You are on page 1of 4

Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya (Panitikan ng Pilipinas) Modyul 6

PANGALAN: RAMOS, MARY JOY E. SEKSIYON: BEEd 3-A

Modyul 6: Ang Pagbubuo ng Plano sa Pagtuturo ng Panitikan

REPLEKSIYONG PAPEL 6

PANUTO: Pagnilayan ang naganap na talakayan sa Modyul 6, Aralin 1 & 2, pagkatapos,


sumulat ng isang repleksiyong papel tungkol dito. Sundin lamang ang mga
sumusunod na gabay:

a. Panimula (Isang talata)


- Simulan sa pagpapakilala o pagpapaliwanag ng paksa.
- Ipahayag nang tuwiran o di tuwiran ang pangunahing paksa.
- Bigyang-pansin ang mahalagang bahagi na pupukaw sa interes ng
mambabasa.

b. Katawan (dalawa hanggang tatlong talata)


- Binibigyang-pagpapahalaga halaga ang diwa ng paksang tinalakay.
- Naglalaman ito ng obserbasyon, realisasyon, at natutuhan.
- Ipaliwanag din dito ang implikasyon ng mga tinalakay sa iyo bilang magiging
guro sa hinaharap.

c. Konglusyon (Isang talata)


- Dapat mag-iwan ng isang kakintalan sa mambabasa.
- Ilahad ang punto at kahalagahan ng paksang tinalakay at mga pananaw mga
pananaw tungkol dito.
- Ilalahad din dito kung ano ang ambag ng iyong naisulat sa pagpapabuti ng
iyong sarili bilang isang guro sa hinaharap.

1|Page
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya (Panitikan ng Pilipinas) Modyul 6

(Paunawa: Sa pagsusulat ng repleksiyong papel, hindi na kailangang isulat ang mga bahagi
nito.
Isulat ang inyong repleksiyong papel sa paraang tuluyan/patalata.)

PANGALAN: RAMOS, MARY JOY E. SEKSIYON: BEEd 3-A

Modyul 6: Ang Pagbubuo ng Plano sa Pagtuturo ng Panitikan

REPLEKSIYONG PAPEL 6

Noong nakaraang Sabado, tinalakay sa aming ng aming guro na si Ginoong Eduardo D.


Ellarma ang tungkol sa Modyul 6: Ang Pagbubuo ng Plano sa Pagtuturo ng Panitikan, na kung
saan ay mayroon itong dalawag aralin. Ang unang aralin ay tungkol sa mahahalagang konsepto
tungkol sa banghay ng pagtuturo na may layunin sa mag-aaral na sa pagtatapos ng talakayan ay
mapahalagahan ang mahahalagang konsepto ng banghay-aralin; maunawaan ang tatlong domeyn
ng mga layuning; at nakikilala ang mga halimbawa ng iba’t ibang domeyn at taksonomiya. Ang
ikalawang aralin naman ay tungkol sa mga bahagi ng banghay aralin batay sa DO 42, s. 2016 na
may layunin sa mag-aaral na sa pagtatapos ng talakayan ay makapagbibigay ng sariling pananaw
at damdamin tungkol sa DLL at DLP; Natutukoy ang mga bahagi ng DLL at DLP; Nagagamit
ang DepEd Order No. 42 s, 2016 sa pagbubuo o pagsulat ng DLL at DLP; at Nakasusulat ng
DLP.
Sa unang aralin, sinabi ng aming guro ang kahalagahan ng banghay-aralin, sinabi niya na
“masasalamin ang katauhan ng isang guro sa kaniyang maayos na pagpaplano ng mga aralin”.
Para sa akin katulad din ito ng isang kasabihan na “makikita mo sa isang tao ang kanyang
katauhan kapag binuksan mo ang kanyang bag” ibigsahin kapag nakita mo na gulo-gulo ang
kanyang bag ang taong ito ay walang pagsasaayos, walang maayos na plano at kapag nakita mo
naman na malinis at nasa ayos ang kanyang bag ang taong ito ay may maayos na pagpaplano sa
buhay. Katulad din sa paggawa ng banghay-aralin, kapag ang banghay-aralin ng isang guro ay
malinis, may pagkakasunod-sunod at planadong mabuti ang bawat gawain siya ay isang guro na

2|Page
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya (Panitikan ng Pilipinas) Modyul 6

talagang nasa puso ang pagtuturo, ngunit kapag ang banghay-aralin naman ng isang guro ay
gulo-gulo, hindi maintindihan at walang pagkakasunod-sunod ang gurong ito ay maaaring
napipilitan lang magturo. Bukod sa kasabihang ito, nalaman ko rin ang iba’t ibang kahulugan ng
banghay-aralin sinasabi dito na ang banghay-aralin ay isang balangkas ng mga layunin, paksang-
aralin, kagamitan, at mga hakbang na sunod-sunod na isasagawa upang matamo ang inaasahang
bunga, ito rin ang nagsisilbing bibliya ng guro sa pagtuturo at ito ang siyang gagabay sa guro
upang ang mga gawain ay maisagawa nang sistematiko. Mahalagang malaman ko ang
kahalagahan ng banghay-aralin at ang iba’t iban uri nito katulad ng masusi, mala-susi, at maikli
upang makabuo ako ng isang angkop na banghay-aralin. Nalaman ko rin sa araling ito ang mga
simulain sa pagbuo ng banghay ng pagtuturo, mga responsibilidad ng guro sa pagbuo ng
banghay-aralin at ang iba’t ibang mahahalagang bahagi nito.

Sa ikalawang aralin naman, nalaman ko dito ang mga legal basis tungkol sa paggawa ng
aralin. Sinabi din sa aralin na ito na mahalagang malinaw ang tunguhin ng iyong plano. Bilang
isang guro, bago ka magsimula sa iyong aralin, mahalagang planuhin mo muna nang maayos ito
at hindi basta-basta nalang isusulat. Sa paggawa ng banghay-aralin kinakailangan ng guro ang
TG at LM na aprubado ng Kagawaran ng Edukasyon. Sa aralin ding ito mas nalinawan at mas
naipaliwanag pa sa aking ang iba’t ibang bahagi ng banghay-aralin na na mahalaga kong
malaman at matutunan upang makabuo ng isang banghay-aralin na kapaki-pakinabang.
Napakalaking kontribusyon ng araling ito para sa aking pag-aaral dahil bilang isang
nalalapit na guro kinakailangan na alam ko ang tamang pagsulat ng banghay-aralin,
kinakailangan na alam ko ang tamang pagpaplano sa pagsasagawa nito at mahalagang alam ko
ang mga kagamitang kinakailangan ko sa pagbuo ng isang banghay-aralin. Ang pinakapunto ng
araling ito ay ang malaman ng isang tulad ko na magiging guro sa hinaharap ang kahalagahan ng
isang banghay-aralin at kung paano ang proseso sa paggawa nito. Ang repleksyong ito ang
magsisilbing gabay ko sa pagbuo ko ng banghay aralin.

3|Page
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya (Panitikan ng Pilipinas) Modyul 6

4|Page

You might also like