You are on page 1of 24

ESC 16- PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA II- PANITIKAN NG

PILIPINAS

This is a property of
PRESIDENT RAMON MAGSAYSAY STATE
UNIVERSITY
NOT FOR SALE
ESC 16 – PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA II-PANITIKAN NG
PILIPINAS
First Edition, 2021

Karapatang-Ari. Ayon sa Batas Republik Blg. 8293 Seksyon 176: Walang Bahagi ng modyul
na ito ang maaaring gamitin ninuman sa anumang anyo at hugis nang walang nakasulat sa
pahintulot ang naglimbag at ng mga may-akda maliban sa ilang pagsiping gagamitin sa
pagrerebyu ng modyul.

Ang mga impormasyong nakalap sa pagbuo ng modyul na ito ay karapatang-ari ng mga


nabanggit na may-akda sa sanggunian. Ang guro at institusyon ay hindi umaangkin ng anumang
pag-aari sa naimprentang modyul.
 
 

Learning Module Development Team

Assigned Title Author/s


Chapter/Lesson
Aralin 1: Ang Pagtutuiro ng (First Name, Middle Initial, Last
Pantikan Name)
Aralin 2: Ang Panitikan
Aralin 3: Ang Pagtatayang
tradisyunal o pormal
Aralin 4: Mga Halimbawa ng
Pagtutuunang Pag-aaral
ng akdang Panitikan

Aralin 5: Iba Pang Mungkahing


Gawain sa Pagtataya sa
Panitikan

 
Evaluators:
 
(First Name, Middle Initial, Last Name), Position
(First Name, Middle Initial, Last Name), Position
(First Name, Middle Initial, Last Name), Position
 
 
Pangkalahatang Kurso

Introduksyon
Sumasaklaw ang kursong ito sa paggamit ng iba’t ibang anyo ng literatura ng Pilipinas
galing sa sarili at iba’t ibang rehiyon sa pagtuturo, produksiyon ng mga kagamitang panturo at
pagtatayang angkop sa elementarya. Mahalaga ang kursong ito sapagkat ihahanda at ipapadanas
sa mismong mga mag-aaral ang landasin kung paano ituturo ang mga panitikang nakalaan sa
antas ng elementarya gamit ang wikang Filipino. Higit na bibigyang-tuon ang mga layuning
nakatala sa Curriculum Guide mula sa Kagawaran ng Edukasyon, ang aktuwal na mga sipi ng
teksto mula sa librong ginagamit sa pampubliko at pampribadong paaralan at paglikha ng mga
kagamitang panturo. Sa huli, layunin ng kursong ito na maikintal at mapalalim sa mga mag-aaral
(pre-service
teachers) ang kanilang kamalayan at pagpapahalaga sa panitikan upang sila ay maging mahusay
na guro ng Filipino sa elementarya.

Pangkalahatang Layunin ng Kurso

Matapos ang isang semestre, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


A. naipapamalas ang kasanayan sa mga estratehiyang pampagtuturo sa pagpapaliwanag ng mga
batayang kaalaman sa
pagtuturo ng panitikan ng Pilipinas sa elementarya,
B. naipapamalas ang kahusayan sa pagtuturo ng Filipino gamit ang wikang Filipino at mother
tongue at akmang dulog
pagtuturo at pagkatuto ng/sa panitikang Filipino ayon sa kahingian ng K-12 kurikulum,
C. nakakapili, nakakalikha at nakakagamit ng kagamitang panturong nakaugat sa lokal na kultura
at
D. nakakapili, nakakalikha at nakakagamit ng mga akmang pagdulog sa pagtasa at pagtaya sa
pagtuturo at pagkatuto ng/sa
wikang Filipino.

Detalye ng Kurso:

 Code ng Kurso: ESC 16


 Pamagat ng Kurso: Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II-Panitikan ng Pilipinas
 Bilang ng Yunit (State the lecture and laboratory units): 3
 Pamamaraan ng Pagtuturo(State whether lecture-based, laboratory-based, agency-based or
community-based): Lecture-based
 Pre-requisite / Co-Requisite:
 Semestre at Taong Panuruan: 1st Semester, AY 2021-2022
 Iskedyul: depending on the Teaching Load
 Pangalan ng Fakulti: Jona R. Asuncion
 Personal na Detalye
Email: anojasuncion@gmail.com
Mobile Number: 0916-456-4413
Viber:
FB Account: Jona Romualdo Asuncion
 Konsultasyon
Araw:
Oras:

Sistema ng Pamamahala sa Pagkatuto

Ang klase sa synchronous ay gagawin sa pamamagitan ng Google Meet o Zoom. Para


naman sa klase sa asynchronous ay gagamit ng Google Classroom, Edmodo at FB Messenger
upang ipadala ang bawat paksa o paket na ibibigay na guro.

