You are on page 1of 10

SENIOR HIGH SCHOOL CORE SUBJECT

IKATLONG MARKAHAN – PAGBABASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

NILALAMAN Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto


Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad,
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
bansa at daigdig
PAMANTAYAN SA PAGGANAP Nasusuri ang kalikasan, katangian, at anyo ng iba’t ibang teksto
Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
daigdig (F11PB-IIId-99)
DETALYADONG KASANAYANG Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang naratibong teksto sa sarili at komunidad gamit
PAMPAGKATUTO ang Teoryang Sikolohikal
PAMAMAHAGI NG ORAS 100 Minuto

BALANGKAS:
1. PANIMULA: Ilalahad ng guro ang kasanayang pampagkatuto sa mga mag-aaral (10 Minuto)
2. PAGGANYAK: Magsusulat ang mga magaaral ng maikling journal entry (10 Minuto)
3. INSTRUKSYON: Ilalahad ng guro ang depinisyon ng Teoryang Sikolohikal tungkol sa Extrinsic at Instrinsic Motivation gamit ang ilang
piling talata (40 Minuto)
4. PAGSASANAY: Ang mga mag-aaral ay magbabasa ng isang naratibong teksto at susuriin ito gamit ang Teoryang Sikolohikal at iuugnay
ito sa kanilang sarili (40 Minuto)
5. PAGPAPAYAMAN: Ang mga mag-aaral ay magbabasa ng isang naratibong teksto at susuriin ito gamit ang Teoryang Sikolohikal at iuugnay
ito sa kanilang komunidad
6. PAGTATAYA: Ang mga mag-aaral ay magsusuri ng isang teksto gamit ang Teoryang Sikolohikal at iuugnay ito sa kanilang sarili.

MGA KAGAMITAN Kopya ng naratibong teksto, kwaderno


Cicarelli, Saundra K. and White, J. Noland. Psychology. Fourth Edition. 2015. Pearson Education Inc.
MGA REPERENSIYA
Deldoc, Eljay. “Pagsugat at Pagmulat” 01/07/2014. Accessed 01/05/2016.
(https://deldoctrines.wordpress.com/2014/01/17/pagsugat-at-pagmulat/)

Page 1 of 7
SENIOR HIGH SCHOOL CORE SUBJECT
IKATLONG MARKAHAN – PAGBABASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
PAMAMARAAN MGA TIP PARA SA MGA GURO

PANIMULA (Introduction/Review) (10 Minuto) Tip:


1. Ilahad ang kasanayang pampagkatuto sa mga mag-aaral Maaaring palalimin pa ng guro ang mga
nailahad na ideya ng mga mag-aaral sa
2. Ipasulat sa mga magaaral ang kasanayang pampagkatuto sa kanilang mga kwaderno. Pasalungguhitan sa pagbibigay ng mga karagdagang
kanila ang mahahalagang salita sa kasanayang pampagkatuto. Ilan sa mga salitang maaari nilang katanungan.
salungguhitan ay “kaisipan,” “teksto,” “sarili,” “teorya,” at “sikolohikal.”
Isang paraan sa pagpapalalim ng mga
3. Hayaan ang mga mag-aaral na magbigay ng kanilang pansariling depinisyon para sa mga naibigay nang sagot ay ang pagbibigay ng
nasalungguhitang salita. kaugnayan sa mga naibigay na sagot ng
mga mag-aaral.
4. Tanungin kung ano sa tingin ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng mga salita.
Tatawag ang guro ng isa o dalawang mag-
Halimbawa: aaral upang isaad ang pagkakaparehas o
“Masasabing ang kaisipang nakapaloob sa isang teksto kung ito ang pinakamahalagang pagkakaiba ng mga naibigay na sagot.
impormasyon o ideya na nakalahad sa teksto. Ang lahat ng sumusuportang detalye ay maiuugnay
din natin sa kaisipang nakapaloob sa teksto.” Tip:
Maaari ring gumawa ang mga mag-aaral ng
“Ang teksto ay isang orihinal na komposisyong naisulat. Ang isang teksto ay maaaring maging tsart kung saan mag-iisip sila ng mga
impormatibo, deskriptibo, persuweysib, naratibo, argumentatibo, o prosidyural.” salitang maaaring iugnay sa salitang
“Sikolohikal”
“Maaaring maiugnay ko ang mga kaisipang nakapaloob sa aking sarili gamit ang aking mga
karanasan, ideya, paniniwala, o saloobin.” Ideya Ideya

“Ang isang teorya ay isang pagaaral o pagsasaliksik sa isang bagay o pangyayari.” Sikolohikal
“Sa aking pananaw, ang Teoryang Sikolohikal ay ang pagsusuri ng ating mga partikular na karakter, Ideya Ideya

desisyon, gawi at galaw – at ang pagaaral ng ating mga layunin o motibo sa pagbibigay ng pokus sa takbo
ng ating isip.”

