Professional Documents
Culture Documents
Louise I. Furio
Ang pag-ibig ay makapangyarihang impluwensiya sa pang-araw-araw na buhay
ng isang tao. Nakikita ito kung paano nag-iisip, nagpapahayag ng damdamin, at
kumikilos ang isang tao batay sa kung ano ang kaniyang mga kagustuhan ayon sa
nararamdaman. Malaki ang ginagampanang tungkulin ng pag-ibig para sa mga
miyembro ng isang lipunan. Patunay na ang dating ng pag-ibig ay may malaking
pagkakaiba rin mula sa mga nangyari mula sa nakaraan hanggang sa kasalukuyan.
Ang “Wordle” sa panahon bago ang pananakop ay mababakas na sa panitikang
Filipino. Noon pa man maunlad na ang panitikan natin, maraming mga naisulat sa mga
kawayan at dahon gamit ang mga lanseta o matutulis na bagay upang maukit ang mga
simbolo rito. Sa pagdating nga mananakop, sinunog at sinira nila ito upang mapadali
ang pagpapakilala ng bagong paniniwala sa mga katutubong Filipino. Sa mga naiwang
labi ng matandang panitikang Filipino, nakaligtas sa pamiminsala at paninira ng
mananakop ang mga panitikang pasalita at isa na rito ang bugtong. Ayon sa
Diksyonaryong Adarnang, ito ay nangangahulugang isang patulang palaisipan. Ito ay
kadalasang binubuo ng isang pangungusap, minsan ito'y isang tanong, minsan naman
ay tula na madalas mayroong doble at nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang
palaisipan. Ang bugtungan ay isang libangan nga mga katutubong Filipino. Minsang sa
isang pagtitipon ay isa ito sa ginagawa nila upang maging libangan ng mga dumadalo.
Ang panitikang ito ay patunay sa talino, husay at bilis mag-isip ng mga Filipino mula sa
pagbuo ng bugtong hanggang sa pagtukoy ng wastong sagot. Litaw sa panitikang ito
ang kulturang Filipino sapagkat kadalasang paksa ay ang mga gawain, pagkain,
pamumuhay, at pag-uugaling. Halimbawa na nito ang sumusunod:
1. Hindi naman hari,
Hindi naman kapitan,
Mataas ang luklukan. (Matsing)
2. Limang magkakapatid,
Iisa ang dibdib. (Kamay)
3. Dalawang punsu-punsuan,
Ang laman ay kaligtasan. (Suso ng Ina)
Mula sa dating ng bugtong na maikli at patula ang estilo, mababakas ang
pagiging malikhain dito ng mga Filipino. Magbubukas ito sa patotoong tayong mga
Filipino ay likas na malikhain mula pa noon hanggang sa kasalukuyan at likas ang pag-
ibig sa sariling yaman ng lutura. .
Matapang ang panitikang umusbong sa panahon ng mga Kastila. Hindi maikubli
ang patunay na maraming mga Filipino ang lumaban gamit ang husay sa pagsusulat
upang imulat sila sa katotohanan sa panahon ng pag-aabuso ng mga mananakop sa
atin. “Ang Pag-ibig” ni Emilio Jacinto ay isang sanaysay na tumutukoy sa iba't ibang uri
ng pag-ibig. Tulad ng pag-ibig sa kapuwa sa Diyos, sa magulang, sa sarili, sa bayan at
sa isang espesyal na tao. Kakaiba ang dating ng sanaysay na ito dahil lalo nitong
ipinakita ang pag-ibig na siyang magliligtas at magiging susi sa paglaya sa manlulupig.
Kakaiba ang dating ng sanaysay na ito. Hindi ito patungkol sa mga mananakop,
tinutumbok nito ang mambabasa at ang damdamin nito umibig. Sa napakahirap na
sitwasyon noong pananakop ng mga Kastila, iba ang dating ng sanaysay na ito.
Mapanghamon ito sapagkat hinihikayat nito ang mambabasa na ipakita ang tunay na
kahulugan ng pag-ibig. Iba ang dating dahil gusto niyang gumawa ng mga bagay na
mahirap upang mapatunayan ang pag-ibig hindi lang para sa kapuwa, higit sa lahat ang
pag-ibig na mahirap matamo, ang pag-ibig sa bayan. Mapaghamon ang dating nito
mula sa mahusay na mga bahagi ng sanaysay.
Kung ang pag-ibig ay wala, ang mga bayan ay hindi magtatagal, at
kara-karakang mapapawi sa balat ng lupa ang lahat ng pagkakapisan at
pagkakaisa, at ang kabuhayan ay matutulad sa isang dahon ng kahoy na
niluoy ng init at tinangay ng hanging mabilis.
Ang tunay na pag-ibig ay walang iba kundi iyong makaaakay sa tao
sa mga dakilang gawa sukdulang ikawala ng buhay sampu ng
kaginhawahan.
Nabibighani ako sa mga taong kagaya ni Emilio Jacinto na may kakayahang
sumulat ng mga ganitong sanaysay na sobrang makabuluhan ang nilalaman at punong-
puno ng mga aral. Ang pag-ibig sa madaling salita ay hindi lang ang saya, ito ang
tapang at kagustuhan nating tanggapin lahat ng bumubuo sa ating iniibig. Ang dating ng
pag-ibig sa panahong ito kakaiba, puno ito ng pait, paglaban tungo sa pag-alpas.
Ang tunay na pag-ibig ay walang ibinubunga kundi ang tunay na
ligaya at kaginhawahan. Kailanpama’t sapin-sapin ang dusang
pinapasan ng bayani, at ang kanyang buhay ay nalipos ng karukhaan
at lungkot, ang dahilan ay sapagkat hindi ang tunay na pag-ibig ang
naghahari kundi ang taksil na pita sa yama’t bulaang karangalan.
Sa lahat ng damdamin ng puso ng tao ay wala nang mahal at dakila na gaya ng
pag-ibig. Patunay na ang dating ng pag-ibig ay lubos na makapangyarihan.
At higit sa lahat, ang akdang ito’y ukol sa taong hindi pa namamalayan ang
buhay na may pag-ibig, sa isip, sa salita, sa gawa at sa puso. Minumulat ang damdamin
sa katotohanang na ang pag-ibig ay hindi lamang naihulma mula sa kagitingan na
ipinamamalas ng pusong nag-aalab upang lumaban sa tanikala ng kaduwagan at
kahinaan. Datapuwa’t, ito ri’y hinubog mula sa kahandaan na ang kamataya’y
malayaang haharapin, pag-ibig lamang ay mairaos sa pamamagitan ng lahat ng
paraan.
Ang dating ng pag-ibig hanggang sa kasalukuyang panahon ay hindi pa rin
nalalayo sa mga naunang pagpapalalim dito.