You are on page 1of 9

BALMACEDA, KHUR KEVIN B.

BS ARCHITECTURE IV

FINALS ACTIVITY 1
Ang Akdang Tula

Hikbi ng Anak ng Isang Bayani


ni Shella Abayon

Sa pag-agos ng luha
Kasabay ay panlulumbay
Hindi lubos akalaing
Buhay ng ama‘y magwawakas
Pagsapit ng bukang liwayway

Namulat kaming kapwa nami‘y nagdurusa


Sa kamay ng berdugo at pasista
Kamoplaheng uniporme‘y nabalot ng dugo
Ng aming kalahing sa pighati‘y nanlumo

Hindi siya nagkulang sa pagpapaalala


―Mahalin ang edukasyo‘t
Tumindig para sa kapwa
Kung nasa tama‘y hindi dapat matakot,
‗Wag mong hayaang ituring kang busabos.‖

Ngunit ako‘y nananaghoy


Bilin ni ama‘y alaala na lamang ng kahapon
Ang amang sa ami‘y kumakalinga
Malamig na bangkay nan g aming Makita

Mali bang tumindig para sa aming karapatan?


Mali bang mithiing iangat ang aming kabuhayan?
Kung tama‘y bakit ganito?
Bakit sa bawat pagtaas ng kamay
Kapalit ay buhay at itinuturing na kaaway?

Ama‘y marahil kinitilan niyo ng buhay


Ngunit prinsipyong ipinaglaban
Sa dugo nami‘y patuloy na mananalaytay
Patuloy na sisisbol dugong makabayan
Karapatan nami‘y aming ipaglalaban

Hanggang sa huli
Ama‘y larawan ng isnag bayani
Hindi lumisan, hindi tumakbo
Kahit alam niyang baril ng berdugo‘y uhaw sa kanyang dugo

Kanyang huling salita‘y sisiskapin naming isabuhay


―Para sa tribo, handa akong mamatay.‖
Pagsusuri ng Tula

Suriin ang tula Shella Abayon na pinamagatang Hikbi ng Anak ng Isang Bayani
gamit ang Sikolohikal na Pagdulog. Ang pagdulog na ito ay nakatuon sa pagsusuri ng
kalooban at kamalayan, ulirat, isip, diwa, kaluluwa ng isang tao na nakapaloob sa
akda.

1. Anong nakapagpapahikayat sa mga tauhang nabanggit sa tula?


“Para sa tribo, handa akong mamatay” isang linyang sumisigaw ng damdamin
at saloobin tungkol sa mga karanasang kanyang pinagdaanan. Naging
matibay ang kaluluwang lumaban at harapin ang mga pagsubok sa darating.
Naging uhaw sa hustisya at katarungan para sa sarili at para sa karamihan.

2. Ano ang saloobin ng persona tungkol sa kahirapan at kawalang katarungang


nangyayari sa lipunan?
Siya man ay matapang at puno ng determinasyon na ipagpatuloy ang
nasimulan ng kanyang ama, di maiiwasan na maramdaman ang sakit at
pagkadismaya sa mga salitang kanyang nabanggit. Siya ay mulat sa mga
bagay na di malalaman ng isang bata pa lamang.

3. Anong kamalayan ang pinupukaw ng persona sa mga Pilipino?


ang tindig ng bawat isa ay mahalaga at dapat ibinoboses at ilinalabas. Tayo ay
tumayo bilang isang matindig na kapwa at huwag matakot lumaban sa maling
Gawain ng mas nakakataas sa atin.

4. Aling pagkilos o pag-uugali ng mga tauhan sa tula ang alam nila at alin ang
hindi nila namamalayan?
Alam na alam ng mga tauhan sa tula na maaari silang tumindig at ipaglaban
ang kanilang mga karapatan. Na kung alam nilang tama ang kanilang alam di
dapat sila matakot na panindigan ito. Ang hindi nila namamalayan naman ay
ang pagiging matapat at pagiging masunurin nila bilang Pilipino, dahil di rin
naman sila pababayaan ng nakakataas kung wala silang masamang ginagawa.

5. Anong problema o pagsalungat ang masasalamin sa nabanggit na mga tauhan


sa tula?
Naging bunga ang karahasang nangyyari sa kanyang ama dahil sa mga
prinsipyong ipinaglaban ngunit hindi nagwagi. Kinailangang harapit ang pait ng
buhay. Mga mithiing pinagkait ng mga dayuhan kung saan buhay ang naging
kapalit.