Pagtataya Gamit Ang Rubriks

Ang bawat course packet ay naglalaman ng bawat aralin at mga pagsasanay, takdang-
aralin, pidbak ng mga mag-aaral na kanilang sasagutan sa pamamagitan ng Gmail account na
ibibigay ng kanilang guro. Pagkatapos, talakayin ang bawat course packet ay magbibigay ang
guro ng mga gawain, pagsusulit, pagsasanay sa pamamagitan ng Google Classroom o sa
Edmodo
Ang Panggitnang Pagsusulit (Midterm Examination) ay nakatakda sa ____________.
Sakop ng panggitnang pagsusuri ay ang mga paksang, Katuturan ng Panitikan , Kahalagahan
ng Panitikan, Mga Uri ng Panitikan, Iba’t Ibang Anyo ng Panitikan, Panitikan Bago
Dumating ang mga Katila, Mga Teoryang Pampanitikan, Panunuring Pampanitikan,
Gabay sa Pagsusuri ng Akda Gayundin, magbibigay ang guro ng proyekto batay sa kahingian
ng kurso. Ang ang Pinal na Pagsusulit ay gagawin sa ____________. Ang sakop ng pagsusulit
ay ang mga paksang, Panitikan at Lipunan, Panitikan Hinggil sa Isyu ng Kahirapan.
Panitikan Hinggil sa Isyu ng Karapatang Pantao, Panitikan Hinggil sa Isyu ng
Pangkasarian, Panitikan Hinggil sa Diaspora / Migrasyon at Pagsusulat ng Akdang
Pampanitikan
LM01-NGEC

0323
PANGKALAHATANG KABUUAN NG MODYUL

Introduksyon
Sa modyul na ito, tatalakayin ang mga salik tungo sa epektibong pamamaraan ng
pagtuturo. Sa araling ito maipapahayag ng mabuti ang buong kaalaman na ituturo sa mga
mag-aaral kaya naman malaking tulong ang mga pamamaraan ng pagtuturo bilang tulay upang
maunawaan ng lubos ng mga mag-aaral ang nais na ibahaging impormasyon nito.
Ayon sa akdang Ang Tradisyunal at Makabagong Paraan ng Pagtuturo,
upangmaging mabisa at mabilis ang pagkatuto, kinakailangan ang paggamit ng
mabubutingpamamaraan ng pagtuturo sapagkat nakabase sa mabuting paraan ng
pagtuturo angmatagumpay, kawili-wili at mabisang pagkatuto ng mag-aaral. Ibig
sabihin, lubos namauunawaan ng mga es tudyante ang kanilang leks yon kung ang
pamamaraan ng pagtuturo ay nakakaengganyo at kapantay ng lebel ng mag-aaral nang sa
gayon sila aymabilis na matuto.

  Table of Contents

Aralin 1: Ang Pagtuturo ng panitikan


Aralin 1.1: Ang Guro at ang Pagtuturo
Aralin 1.2: Katangian ng Guro at Mabisang Pagtuturo
Aralin 1.3: Motibasyon
Aralin 1.4:Ibat-ibang Dulog sa Pagtuturo
Aralin 1.5:Ang Pagpaplano sa Pagtuturo
Aralin 1.6 kategorya ng Estilo ng isang epektibong guro
Aralin 1.7 Mga Layuning Pampagturo

Aralin 2: Ang Panitikan


Aralin 2.1 Mga Teoryang Pampanitikan
Aralin 2.2 Kahalagahan ng Akdang Pampanitikan
Aralin 2.3 Ang pagbabasa ng panitikan , Proseso at Pag-aaral ng Panitikan
Aralin 2.4 Mga Dapat Taglayin ng Epektibong Pamamaraan ng Pagtuturo

ARALIN 3: Ang Pagtatayang tradisyunal o pormal


3.1 Ang Pagsusulit
3.2 Mga uri ng pagsusulit
3.3 Ang paghahanda ng pagsusulit
3.4 Mga Uri ng Aytem sa pagsusulit
3.5 Mga Halimbawang pagsusulit sa panitikan
ARALIN 4: Mga Halimbawa ng Pagtutuunang Pag-aaral ng akdang Panitikan
4.1 Pag-uuring Panitikan
4.2 Sinaunang Panitikang Pilipino
4.3 Paraan ng Pagbasa at Pagpapaliwanag
4.4 Mga Uri ng Panitikan
4.5 Mga Anyo ng Panitikan
4.6 Kasaysayan ng Panitikan

ARALIN 5: Iba Pang Mungkahing Gawain sa Pagtataya sa Panitikan: 5.6 Modes of


5.1 Scaffolded Instruction Reading
5.2 Modeling
5.3 Cooperative Learning
5.4 Independent Reading and Writin
5.5 Responses to Literature
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II
 
