You are on page 1of 4

Ateneo de Naga University

Senior High School


General Academic

CORE114-PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T


IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
2nd Semester, SY 2020-2021

WEEKLY LEARNING PLAN


(Ikatlong Linggo-Pebrero 8 – 12)

Topic/s Tekstong Impormatibo Session No. (No. of hours) 3 (3 hours)

LEARNING Pagkatapos ng inilaang oras para sa talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
OBJECTIVES a. nabibigyang kahulugan ang tekstong impormatibo;
b. naibabahagi ang katangian at kalikasan ng tekstong impormatibo, at;
c. nasusuri ang halimbawa ng mga Tekstong impormatibo; at,
d. nakakagawa ng Infographics

LEARNING CONTENT

Materials  Power Point Presentation para sa talakayan


 Hand awt na naglalaman ng mga tinalakay
 Mga larawang naglalaman ng halimbawa ng infographics
 Dokumentong naglalaman ng estratehiyang guided reading

Values Integrated  Pagiging bukas ang isipan sa anumang diskusyon o palitan ng idea sa pagtalakay.
 Paggalang sa opinyon at saloobin ng iba.
 Pagiging matapat sa sagot na ibinibigay sa guro at kamag-aral.

21st Century  Kakayahang makipagtalastasan


Skills  Kakayahang umunawa ng opinyon at saloobin n g iba.
 Kakayahang umunawa ng mga impormasyong audio-visual
LEARNING EXPERIENCES

Synchronous Session/s Asynchronous Session/s

Pre-Lectio 1. Tatawagin ng guro ang nakatalagang mag-aaral upang pamunuan ang pagdarasal
at pagkatapos nito ay ipagpapatuloy ang pagtsek ng atendans na sinimulan
habang naghihintay na magsimula ang klase.
2. Pagkatapos naman nito ay susunod na ang pagbabalik-aral sa huling ginawa at/o
paksang tinalakay.
3. Ibabahagi rin ng guro ang trivia para sa sesyong ito.
4. Magtatawag ang guro ng mga mag-aaral at/o tatawagin ang mga mag-aaral na
gustong magbasa ng mga layunin sa pagkatuto at ipapaliwanag naman ito ng
guro.
5. Pagkatapos nito ay dito na ipapakita ng guro ang dokumentong guided reading at
ipapaliwanag kung ano ang kanilang gagawin sa talakayan. Kailangan munang
basahin ng bawat pangkat ng mga mag-aaral ang mga napapanahong isyu at/o
balita sa social media o diyaryo. Bibigyan din ng mga gabay na tanong ang
bawat pangkat ng mga mag-aaral upang masagutan ito ng maayos. Pagkatapos
itong masagutan ay tutungo na ang guro sa pormal na talakayan.

Lectio 1. Unang bibigyang-tuon ng guro ang pagtalakay sa kahulugan ng tekstong


impormatibo.
2. Susunod na tatalakayin ang mga layunin ng tekstong impirmatibo.
3. Sa bawat layunin ng tekstong impormatibo ay may nakalaang maikling gawain
para sa mga mag-aaral. Ipapagawa ito sa kanila upang mas lalo nila itong
maunawaan.
4. Pagkatapos, tutungo ang guro sa pagtalakay ng mga bahagi ng tekstong
impormatibo.
5. Matapos nito, magkakaroon ng pagbabahagian ng opinyon o saloobin ukol sa
mga tanong na ilalahad ng guro. Susukatin din nito kung gaano sila natuto sa
talakayang naganap.
6. Pagkatapos ay muling babalikan ang mga layunin sa pagkatuto upang matiyak na
lahat ay natamo sa inilaang oras ng talakayan.

Reflection Sa puntong ito ay sasagutan ng mga mag-aaral ang sumusunod na tanong sa


pamamagitan ng recitation:
 Ano-ano ang kahalagahan ng Tekstong Impormatibo?
 Gaano kaimportante sa iyo bilang isang mag-aaral ang pagkakaroon ng
sapat na kaalaman tungkol sa tekstong impormatibo?

Action Sa puntong ito, sasagutin ng piling mag-aaral ang tanong na ito:


 Bilang isang mag-aaral ng Ateneo de Naga
University SHS, paano momaipapakita ang
kahalagahan sa pagtiyak ng tunay at wastong
impormasyon? Ipaliwanag.

Evaluation Sa comment section, sasagutan ng mga mag-aaral ang tanong na:


 Ibigay ang pinakanatutuhan o hindi malilimutang aral mula
sa naging talakayan

ENRICHMENT/ Paggawa ng Impormatibong Grapiko tungkol sa mga sumusunod:


ASSIGNMENT  Mga Bikolanong bayani
 Mga Filipinong Manunulat
 Mga Filipinong akdang naparangalan
 Mga  lugar sa Filipinas
 Mga iba’t ibang wika sa Filipinas
 Mga pelikulang kabilang sa MMFF 2020

REFERENCES Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliks ni romeo P. Gonzalvo Jr. M.A.F.
Submitted by:
Furio, Louise I.
Lizardo, Rose May B.
Perez, Jenevi N.
Sahagun, Rizalyn

Date: February 6, 2021

You might also like