipunang
diskurso.Gayundin ,nilalayon ng papel na makapagmungkahi ng pedagohiyang
balangkas na may tumbukang lapit sa paglinang ng kritikal na pagiisip ukol sa pag-
uugnay ng pagkakaiba-iba ng wik at diskurso nito sa kalagayan ng Lipunang
Pilipino .Pokus bilang sampol sa papel ng pelikulang “Tribu” ni Jim Libiran na
susuriin gamit ang mungkahing balangkas na nakasentro sa pagtuturo ng
mahahalagang aspekto sa pag-aaral ng varayti ng wika ,kasabay ng pagsusuri sa
panlipunang diskurso nito sa tulong ng pangbanghay sa mga implikasyong
kultural,politikal,at ekonomikal sa mga sitwasyong pangwika sa pelikula .Sa huli ,ang
paglikha ng mga mag-aaral ng sariling maikling pelikula ang magsisilbing produkto
sa pagtataya ng pang-unawa at komunikatibong kasanayan na nalinang sa kanila sa
proseso ng pagsanib ng akademya at sining pambasa bilang makatuwang na pwersa
sa pagsasabansa ,ang unang hakbang sa pambansang pagpapalaya

“Varayti ng wika sa Pinoy Indie: Isang Mungkahing


balangkas sa Pedagohiang Kritikal Tungo sa Pagsasabansa ng Akademya at
Sining””
Jonathan Vergara Geronimo ,DALUMAT E-Journal ,Tomo 4(2013)

Pananaw ng
Pananaliksik:__________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Paliwanag:____________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Uri ng Abstrak:_________________________________________________________

Inihanda ni:
ROSHELL P. IBUS
Guro sa Filipino Tinala ni:
NIMFA A. ALAGAO
Principal III

You might also like