Aralin 1

Ang Pagtuturo ng Panitikan


(Ang Guro at ang Pagtuturo)
Aralin 1
Ang Guro at ang Pagtuturo
 
Panimula

Ang pagtuturo ay hindi madaling Gawain, kaakibat nito ay ang pagiging malikhain ng
isang guro sa kung papaanong pamamaraan niya maihahatid sa kaniyang mga mag-aaral ang
epektibong pagkatuto, kung kaya naman bukod sa presensiya ng guro sa loob ng klase ay
kinakailangang gumamit din siya ng mga kagamitang pagpagtuturo o di kaya’y mga estratehiya
upang makatulong sa kaniya na mas mapadali at mas maging epektibo siya sa kaniyang
pagbabahagi ng mga kaalaman sa loob ng klase. Kaya naman sinasabi na ang pangunahing
layunin ng edukasyon ay ang pagkatuti ng mga mag-aaral at ito ay makakamit sa pamamagitan
ng positibong interaksyon sa pagitan ng guro at ng studyante, sa tamang pagsunod sa proseso ng
pagtuturo, estratehiya at metodo at ito ay magkakaroon ng epektibo at makabuluhang kaalaman.
(Salandanan, 2006)

Dagdag pa rito, nabanggit sa pag-aaral nina Caloing et. al. (2016),na sinumang guro ay
kinakailangang mabatid ang iba’t ibang estratehiyang pampagtuturo at ang tungkuling
makapagsasagawa ng makabuluhang kagamitang pampagtuturo.Sa mga pahayag na makikita sa
itaas mahihinuha na talaga nga namanghindi sapat ang katalinuhan ng isang guro sa
pagbabahagi ng mga kaalamankundi kinakailangan ang tulong mga metodo o estratehiya
na magpapadali saproseso ng pagtuturo at pagkatuto gayundin upang mas mahikayat o
maganyak ang mga mag-aaral na maging interasado sa paksang tatalakayin maging
sawika man ito o sa panitikan, sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng positibong kapaligiran
sa pagkatuto ang mga mag-aaral na hahantong sa aktibong klase k u n g s a a n a n g b a w a t
i s a a y n a t u t u t o , n a k a p a g h a h a y a g n g k a n i l a n g m g a kaalaman at nagkakaroon ang
bawat isa ng partisipasyon o aktibong pakikilahoksa talakayan sa tulong na nga ng mga
estratehiya na gagamitin ng guro sa klase.Upang mas mabigyang-tuon pa ang tungkol sa
nasabing estratehiya atmakapag-ambag pa sa pagpapayabong rito ay napiling pag-aralan
pa ng mgam a n a n a l i k s i k a n g t u n g k o l d i t o u p a n g m a b a t i d k u n g a n o n g a b a n g
m g a es tratehiya ang mainam at epektibong gamit in s a pagtuturo partikular
na asignaturang Filipino lalo-lalo na sapagkat tayo ay nasa ika-21 siglo na kung saan
marami na ang mga pagbabagong nagaganap sa larangan ng edukasyon at s a kas alukuyan
ang mga guro ay kinakail angan na makas abay s a mga pagbabagong ito upang hindi
mapag-iwanan at sila ay mas maging epektibo pasa propesyon ng pagtuturo at nang sa
gayon ay malaman kung ano ang mgapamamaraang makabago upang makapag-
ambag o mas malinang pa ang tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo.Samakatuwid,
ayon kina Salveda et. al. (2013), na ang mga pananaw ng mga mag-aaral sa pagtuturo ng
mga guro sa Filipino ay ang pagiging magalingat epektibo nito, dahil sa iba’t ibang
estratehiya at pamamaraan na ginagamit sapagtuturo
Sa pagtatapos ng kabanata, ang mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakikilala ang mga katangian na dapat taglayin ng isang Guro at mabisang pagtuturo.
2. Naibibigay ang malalim na kahulugan ng motibasyon.
3. Naibibigay ang ibat-ibang dulog ng pagtuturo.
4. Naipapaliwanag ang ibat-ibang domeyn ng layunin ng pagpagtuturo.

Bilang Oras at Haba ng Pagtalakay


 

Aralin 1: Ang Pagtuturo ng Panitikan = 3 oras


(3 oras para sa talakayan; 2
oras para sa mga gawain at
pagsasanay ng kabanata)

 
  
Talakayan

Ang ilang katangian ng isang mabuting guro o guro  ay mabisang kasanayan sa


komunikasyon, empatiya, kabutihan, pasensya kapag nakakakuha ng mga resulta, kababaang-
loob, responsibilidad para sa pangangalaga ng mga mag-aaral, mga kasanayan sa organisasyon,
at iba pa.

