You are on page 1of 4

Ateneo de Naga University

Senior High School


General Academic

CORE114-PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T


IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
2nd Semester, SY 2020-2021

WEEKLY LEARNING PLAN


Ikaapat na Linggo
(Pebrero 22-25, 2021)

Topic/s Tekstong Deskriptibo Session No. (No. of hours) 4 (3 hours)

LEARNING Pagkatapos ng inilaang oras para sa talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
OBJECTIVES a. nabibigyang kahulugan ang Tekstong Deskriptibo;
b. naiuugnay ang kahalagahan ng tekstong deskriptibo sa realidad, at;
c. nakapagsusulat ng sariling tula

LEARNING CONTENT

Materials  Power Point Presentation para sa talakayan


 Handawt na naglalaman ng mga tinalakay
 Bidyo ng Spoken Poetry ni Michael Coroza na pinamagatang “Alak”
 Babasahing materyal ng halimbawa ng Tekstong Deskriptibo

Values Integrated  Pagiging obhetibo sa pagbibigay ng paglalarawan


 Paggalang sa opinyon at saloobin ng iba
 Pagninilay sa iba’t ibang katangian ng anumang bagay tahas man o basal

21st Century Skills  Kakayahang magbigay ng obhetibong paglalarawan


 Kakayahang umunawa ng opinyon at saloobin ng iba
 Kakayahan sa kritikal na pagsusuri ng isang tekstong deskriptibo
 Kakayahang tumugon sa mga tanong kaugnay sa paksa

LEARNING EXPERIENCES

Synchronous Session/s Asynchronous Session/s

Pre-Lectio 1. Sisimulan ang klase sa pagdarasal kasunod ng kumustahan at


pagkokondisyon sa mga mag-aaral.
2. Pagkatapos naman nito ay susunod na ang pagbabalik-aral sa huling
ginawa at/o paksang tinalakay.
3. Magbabahagi ang guro ng trivia para sa sesyon.
4. Magtatawag ang guro ng boluntaryong mag-aaral na gustong magbasa ng
mga layunin sa pagkatuto na ipapaliwanag ng guro.
5. Magbibigay ng gabay na tanong at paalala ang guro bago ipanood ang
presentasyon ni Michael Coroza ng kaniyang akdang “Alak”.
6. Magkakaroon ng pagbabahagian sa klase ng kanilang tugon sa gabay na
tanong, interpretasyon, at naging paglalarawan sa napanood na
pagtatanghal ng akda.

Lectio 1. Magpapakita ng iba’t ibang larawan ang guro na bibigyan ng deskripsiyon


ng mga mag-aaral.
2. Iuugnay ang mga ito sa kahulugan ng Tekstong Tekstong Deskriptibo
bilang pagsipat sa unang layunin na mabigyang kahulugan ang Tekstong
Deskriptibo.
3. Iisa-isahing ilalahad ang mga elemento o sangkap ng Tekstong Deskriptibo
at ang mga gamit nito.
4. Tatanungin ang mga mag-aaral kung may idea sila sa dalawang uri ng
paglalarawan. Gagamitin ang gabay na tanong:
 Ano-ano ang ginagamit sa paglalarawan?
 Paano ba sila nagbibigay ng paglalarawan?
5. Idadagdag sa talakayan ang iba pang mga uri ng paglalarawan sa
pamamagitan ng tulang muling pagtatanong:
 Sino ang kadalasang inilalarawan sa isang tekstong deskriptibo?
Paano naiuugnay ang emosyon ng isang may akda sa tekstong
deskriptibo?
 Nailalarawan din ba ang kilos o ginagawa ng isang tauhan sa
tekstong deskriptibo?
 Paano nagiging masining ang paglalahad ng paglalarawan?
Halimbawa: Pagsulat ng Tula ng isang makata
6. Wawakasan ang talakayan sa pamamagitan ng paghingi ng klaripikasyon,
mga tanong, at pagpapabuod sa nilalaman ng talakayan.
7. Babalikan ang mga layuning tinalakay sa panimula ng klase at titiyaking
natamo ito sa pagtatapos ng sesyon.

Reflection 1. Ilalahad ng guro ang ilang gabay na tanong sa talakayan upang mapagnilayan ng
mga mag-aaral:
 Ano ang kahalagahan ng pagbibigay ng matapat na paglalarawan?
 Magbigay ng ilang senaryo sa loob ng pamantasan ng mga nagiging
epekto ng obhetibo at suhetibong paglalarawan.
 Paano mo magagamit sa araw-araw na pamumuhay ang mga
kaalamang natamo sa paksang tekstong deskriptibo?

Action Magbibigay ang guro ng babasahing materyal na halimbawa ng


Tekstong Deskriptibo. Susuriin ito ng mga mag-aaral batay sa
sumusunod na kahingian:
 Kabuoang kahulugan ng teksto
 Elemento ng Tekstong Deskriptibong ginamit sa akda
 Uri ng paglalarawang gamit sa teksto
Evaluation Ibabahagi ng mga mag-aaral ang isa sa kanilang paboritong tula kalakip
ang maikling paliwanag kung ano ang natatangi sa kanilang paboritong
tula na wala sa iba.

ENRICHMENT/ Magsusulat ng maikling tulang tradisyonal ang mga mag-aaral na may temang “Online Learning”.
ASSIGNMENT
Rubriks sa Pagmamarka
Nilalaman at Pagsunod sa Tema 10
Paggamit ng Mahusay na Paglalarawan 5
Mekaniks at Pagsunod sa Tradisyonal na uri ng Pagsulat ng Tula 5
Kabuoan 20

REFERENCES  Victoria, Vasil A. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Ateneo de Naga University Press 2016
 Dayag, Alma M. at Del Rosario, Mary Grace G. Pinagyamang Pluma: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.
Phoenix Publishing House, Inc. 2016.

Isinumite nina:

Furio, Louise I.
Lizardo, Rose May B.
Perez, Jenevi N.
Sahagun, Rizalyn

___________________________
Petsa: Pebrero 6, 2021

You might also like