You are on page 1of 4

TULA SA KONTEMPORARYONG PANAHON

KONTEMPORARYONG PANITIKAN SA PILIPINAS

 Ang panahon ng kontemporaryong panitikan sa Pilipinas ay nagsimula noong taong 1986. Ito
ang panahon ng paglaya ng mga Pilipino sa pamahalaang Marcos sa pamamagitang ng People’s
Power
 Sa panahong ito ay isinilang ang bagong uring Pilipinong marunong magmalasakit sa kapwa
kalahi at marunong magmahal sa sariling bansa hindi lamang sa salita kundi maging sa gawa.
 Ang mga karanasang pinagdaanan ng mga Pilipino mula sa panahon ng Batas Militar hanggang
sa mapayapang pakikibaka laban sa pinunong nagpairal nito ay siyang pinaghugutan ng
mahuhusay nating manunulat ng mga kuwento ng kanilang buhay at ng buhay ng kanilang
kapwa Pilipino na nakapagpayaman pa ng higit sa Panitikang Pilipino.
 Naglalaman ang panitikan ng mga kwento ng kasiyahan, tagumpay, pighati at kabiguan na
naisusulat sa iba’t ibang anyo ng panitikan gaya ng tula, awit, nobela, maikling kwento at iba pa.
 Ang pag usbong ng kontemporaryong panitikan noong panahon ng EDSA ay nagpatuloy
hanggang sa kasalukuyang bagama’t maaring naiba ang istilo o paraan ng pagkakasulat,
paggamit ng salita sa panitikan ay iyon at iyon pa rin ang pinagmulang ugat.

BALIK ARAL

TULA

Ang tula ay anyo ng panitikan at ito ay binubuo ng taludtod. Ang tula ay isang anyo ng panitikan na
nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay
binubuo ng mga taludtud. Ang tula ay pagpapahayag ng magagandang kaisipan at pananalita sa
pamamagitan ng mga taludtod. Ang kalipunan ng mga taludtod ay tinatawag na taludturan o saknong.
Ang tula ay nagpapahayag ng damdamin, kaisipan, gamit ng marikit na salita.

Mga Sangkap ng Tula

1. Sukat. Ang sukat ay bilang ng pantig sa bawat taludtod sa isang saknong. Ang bawat taludtod ay
maaaring magkaroon ng walo, labindalawa, labing-anim, o labingwalong pantig.

2. Tugma. Ang tugma ay pagkakatulad ng tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod. May dalawang
uri ng tugma:

a. Karaniwang tugma (ordinary rhyme). Kung ang bigkas na malumay at mabilis o malumi at maragsa ay
magkasama sa huling pantig ng mga taludtod sa isang saknong, ito ay karaniwang tugma.

b. Ganap na tugma (exact rhyme). Sa ganap na tugma, ang huling pantig ng bawat taludtod ay
nagtatapos sa isang tunog.

3. Kariktan. Ang kariktan ay kagandahan ng isipan at diwang inilalarawan sa tula. Kasama na rin ditto ang
kagandahan ng mga pananalitang pinili ng makata upang iangkop sa isipan o diwang ipinahahayag ng
mga taludtod.

4. Talinghaga. Ang talinghaga ay mga pahayag na may mga nakatagong kahulugan o di-tuwirang
tinutukoy. Maaaring ang sinasabing “naggagandahang bulaklak sa hardin ang aking daigdig” ay ang
magagandang dalaga sa kanyang ginagalawang lipunan.
KONTEMPORARYONG TULA
 Sa kontemporaryong panahon, iba't iba ang paksang nilalaman ng nilikhang tula ng mahuhusay
na manunulat. Tumatalakay ang iba sa bayan, pampamilya , pag-ibig at iba pa . Nakilala ang tula
nina Francisco Soc Rodrigo sa kanyang "Gitnang Bayan" at ""Himala ni Bathala" at ang
"Alambreng may Tinik" , "Bombang tubig" at "Usok na Malupit" ni Remi Alvares Alba.
MUSANG DAKILA