Ang mga guro ang nagtuturo sa mga mag-aaral ng mga kaalaman na dapat nilang


matutunan sa paaralan. Sila ang naghuhubog sa mga natatanging kakayahan at talaento ng isang
kabataan kaya bilang isang mag-aaral, dapat igalang at irespeto ang mga gurong nagsisilbing
pangalawang mmagulang na nagbibigay at nagpapayabong ng kanilang mga kaalaman upang
maging handa sa mga hamon at pagsubok na kanilang pagdadaanan sa hinaharap.

Paano maging isang mabuting guro o guro? Ang sagot ay napapailalim sa maraming
aspeto, bukod sa iba pa na ito ay isang kailangang-kailangan na haligi para sa paglago ng mag-
aaral. Ito ay sapagkat, sa maraming mga okasyon, kinuha sila bilang isang sanggunian at
halimbawa.

GURO - isang di matatawarang propesyon na siyang tumutulong sa paghubog ng mga


susunod na henerasyon para sa pagkamit ng magandang kinabukasan. Ito’y isang panunumpa sa
sarili na pang habambuhay na maalala ng mga estudyante.

Ang isang guro ay isang indibidwal na nakatuon sa pagtuturo o nagsasagawa ng mga


aksyon na may kaugnayan sa pagtuturo . Ang salita ay nagmula sa salitang Latin na docens , na
ang ibig sabihin ay pagtuturo at isinalin naman sa Espanyol na docere na ang ibig sabihin ay
“magturo”.

Anong mga katangian ang dapat magkaroon ng isang mabuting guro?

1. Maging isang mahusay na nakikipag-usap

Dapat silang gumamit ng sapat na ritmo sa komunikasyon. Ang pagsasagawa ng isang


mainam na pagsasalita sa mga tuntunin ng tono ng boses, ritmo at bokabularyo na inangkop sa
publiko, ay ilan sa mga pinakaangkop na salik na isasaalang-alang. Ang posibilidad ng paggamit
ng mahusay na komunikasyon ay hinihikayat ang pansin ng mag-aaral sa pamamagitan ng iba't
ibang mga paghampas ng boses at pagtaas at pagbaba ng lakas ng tunog.

2. Panatilihin ang kontrol sa ibinahagi mo

Ang katotohanan na napagtanto ng mga mag-aaral na ang guro ay hindi makontrol ang
isang daang porsyento ng paksang pinag-uusapan nila ay nagpapahiwatig na ang mga mag-aaral
ay nag-disconnect at nakadarama ng kawalan ng katiyakan sa sitwasyon.

3. Hikayatin ang tagumpay sa mga mag-aaral

Ang pagpapakita ng matagumpay na mga sitwasyon ay nag-uudyok sa mag-aaral na


sumulong. Ang isang halimbawa nito ay ang kawalan ng kapanatagan na ipinakita ng ilang mag-
aaral hinggil sa paksang Physical Education. Kung wala silang matagumpay na sitwasyon, hindi
nila ito pinagkakatiwalaan, hindi nila nakita ang ebolusyon at, samakatuwid, hindi sila nagpakita
ng interes.

4. Mapadali ang pag-unlad ng mag-aaral

Ang lahat ng mga tao ay kailangang magkaroon ng matagumpay na mga karanasan, dahil
kung alam nila na sila ay mabibigo, tiyak na hindi nila iniisip ang posibilidad ng pagsubok.

5. Alam kung paano papaborin ang saloobin kaysa sa kakayahan

Minsan, ang mga pagsusuri ay ginagawa batay sa mga kakayahan na mayroon ang mag-aaral,
na itinatapon ang mga pagsisikap na ibinibigay nila sa gawain. Samakatuwid, dapat unahin ng
guro ang pagsisikap.

6. Ang gantimpala sa bokasyon

Sa kasalukuyan, ang lipunan ay nahuhulog sa isang konteksto ng krisis kung saan ang
paghahanap para sa isang trabaho ay naging isang kaligtasan ng buhay at, samakatuwid, ang pag-
access sa okupasyon ng katawan ng mga guro ay dahil sa kakulangan ng pagganyak ng mga
gumagamit nito.
7. Maging mabait

Ang gawain ng guro ay ang patuloy na pakikitungo sa mga tao, dahil nakikipagtulungan siya
sa mag-aaral araw-araw, habang kinasasangkutan din ang kanyang pamilya. Sa kadahilanang ito,
ang pagiging malapit at init ng tao ay, walang duda, isang nauugnay na kadahilanan.

8. Dapat gumamit ng awtoridad

Isang obligasyon na bumuo ng isang tiyak na balanse sa pagitan ng humanist trust, na dating
nabanggit, upang maalis ang mga takot at distansya, nang hindi nalilimutan na ang guro ay ang
modelo ng tao at, samakatuwid, ay dapat na gamitin ang kapangyarihan na ipinagkaloob sa
kanya bilang isang guro.

