You are on page 1of 8

March 22, 2024

Ikalawang Markahan – Modyul 3


(Tulang Pandamdamin mula sa England)

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Naibibigay ang puna sa estilo ng napakinggang tula (F10PN-IIc-d-70)

II. MGA LAYUNIN

a. Nalalaman ang mensaheng nais ipabatid ng Tula Binasa.


b. Naiuugnay ang ilang pangyayari sa sariling karanasan.
c. Nakagagawa ng malayang tula batay sa binasang Tula.

III. PAKSA

Paksa:”ANG AKING PAG-IBIG”


Sanggunian: https://www.youtube.com/watch?v=hWPpfieQbf8
Kagamitan:Power Point Presentation
IV. CORE VALUES

ARALIN ANG AKING


1 PAG-IBIG
Ang aralin 1 ay naglalaman ng akdang “Ang Aking Pag-ibig” mula sa Italy na
isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago. Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa
kahalagahan ng angkop at mabisang paggamit ng matatalinghagang pananalita
sa pag-unawa mo sa tula na tatalakayin gayon din ang paraan ng paglalarawan
nito. Sa araling ito matatagpo mo ang isang uri ng panitikang ikalalawak ng iyong
kaalaman at kaugalian sa lipunan, sa bayan, sa pamilya at sa iyong kabuuan
bilang isang tao.

Ating Subukin !

Panuto: Piliin ang titik na may pinakaangkop na sagot at isulat ito sa hiwalay na
papel.

1. Isang uri ng tula na ipinapahayag ang mga saloobin at damdamin ng makata.

A. tulang pasalaysay B. tulang patnigan C. tulang liriko D. tulang padula

2. Isang uri ng tula na nagmula sa Italy na may labing-apat na taludtod at


sampung pantig sa bawat taludtod.

A. alegorya B. haiku C. soneto D. tanaga

3. Anong uri ng pag-ibig ang nais ipahiwatig ng tulang “Ang Aking Pag-ibig?”

A. pag-ibig sa ama/ina B. pag-ibig sa kaibigan C. pag-ibig sa kapatid D. pag-ibig


a kasintahan/ asawa

4. Ang sumusunod ay mga halimbawa ng tulang liriko o pandamdamin liban


sa______.

A. elehiya B. epiko C. oda D. soneto

Para sa bilang 5-6

Iniibig kita nang buong taimtim,


Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubo- isipin

Yaring pag-ibig ko’y katugon,


kabagay Ng kailangan mong kaliitliitan,
Laging nakahandang pagutos-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.
-Ang Aking Pag-ibig

5. Alin sa sumusunod ang katangiang hindi taglay ng persona ng tula?

A. mapagtiis B. mapagkumbaba C. masayahin D. mapagmalasakit

6.Ipinahahayag ng persona sa tula ang kanyang pagmamahal at pagsinta sa


taong kanyang iniibig sa pamamagitan ng ___.

A. pagsasalarawan ng tunay na pag-ibig


B. paghahambing nito sa iba’t ibang bagay
C. paglalahad ng mga pangyayari sa buhay nila
D. pagpapahiwatig ng nararamdaman

7. Ang sumusunod ay ang papgpapakahulugan ng tula liban sa____

A. Ang tula ay isang panitikan na may matatalinghagang pagpapahayag ng


isipan at damdamin.
B. Ang tula ay nasa anyong tuluyan
C. Ito ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika
sa ibat- ibang anyo at estilo.
D. Maitutulad sa awit ang isang tula.

8. Alin sa sumusunod na mga tula ang may tiyak na sukat at tugma?

A. oda B. elehiya C.elehiya D. soneto

9. Sa awit na “Awit Kay Inay” anong damdamin ang lumulutang para sa mga ina?

A. pagdadalamhati B. pagkabigo C. pangungulila D. pagmamahal

10. “Malibing ma’y lalong iibigin kita” Ano ang nais ipahiwatig nito?

A. Tunay na pag-ibig B. Wagas na pag-ibig C.Pag-ibig na walang kapantay D.


Kadakilaan ng pag-ibig

11. “Iniibig kita nang buong taimtim, Sa tayog at saklaw ay walang kahambing”
Ito’y nangangahulugan ng___
A. tunay na pag-ibig B. Wagas na pag-ibig C. pag-ibig na walang kapantay D.
kadakilaan ng pag-ibig

12. “Walang inang matitiis ang isang anak, Ika'y dakila at higit ka sa lahat” Ano
ang ipinahihiwatig ng taludtod na ito?

A. Tunay na pag-ibig B. Pag-ibig na walang kapantay C. Wagas na pag-ibig D.


Kadakilaan ng pag-ibig

13. Ayon sa tula ano ang pinakadakilang bagay sa lahat?

A. kayamanan B. pamilya C. buhay D. pag-ibig

14. Ang mga sumusunod ay naglalahad ng mga katangian ng tulang


pandamdamin/ liriko liban sa_____

A. puno ng masisidhing damdamin ng tao


B. itinatampok ng may-akda ang sariling karanasan
C. nagsasalaysay ng kabayanihan ng tauhan sa tula
D. nasasalamin ang karanasan at guniguni ng may-akda

15. Alin sa mga sumusunod ang nagtataglay ng kahulugan ng tulang soneto?

A. tulang damdamin na may labing-apat na taludtod


B. tulang pumapaksa sa simpleng paraan ng pamumuhay
C. tula ng pamamanglaw at kahapisan sa isang minamahal
D. tulang nagsasalaysay ng kabayanihan ng isang tauhan

ANG AKING PAG-IBIG


(How Do I Love Thee-Sonnet XLIII ni Elizabeth Barret Browning Isinalin sa
Filipino ni Alfonso O. Santiago)

Ibig mong mabatid, ibig mong malaman


Kung paano kita pinakamamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan,
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.

