You are on page 1of 8

Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya (Panitikan ng Pilipinas) Modyul 2

PANGALAN: RAMOS, MARY JOY E. SEKSIYON: BEEd 3-A

Modyul 4: Paano ang Pagtuturo ng Panitikan?

PAGSASANAY 4

PANUTO: Gawin ang mga sumusunod:

1. Panoorin ang video ng Modyul 4, Aralin 1 at sagutin ang mga sumusnod na tanong: (10
puntos)

A. Ano-ano ang mga simulain sa pagtuturo ng panitikan? Isa-isahing talakayin ang mga
ito.
Sagot:
SIMULAIN SA PAGTUTURO NG PANITIKAN

1. Panitikan ang dapat ituro at hindi ang kung ano pa man . Dapat isaisip ng guro kung
ano ang binibigyang tuon sa pagkilala ng panitikan, kung anong uri ng babasahin ang
ituturo. Kalimitan kung mapapansin natin may ibang guro na halos sa kasaysayan ng
pagkakasulat ng babasahin, sino ang may akda, at yung mga talisalitaan doon sila halos
nagpopokus, bilang magtuturo ng panitikan, kinakailangan nating bawasan ito. Dapat
nating ituon sa kayarian at pagsasakonteksto nito sa iba’t ibang aspekto ng buhay ng mas
kapupulutan at magpapalabas sa halaga ng tekstong binasa.
Sa madaling salita, ang pinakasentro sa pagtuturo ng panitikan ay ang panitikan
mismo. Ito ay ang konteksto, nilalaman at kaisipan ng panitikan na makakatulong sa
mag-aaral sa pang-araw-araw na buhay. Kailangang limitahanan o bawasan ang
pagtuturo ng kasaysayan, sino ang may akda at ng mga talasalitaan.

2. Ang panitikan ay nagbibigay-hugis sa mga bunga ng makabukuhang kasaranasan ng


tao. Sa bahaging ito ng simulain sa pagtuturo ng panitikan, kailangan ipakita ng guro ang
danas o ang karanasan ng manunulat at ang karanasan ng mambabasa. Kinakailangan na

1|Page
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya (Panitikan ng Pilipinas) Modyul 2

kung magtuturo tayo ng panitikan piliin natin yung panitikan na makakakuha ng atensyon
ng mag-aaral, panitikan na tungkol sa totoong buhay.

3. Isanib ang pagtuturo ng panitikan sa ibang aralin sa kurikulum. Dapat isinasagawa


ang panitikan mula sa simple ngunit masining na pamamaraan. Kinakailangan na
gumamit ng iba’t ibang estratehiya ang guro dahil may iba’t ibang paraan ng pag-unawa
sa isang kuwento at hindi ito maipapahayag ng tuluyang paglalarawan (descriptive
prose). Sa pamamagitan ng iba’t ibang estratehiya maisasapuso ng mambabasa ang
panitikan na binasa.

4. Pag-alam sa mga pangkayariang balangkas ng mga akdang pampanitikan. Sa pag-


alam ng mga pangkayariang balangkas ng mga akdang pampanitikan magbibigay ito sa
guro ng isang masaklaw na kaalaman hinggil sa kung paano ang pag-uugnayan ng mga
ito. Kinakailangan din na ituro natin sa mga bata kung paano ibabalangkas ang
panitikan,. Ang masaklaw na kaalamang ito ay makatutulong upang maihanay ang mga
gawain sa pagkatuto na magbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral upang
makapagtanong, magbigay haka o palagay at konklusyon, at mataya ang mga ito. Bilang
guro, kinakailangan na alam natin ang pagkakaiba ng bawat panitikan, dapat din na
marunong tayong sumulat ng panitikan upang maituro natin ito ng mas maayos sa ating
magiging estudyante.

B. Isa-isahin ang mga dapat maituro ng guro sa Panitikan. Talakayin kung paano dapat
ituro ang mga ito.
Sagot:
SANGKAP DAPAT MAITURO NG GURO NG PANITIKAN

1. Ang Akda- may kabatiran sa iba’t ibang pakahulugan ng mga salita, larawan at tema ng teksto.
Kinakailangan na ipakilala sa mag-aaral kung anong uri ng panitikan ang babasahin. Dito rin
makikita kung ano ang tema o ung ano ang iikutan ng teksto.