9. Maging matiyaga

Ang pagdalo sa pagkakaiba-iba ay isa pang obligasyon na mayroon ang guro sa silid-
aralan, dahil ang bawat mag-aaral ay naiiba at, samakatuwid, dapat isaalang-alang ng mga guro
ang bawat mag-aaral nang paisa-isa dahil walang sinuman ang natututo nang sabay.

10. Ipakita ang kababaang-loob

Bilang isang tagapagturo, dapat kang maging isang halimbawa upang sundin at kumatawan
na ang mga tao ay mali din, samakatuwid, dapat mong kilalanin ang iyong mga pagkakamali
bilang ibang tao.

11. Kumilos bilang isang mahusay na nagbigay

Ang tanggapan ng isang guro ay nagtuturo at ang kanyang kasangkapan ay ang salita. Para sa
kadahilanang ito, dapat mong gamitin ang isang tamang wika na iniangkop sa iyong mga mag-
aaral upang ang impormasyon ay maabot ang bawat isa sa pantay na mga termino.

12. Mahilig sa patuloy na edukasyon

Tulad ng sa anumang propesyon, umuunlad ang mundo at nahahanap din ng guro ang
kanyang sarili sa mga sitwasyong dapat niyang makaya at magpatuloy sa pag-aaral.
Ang isang halimbawa nito ay ang profile ng mag-aaral ay nagbago, wala nang mga sitwasyon
kung saan ang mga bata ay mayroong kanilang play center sa mga kalye kasama ang kanilang
kapitbahayan, ang mga bagong teknolohiya ay bahagi ng edukasyon ng sandaling ito at,
samakatuwid, ang mga guro ay kailangang magpatuloy sa pagsasanay upang lapitan ang bagong
sentro ng interes.

13. Kakayahang pang-organisasyon at pagpaplano

Sa araw-araw na ilang mga sitwasyong lumitaw na dapat harapin ng guro. Para sa


kadahilanang ito, sa kabila ng paunang pagpaplano na hiniling, dapat silang patuloy na ayusin at
muling baguhin ang kanilang gawain dahil ang mga mag-aaral ang nagtakda ng mga alituntunin
kung saan nakabatay ang kanilang pagsasanay.

14. May pananagutan

Ang pagtuturo ay isa sa pinakamahalagang trabaho, dahil nagsimula ang pagbuo ng isang
bagong lipunan. Samakatuwid, ang guro ay dapat na isang tao na nakatuon at responsable sa
kanilang mga obligasyon, dumalo sa kanilang mga mag-aaral at tumutugon sa kanilang mga
pangangailangan.

15. Pangganyak

Pagganyak ay ang pangunahing mapagkukunan na dapat magkaroon ng mga guro, dahil ang
mahusay na mga resulta ng mga mag-aaral kapag sila ay na-uudyok ay naipakita.

Ano ang mga tungkulin ng guro?

Dahil sa sitwasyon ng pagtuturo, ang mga guro ay maaaring bumuo sa iba't ibang mga
konteksto ng pagsasanay bilang mga gampanan na maaari nilang gampanan. Ang lahat ng mga
tungkulin ay maaaring magamit nang magkasama at mapagpapalit, depende sa konteksto kung
saan ito nabuo. Ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

Ang master provider


Ito ay isa na gumaganap ng tradisyunal na papel ng guro na nagtuturo tulad ng pagiging
isang nagpapadala ng impormasyon. Ito ay nakatuon sa paglilipat ng nilalaman nang pasalita.

Ang Modelong Guro

Maaaring gawin ng mga mag-aaral ang kanilang guro bilang isang modelo at,
samakatuwid, ang kanilang aksyon ay humantong sa kanila na ulitin ito. Ang isang halimbawa
nito ay maaaring ang paggamit ng wika sa kontekstong pang-edukasyon o, kahit na, ang
diskriminasyon na ginawa nila sa ilang mag-aaral sa silid-aralan, kung nangyari ito, ang iba pang
mga mag-aaral ay maaaring ulitin ang pag-uugali.

Ang master coach

Sa kasong ito, nagsasagawa ang guro ng isang "praktikal" na pagtuturo, kung saan ang
mga gawain ay dinadala sa isang katotohanan kung saan nakikita ng mga mag-aaral ang utility.

Ang tutor

Para sa tungkuling ito, ang guro ay nagsasagawa ng isang follow-up sa panahon ng


aktibidad, iyon ay, nagsasagawa siya ng patuloy na pagsusuri. Ito ay isang follow-up na katulad
sa trainer na may patuloy na pagsubaybay.

