You are on page 1of 3

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik (CORE114)

Unang Linggo
PAKSA: BATAYANG KAALAMAN SA PAGBASA

Pagbasa- Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto.
(Anderson et. Al 1985)
- Ito ay isang mental na gawain tungo sa pagkilala, pagpapakahulugan at pagtataya sa mga
isinulat ng may-akda. (William S. Grey)

Pisyolohikal na Aspekto ng Pagbasa

- Bakit pisyolohikal na proseso ang pagbabasa?


-Dahil sangkot ang mga mata na ginagamit upang makita at matukoy at makilala ang mga
imahen at simbolo
Retina > ugat patungo sa cerebral cortex
- Fixation- pagtitig ng mga mata upang kilalanin at intindihin ang teksto
-inter fixation- paggalaw ng ating mga mata mula kaliwa-pakanan o mula itaas-pababa
na karaniwang nangyayari habang tayo’y nangbabasa
-return sweeps- paggalaw ng mga mata sa simula ng binabasa hanggang sa dulo ng mga
teksto
- regression- pagbabalik-balik sa teksto upang suriin ang binabasa

Kognitibong Aspekto ng Pagbabasa

- Pagkilala (decoding)- pagbigay-anyo ng mga simbolong tinututukan ng mga mata


- Pag-unawa (comprehension)- nagaganap ito habang inuunawa natin an gating binabasa

Komunikatibong Aspekto ng Pagbasa

- Wika bilang kasangkapan sa komunikasyon

Panlipunang Aspekto ng Pagbasa

- Mga impormasyong nakukuha natin sa mga nababasa natin sa ating paligid

Apat na Hakbang sa Pagbasa


1. Persepsiyon
2. Komprehensiyon
3. Reaksiyon
4. Asimilasyon

Metakognitibong Pagbasa
1. Kaalaman sa kahulugan g mga salita o bokabularyo
2. Pag-unawa sa pangungusap o kaalaman sa syntax
3. Pag-unawa sa kabuoan ng pahayag

Intensibong Pagbabasa- masinsin at malalim na pagbasa ng isang teksto


Komprehensibong Pagbabasa- pagbasa ng masaklaw at maraming materyales

Skimming- Mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuoang teksto, kung paano
inorganisa ang mga idea o kabuoang diskurso ng teksto at kung ano ang pananaw at layunin ng
manunulat.
Scanning- Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang ispesipikong impormasyon
na itinakda bago bumasa.

Mga Teorya ng Pagbasa


1. Baba-Taas- ito ay pananaw sa pagbasa na naniniwalang ang pag-unawa sa teksto ay batay sa mga
nakikita rito tulad ng salita, pangungusap, larawan, diyagram o iba pang simbolo.

2. Taas-Baba- Ang impormasyon ay nagmumula sa dating kaalaman ng mambabasa patungo sa


teksto (Smith, 1994).

3. Inter-Aktibo at Metakognitibong Pagbasa- Ito ang kombinasyon ng teoryang bottom-up at top-


down sapagkat ang proseso ng komprehensyon ay may dalawang direksyon (McCormick, 1998)

4. Iskema (schema)- Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak sa ating isipan o
memorya. Ito ay nagiging dating kaalaman (prior knowledge). Ito’y nakakaimpluwensya nang
malaki sa pag-unawa kung ano ang alam na o hindi alam ng mambabasa.

Elemento Metakognitibong Pagbasa


1. Malawak na Talasalitaan
2. Komprehensiyon/ Pag-unawa sa Binasa
3. Lingguwistikong Kaalaman

TAGLAY NG TEKSTO TAGLAY NG


MAMBABASA

- Konsepto, damdamin - Personal na kaalaman, damdamin


- Wika at saloobin
- Layunin - Wika
- Layunin
- Porma/anyo
- Kaalaman sa porma/ anyo
- nilalaman - mga inaasahan sa nilalaman

KAHULUGAN NG PAGBASA
Mga Batis:

- Bernales, Rolando A. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Mutya Phoenix Publishing House,
Inc. 2016.\Hufana, Nerissaa L, Magracia, Emma B., Santos, Angelina L. Mabisang Pagbasa at
Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Mutya Phoenix Publishing House, Inc. 2016.
- Anastacio, Teresita, de Leon, Richard, Talegon, Vivencio, Jr. Daloy ng Wika: Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Brilliant Creations Publishing House, Inc.2016

You might also like