You are on page 1of 4

1. Alin sa mga sumusunod na layunin ang nasa afektib domeyn?

A. Nakabubuo ng isang dayalogong hango sa taludtod ng sang tula.


B. Naibibigay ang sariling pananaw hinggil sa isyung tinalakay.
C. Nahahango ang mensahe ng teksto at nailalapat ito sa aktwal na buhay.
D. Natataya ang kasiningan ng pagkakabuo ng pinanood na pelikula.
2. Alin sa mga sumusunod na set ng beheybyur ang nabibilang sa antas sintesis batay sa taksonomiya
ng layunin ayon kay Bloom?
A. Ilarawan, isalin, ipakahulugan
B. Ilapat, idayagram, tugunan
C. Bumuo, balangkasin, pag-ugnayin
D. Suriin, pangatwiranan, paghambingin
3. Alin sa mga sumusunod na layunin ang may pinakamataas na antas?
A. Nailalapat ang kahalagahan ng tekstong binasa sa sariling karanasan.
B. Nasusuri ang kwento ayon sa mga element, dulog at alituntunin.
C. Natutukoy ang pangunahing ideya sa mga detalyeng nasa teksto.
D. Nakabubuo ng lagom mula sa nakasaad na impormasyon.
4. Ano ang katotohanan sa likod ng konsepto ng pagkatuto ng wika?
1) Kapag ang isang tao ay may likas na kakayahan.
2) Kung ito ay nagmumula sa isang bunga ng panggagaya o panggagad ng pagsasalita.
3) Kung ito ay mula sa proseso ng pakikihalubilo sa kapwa.
4) Kapag tinanggap o pinag-aralan ito sa klase sa akademikong paraan.
A. 1 at 2 B. 3 at 4 C. 1, 2 at 3 D. 1, 2, 3 at 4
5. Tukuyin ang estratehiyang pangkatang pampagkatuto na natatampok batay sa mga sumusunod na
hakbang na ginagawa ng guro.
1) Inilalahad sa klase ang suliranin o paksa.
2) Nag-isip nang isahan ang mga mag-aaral.
3) Isang pares ng mga mag-aaral ang nag-isip tungkol sa suliranin o paksa.
4) Ibinahagi sa klase ang napag-usapan.
A. Think-Pair-Share B. Roundrobin C. Reading Roulette D. Jigzaw Reading
6. Bilang guro ng wika, madalas pinagpapahayag ni Gng. Austria ang kanyang mga mag-aaral batay sa
kanilang saloobin, persepsyon o pananaw. Sa tuwing makakarinig siya ng ilang pagkakamali hinggil
sa wastong paggamit ng balarila, hindi niya agad agad na itinatama ang mga ito nang hayagan
upang hindi mabalam ang pagkatuto at pag-unlad sa wika ng mga mag-aaral. Anong teorya ng
pagkatuto ng wika ang isinasaad nito?
A. Cognitivist B. Innativist C. Behaviorist D. Humanist
7. Kapag tumungo ka sa isang lugar at natutuhan mo ang wikang gamitin doon nang hindi mo
namamalayan, ito ay dahil sa prosesong ___________.
A. Akwisisyon ng wika C. pagkatuto ng wika
B. Adaptasyon ng wika D. language ego
8. Ang kaibigan mo ay dumating galing ng Amerika upang pansamantalang manirahan sa iyong
tahanan. Bilang kaibigan, ipamamalas mo sa kanya ang iyong kinagisnang kultura kaalinsabay ng
wikang iyong ginagamit. Ito ay malinaw na pagpapakita ng prosesong _________.
A. Enkulturasyon C. Kulturasyon
B. Akulturasyon D. Kulturarisasyon
9. Si Minda ay tubong Ilocos ngunit lumaki sa Japan. Pagkaraan ng ilang taon ay nagtungo ang pamilya
niya sa Pilipinas upang dito na manirahan at makapag-aral sa isang kilala at mahusay na
unibersidad. Samakatuwid, ang wikang Ingles na natutuhan niya sa kanyang paaralan ay tinatawag
na ________.
A. Unang wika B. ikalawang wika C. Ikatlong wika D. ikaapat na wika
10. Kapag ang isang mag-aaral ay nag-asam na makatuntong ng kolehiyo at pagkatapos ay magkaroon
ng isang matatag na trabaho na may mataas na sweldo dahil sa alam at ginagamit na wika, malinaw