Ang tagapayo

Ang papel na ito ay karaniwang ibinibigay kapag ang mag-aaral ay nagsasarili. Ito ay
isang follow-up kung saan gampanan ng guro ang tungkulin ng consultant, dahil isinasagawa ng
mag-aaral ang kanilang gawain at kinunsulta ang mga problema at pag-unlad, na tumatanggap ng
impormasyon at pagsusuri mula sa guro.

Layunin ng isang Guro

1. Bigyan ng nararapat at angkop na kaalaman ang mga mag-aaral  

 Bilang isang guro, responsibilidad natin ang bigyan at magbahagi ng angkop at sapat na
kaalaman sa mga mag-aaral, nararapat nating turuan ng mga kaalaman na dapat nilang
matutunan lalong lalo na ang kasanayan sa pagbasa at pagsulat.  
2. Ituro sa mga mag-aaral ang maayos at mabuting pag-uugali  

 Hindi lang tungkol sa akademiks ang dapat ituro ng mga guro, gayundin ang kagandahan
at kabutihang asal na dapat nilang taglayin bilang isang tao, dapat nilang matutunan ang
mabuting pag-uugali na maari nilang madala habang sila ay lumalaki hindi lang sa loob
ng paaralan kundi pati na rin sa labas nito.  

3. Maging isang tagapayo at tagapatnubay sa mga mag-aaral.  

 Hindi pa rin maiiwasan ng guro ang pagiging tagapayo at tagapatnubay ng mag-aaral


upang matulungan ang mga mag-aaral sa paglutas ng kanilang suliranin. Malaking bagay
na sa mga mag-aaral na may mga guro silang handang makinig ng kanilang suliranin.  

4. Ngasisilbing magulang/ina/ama sa paaralan.  

 Sa loob ng paaralan, ang mga guro ang nangangalaga sa mga mag-aaral tulad ng pag-
aalaga ng isang magulang sa kanyang mga anak. Pinangangalagaan hindi lang sa
intelektuwal na pagkalinang kundi maging ang ibang kapakanan ng mag-aaral sa
aspektong emosyonal, sosyal, moral-ispiritual at pisikal man.  

5. Linangin ang mga natatanging kakayahan at talento.  

 Ang mga mag-aaral ay may kanya-kanyang taglay na kakayahan at talento na dapat


hasain at gamitin upang mapaunlad ito, kaya ang mga guro ang nagiging instrumento
upang mailabas at mapayabong ang mga kakayahan at talentong taglay ng bawat isa.  

PAGTUTURO

Ang pagtuturo ay ang kapangyarihan conferred sa pag-aalaga para sa isang tao at / o ari-
arian sa mga kaso kung saan, sa pamamagitan ng minorya o kung hindi man, ay hindi magkaroon
ng ganap na sibil kapasidad. Ang pagtuturo ay tumutukoy din sa direksyon o proteksyon ng isang
tao na may paggalang sa isa pa at ang posisyon ng tutor.

Sa antas ng edukasyon, ang pagpapaandar ng tutorial ay bahagi ng gawain ng mga guro.


Nauunawaan ito bilang isang indibidwal na elemento at isinapersonal na elemento na may
posibilidad na kilalanin ang pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral. Ang pagtuturo ay ginagawa sa
isang tao at hindi sa isang pangkat.
Sa pangkalahatan, ang pagtuturo ay lumalampas sa pormal na pagtuturo at sumasaklaw sa
lahat ng mga karanasan na humantong sa isang mahusay na bilog na edukasyon. Ang guro ay
hindi limitado sa pagpapadala ng kaalamang kasama sa isang plano sa pag-aaral, ngunit
gumagana upang maitaguyod ang mga positibong saloobin at pagpapahalaga sa bata .

Ang pagtuturo ay nauunawaan bilang isang proseso ng saliw sa pagsasanay ng mga mag-
aaral , na isinasagawa sa pamamagitan ng isinapersonal na pansin. Ang ilan sa mga layunin nito
ay ang solusyon ng mga problema sa paaralan at ang pagpapabuti ng pagkakaisa ng lipunan.

Ito ay tiyak na sa ganitong kahulugan na dapat nating bigyang-diin na ang pagtuturo ay


isang mahalagang tool sa larangan ng pangalawang edukasyon dahil sa mga mataas na paaralan
lalo na itong pangkaraniwan para sa mga malubhang problema tulad ng nangyari sa mobbing.
Samakatuwid, ang pagpupulong sa pagitan ng tutor at mag-aaral, sa isang kundisyon ng pagiging
maginoo at tiwala, ay nagpapahintulot sa huli na makaramdam ng madali at makapag-usap na ito
ay ang layunin ng kanyang mga kamag-aral na mangungutya at mapahiya siya.

