You are on page 1of 3

Lit.

102 KULTURANG POPULAR

KABANATA 2: TULA

Inaasahang matutunan:
a. Natutukoy ang tula bilang halimbawa ng kulturang popular.
b. Nakasusuri ng isang napapanahong tula.
c. Nakasusulat ng isang halimbawa ng napapanahong tula bilang halimbawa ng kulturang popular.

Introduksyon

Sa panahon ngayon, marami na sa atin ang nakakagamit na ng mga gadyet na produkto ng Sa tulong
ng mga gadyet gaya ng cellphone, laptop, smartphone, at iba pa, Malaya tayong nakakapagpahayag ng ating
saloobin o damdamin at makapagbigay ng reaksyon sa pamamagitan ng facebook, instagram, tweeter,
blog/Vlogsites, youtube at iba pa.

Ang mga kabataan sa ating panahon at henerasyon ay bahagi ng lipunan na may mahahalagang gampanin.
Sila ang mga kinikilala bilang kabataang pag-asa ng bayan, mga kabataan na may kontribusyon sa
pagpapaunlad sa teknolohiya at modernisasyon sa bansa, gayundin ay mga kabataang gumagamit o
sumasalita ng wikang Filipino at Pinapaunlad pa ang paggamit nito.

Sa paglaganap ng mga makabagong teknolohiya, umusbong ang paggamit ng iba’t ibang klaseng mga
gadyet na kung saan mayroong internet, games, social media, texting at chatting. Dito na madalas nakatuon
ang kanilang pansin sa mundo ng online at texting, kaya naman napakadali na lamang ng komunikasyon ng
kabataan ngayon.

Abstrakyon

Ano ang Tula?

Ang Tula ay isa ring pagpapahayag ng damdamin, pagbibigay ng mensahe batay sa kanyang nakikita,
naririnig, nararamdaman at karanasan. Malaya nitong nassabi ang nilalaman ng puso’t isipan ng isang
manunulat at binibigkas ito ng may malambing at maamong pananalita.

Ang Tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga
saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtod. Ito ay may sukat at tugma o malaya man ay
nararapat na magtaglay ng magandang diwa at sining ng kariktan. Sinasabing may magandang diwa ang
isang tula kung may makukuhang magandang halimbawa dito. May sining ng kariktan naman kung ang mga
pananalitang ginamit ay piling-pili at naaayon sa mabuting panlasa.

Tara na’t simulan natin ang sesyon. T - ulang alay sa Frontliners sa Covid 19 ating basahin U - pang
kabayanihan nila ay kilalanin L – inya ng mga tula ay ating namnamin At marapat na isapuso at isaisip natin.

Alay sa mga Frontliners sa COVID -19


Malou Tiangco – April 6, 2020

(Para sa kawani sa kalusugan, lansangan, basurero, panadero/a, taga palengke, boluntaryo, tagapagpaganap
sa barangay, social workers, taga gawa ng batas, nagpapatupad ng batas, bumubutas sa batas, pamilya ng
mga pumanaw at lumalaban na wag pumanaw, tagadasal, nagsusulat at naglalathala, nagugutom at namatay
sa gutom dahil sa lockdown, atbp)
Sa inyo aming alay
Kayong nagliligtas ng buhay
Meron din kayong pangamba
Bagsik na dala ni Corona

Kayong humaharap  sa nakaambang panganib


Nanaig ang katapatan sa sinumpaang katungkulan
Kahit nasa bingit ng kamatayan
Usal na dasal makaligtas sana.

Gapiin ang kamandag ni Corona


Huwag magwagi bagsik ni Corona

Naririnig namin usal ninyong hiling


Taimtim na panalangin
Matapos na sana,  salot ni Corona
Matigil na ang mga palahaw ng mga naulila

Matigil na ang salot na dulot


Matigil na bumabalot na lungkot!
Naririnig namin, taimtim nyong panalangin
Mailigtas ang buhay, di na madagdagan dumaragsang bangkay…
Naririnig namin taimtim nyong  panalangin

Matapos na
Magapi na
Kamandag ni Corona
Upang makauwi naman
Makapiling mga mahal sa buhay!

Dalangin nyo,  tumatagos sa hangin


Dalangin nyo, aming naririnig
Sinasabayan  namin inyong panalangin
Sana’y   makamtan nga inyong hinihiling…
Matapos na
Magapi na
Kamandag ni Corona
Matigil na bumabalot na lungkot
Matigil na takot na dulot
Matigil na…!

https://www.mindanews.com/arts-culture/2020/04/tula-alay-sa-mga-frontliners-sa-covid-19/

Pagtataya sa Natutunan

1. Tukuyin ang mga elemento ng Tula.


2. Ibigay ang mga uri ng Tula at bigyang kahulugan bawat isa.
3. Paghambingin ang mga anyo ng Tula.
4. Magbigay ng sariling “Tip” sa pagsulat ng Tula.
5. Ipaliwanag ang mensahe ng Tulang “Alay sa mga Frontliners sa Covid-19. (15 puntos)
6. Anong kaisipan o damdamin ang nakapukaw sa iyo habang binabasa mo ito? (15 puntos)
7. Sumulat ng sariling bersyon ng Tula kaugnay sa Covid-19.

You might also like