You are on page 1of 4

HANDOUTS

PRIMALS 7–10
Pedagogical Retooling in Mathematics, Languages, and Science for Grades 7–10 Teachers

Sesyon #8
PAGTUTURO NG PAGHIHINUHA
Learning Action Cell Session Guide
Filipino 7–10

FACILITATOR: JUNRY M. ESPARAR


Education Program Supervisor
Sangay ng Lungsod Kabankalan
Rehiyon VI-Kanlurang Visayas

ANNA LIZA F. ABULOC


Education Program Supervisor
Sangay ng Lungsod Naga
Rehiyon V-Bicol

KAHULUGAN
A. KOMPREHENSYON
Ang pagbasang may komprehensyon ay pagbuo ng mga tulay na mag-uugnay sa
dating kaalaman tungo sa bagong kaalaman [Pearson at Johnson, 1978]. Sa
madaling salita, ugnayan ng teksto at ng kaalaman ng mambabasa.

B. IBA’T IBANG KASANAYAN SA KOMPREHENSYON:


 Summarizing [pagbubuod]
 Sequencing [pagkakasunod-sunod]
 Inferencing [paghihinuha]
 Comparing and contrasting [pagkakatulad at pagkakaiba]
 Drawing conclusions [pagbibigay kongklusyon]
 Self-questioning [pagtatanong sa sarili]
 Problem-solving [pagtugon sa suliranin]
 Relating background knowledge [paggamit ng dating kaalaman]
 Distinguishing fact and opinion [pagtukoy sa opinyon at katotohanan]
 Finding the main idea, important facts and supporting details [pagtukoy sa
pangunahing ideya, importanteng datos, at mga pansuportang detalye]

C. PAGHIHINUHA

 Ang paghihinuha ay kasanayan sa pag-iisip ng mga preliminary na ideya na


nagpapahayag ng mga pala-palagay batay sa mga pahiwatig na nakalimbag sa
teksto . Mahalaga ang pagkakaroon ng malawak na talasalitaan, kakayahang
magpakahulugan sa mga patalinhagang pagpapahayag at katalasan ng isip sa
mga pahiwatig ng may-akda ay makatutulong sa pagbuo ng hinuha. Ang isang
matalinong mambabasa ay nakabubuo ng mga hinuha sa dakong huli ay
natutuklasan niya ang katotohanan. Ang paghihinuha ay tintawag sa Ingles na
“inferencing” [Alcaraz, 2005]

D. PAGHUHULA

 Ang Paghuhula ay “Thinking Ahead” samantalang “Looking Back” naman ang


Paghihinuha.
 Sa madaling salita, ito ay nakatuon sa kung ano ang susunod na mangyayari.
Maaaring malaman kaagad kung tama ang sagot sa mga susunod na pangyayari
sa tekstong binabasa.

E. PAGKAKAIBA NG PAGHIHINUHA AT PAGHUHULA

PAGHIHINUHA PAGHUHULA
Looking back Thinking Ahead
Ito ay batay sa mga ebidensiya o mga Isang wild guess na maaaring
implikasyong ipinapakita sa isang nakabatay sa dating karanasan o
kuwento, akda o pangyayari nakaraang pangyayari

Ito ay karaniwang tinatawag na “Reading Tinatawag sa ingles na guessing o


between the lines”. predicting.

F. IBA’T IBANG SUBTASKS PARA SA PAGHIHINUHA


 Paghihinuha sa pansuportang detalye
 Paghihinuha sa pangunahing ideya
 Paghihinuha sa pagkakasunod-sunod
 Paghihinuha sa paghahambing
 Paghihinuha sa sanhi at bunga
 Paghihinuha sa katangian ng tauhan
 Paghuhula sa kalalabasan

G. MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG KASANAYAN SA


PAGHIHINUHA?

1. Directed Reading and Thinking Activity


 Ito ay binuo ni Russell Stauffer [1976] upang aktibong isangkot ang mga
bata sa tekstong binabasa. Ang pamamaraan ay lumilinang sa kanilang
“divergent thinking” sa pamamagitan ng pagbibigay ng layunin sa
pagbasa, pagbibigay hinuha at pag-iisip tungkol sa binabasa.
 Ang mga sumusunod ay mga bahagi nito:
 Determining purpose for reading
 Extracting, comprehending, and assimilating information
 Examining reading material based upon the purposes for reading
 Suspending judgments
 Making decisions based upon information gleaned from reading
[Tierney, Readence, & Dishner, 1990, p. 12]

 Ang pangkatang DRTA ay isinasagawa sa pamamagitan ng mga


sumusunod:
 Mag-umpisa ang guro sa pamamagitan ng pagbibigay ng pamagat
ng seleksyon o teksto. Sabihin, “Sa inyong palagay, tungkol saan
kaya ang kuwento?”. Pakikinggan ng guro ang 4-5 kasagutan mula
sa mga mag-aaral bago magpatuloy.