6. Paano nasasalamin ng tula ang sikolohiya ng manunulat?


Sa buhay ng mga tao sa kasalukuyan ay dito nabibilang ang tula. Mga
karanasang walang hustisya ang kayang makapagligtas sa kanila. Ang pag-angal
sa tingin ay masama sa bayan ay tinuturing kang kaaway ng sarili mong
bansa. Boses moy di naririnig, nagbingibingihan ang nakataas dahil sila ang may
kapangyarihan habang ikaw ay isang simpleng mamamayan lamang.
7. Paano nakakaapekto ang mensahe ng tula sa iyong damdamin at kaisipan?
Tinapik ang aking kaisipan at damdamin at nagtanong sa sarili, “handa ka
bang mamatay para sa tama?”. minsan mahirap ipaglaban kung ano ang tama
kung kayat sa mali nalang tayo kumakapit. Kung tayo ay magiging ligtas. Ngunit
sa mensahe ng tula ay sinabing ipaglaban ang tama. Buhay mo at buhay ng iba ay
importante at walang karaptan ng iba na tuldokan ang pananalagi mo sa mundo.
Kahit ano ka pa dapat pantay-pantay ang pagtrato sa kapwa. Dahil mas magandang
tignan na ang sarili mong bansa ay kakampi ang tingin sayo.

FINALS ACTIVITY 2
PAGSULAT NG TULA
Input para sa Gawain
 Ang tula ay isang paglalarawan ng kaisipan, isang pagbabagong-hugis na
ipinararating sa damdamin, isang paghahayag ng kalikasan at buhay na
nakapupukaw ng emosyon, at isang pagsisiwalat ng mga tunay na karanasan
at pangyayari sa kapaligiran at sa lipunan. Sa pamamagitan rin ng tula,
nabibigyang katuturan ang nais iparating o ipahayag ng may-akda.
 Ang pagsulat ng tula ay maaaring gumamit ng sukat na may bilang ang
pantig ng bawat linya o malayang taludturan. Mayroon din itong pagtigil sa
pagbigkas sa dulong pantig sa loob ng isang taludtod na tinatawag na sesura.
May mga saknong, tugma, tayutay, at simbolo na angkop na gamitin sa
pagsulat ng tula.

Disenyo ng Gawain

1. Paghahanda: Maghanap ng mga artikulo, balita, o personal na karanasan na


may kinalaman sa diskriminasyon na nararanasan ng mga katutubo at mga
frontliners sa panahon ngayon . Maaaring gamitin ang mga ito bilang
inspirasyon sa inyong tula.
2. Pagsulat ng Tula: Sa isang malinis na papel o dokumento sa inyong
computer, magsulat ng isang tula na nagpapahayag ng inyong saloobin at
pananaw hinggil sa mga isyung ito. Ang tula ay dapat na may hindi bababa sa
16 na taludtod.
3. Pagrerebisa: Basahin ang inyong tula at siguraduhing ito ay may malinaw na
mensahe at nagpapakita ng inyong malalim na pang-unawa sa isyu.
4. Pagbabahagi: Ibahagi ang inyong tula sa klase sa pamamagitan ng pagbabasa
nito nang malakas o pagpapasa ng isang kopya sa inyong guro.
5. Pagninilay-nilay: Pagkatapos ng lahat, gawin ang isang maikling pagninilay-
nilay tungkol sa inyong karanasan sa pagsulat ng tula. Ano ang mga bagay na
natutunan mo? Paano ito nakatulong sa iyong pang-unawa sa isyu ng
diskriminasyon?
Layunin ng Gawain:
1. Maipahayag ang saloobin o pananaw ng mga mag-aaral tungkol sa
pangkasalukuyang isyung panlipunan at diskriminasyon na nararanasan ng
mga
frontliners sa pamamagitan ng pagsulat ng tula.
Panuntunan sa Gawain:
1. Sasabihin ng guro sa mga mag-aaral na manood ng balita mula sa telebisyon
o magbasa ng mga balita mula sa internet ng mga nararanasan ng mga
frontliners na pagkakasakit at diskriminasyon sa paglaban sa Covid 19
pandemic.
2. Ang mga katanungan at pagliliwanag tungkol sa gawaing Pagsulat ng Tula o
Awit ay magaganap sa binuong group chat sa Messenger.
3. Ang panuntunan sa pagsulat ng tula o awit ay ang sumusunod:
a. Mag-isip ng angkop na pamagat sa gagawing tula o awit.
b. Gumawa ng lima (5) hanggang anim (6) na saknong ng tula na may
aapating linya o taludtod at may sukat na lalabingdalawahing (12) pantig
tugma sa dulo ng bawat linya.
c. Gumamit rin ng simbolismo at tayutay upang maipahayag ng may
kariktan at lalim ang mga damdamin sa gagawing tula.
d. Itatayp ng mga mag-aaral ang kanilang nabuong tula sa isang buong A4
bond paper gamit ang Times New Roman font size 12, na may 1.5
spacing, at center alignment.
“Ako ang taya”