Page 2 of 7
SENIOR HIGH SCHOOL CORE SUBJECT
IKATLONG MARKAHAN – PAGBABASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

PAGGANYAK (Motivation) (10 Minuto) Tip:


1. Sabihin sa mga mag-aaral na kuhanin ang kwaderno. Ipatiklop sa kanila ang isang pahina, o Maaari ring gumawa pa ng ikaapat hanggang
hindi kaya’y gumuhit sila ng isang table na may tatlong hanay. ikalimang hanay; o hindi kaya’y hikayatin ang
mga magaaral na magsulat ng dalawa o higit
2. Sabihin sa mga mag-aaral na mag-isip ng limang bagay na kanilang ginawa noong nakaraang pang mga dahilan sa iisang hanay para sa
linggo. Maaari ring palitan ang pangyayari at gawing “noong Pasko,” “noong bakasyon,” “kagabi.” isang bagay na ginawa.

3. Pagkatapos nila itong gawin, atasan silang sagutan kung bakit nila ginawa ang mga nasabing gawain.
Maaaring higit pa sa isa ang mabanggit na mga dahilan. Isusulat nila ang kanilang mga sagot sa
ikalawang hanay.

4. Sa ikatlong hanay, susubukin nilang bigyan ng dahilan kung bakit nila ginawa ang mga nakasulat sa
ikalawang hanay. Bigyan sila ng sapat na oras upang matapos ang gawain.

Halimbawa:
Mga ginawa noong nakaraang Linggo
Ginawa Bakit ginawa? Bakit ginawa?
Naglaba Dahil may pasok kinabukasan at Kailangang pumasok sa paaralan
kailangang may suotin sa upang maabot ang mga pangarap.
pagpasok.

INSTRUKSYON (Instruction/Delivery) (40 minuto) Tip:


Ipaliwanag ang Teoryang Sikolohikal. Maaari ring konsultahin ang ibang mga
pagaaral tungkol sa Teoryang Sikolohikal.
Ang motivation ay ang proseso kung saan ang mga gawain ay inaaksyunan, pinatutunguhan, at
ipinagpapatuloy upang ang mga pisikal at sikolohikal na mga pangangailangan at kagustuhan ay makamit Upang mapalalim pa ang pagaaral, maaaring
(Petri, 1996). basahin ang eksperimento ni Teresa Amabile
tungkol sa motivation ng mga bata, at kung
Ang mismong salita ay galing sa salitang Latin na movere, na nangangahulugang “ilipat.” Ang paano ito nagiging kaugnay sa kanilang
motivation ang “naglilipat” sa mga tao upang gawin nila ang mga bagay na kanilang ginagawa. pagiging malikhain.

Halimbawa, kapag may isang taong nagpapahinga at nanood ng palabas sa TV at biglang nakaramdam ng
gutom, ang kaniyang pisikal na pangangailangan sa pagkain ang magtutulak sa tao upang tumayo,
pumunta sa kusina, at maghanap ng makakain. Ang kaniyang pisikal na pangangailangan ng pagkain ang
gumawa ng “aksyon” (pagtayo), “patutunguhan” (pumunta sa kusina), at ipagpatuloy ang paghahanap
(paghahanap ng makakain). Ang gutom ay isang
halimbawa lamang.

Page 3 of 7
SENIOR HIGH SCHOOL CORE SUBJECT
IKATLONG MARKAHAN – PAGBABASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Page 4 of 7
SENIOR HIGH SCHOOL CORE SUBJECT
IKATLONG MARKAHAN – PAGBABASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

May iba’t ibang uri ng motivation. Minsan, ginagawa ng tao ang isang bagay dahil siya ay may
makukuhang panlabas na gantimpala, o hindi kaya’y pagiwas sa isang hindi magandang kalabasan,
kagaya nang pagkawala ng pera at ari-arian kapag ang isang tao ay nawalan ng trabaho.

Ito ay isang halimbawa ng extrinsic motivation. Kapag ang ginagawang aksyon ng isang tao ay
hiwalay sa kaniya, ito ang tinatawag na extrinsic motivation. (Ryan & Deci, 2000).

Sa kabilang dako, kapag ang isang tao ay gumagawa ng isang aksyon dahil ito ay masaya, o nagbibigay-
kasiyahan sa ilang mga panloob na paraan, ito ay tinatawag na intrinsic motivation. Parehong ang
kinakalabasan at ang antas ng pagsisikap ay maaaring mag-iba depende sa uri ng motivation.

PAGSASANAY (Practice) (40 Minuto) Tip:


Bago ang Gawain Maaari ding ibigay ang talata bilang hand-
1. Ilahad na ang mga magaaral ay magbabasa ng ilang maiikling talata na kanilang tatalakayin nang outs, na maaaring sulatan ng mga magaaral
magkapares. ng kanilang mga ideya.