2|Page
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya (Panitikan ng Pilipinas) Modyul 2

2. May-akda- kinakailangan na banggitin kung sino ang sumulat, kung ano ang panagalan kung
ito ay buhay pa; ang kanyang papanaw o paningin; iisa isahin ang mga paraan o estilo sa
pagsulat at pananalitang ginamit.
3. Talasalitaan- ito ay ang pagbibigay ng kahulugan sa isang malalim na salita, dapat batid ng
guro kung paano ito ipapaliwanag at dapat maggamit ito sa pangungusap. Sa pagtuturo ng
talasalitaan pwedeng batay sa pangnilalaman o batay sa kayarian.
Ang pagtuturo ng talasalitaan ay maaaring nakabatay sa:
 Kasingkahulugan;
 Kasalungat na salita;
 Konseptuwal o ang denotatibo;
 Operasyonal- sariling gamit o pagpapakahulugan batay sa karanasan o
pananaliksik, kapag ang bata ay may sariling pagkakahulugan sa
talasalitaan at tama naman ito dapat nating tanggapin ito
 Konotatibo;
 Pagpapahindi;
4. Ideolohiya- napapaloob ang mga mahahalagang pananaw at mga aral. Dapat nababanggit ng
guro ang mga mahahalagang kultura at kung ano ang halaga nito sa makabagong henerasyon.
Kailangan na iparanas ng guro sa mag-aaral ang mangatuwiran, sumuri at maganalisa hinggil sa
kaisipang pangsarili, sa kapwa, sa kanyang pamayanan at sa kanyang kapaligiran.

5. Aral na natamo- Kailangan na ipakita ng guro ang sariling interes sa panitikan kung nais din
na gustohin ito ng mag-aaral.Hindi ito tinuturo bagkus ito ay pinapalabas ng kusa.

6. Gamit ng wika- Dapat mapaunlad ng guro ang wika. Hindi dapat magpokus sa panitikan
bagkus gamitin ito upang mapaunlad ang wika. Hindi ituturo mag-isa ang wika

2. Panoorin ang video ng Modyul 4, Aralin 2 at sagutin ang mga sumusunod: (15 puntos)

3|Page
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya (Panitikan ng Pilipinas) Modyul 2

A. Bakit mahalagang may malay tayo sa isinasaad ng kurikulum bago matutuhan ang
mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng teksto?
Sagot:
Dahil sinasabi sa kurikulum na nais nitong matamo ang kabuuan ng isa mag-aaral, nais
nito na makabuong isang buo at kapakipakinabang na mag-aaral na may kapakipakinabang na
literasi. Dapat may kamalayan tayo dito upang matamo natin ang layunin na ito at upang
malaman natin kung bakit mahalaga ang mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng teksto.

B. Ano-anong mahahalagang salik ang dapat isaalang-alang sa pagpili ng tekstong


babasahin?
Sagot:
Bukod sa dapat ang teksto ay angkop sa edad, angkop sa interes ng bata,, angkop sa
kultura, at sa kaligtasan ng bata, kinakailangan din na isaalang-alang sa pagpili ng teksto na ang
nilalaman ay angkop sa lebel ng pag-unlad ng mag-aaral; nauunawaan at may interaksyon sa
mambabasa; lohikal at maayos ang daloy ng mga ideya; makaaangkop ang talasalitaan sa antas
ng pagkaunawa ng mga target na mambabasa; ang haba ng mga pangungusap ay angkop sa
mambabasa; may varayti ang kayarian ng mga pangungusap at talata; wasto at tiyak ang
konsepto sa akda; walang mali sa mga detalye at impormasyon; sumusunod sa mga batas
panggramatika at panitikan; at angkop sa kakayahan ng mag-aaral na maunawaan ito.

C. Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagpipili ng teksto para sa pagbasa?


