You are on page 1of 2

Tuklasin

Sa bahaging ito ng modyul, iyong mababasa ang isang tula na


talaga namang pupukaw sa iyong imahinasyon. Unawain mo itong mabuti sapagkat
ito ay makatutulong sa pagtahak mo sa kabuuan ng modyul.

PAGKAKAIBA
Ni: Marie Cris F. Tecson

Respeto!
Pitong letra, isang salita
Wari' ba'y katumbas, mala-gintong halaga
Hirap matamasa, lalo kung sa mata nila, ikaw ay iba.

Sino ka nga ba at sino nga ba sila?


Tayo nga ba'y may tunay na pagkakaiba?
Bakit 'di alisin ang tingin sa limitadong nakikita ng mata
At simulang pakinggan ang hinaing ng bawat isa?

Marahil ako'y rosas at ikaw ay asul


At sa kinalaunan bahaghari ay sumibol
Maaaring sa kulay, tayo'y nagkaiba
Ngunit hindi ba't sa isang obra, lahat ay mahalaga?

Siya ngang sa mata ng tunay na May-Akda


Babae't lalaki tanging Kaniyang likha
Ang mapabilang sa pangatlong kasarian
Ay isa nga bang pagkakasala?

Iba-iba man ang ating kasarian


Sa dulo'y iisa pa rin ang ating pinagmulan
Kaya’t pagkakapantay-pantay ay itaguyod at ipaglaban Sapagkat
tayong lahat ay may iisang karapatan.
Pamprosesong tanong:
1. Ano ang ipinahihiwatig ng tula?

2. Anong damdamin ang namayani sa iyo habang binabasa ang tula? Bakit?

3. Sino-sino ang mga karakter na ipinakikita sa tula? Ano ang kanilang


pagkakaiba?

4. Paano makakamit ang respeto ng iba’t ibang kasarian?

5. Bilang mamamayan, paano ka makatutulong upang maitaguyod ang


pagtanggap at paggalang sa kasarian?

You might also like