Iniibig kita nang buong taimtim,


Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.
Yaring pag-ibig ko’y katugon,
kabagay Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.

Kasinlaya ito ng mga lalaking


Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.

Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin,


Tulad ng lumbay kong di makayang bathin
Noong ako’y isang musmos pa sa turing
Na ang pananalig ay di masusupil.

Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay


Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
Na nang mangawala ay parang nanamlay
Sa pagkabigo ko at panghihinayang.

Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,


Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
At kung sa
Diyos naman na ipagtalaga Malibing ma’y lalong iibigin kita.

Ating Suriin!
Ang tula ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang
damdamin sa malayang pagsusulat. Mababasa sa mga tula ang mga kaisipang
naglalarawan ng kagandahan, kariktan at kadakilaan. May apat na pangkalahatang uri
ang tula: tulang pandamdamin o tulang liriko, tulang pasalaysay, tulang padula at
patnigan. Ang soneto na iyong binasa ay nasa anyo ng tulang pandamdamin o tulang
liriko. Ito ay may tiyak na sukat at tugma na kailangang isaalang-alang. Binubuo ito ng
labing-apat na taludtod at sampung pantig sa bawat taludtod.

Mga gabay na tanong?

1. Tungkol saan ang awit na iyong napakinggan?


2. Anong uri ng tula ang iyong napakinggan?
3. Bakit itinuring ng may-akda na nag-iisa lang sa mundo ang kanyang ina?
4. Punong-puno ba ng pag-ibig ang nilalaman ng tula/kanta? Patunayan ang sagot
5. Anong konklusyon ang nabuo sa iyong imahinasyon matapos mong mapakinggan
ang nasabing awit?
6. Paano ipinamalas ng may-akda ang masidhing pagmamahal sa kanyang tula?
7. Ano ang pag-ibig na tinutukoy ng makata sa tulang Ang Aking Pag-ibig?
8. Anong paraan ang ginamit ng makata upang maging mabisa ang kanyang tula?
9.. Ayon sa Bibliya may tatlong bagay na mananatili: ang pananampalataya, ang pag-
asa, at ang pag-ibig; subalit pinakadakila sa mga ito ang pinakahuli, ang pag-ibig.
Ipaliwanag kung bakit itinuturing na pinakadakila sa lahat ang pag-ibig?

Ating Isaisip !
Mahusay ang ipinakita mong tiyaga upang matutuhan at maunawaan ang araling ito.
Bilang pagsubok sa iyong pag-unawa ng aralin, punan ang mga sumusunod na
diyalogo batay sa iyong natutuhan sa aralin.

G Sa araling ating
tinalakay, ano ang Ang pinagkaiba ng
pinagkaiba ng soneto sa soneto ay…
ibang uri ng tula?

Ano-ano ang dapat Dapat isaalang-alang sa


isaalangalang sa pagsulat ng tula ang
pagsulat ng isang tulang
liriko?

PAGYAMANIN!
Panuto: Bigyan ng kahulugan ang tulang PAG-IBIG batay sa iyong sariling karanasasn.
PAGIBIG

ISAGAWA!
Panuto:Gumawa ng isang malayang tula na ang paksa ay “Ang Aking Pag-ibig”.Isulat
sa isang buong papel.

PAMANTAYAN PUNTOS
ANYO 10
Pagsunod sa uri at anyong hinihingi o
ipinasususlat
BALARILA 5
Wastong gamit ng wika , bantas , Baybay
PAGKAMALIKHAIN 5
Katangi-tangi estilo sa pagsulat
NILALAMAN 10
Lawak at lalim ng pagtalakay sa paksa

Tayahin !

Tama o Mali Panuto: Isulat sa sagutang papel ang letrang T kung ang pahayag ay tama
at M naman kung ito ay mali.
_____1. Ang paksa ng tula ay tumutukoy sa kabuuang kaisipan ng tula.
_____2. Ang tema ng tula ay tumutukoy sa matatalinghagang pananalita at kariktan ng
tula.
_____3. Ang paksa ng tulang “Ang Aking Pag-ibig” ay tungkol sa mapait na karanasan
ng may-akda sa pag-ibig.
_____4. Ang paksa ng tula ay kinakailangang hango sa buhay o sariling karanasan ng
makata.
_____5. Sa pagsulat ng isang tula kailangang hitik sa mensahe na ipinapahayag sa
kakaunting mga salita.
_____6. Mahigpit na ipinagbabawal ang mga paksang halaw lamang sa imahinasyon o
guniguni ng makata, kinakailangang batay sa namasid o naranasan ng makata.

You might also like