MABISANG PAGTUTURO

Ayon sa pagsusuri nina Wayne at Youngs noong 2003, upang maging mabisa ang pagtuturo ng
isang guro;

1. Walang Itinatangi
 Pantay-pantay ang pagtingin ng guro sa kanyang mga mag-aaral.
2. May Positibong Pag-uugali
 Pagbibigay rekognisyon sa bawat mabubuting gawi at hindi namamahiya
sa mga pagkakamali ng mga mag-aaral.
3. May Kahandaan
 May malawak na kaalaman ang guro sa paksang ituturo at may
kakayahang iugnay sa iba pang larangan. Mabisa nyang nagagamit ang
mga kagamitang panturo at matalino nynag nasasagot ang katanungan ng
mga mag-aaral.
4. May Haplos Personal
 Dapat kilala ng bawat guro ang kanyang mga mag-aaral.

Ayon sa isinasagawang pag-aaral nina Bailey at Murcia, may apat na bagay na dapat isaalang-
alang upang maging mabisa ang pagtuturo:
1. Kaligirang Sosyal o Social Climate
 Binibigyang diin nito ang kapaligirang natural, kaayusang pisikal,
sitwasyong instruksiyonal at kaaya-ayang katauhan ng isang guro.

2. Baryedad sa Gawaing Pagkatuto (variety in the learning activities)


 Tinutukoy nito ang baryedad o ang ibat-ibang paraan ng paglulunsad ng
aralin, sa paglinang ng gawain at maging sa paraan ng pagtataya at
ebalwasyon sa kakayahan ng bawat mag-aaral.
3. Oportunidad ng mag-aaral sa Pakikilahok (Opportunity for Student Participation)
 Nakatuon ito sa pagbibigay ng pagkakataon sa lahat ng mag-aaral sa klase
na makapagpakita ng kani- kanilang kakayahan at kasanayan.
4. Pagwawasto at Pidbak ( Corrections and Feedback)
Binibigyang diin nito ang sumusunod:
a. Ang sariling pagwawasto ng mag-aaral sa kanyang kamalian
b. Sariling pagwawasto ngunit may pagtulong ng kamag-aral
c. Sariling pagwawasto sa tulong ng prompting o sa tulong ng pagtatanong
sa guro.

Kahulugan ng Motibasyon

Ang motibasyon ay nangangahulugang kawilihan ng isang tao na gawin ang isang


partikular na bagay. Ito rin ay isang pwersa na gumagabay sa pag-uugali ng isang tao sa paggawa
ng isang bagay. Ang motibasyon ay maari ring isang inspirasyon upang magpatuloy na tapusin
ang nasimulan. Ito ang nag-uudyok at nagiging dahilan ng isang tao upang matapos at
mapagtagumpayan ang isang gawain, layunin o mithiin.

Ang motibasyon ay isang proseso na nagtutulak sa mga indibidwal para sa isang


tiyak na layunin, hinihikayat silang magtrabaho at pinatataas ang
kahandaangmagtrabaho sa mga tao (Can 2013).Ang motibasyon ay nangangahulugang
lakas na nagtutulak sa mga tao na kumilos para sa iba't ibang layunin (Eren, 2010). Ito ay
karaniwang nangangahulugangisang impellent. Ang pagganyak ay nangangahulugang
pagbibigay ng isang indibidwalng insentibo at motibo para sa pagsasagawa ng anumang
kilos. Ang motibasyon ayisang buod ng lahat ng mga kadahilanan na nagpapakilos ng
isang indibidwal (Adair,2013). Ang pagganyak ng guro ay umaangkin sa halos anumang
kadahilanan na maykaugnayan sa guro sa sistema ng paaralan (Tecer, 2011). Alam na ang
mga antas ngpagganyak ng isang guro ay mas mababa kaysa sa iba pang mga
propesyon (Kurt,2005). Ito ay kilala na ang pagganyak sa trabaho ay nauugnay sa
iba't ibang mgakadahilanan na nakakaapekto sa buhay ng pagtatrabaho (Unsar,
2011). Ang masproduktibong mga guro ay, mas na-motivate sila (Ayaydin at Tok, 2015).

Kasingkahulugan ng Salitang Motibasyon

1. Pagganyak
2. Nag-uudyok
3. Naghihikayat
4. Kawilihan

Dalawang Uri ng Motibasyon

1.) Panlabas na Motibasyon

Ang panlabas na motibasyon o tinatawag na extrinsic motivation ay isang integratibong


motibasyon na nag-uudyok sa isang tao na tapusin o gawin ang isang bagay dahil may kapalit
itong papuri, premyo o reward.

2.) Panloob na Motibasyon

Ang panloob na motibasyon o intrinsic motivation ay tumutukoy sa kawilihan at kusang


loob na nag-uudyok o naghihikayat sa isang tao na gawin at tapusin ang isang gawain ng walang
kapalit dahil walang pumipilit sa kanya.