Sa pagtakbo ng buhay ay nagbabago


Bukas, sa makalawa di sigurado
Maniniwala ka ba kapag nakita?
Ilalaban mo pa ba kung talo kana?

Nakasara, nakatali sa upuan


Di makausad, nakagapos sa buhay
Nagtitiis, nagtitimpi sa emosyon
Hindi iiyak, ang takot ibabaon

Pinanghuhugutan ng lakas, nasaan?


Mga taong sigaw ay iyong pangalan
Yung salitang ako ay nagiging ikaw
Nasaan ang pagod sa pangaraw-araw?

Pinaliban ang sariling kasiyahan


Inuna ang iba, ako ang kailangan
Inabot ang kamay, pinagkakapitan
Pawis at dugo ay ginawang puhunan

Luha tinutuyo, wag maging mahina


Tingin ng iba ay dapat malakas ka
Mga Ngiti nila naging bitamina
Sana bukas makalawa, matapos na
Rubriks sa Pagsulat ng Tula:
Nilalaman: 10 puntos
Simbolismo at Tayutay:5 puntos
Sukat at Tugma:5 puntos
Orihinalidad: 5 puntos

FINALS ACTIVITY 3

PANITIKAN HINGGIL SA DIASPORA/MIGRASYON


Bayan Ko ni
Jose Corazon
De Jesus

Ang bayan kong Pilipinas


Lupain ng ginto‘t bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad Nag-alay ng ganda‘t dilag.
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka Nasadlak sa dusa.
Ibon mang may layang lumipad kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas!
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko‘t dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya.

SA
PAMILIHAN
NG PUSO ni
Jose Corazon De
Jesus

Huwag kang iibig nang


dahil sa pilak pilak ay may
pakpak dagling lumilipad
pag iniwan ka na, ikaw‘y maghihirap.
Huwag kang iibig nang dahil
sa ganda ganda‘y
nagbabawa kapag tumanda
na
ang lahat sa mundo‘y sadyang nag-iiba.
Huwag kang iibig sa
dangal ng irog kung ano
ang tayog siya ring
kalabog
walang taong hindi sa hukay nahulog.
Huwag kang iibig dahilan sa nasang
maging masagana
sa aliw at tuwa
pagkat ang pag-ibig ay di nadadaya…
Kung ikaw‘y iibig ay yaong gusto mo
at mahal
sa iyo
kahit
siya‘y
ano,
pusong-puso lainang ang gawin mong dulo.
Kung ikàw‘y masawi‘y sawi kang talaga
ikaw na suminta
ang siyang magbata;
kung maging mapalad, higit ka sa iba.
Sa itong pag-ibig ay
lako ng puso di
upang magtubo
kaya sumusuyo
pag-ibig ay hukay ng pagkasiphayo.

Ating Pag-usapan
1. Sa mga akdang tula ni Jose Corazon De Jesus, anong ideya ang pumapasok sa
isip mo na nais sabihin ng may akda na may kaugnayan sa diaspora o migrasyon?
Anong masasabi mo dito? May katotohanan ba ang mga binabanggit ng may
akda? Ano-ano ang mga patunay mo?
Sa aking opinyon, ang ideyang pinararating ng tula ay di na naayon sa
panahon ngayon. Hindi dahil sa may akda kundi dahil sa mga ppangyayaring
naidulot ng pagbabago sa bansa. Pagiging pilipino ay hindi matatanggal kung
ang nais ang mangibang bansa. Isa ako sa mga anak na ang mga magulang ay
nagsakripisyo sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang buhay. Hindi sa
pagkamuhi sa sariling bansa kundi naghahangad ng magandang buhay na
hindi kayaang mahanap sa lupang sinilangan.

