You are on page 1of 17

Para sa iyo, ano ang sinisimbolo ng

regalo?
 Pangkat 1
1. Ilarawan ang mga katangian ng dalawang
tauhan sa kuwento. Paano nila ipinamalas ang
masidhing pagmamahal sa isa’t isa? (Gawain 6, p.222)

2. Dala ng kahirapan kaya naging suliranin nina


Jim at Della ang paghahanda ng pamasko sa isat isa. Sa
iyong palagay, makatuwiran ba ang ginawa nilang
paraan upang malutas ang kanilang suliranin?
Pangatuwiranan.
 Pangkat 2
4. Ano ang makabuluhang kahulugan ng pagbibigayan
ng regalo sa Pasko ang ipinakita sa maikling kuwento?
Patunayan.

5. Sa iyong palagay, maisasakripisyo mo ba ang mga


bagay na mahalaga sa iyo mapaligaya mo lamang ang
iyong mahal? Ipaliwanag.
 Pangkat 3
6. Anong mahalagang ari-arian ang isasakripisyo mo
alang-alang sa kaligayahan ng taong mahal mo?
Ipaliwanag.

7. Anong mahahalagang mensahe/kaisipan ang


ibinibigay ng akda? Magbigay ng tiyak na mga
halimbawa kung papaano mo ito isasabuhay. Gamitin
ang dayagram sa pahina 223 sa pagsagot.
 Pangkat 4

(Gawain 7)
 Itinuring na marurunong ang tatlong haring mago na
nag-alay sa sabsaban. Ihambing ang kaugnayan ng
mga tauhang inilarawan sa maikling kuwento sa
Tatlong Haring Mago na pinagbatayan ng akda.
Ipakita ito sa pamamagitan ng Comparison Organizer.
Gayahin ang pormat sa pahina 223 ng LM sa sagutang
papel.
 Pangkat 5

(Gawain 9)
Balikan ang mga pangyayaring isinalaysay sa akda.
Gamit ang grapikong representasyon, tukuyin ang mga
makatotohanan at di-makatotohanang pangyayaring
binanggit at magbigay ng reaksiyon tungkol dito.
-ang tawag sa pandiwa kung ang lunan,
bagay o maging ng tao na ginaganapan
ng pandiwa ang paksa o simuno ng
pangungusap. Ginagamit sa
pagpapahayag ng pokus sa ganapan ang
mga panlaping makadiwang -an/-han,
pag-an/-han, mapag-an/-han, paki-an/-
han, at ma-an/han.
– ang pokus ay nasa lokasyon.
Ang paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa
pangungusap; sumasagot sa tanong na “saan?”.
[pag-/-an , -an/-han , ma-/-an , pang-/-an , mapag-/-
an]
Hal:
1. 1. Pinagtaniman namin ang bukiran ng maraming
gulay.
2. 2. Pinuntahan ni nanay ang kusina ng bahay para
magluto ng masarap na ulam.
3. 3. Ang tindahan ang pinagbilhan ni Rosa ng bulaklak.
4. 4. Pinadausan ng paligsahan ang bagong tayong
entablado.
-ang tawag sa pandiwa kapag ang paksa o
simuno ay nagpapakilala ng sanhi o dahilan
ng kilos. Ginagamit sa pokus na ito ang mga
panlaping makadiwang i-, ika-, at ikapang-.

Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng


kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot
sa tanong na “bakit?”.
Hal:
1. Ikinatuwa namin ang pagluluto ng masarap
na ulam ng aming nanay.
2. Ikinatuwa ni Ynez ang pagbili ng rosas ng
kanyang nobyo para sa kanya.
3. Ikinalungkot ng bata ang hindi nila
pagkikitang mag -anak .
Isa ka sa mga Artists Guild at ikaw
ay inatasang magpakita ng isang tableau
tungkol sa temang, “Ang Pasko sa mata
ng isang Bata” na ipalalabas sa bisperas
ng Pasko bilang bahagi ng Christmas Eve
Mass sa inyong parokya.
Ang tableau ay isang masining na
pagkakahanay ng mga tauhan na parang
isang larawan.
 Pamantayan

 Mensahe/Kaangkupan sa Tema 10
 Kahusayan sa Pagtatanghal 10
 (Pag-arte/Ekspresiyon ng mukha) 10
 Paglalarawan sa Set (Production set/Props) 5
 Kasuotan 5
 Kawilihan 10

Kabuuan 50 puntos

You might also like