Sagot:
Sa pagpili ng teksto para sa pagbasa dapat isaalang-alang ang mga sumusunod;
 Manatiling updated at nasa loop ng literacy circles
 Maging familiar sa mga award giving bodies
 Makipag-ugnayan sa mga literary organization, international, national,
regional or local.
 Sumali, mag-sit-in, mag-observe sa creative writing workshop

4|Page
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya (Panitikan ng Pilipinas) Modyul 2

 Maging updated sa mga literary journal ng UST,Ateneo at iba pa.


 Sikaping kumuha mula sa mga established or emerging writers

At kung sa Social or New Media Kukuha


 Sikaping kumuha mula sa mga established or emerging writer with bodies of
work, may recognition, award, may sense of literacy tradition and etc

-Dapat ang teksto ay lokalisado, kontekstwalisado at indigenized

3. Panoorin ang video ng Modyul 4, Aralin 3 at sagutin ang mga sumusnod na tanong: (15
puntos)

A. Ano ang pagbasa at paano ang pagtuturo nang may pag-unawa?


Sagot:
Ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga simbulo o sagisag ng nakalimbag at
pagpapakahulugan o interpretasyon sa mga ideya o kaisipan na gusto ng manunulat nailipat sa
kaisipan ng mambabasa. Ang pagbasa ay nangangailangan ng kakayahang pangkaisipan. Ito rin
ay isang proseso ng pagkuha, pagkilala, at pag-unawa ng mga nakaimbak o nakasaluat na
impormasyon o datos. May limang yugto sa pagtuturo ng pagbasa na may pang unawa. Una, may
kahandaan ang mga mag-aaral sa pagbasa; ikalawa, panimulang pagbasa; ikatlo, pagpapaunlad
ng kakayahan o mabilis na pagpapaunlad; ikaapat, malawakang pagbasa; at ang ikalimang yugto
ay ang pagpapapino at pagpapaunlad pa ng mga kasanayang natamo sa pagbasa. Sa pagtuturo din
ng pagbasa ay mayroong modelo na ibinuod ni W. Gray at tinawag niya itong Modelo sa
Pagbasa. Ang unang modelo ay ang persepsiyon na kung saan ito ay ang pagkilala sa mga
simbolong nakalimbag. Ikalawa, ay kumprehensiyon ito ay ang kakayahang maunawaan ang
nilalaman ng teksto sa pamamagitan ng pagbuo ng isang konsepto. Pangatlo, aplikasyon ito ay
ang paglalapat at pagpapahalaga sa kaisipang ibinabahagi ng teksto. At ang ikaapat, integrasyon
ito ay ang pag-uugnay-ugnay ng mga bago at nagdaang karanasan sa pagbibigay kahulugan sa
teksto. At mayroon ding proseso sa pagbasa ng may pang-unawa, una rito ay ang habang
binabasa; sabihin, tanungin, ilarawan at hulaan, sunod kung hindi mainindihan; tukuyin,

5|Page
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya (Panitikan ng Pilipinas) Modyul 2

paalalahanan, balikan, at pagdahan-dahan; at ang panghuli ay ang pagkabasa; ikuwento, ibuod,


tanungin, at magdesisyon.

B. Ano-ano ang mga palatandaan sa kahandaan sa pagkatuto ng pagbasa ng mag-aaral?


Sagot:
Ang mga sumusunod ay ang mga palatandaan sa kahandaan sa pagkatuto ng pagbasa ng mag-
aaral;
1. Nakikita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng hugis, anyo at laki
2. Nakikilala na iba ang; n sa h, b sa d, m sa n, M sa W, O sa Q, R sa B at iba pa.
3. Nakakahawak na ng aklat na wasto at maayos. Marunong magbukas ng aklat at
magbuklat ng mga pahina. Nahahawakan ang dyaryo o magasin nang hindi patuwad o
pabaliktad.
4. Nakikita, napapansing mabilis ang pagkukulang ng bahagi ng isang bagay o larawan sa
isang tingin.
5. Napapangkat-pangkat ang magkakatulad, naibuubukod ang naiiba.
6. Nakakauulit ng buong pangungusap na narinig. Nauulit ang naririnig na pahayag.
7. Naihahagod ang paningin sa larawan o limbang nang mula kaliwa pakanan.
8. Naisasaayon sa wastong pagsunod-sunod ang tatlo hanggang apat na larawan.
9. Nakakapagsalaysay ng payak na kwento, payak na pangyayari.
10. Nakapag-uugnay ng kawilihan sa aklat, sa pagbuklat ng aklat, pagkilala ng aklat,
pagkilala ng mga larawan at simbolong naroon.