Ni Bernardo F. Ramos

Buti pa ang tao minsan lang mamatay

Subalit ang puso sadyang walang humpay

Humilom man ang sugat, hapdi’y titibay

Pagka’t ang pait, mananatiling buhay

Makalibong beses na akong nananagis

Nang dahil sa pag ibig na anong tamis,

Aking pandambana na walang kaparis,

Sinuklian ng hilahil at hinagpis

Panahon ng kabiguan ay lilipas

Na tigib ng pag asang hindi kukupas

Kalakip ng dalangin ng isang pantas

Nawa’y lumigaya ka sa iyong landas

Ang iyong tuwa’y magsisilbing tagumpay,

Sa pusong marangal na nahahandusay

Kahit na ang sakit ay nakamamatay

Makabagong Tula

1. Fliptop- Ang fliptop ay isang paligsahan ng mga rapper o mga taong gumagamit ng rap sa
pagsasalita. Ito ay may dalawang panig, bawat isa ay kailangang mag-rap sa loob ng isang
minuto o higt pa depende sa alituntunin ng laban. Sarisaring panlalait, pang-aasar at pang-
iinsulto ang laman ng rap na binabanggit ng mga kalahok. Maaaring maiklasipika ang fliptop sa
kontemporaryong panulaan sapagka’t ang bawat linya at pangungusap ng binabanggit ng mga
kalahok sa paligsahan ay kadalasang nagtatapos sa isang tugmaan. Gumagamit din ito kadalasan
ng tayutay, kariktan at iba pang paglalaro sa wika na siyang mas nagbibigay bisa sa linyang
binibitawan ng mga kalahok. Bagama’t kapapakinggan ito ng mga hindi kanais nais na salita ay
hindi pa rin natin maikakaila na napakalaki na ng naambag nito sa Panitikan ng Pilipinas
particular na sa panulaang Filipino.
2. Spoken Word Poetry- Ang spoken word poetry ay ang pagsasaad ng kwento sa pamamagitan ng
isang tula. Ang spoken word poetry ay isang anyo ng tula kung saan ang may-akda ay naglalahad
ng tula sa madlang tao sa pamamagitan ng pagsasalaysay o "narration" sa Wikang Ingles.
Kumpara isang sa normal na tula, mas malikhain at mapaghamong gawin ang spoken word
poetry.
Narito ang iba pang mga detalye ukol sa nasabing spoken poetry.

Ano nga ba ang Spoken Poetry?


 Ang spoken poetry ay isang anyo ng tula na may malikhaing pagsasaad ng kwento o
pagsasalaysay.
 Ang spoken poetry ay mas malikhain at mapaghamong gawin. Mas nakaaaliw rin itong
pakinggan.

Mahahalagang Payo sa Pagsulat ng Spoken Poetry

Upang makagawa ng isang maganda at maayos na spoken poetry, narito ang ilan sa mga tip na
maaari mong sundin ukol sa pagsulat ng spoken poetry:

1. Gumamit ng konkretong lenggwahe - kabilang dito ang mga matitingkad na imahe, tunog,
kilos, pakiramdam, emosyon, at iba pa.  Ang isang magandang spoken poetry ay nakakalikha
ng mayamang imahe sa isip ng mga nakikinig.
2. Gumamit ng pag-uulit - kabilang dito ang pag-uulit ng mga kaisipan o imahe sa spoken
poetry.
3. Gumamit ng mga rhyme para may elemento ng aliw at sorpresa sa iyong spoken poetry.
4. Gumamit ng iyong sariling saloobin. Ito ay upang makuha mo ang emosyon at pakiramdam
ng mga nakikinig.
5. Gumamit ng persona. Halimbawa, kung gagamit ka ng persona ng ibang tao, gamitin mo rin
ang opinyon nito kahit na ito ay iba sa opinyon mo.

You might also like