You are on page 1of 3

1.

Pamagat
Ang tulang ito ay tungkol sa isang taong patuloy na nagmamahal at nahanap ang walang
kondisyong pag mamahal sa isang tao.

2. May akda
Ang sumulat nito ay kilala sa pangalang 'our unspoken thoughts' siya ay isang magaling na
manunulat ng tula sa internet.

3. Anyo ng panitikan
Ang "IKAW" ay kabilang sa anyo ng panitikang patula. Ito ay tulang padamdamin at
naglalaman ng damdaming pansarili ng kumatha o ng ibang tao.

4. Elemento ng tula

a. saknong
ang tulang "ikaw" ay binubuo ng walong saknong at binubuo ng walong taludtod at may tugma.

Ang unang saknong, ay nangangahulugang nagmamahal.


"Ang nagpapakalma ay Ikaw,
Sa tuwing saya'y nananakaw.
Nagbibigay liwanag ay Ikaw,
Sa tuwing nais nang bumitaw."
Ang ibig sabihin nito ay nahanap nya sa isang tao ang pahinga at pagmamahal na walang
katumbas.

Sa pangalawang saknong inilarawan nya kung ano ang pagmamahal at kung ano ang totoong
sya sa tuwing kasama nya ang kanyang minamahal. Ang nag sisilbing salamin ay
nangangahulugang kaya nyang magpakatotoo sa harap ng kanyang minamahal " ikaw ang
nagsisilbing salamin, kung saan kaya kong umamin"

Sa ikatlong saknong, siya ay nagawang makaramdam ng pagdududa sa sarili sapagkat alam


niya na hindi sya naging totoo sa kaniyang sarili kahit na nariyan ang kanyang minamahal
upang mahalin sya ng buo.

“ Tunay na alam mong 'di ako ito, Dahil ang saya ko ay wala dito.
Paumanhin sa aking pagkabigo,
'Pagkat hindi napigilan ang dugo“ pinapahiyag dito ang kaniyang pag papaumahin dahil sa
kanyang pag ka bigo dahil hindi niya napigilang ipakita ang kanyang nadarama, at dahil alam
nya na hindi sya masaya.

Sa ikaapat na saknong, natutunan na niyang tanggapin ang kanyang sarili. Niyakap na’t
tinanggap ang kalungkutan na kanyang nadarama upang siya ay makasabay na sa daloy ng
buhay at mundo.

B. Sukat
Ang tulang "Ikaw" ay may tugma ngunit walang sukat. Ang bawat taludtod ay may iba’t ibang
pantig.
D. Tugma
Ang manunulat ng tula ay mahusay sapagkat ang tula ay may tugma sa isa’t isa kaya ang
kinalabasan ng tula ay sadyang masarap pakinggan.

E. Tono
Ang tulang “ikaw” ay punong puno ng pagmamahal. Ang tono nito ay mararamdaman mo ang
isang taong labis labis ang pagmamahal sa isang tao.

F. Simbolo
May isang simbolo lamang na ginamit sa tula.

Ang tulang "IKAW" ay sumisimbolo sa pagmamahal sa isang tao na walang katumbas.

Ang salitang salamin ay nangangahulugang nakikita mo ang totoong ikaw sa taong minamahal
mo, hindi mo kailangang magpanggap bilang ibang tao dahil alam mong tanggap ka niya ng
buo.

G. Tayutay
Ang tulang ito ay ginamitan ng matatalinhagang salita at tayutay upang maipakita ang sining ng
pagbuo ng tula at ang kagandahan nito. Tayutay na nakapaloob sa tulang ito ay:

1. Paghahalintulad(analogy)
"Ikaw ang nagsisilbing salamin,
Kung saan kaya kong umamin."

5. Teoryang pampanitikan
Ang tulang ito ay nasa teoryang romantisismo sapagkat ito ay naglalayong ilarawan ang
pagmamahal ng walang katumbas sa taong minamahal mo.

6. Bisang pampanitikan

A. Bisa sa isip
Ako ay binigyang linaw ng tulang ito tungkol sa pagmamahal. Gaano man kahirap ang
‘yong pag daanan, ang iyong kasintahan ang magiging sandigan mo upang ang iyong
loob ay gumaan.

B. Bisa sa kaasalan
Katulad ng tulang ito, sana ika’y matutong tumayo sa iyong pagkabigo at huwag itong
maging hadlang upang ika’y mag bigay ng tama at tapat na pagmamahal.

C. Bisa sa damdamin
Nakaramdam ako ng pagka antig ng mabasa ko ang tula, nadadala ng may akda ang
aking emosyon kaya't naramdaman kong tunay na masarap mag mahal.

D. Bisa sa lipunan
Ang tulang ito ay malaki ang magiging epekto sa lipunan at tao, ito ay makapag bibigay
ng aral sa mga tao kung ano nga ba ang pag mamahal.
7. Pangkalahatang reaksyon
Ang tulang ito ay sumasalamin sa buhay ng tao, Kagaya natin. Ang tulang "ikaw" ay
nagpapakita ng kung ano nga ba ang totoong pagmamahal at kung paano nahanap ang
pagmamahal sa isang tao. At kahit gaano ka man binigo ng buhay hindi ito naging
hadlang para mag mahal.

8. Pagpapahalagang pangkatauhan

Maka-Diyos
Ang diyos ang magmamahal sa’yo sa hirap at ginhawa ng buhay. Gawin mong gitna ang
panginoon sainyong pagmamahalan upang maging gabay ito sainyong dalawa.

Maka-Tao
Pagpapahalaga sa taong nagpapakita sayo ng kabutihan at pagmamahal at nagsilbing
inspirasyon upang mapaayos at matulungan kang lumaban, maging matatag at
magpakita ng kabutihan sa ibang tao.

Maka-kalikasan
Katulad lamang ng ugat ng puno, ang iyong minamahal ang iyong magiging sandigan at
lakas sa tuwing ikaw ay dinadala papalayo ng mga problemang kinakaharap.

You might also like