C. Batay sa video, paano ang paghahanda sa pagtuturo ng pagbasa? (Bago Bumasa,


Habang Bumabasa, Pagkatapos Bumasa). Isa-isahing talakayin ang mga ito.
Sagot:

 Bago Bumasa

6|Page
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya (Panitikan ng Pilipinas) Modyul 2

Kinakailangan na alam ng guro kung may kahandaan ba ang mag-aaral sa pagbasa.


Kinakailangan na alam ng guro ang iba’t ibang palatandaan ng kahandaan ng mga bata sa
pagbasa. Kinakailangan din na piliin ng guro ang mga tekstong babasahin na angkop sa edad,
interes at kultura ng mga mag-aaral. Kinakailangan din na alam ng guro ang mga dapat na
isaalang-alang sa pagsasagawa ng pagbasa. Kinakailangan alamin ng guro kung ang tekstong
babasahin ba ay walang mali sa mga detalye at impormasyon at naaayon sa antas ng pag-iisip ng
mga bata. Maaari din na magbigay ng mga tanong pangganyak na siyang sasagutin matapos ang
pagbasa.

 Habang Bumabasa

Habang nagbabasa maaari tayong gumawa ng mga tanong tungkol sa tekstong binabasa
at maaari rin na ang mga mag-aaral ang magtanong sa atin upang mas maintndihan ang tekstong
binabasa. Dito rin sa habang nagbabasa maaari nating ipaliwanag sa mga mag-aaral kung ano ba
ang nais ng may akda tungkol sa tekstong binabasa, maaari tayong magbigay ng ilang
katanungan upang mas maintindihan ng mag-aaral ang tekstong binabasa. Habang nagbabasa din
dapat alam natin kung paano basahin ang teksto ng mas kawili-wili at mas makukuha ang
atensyon ng mga mag-aaral.Kinakailangan din na ipabasa natin ang mga kwento, tula na maikli
lamang ng kawili-wili at humahamon sa angking kakayahan sa pagbasa. Kailangan din nating
sikaping mapalawak ang nababasa at maunawaan ang mga salita, parirala at pangungusap.
Habang nagbabasa din maaari nating ilarawan ang gustong ipahayag ng awtor, kinakailangan din
na tanungin natin ang ating sarili kung may punto ba ang binabasa, at maaari nating pahulaan sa
mga mag-aaral kung ano ang susunod na mangyayari. Kung hindi naman maintindihan ng mag-
aaral ang binabasa kailangan nating tukuyin ang problema, at kinakailangan na paalalahan ang
mga mag-aaral kung ano ang gustong malaman, kinakailangan din na balikan ang hindi
maintindihan at magdahan-dahan.

 Pagkatapos Bumasa

7|Page
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya (Panitikan ng Pilipinas) Modyul 2

Pagkatapos ng pagbasa dito na mangyayari ang pagpapapino at pagpapaunlad pa ng mga


kasanayang natamo sa pagbasa.Maaaring magtanong ang guro tungkol sa tekstong binasa,
maaari ding buod o ipabuod ang teksto. Maaari din na magkaroon ng maraming gawaing pasalita
at pasulat kaugnay ng binasang aralin. Maaari ding ikuwento ang tekstong binasa sa sariling
pananalita, maaari itong gawin ng guro o ipagawa ng guro sa mga mag-aaral. Kinakailangan din
na magdesisyon kung ano ang interesante at nakakaaliw.

8|Page

You might also like