na pagpapamalas ito ng anong anyo ng motibasyon?
A. Instrumental B. Reinforcement C. Kondisyunal D. Integratibo
11. Itinuturing na ang wika ay arbitraryo. Nangangahulugan ito na ito ay ___________________.
A. Napagkasunduan ng mga pangkat na gumagamit nito.
B. Tanggap ng mga gumagamit nito.
C. Isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog.
D. Mula sa mekanismo ng bibig na kabilang sa proseso ng pagsasalita.
12. Isang paraan ng pagpapayabong ng wika ay ang pagpapalit ng ilang tunog o ponema sa isang salita
upang makabuo ng panibagong salita at kahulugan. Ito ay ang mga ponemang segmental na _____.
A. Digrap B. pares minimal C. Diptonggo D. Ponemang malayang nagpapalitan
13. Ibigay ang pahiwatig ng sumusunod na pahayag sa tulong ng hinto o antala.
Hindi / ako ang kumuha.
A. itinatanggi B. inaako C. may itinuturong iba D. nagkakaila
14. Ang pagsisinungaling ay isang gawaing masama. Ang nakasalungguhit na salita ay nangangailangan
ng tuldik na _________.
A. Wala B. paiwa C. pahilis D. pakopya
15. Ang mga sumusunod ay katangian ng mabuting pagsasalaysay. Alin ang hindi nabibilang dito?
A. Makatawag-pansing pamagat
B. Makabuluhang paksa
C. Masalimuot na kawil ng mga pangyayari
D. Kawili-wiling simula’t wakas
16. Alin sa mga sumusunod ang may tamang pormasyon ng pantig?
A. tran-sak-syon B. tran-saks-yon C. trans-ak-syon D. trans-aks-yon
17. Ilang panlapi mayroon ang magdinuguan?
A. 1 B. 2 C. 3 D. 4
18. Alin sa mga sumusunod ang may tamang transkripsyong morpoponemiko sa salita na ang tinutukoy
ay gobyerno?
A. /pamahalaan/ C. /pamaha:laan/
B. /pama:halaan/ D. /pa:mahalaan/
19. Ang mga sumusunod ay salik na kailangan ng tao upang makapagsalita.
I. Pinanggalingan ng lakas III. Resonador
II. Artikulador IV. Tunog
A. I, II at III C. II, III at IV
B. I, III at IV D. I, II, III at IV
20. Basahin at unawaing mabuti ang kalagayang pangwika na nagaganap sa klase at tukuyin ang
pamaraang kaakibat nito sa pagtuturo ng wika.
Sa silid 104, na kung saan ang mga mag-aaral dito ay nagtataglay ng istilong authority-oriented na
pagkatuto at kadalasan, ang lahat ng gawaing pangklase ay nakasalalay o nakasalig sa guro bilang
tagapag-utos o tagapagpaganap ng mga gawaing pampagkatuto.
A. Suggestopedia C. Total Physical Response (TPR)
B. B. Silent way D. Natural Approach
21. Ibigay ang dalawang dahilan kung bakit itinuturo ang Filipino sa mga paaralang pang-Batayang
Edukasyon alinsunod sa tagubiling pangkurikulum.
I. Sapagkat ito ay bahagi ng kurikulum bilang isang sabjek pangwika
II. Upang magamit ang wika bilang pangklasrum sa iba pang sabjek na ginagamitan nito.
III. Nang sa gayun ay matugunan ang pangangailangang hinihingi ng Kagawaran hinggil sa
pagpapatupad ng patakarang pangwika
IV. Bilang pagharap sa mga hamon ng edukasyon lalo na sa mga tagubilin hinggil sa batayang
“Mother Tongue”
A. I at II B. I at III C. II at III D. III at IV
22. Alin sa mga sumusunod ang naging saligan ng batayang konseptwal sa pagtuturo ng Filipino sa lebel
sekondari?
1. Ito ay dapat nakapokus sa mag-aaral.
2. Ito ay nakatuon sa teorya ng pagkatuto at pagtuturo ng wika.
3. Ito ay nakasalig sa istrukturang gramatikal.
4. Ito ay nakapokus sa guro ng wika bilang sentro ng gawaing pagtuturo.