2. Sa araw araw na laman ng balita ang mga kwento tungkol sa mga


nangingibang bansa, anong balita ang natatandaan mo na umantig ng puso mo?
Bakit? Ano kayang naging problema? May naisip ka bang pwedeng ipayo o
suhestyon para sa pangyayaring iyon?
Ibabase ko nalang sa aking karanasan bilang anak ng hiwalay na magulang.
Sa kwento ng aking mga magulang nagkaron ng problema. Ang isa may
pangarap at yung isa nakontento. Sa aking palagay ay ang naging problema ay
walang komunikasyon o pagunawa sa isat-isa kaya sila humantong sa ganong
sitwasyon. At bilang anak diko nagawang sollusyonan ang sarili naming
problema. Kayat kahit doon na napunta ay sana sa huli magkaayos paring ang
magkabilang panig.
3. Ano-anong mga solusyon ang naiisip mo upang malabanan ang problemang
dulot ng migrasyon o diaspora?
Magkaroon ng maayos na pagpapatakbo sa mga oridinansa at batas sa ating
bansa. Isipin ang nakakabuti sa nakararami at huwag lang ang bulsa ang
nakikinabang. Makipagsabayan sa karating bansa sa pagunlad ng pamumuhay ng
kanilang mamamayan. Kung gayon walang pamilyang masisira dahil sa pagalis sa
sariling bansa.
4. May kakilala ka ba na nakipagsapalaran sa ibang bansa o ibang bayan? Anong
nangyari? Anong aral ang matutunan natin sa karanasan niya? Paano natin ito
maiuugnay sa ating sarili?
Nasabi ko nga ang aking mga magulang. Sa katagalan ay naghiwalay dahil sa
hindi pagkakaintindihan. Sila nagpatunay na walang magiging permanente sa
mundo. Kung kayat patibayan ng loob at palakasan ng pakiramdam sa pagharap sa
buhay. Pagbutihin lagi dahil sarili mo lang din ang iyong kakapitan sa dulo. Ikaw
mismo ang magaangat sa iyong sarili. Ngunit huwag kalimutang magpakumbaba at
lumingon sa pinanggalingan.

Itatayp ng mga mag-aaral ang kanilang nabuong tula sa isang buong A4 bond
paper gamit ang Times New Roman font size 12, na may 1.5 spacing, at justify
alignment.

Rubrik para sa pagsusuri ng tula (Finals Activity 1&3):

Nangangailan
Katanggap-
Mahusay Magaling gan ng
Kategorya tanggap
(25puntos) (20puntos) Pagpapabuti
(15puntos)
(10 punto)

Ang tula ay Ang tula ay


Ang tula ay
may nagpapakita
nagpapakita Ang tula ay
malinaw na ng pang-
ng ilang hindi
mensahe at unawa sa
pang-unawa nagpapakita
nagpapakita isyu ng
sa isyu ng ng malinaw na
Nilalaman ng malalim diskriminasy
diskriminasy pang-unawa
na pang- on, ngunit
on, ngunit sa isyu ng
unawa sa ang mensahe
ang mensahe diskriminasyo
isyu ng ay hindi
ay hindi n.
diskriminasy gaanong
malinaw.
on. malinaw.

Pagsulat Ang tula ay Ang tula ay Ang tula ay Ang tula ay


may may may ilang hindi malinaw
Nangangailan
Katanggap-
Mahusay Magaling gan ng
Kategorya tanggap
(25puntos) (20puntos) Pagpapabuti
(15puntos)
(10 punto)

malinaw na
malinaw na
estruktura, na na-
estruktura at
malinaw na ngunit istraktura,
ilang
estruktura, kulang sa hindi
malikhain na
malikhain, at malikhain na malikhain, at
aspeto,
walang mga aspeto at may
ngunit may
error sa may maraming
ilang mga
gramatika o maraming mga error sa
error sa
ispeling. mga error sa gramatika o
gramatika o
gramatika o ispeling.
ispeling.
ispeling.

Ang tula ay
Ang tula ay Ang tula ay
nagpapakita Ang tula ay
nagpapakita nagpapakita
ng kaunting hindi
ng malalim ng ilang
personal na nagpapakita
na personal personal na
koneksyon ng personal na
Pagpapahay na koneksyon
sa isyu at koneksyon sa
ag ng Sarili koneksyon sa isyu at
nagpapahaya isyu o
sa isyu at nagpapahaya
g ng nagpapahayag
nagpapahaya g ng ilang
kaunting ng orihinal na
g ng orihinal orihinal na
orihinal na pananaw.
na pananaw. pananaw.
pananaw.

You might also like