2. Siguraduhing may kapares na ang lahat ng magaaral. Ipaalam sa kanila na italaga ang kanilang
mga sarili bilang “Partner A” o “Partner B.”

3. Sabihin sa mga magaaral na sila ay magbabasa ng tatlong maiikling talata na kanilang tatalakayin. Ang
mga talata ay ibibigay ng paisa-isa. Pagkatapos nilang basahin ang unang talata, ang guro ay magpapakita
ng tanong pandiskusyon. Si “Partner A” ang unang sasagot ng katanungan. Pagkatapos si “Partner B”
naman ang sasagot. Ipaalala na habang nagsasalita ang isang miyembro ng pares, ang kanyang kapareha ay
kailangang magbigay ng buong atensyon sa pakikinig. Gagawin ito ng magkapares sa tatlong talata.

Habang Gawain
1. Ipaskil ang unang talata sa pisara.

2. Bigyan ang mga mag-aaral ng tatlong minuto na basahin ang bawat talata, bago ibigay ang unang
tanong na pandiskusyon.

3. Bigyan ang mga bawat miyembro ng dalawang minuto sa pagbigay ng kanilang sagot.

Page 5 of 7
SENIOR HIGH SCHOOL CORE SUBJECT
IKATLONG MARKAHAN – PAGBABASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Page 6 of 7
SENIOR HIGH SCHOOL CORE SUBJECT
IKATLONG MARKAHAN – PAGBABASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Talata Tanong
Unang Talata: Paano naipapakita sa mga halimbawa ang:
Kapag may isang taong malungkot, maaari aksyon, pagtutuluyan, at pagpapatuloy sa
niyang tawagan ang kaniyang kaibigan o hindi paghahanap?
kaya’y pumunta sa isang lugar kung saan
maraming tao. Ang kagustuhan naman na Magbigay pa ng ilang mga halimbawa kung
magpatuloy ng pagaaral papuntang kolehiyo ay saan ipinapakita ang aksyon, pagtutuluyan, at
isang paraan naman upang maging matagumpay pagpapatuloy sa paghahanap.
sa buhay. Ang simpleng pagbangon mula sa
higaan ay isang halimbawa rin upang patuloy na
makapag-hanap buhay.

Anong uri ng motivation ang ipinapakita rito?


Ikalawang Talata:
Kapag ang isang bata ay nakakuha ng pera Magbigay ng ilang pangyayari kung saan
kapag siya ay nakakuha ng mataas na grado ay ipinapakita ang extrinsic at ang intrinsic
isang halimbawa ng motivation. motivation.
Ang bonus din sa trabaho kapag siya ay masipag
sa pagtatrabaho, o ang tip na ibinibigay sa mga
waiter ay isang halimbawa
din ng motivation.
Sabi nina James at McDougall, ang biologically
Ikatlong Talata: determined behavior ng mga hayop ay parehas
Ang ilang mga pagtatangka upang maintindihan sa biologically determined behavior ng mga
pa ang motivation ay nakatuon sa biologically tao.
determined na mga kaugalian na tinatawag na
instinct. Ang ilan sa mga halimbawa ng instinct Paano naipapakita ang pagkakaparehas ng
na makikita sa mga hayop ay ang migration, biologically determined behaviors ng hayop
nest building, paggawa ng anak, at pagprotekta at ng tao?
sa
kaniyang teritoryo.

Page 7 of 7
SENIOR HIGH SCHOOL CORE SUBJECT
IKATLONG MARKAHAN – PAGBABASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Pagkatapos nang Gawain


1. Maaaring kumalap ng mga kasagutan sa mga tanong mula sa mga magaaral at ipamahagi ito sa buong
klase.

PAGPAPAYAMAN (Enrichment):
Opsyonal
1. Kung may kakayahang makapagpalabas ng pelikula, iminumungkahi rin na magpalabas ng pelikula. Ilan sa
mga iminumungkahing pelikula na maaaring lapatan ng Teoryang Sikolohikal, at maaaring humalili sa
isinulat na teksto, ay ang mga sumusunod:
a. Fincher, David. Seven. 1995. Pitt, Brad. Freeman, Morgan.
b. Howard, Ron. A Beautiful Mind. 2001. Crowe, Russell.
c. Docter, Pete. Inside Out. 2015. Disney.

2. Upang mapalalim pa ang diskusyon, maaaring humanap din ng iba pang mga pagaaral tungkol sa
Teoryang Sikolohikal, o hindi kaya’y atasan ang mga magaaral na magsaliksik pa ng ibang depinisyon
tungkol sa Teoryang Sikolohikal.