 Ipapabasa ng guro ang unang talata o hanggang sa makumpirma,


matanggihan o mabago ng mga bata ang kanilang hula. Sabihin,
“Pareho pa rin ba ang inyong iniisip tungkol sa seleksyon?”
Pagkatapos, tatanungin ng guro ang isang bata, “_____, ang
seleksyon ba ay tungkol sa ______? Ang ibang mag-aaral ay
maaari ring sumagot. Sa bahaging ito, lumalabas ang mga bagong
hula.
 Magpapatuloy ang mga mag-aaral sa pagbabasa – panghuhula,
pagbasa, pagbibigay reaksyon sa kanilang hula. Patuloy na
magtatanong ang guro, “Tama ba kayo?” o “Ano ang inyong sagot/
iniisip ngayon? O “Ano kaya sa palagay ninyo ang mangyayari?”

 Sa bahaging ito ng DRTA, natapos ng guro ang unang Yugto ng


DRTA – pukawin ang “Reading Thinking” ng mga mag-aaral.
Ngayon, ang diin ay magbabago patungo sa Skill Development o
“Skill training of a different kind” [Stauffer, 1969]. Ang format ay
maaaring iba-iba subalit ang mga bahagi ay ang mga sumusunod:
concept clarification, personal reflection at semantic analysis
[Tierney et. Al, 1990]

 Ang DRTA ay nagbibigay diin sa kaugnayan o relasyon ng pagbasa, pag-


iisip, at panghuhula [Reading – Thinking – Predicting]. Dahil hinihikayat
nito ang mga mag-aaral na magpasimula ng kanilang layunin sa pagbasa,
ang gawain ay higit na naging makabuluhan.

 Ang papel ng guro sa DRTA ay moderator o intellectual agitator [Petre,


1969] samantalang sa DRA naman ang guro ay tagapagtanong at hurado
sa mga sagot ng mag-aaral mula sa BASAL na tekstong ginamit.

2. Reciprocal Teaching [Adapted from Palincsar & Brown, 1986]


 Isasagawa ng guro ang teknik na ito sa pamamagitan ng pagmomodelo
hanggang sa makuha ng mga mag-aaral ang apat na functions.

 Pangkatin ang mga mag-aaral at gumamit ng isang maikli at simpleng


teksto para makumpleto ang apat na hakbang:

 Babasahin ng mga mag-aaral ang teksto at magtatanong sila tungkol


sa kanilang binasa.
 Ibubuod ng mga mag-aaral ang binasang teksto [isa o dalawang
pangungusap]
 Magtatanong ang mga mag-aaral sa mga hindi nila nauunawaan sa
teksto, gaya ng bokabularyo, parirala at pahayag sa pamamagitan ng
pagtatalakay sa teksto kasama ang kaniyang kagrupo.
 Huhulaan ng mga mag-aaral ang susunod na mga pangyayari.

3. Justifying answers
 Magbigay ng tanong na hindi direktang nasasagot sa tekstong binasa.
 Ipabasa sa mga bata ang teksto upang masagot ang tanong.
 Ipasulat sa mga bata ang kanilang sagot.
 Babasahin muli ng mga bata ang teksto at hahanapin nila ang mga salita
o ideya na sumusuporta sa kanilang sagot.
 Pag-uusapan nila kung paano nakatulong ang mga salita o ideya sa
pagsagot sa mga tanong.

4. Graphic Organizers [National Institute of Child Health and Human


Development, 2000]
 Magbigay ng isang tekstong babasahin sa mga mag-aaral.
 Ipabasa sa mga bata ang teksto.
 Ipalagay sa mga bata sa graphic organizers na angkop sa organization
pattern ng tekstong binasa.
5. QAR [Question-Answer-Relationship] [Adapted from Raphael & Pearson,
1985]
 Gumamit ng maikling teksto para makagawa ng tatlong uri ng tanong:
 Right there – mga tanong na nasasagot sa pamamagitan ng
paghanap nito sa teksto [literal comprehension]
 Think and Search – mga tanong na nasasagot sa pamamagitan
ng hinuha [Inferential comprehension]
 On My Own – mga tanong na nasasagot sa isip ng mambabasa.
[Critical/ Creative Comprehension]
 Ipabasa sa mga bata ang maikling teksto
 Ipaskel ang tatlong uri ng tanong
 Pasagutan sa mga bata ang katanungan at ipatukoy ang mga ebidensya
sa teksto at ipabigay ang sarili nilang pangangatwiran.

MGA SANGGUNIAN

http://education.wm.edu/centers/ttac/documents/packets/inferential.pdf
https://www.youtube.com/watch?v=YNAzHY5esBg
Siy, Bebang [2008]. It’s A Men’s World.
Villanueva, Rene O., ed.2004. Personal, Mga Sanaysay Sa Lupalop Ng Gunita.Pasig
City: Anvil Publishing Inc.

You might also like