You are on page 1of 7

ANG AKING PAG-IBIG

(How Do I Love Thee-Sonnet XLIII ni Elizabeth Barret


Browning Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago)
Ang Aking Pag-ibig…
Ibig mong mabatid, ibig mong malaman
Kung paano kita pinakamamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan,
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.

Iniibig kita nang buong taimtim,


Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.
Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay
Ng kailangan mong kaliit-liitin,
Laging nakahandang pag-utus-utusan.
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.

Kasinlaya ito ng mga lalaking


Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.

Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin,


Tulad ng lumbay kong di makayang bathin
Noong ako’y isang musmos pa sa turing
Na ang pananalig ay di masusupil.
Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay
Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
Na nang mangawala ay parang nanamlay
Sa pagkabigo ko at panghihinayang.

Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,


Ngiti, luha, buhay at akong hininga!
At kung sa Diyos naman sa ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita.
Alam mo ba na…
 Ang tula ay isang anyo ng panitikan na may
matalinghagang pagpapahayag ng isipan at
damdamin? Mababasa sa mga tula ang mga kaisipang
naglalarawan ng kagandahan, kariktan, at
kadakilaan.

 Isa sa elemento ng tula ay ang kariktan. Ang kariktan


ang tumutukoy sa paggamit ng matatalinghagang
salita, mga salitang may malalalim na ibig
ipakahulugan at mga tayutay tulad ng pagwawangis,
pagtutulad, at iba pa.
 May apat na pangkalahatang uri ang tula: tulang pandamdamin
o tulang liriko, tulang pasalaysay, tulang padula at tulang
patnigan.

 Ang Aking Pag-ibig ay isang soneto na nasa tulang


pandamdamin o tulang liriko. Ang soneto ay isang uri ng tula na
nagmula sa Italya na may labing apat na taludtod at sampung
pantig sa bawat taludtod. May tiyak sa sukat at tugma na
kinakailangang isaalang-alang ng mga manunulat.

 Malalim na pag-iisip at mayamang karanasan ang


nakakaapekto sa isang manunulat upang makabuo ng isang
mahusay na likhang sining. Kung kaya’t ang mga soneto ang
mga soneto ay kinapapalooban ng damdamin ng isang
manunulat. Ang bawat taludtod nito sa karaniwang damdamin
at kaisipan ay nagpapakilala ng matinding damdamin.

You might also like