A. Tambilang 1 at 2 lamang C. Tambilang 1, 2 at 3


B. Tambilang 3 at 4 lamang D. Tambilang 1, 2, 3 at 4
23. Kung nais ng guro na gawing lunsaran ng kanyang aralin sa wika ang pagbeyk ng keyk, anong uri ng
teksto ang kanyang gagamitin?
A. Jornalistik C. Literari
B. Prosijural D. Referensyal
24. Bakit ka ba pawisang-pawisan? __________ mo ang pawis mo sa iyong mukha.
A. pahirin B. pahiran C. pahidan D. ipahid
25. Ating ________ ang kanyang kakayahan sa pagsulat ng maikling katha.
A. isubok B. subukin C. subukan D. masubok
26. Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari upang mabuo ang diwa ng talata.
1. Ibinalita ito sa kanyang ina.
2. Nalaman niya ang resulta mula sa radyo.
3. Naghanda sila ng kaunting salu-salo.
4. Tuwang-tuwa sila sa pagkakapasa ni Ana.
5. Nakapasa sa pagsusulit si Ana sa LET.

A. 5-2-1-4-3 B. 3-5-2-4-1 C. 2-5-1-4-3 D. 1-4-2-5-3


27. Kapag ang isang tao ay nagpahayag ng kanyang tayo o paninindigan hinggil sa isang isyu gamit ang
iba’t ibang batayan, ito ay nabibilang sa pahayag na _________.
A. Paglalahad B. pagsasalaysay C. paglalarawan D. pangangatwiran
28. Kung balbal ang pinakamababang antas ng wika, itinuturing naman na pinakamataas ang ________.
A. Lalawiganin B. teknikal C. kolokyal D. pampanitikan
29. Basahin at unawaing mabuti ang nakasaad na pahayag at tukuyin ang uri ng paglalahad nito.

Ang komunikasyon ay mabisa at mahalaga. Ang sinumang maghangad na maigapang ang sarili sa
lipunang ginagalawan ay gumagamit ng pinakabagong paraan ng komunikasyon.

A. Pagbibigay katuturan C. pagbibigay kahulugan


B. Paglalarawan D. pagtukoy
30. Isang uri ng pagsasalaysay na naglalayong makapagbigay at makapag-iwan sa mambabasa o
tagapakinig ng kailangang italang mga pangyayari.
A. Salaysay ng mga pangyayari
B. Salaysay na pangkasaysayan
C. Salaysay na paglalakbay
D. Salaysay na nagpapaliwanag
31. Splassshhh … Sa bawat pagsalpok ng alon sa may batuhan, sa bawat paghampas nito sa
dalampasigan. Anong tayutay ang ginamit na pahayag?
A. Transferred epithets C. Onomatopeya
B. Antithesis D. Alliteration
32. Alin sa mga sumusunod ang may tamang halimbawa ng tayutay?
A. Tulad mo’y isang alitaptap sa hangin – metaphor
B. Sampung palad ang sa aki’y nakaabang – apostrophe
C. Ang wakas ay isang panibagong simula ng isang pakikihamon – synecdoche
D. Bumabait … bumubuti ang kalagayan niya – metonomy
33. Anong anyo ng pangangatwiran ang tanging sa Pilipinas lamang mayroon at wala sa anumang
bansa?
A. Debate B. Balagtasan C. Pagtatalo D. Pep Talk
34. Ang mga sumusunod ay mga panuntunan sa pagkilatis ng isang salin ayon kay Tytler (1972) maliban
sa isa.
A. Ang isang salin ay kailangang katulad na katulad ng orihinal sa diwa o mensahe nito.
B. Ang estilo at paraan ng pagkasulat ay kailangang katulad ng sa orihinal.
C. Ang isang salin ay dapat na maging maluwag at magaang basahin tulad ng sa orihinal.
D. Isinasaalang-alang sa pagsasalin ang saloobin at pananaw ng tagapagsalin.
35. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng komunikatibong salin ayon kay New Mark (1991) maliban
sa isa.
A. Ang tuon ay sa tagasalin.
B. Matapat at mas Malaya.
C. Mabisa at magaang basahin.
D. Mas maliwanag.
36. Pag-ugnayin ang akda at ang kinakatawang rehiyon nito.
A. Pananambitan : Bisaya C. Badeng : Bikol
B. Pabanud : Pampanga D. Pahidlawas : Pangasinan
37. Isang kwentong rehiyunal na sumasalamin sa kahirapan ng buhay ng mga tao sa panahon ng
digmaan.
A. Ang Hunsoy (Cebu) C. Isang Hadis (Tausug)
B. Si Pingkaw (Hiligaynon) D. Piyon (Bikol)
38. Ang pangunahing tauhan sa patulang akdang Kapampangan na pinamagatang “ Ang Baho ng
Central” na isang amang mangingisda na namatayan ng anak bunga ng kahirapan dahil sa patuloy
na pagdumi ng dagat na pinagkukunan niya ng ikinabubuhay.
A. Berto B. Delfin C. Imo D. Sendong
39. Isang akdang rehiyunal na tumutukoy sa mga dasal at kabutihang loob para sa buhay na walang
hanggan kasama ang ilang panrelihiyong paniniwala ng Muslim.
A. Agyu C. Ang Hadis
B. Indarapatra at Sulayman D. Kulintang
40. Ayon sa akdang Bikol na pinamagatang “Piyon” ni Honesto M. Pesimo, Jr., ano ang ipinanalangin at
sinasambit ng piyon na sana ay lunurin ng tubig sa timba?
A. Kasalanan C. Kahinaan
B. Kasamaan D. Kahirapan
41. Ibigay ang damdaming napapaloob sa sumusunod na kaisipang halaw sa kwentong “Si Pingkaw”
A. Pagkainggit B. Pagkamakasarili C. Pag-iimbot D. Mapanghusga
42. Isang uri ng makabagong awit na kadalasan binibigkas nang patula ang bawat linya nito na
magkakatugma sa saliw ng isang naaangkop na tugtugin.
A. Acoustic B. Rock Music C. Rap D. Ballad

You might also like