PAGTATAYA (Evaluation):
Takdang Aralin
1. Magbigay ng isang naratibong teksto sa mga mag-aaral.
Maaaring ibigay ang akda ni Eljay Deldoc na “Pagsugat at Pagmulat.”
(https://deldoctrines.wordpress.com/2014/01/17/pagsugat-at-pagmulat/)

2. Bigyan ang mga mag-aaral nang sapat na panahon upang basahin ang teksto.

3. Pagkatapos nilang basahin ang teksto, bumalik sa mga depinisyon na ibinigay sa klase, at
ipaliwanag sa mga magaaral na kailangan nilang humanap nang mga pangungusap sa babasahing
naratibong teksto na susuporta sa mga depinisyon.

4. Gayundin, ipakita ang mga sumusunod na tanong na gagabay sa kanilang pagsasaliksik:


a. Gamit ang tono ng sanaysay, paano mo mailalarawan ang takbo ng utak ng awtor gamit ang
at .

b. Ano ang masasabi mo tungkol sa pangarap ng awtor, at kung ano ang ginamit niyang
motivation upang maabot ito?

Page 8 of 7
SENIOR HIGH SCHOOL CORE SUBJECT
IKATLONG MARKAHAN – PAGBABASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Page 9 of 7
SENIOR HIGH SCHOOL CORE SUBJECT
IKATLONG MARKAHAN – PAGBABASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
c. Sabi ni Deldoc, “Patuloy akong tutula para paganahin ang isip at puso ng mga kapwa ko
Hagonoenyo, Bulakenyo, at Filipino. Dahil sa bansang ito, maraming tao ang may isip ngunit hindi
nagsasalita at maraming tao rin ang nagsasalita ngunit hindi nag-iisip.” Paano kaparehas o kaiba
ang iyong pananaw mula sa pananaw ni Deldoc sa komunidad?

5. Gamitin ang rubrics upang bigyan ng marka ang ginawang pagsasaliksik ng mga mag-aaral:

RUBRICS
Nangangailangan
Lampas sa inaasahan Nakatugon sa inaasahan Papalapit sa inaasahan ng pagpapabuti
Ang mga nakasaad na ideya ay Ang mga nakasaad na ideya ay Ang mga ideya ay malinaw, Ang pagbabasa ay magulo at
orihinal at kritikal. Nasagot ng kritikal. Nasagot ng magaaral ngunit sumasaklaw sa malabo. Ang mga kaisipang
magaaral ang mga gabay na ang mga gabay na tanong at pangkalahatan, at hindi nakaloob sa mga talata ay hindi
Nilalaman at
mga Ideya
tanong at naiuganay ang naiuganay ang kaniyang mga kritikal. Ang pagbabasa ay napagyaman ng binasang teksto.
kaniyang mga ideya sa kaniyang ideya sa kaniyang sarili. mababaw, at hindi naiugnay sa Ang pagbabasa ay hindi
sarili at komunidad. sarili o sa komunidad. ginamitan
ng Teoryang Sikolohikal.
Ang pag-develop ng mga punto Ang pag-develop ng mga punto Ang organisasyon ay lohikal na Ang organisasyon ng mga
ay natural, at ang lahat ng mga ay natural, at ang lahat ng mga may malinaw na simula, gitna, talata ay magulo. Ang teksto ay
ideya ay nakatahi sa isa’t isa. ideya ay nakatahi sa isa’t isa. at wakas. Ang mga talata ay walang maayos na
Organisasyon
Naihahanda ang magbabasa sa Maayos at lohikal ang sinusuportahan ang bawat isa. introduksyon o katapusan.
lalim ng teksto pagkakasulat sa buong
mula sa introduksyon. teksto.
Ang mga ebidensiyang Ang mga ebidensiya ay Ang pagtatangka ng magaaral Walang ebidensiyang
nakapaloob sa teksto ay kapani-paniwala. na magpaliwanag ay malinaw. nakapaloob sa teksto. Ang
natatangi at tunay na Nagpapakita ang magaaral ng Mayroong naaangkop na paliwanag ay hindi sapat upang
Paglalahad
napagaralan. Nagpapakita ang inferential na pagiisip. ebidensiya na sumusuporta sa mabigyang paglilinaw ang mga
magaaral ng inferential kaisipan. gabay na tanong.
na pagiisip.
Tiyak ang paggamit ng mga Ang wikang ginamit ay Tama ang wika; and estilo ay Ang mga pangungusap at mga
Estilo at
salita at maingat ang pagpili particular, at tiyak ang paiba-iba. Ang mga citations salita ay maraming mali. Wala
Pagpili ng
salita ng tonong gagamitin. nagamit na tono. ay maayos ngunit hindi ring kaayusan ang
orihinal. pagkakasunod ng mga salita.

Page 10 of

You might also like