Sanggunian:

https://tl.warbletoncouncil.org/como-ser-buen-profesor-3175

https://brainly.ph/question/977527
https://tl.emsayazilim.com/definici-n-de-docente

https://tl.emsayazilim.com/definici-n-de-tutor

https://prezi.com/0tipsm9ytyia/epektibong-pagtuturo/

https://brainly.ph/question/1658149

https://www.coursehero.com/file/p2do31bs/Ang-motibasyon-ay-isang-proseso-na-nagtutulak-sa-mga-
indibidwal-para-sa-isang/
Webliyograpiya
Gawain
GAWAIN BLG. 1

Pangalan: _____________________________________________ Petsa: ___________


Kurso at Taon: _________________________ Marka: ______________________

I. Panuto: Paghambingin ang dalawang uri ng motibasyon. Maaaring gumamit ng mga


disenyo upang maging kaaya-aya ang inyong awtput.(10 puntos)

Panlabas na Motibasyon Panloob na Motibasyon


Pagtataya ng Gawain
A. Panuto: Piliin at bilugan ang titik na kumakatawan sa pinakamalapit na sagot sa
bawat bilang.

1. Ito ay isa na gumaganap ng tradisyunal na papel ng guro na nagtuturo tulad ng pagiging


isang nagpapadala ng impormasyon. Ito ay nakatuon sa paglilipat ng nilalaman nang
pasalita.
A. Master Provider
B. Modelong Guro
C. Master Coach
D. Tutor

2. Ito ang pagganyak na umiiral sa loob ng isang tao.


A. Negatibong Pagganyak
B. Positibong Pagganyak
C. Panloob na Pagganyak
D. Panlabas na Pagganyak
3. Ito ay sanhi ng mga sumusunod na bagay: interes, kasiyahan at kasiyahan, personal na
tagumpay at kasiyahan, pagmamataas, panloob na gantimpala, na binuo ng mga kasanayan
at kagalingan, pangunahing paniniwala, mga pangangailangan sa panloob, at iba pang mga
panloob na gantimpala. 
A. Panloob na Pagganyak
B. Panlabas na Pagganyak
C. Kumbinasyon ng Panloob at Panlabas na Pagganyak
D. Negatibong Pagganyak
4. Ang ganitong uri ng pagganyak ay may mga elemento ng awtonomya, personal na mga
layunin at pagkasabik.
A. Negatibong Pagganyak
B. Panlabas na Pagganyak
C. Panloob na Pagganyak
D. Kumbinasyon ng Panloob at Panlabas na Pagganyak
5. Nakatuon ito sa pagbibigay ng pagkakataon sa lahat ng mag-aaral sa klase na
makapagpakita ng kani- kanilang kakayahan at kasanayan.
A. Baryedad sa Gawaing Pagkatuto
B. Oportunidad ng mag-aaral sa Pakikilahok
C. Pagwawasto at Pidbak
D. Kaligirang Sosyal

B.Panuto: Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang,

___________1. Ayon sa kanya ang motibasyon ay nangangahulugang lakas na


nagtutulak sa mga tao na kumilos para sa iba't ibang layunin.

___________2. Ang __________ ay nangangahulugang kawilihan ng isang tao na gawin ang


isang partikular na bagay.

___________3. Tinutukoy nito ang ibat-ibang paraan ng paglulunsad ng aralin, sa paglinang ng


gawain at maging sa paraan ng pagtataya at ebalwasyon sa kakayahan ng bawat mag-aaral.

___________4. Ang __________ay tumutukoy sa direksyon o proteksyon ng isang tao na may


paggalang sa isa pa at ang posisyon ng tutor.

___________5. Ito ay isang follow-up kung saan gampanan ng guro ang tungkulin ng consultant,
dahil isinasagawa ng mag-aaral ang kanilang gawain at kinunsulta ang mga problema at pag-
unlad, na tumatanggap ng impormasyon at pagsusuri mula sa guro.
KASUNDUAN SA PAGITAN NG MAG-AARAL AT GURO SA ASIGNATURA

Ako si , __________________________________________________________ nakatira sa


_____________________________________________________________________________
ay opisyal na nagpatala sa President Ramon Magsaysay State University-Santa Cruz Campus
ngayong _______ Taong Panuruan ________________, pumayag, nanumpa at sumunod sa mga
akademikong patakaran na nakapaloob sa silabus at masigasig na sumunod sa lahat ng
pangangailangan.

_______________________________________
(Pangalan at Lagda ng Mag-aaral)

Saksi (Witness):

_______________________________________
(Magulang o Tagapag-alaga at Lagda)

________________________________________
(Guro at Lagda)
Tandaan : Marapat na ibalik ang form sa guro ng asignatura.

You might also like