You are on page 1of 6

DETALYADONG BANGHAY- ARALIN

SA FILIPINO 6
I. Mga Layuning sa Pagkatuto
Sa katapusan ng aralin 100% ng mag-aaral na may 75% na pag-unawa ay inaasahan na;
a. (kognitib);
b. (saykomotor); at
c. (afektib).
Mag-iwan ng isang espasyo

(Sa pagbuo ng layunin balikan ang talakayan hinggil sa ABCD Format, Domeyn na CAP
sa layuning pagkatuto at SMART Objectives. Dapat tandan ang tamang bantas na
kailangang gamitin. Maliit na titik para sa pamilang o palatandaan sa layunin,
kailangan ding maliit na titik ang simula ng bawat layunin dahil nasa loob na ito ng
isang pangungusap. Para sa bantas, huwag kalimutan ang tutuldok bago isa-isahin ang
layunin, kuwit para sa katapusan ng unang layunin dahil may kasunod pa itong layunin,
tuldok-kuwit naman at "at" ang dapat ilagay sa layunin bago ang huling layunin bilang
panandang ang susunod dito ay ang huling layunin na. Maglalagay lamang ng tuldok
kapag naibigay na ang huling layunin para sa talakayan.)

(Para sa sunod na bahagi ng banghay-aralin, mag-iwan ng isang espasyo bago isulat


ang pangalawang bahagi. Tulad ng unang bahagi, huwag kalimutang lagyan ng Roman
Numeral (II) bilang pananda sa pangalawang bahagi. Pansinin ang pulang maninipis na
linya bilang gabay kung paano ang indensiyon at tamang espasyo sa pagsulat.

II. Paksang-Aralin
A. Aralin: Uring Pansemantika ng Pangngalan
B. Hanguang Panitikan: “Pamagat”ni May-akda
C. Gramatika: Dalawang Uring Pansemantika ng Pangngalan
D. Sangunian : Panitikang Pandaigdig ni Rica M. Ricafort p. 20-23
(Sangguniiang libro o internet- link lamang)

(Sunod dito ay ang pagsulat ng paksang tatalakayin, kailangang nasa gitnang bahagi ito.
Naglalaman ito ng paksa, batis, may-akda at kung saang pahina ito mahahanap sa bilang
pangalan ng may-akda ay may iba't ibang paraan depende.

Sa pagsusulat ng lang ang may-akada isulat ang buong pangalan nito. ng sumulat. Una, kapag
isa lang ang may-akda isulat ang buong pangalan nito. Pangalawa, kung dalawa, isulat lamang
ang apelyido nito. Pangatlo, kung tatlo pataas ang manunulat, isulat lamang ang punong may-
akda at ilagay ang et. Al. kasunod nito bilang paliwanag o tanda na may iba pang manunulat
ang may-akda ng aklat na ginamit.)

E. Mga Kagamitan:
 printed na larawan para sa halimbawa
 manila paper at cartolina para sa visual aid ng talakayan
 ppt presentasyon ng aralin

(Kabilang pa sa "Paksang-aralin" ay ang "Kagamitan”. Sa parteng ito, kailangang isa-isahin


ang mga gagamitin sa pagtalakay. Magbigay nang hindi bababa sa tatlong kagamitan. Lahat ng
kagamitan ay dapat naisulat pati na kung para saan ang gamit nito sa pagtalakay. Hindi na
maaaring isulat ang pisara, lisa at pamura sa kagamitan dahil makikita na ito sa loob ng silid-
aralan. Huwag kalimutan ang tutuldok pagkatapos ng kagamitan at isulat sa maliliit na titik ang
simulang titik ng mga kagamitan.)

F. Makrong Kasanayan/ Ika-21 Siglo:


 Pagsusulat ng mga pangungusap na may uri ng panggalan
 Pagsasalita, kakayahang makipagtalastasan

(Alin sa 5 limang makrong (pakikinig, pagsasalita,pagsusulat,pagbasa, panonood) kasanayan


ang labis na malilinang)

G. Pagpapahalaga:
 Respeto sa kapuwa mag-aaral
 Matapat na pagsasagot sa mga tanong

(Matapos ang aralin, ano ang kahalagahan nito para sa mag-aaral. Nasa malaking titik naman
ang simulang titik ng bawat kagandahang-asal at pagpapahalaga na inilagay. Kailngan ding
magbigya ng hindi bababa sa dalawang kagandahang-asal at pagpapahalaga sa parting ito.

(Nakapagbibigay ng hindi bababa sa dalawang kasanayan. Mas Maganda kung may kaugnay
ito sa paksa o gawain. Wala ng tutuldok.)

Mag-iwan ng isang espasyo


III. Pamamaraan sa Pagkatuto

(Ito ay isnag mala-masusing Banghay-aralin kaya mahalagang maging maikli ngunit malinaw
ang paglalarawan ng mga kailangang gawin sa bawat bahagi ng pamamaraan na ginagamit.
Huwag kalimutang ang pag-iiwan ng isang espasyo bago ilagay ang susunod na parte ng
papamaraan. Maaring PANDIWA ang unang paglalarawan sa ikatlong panauhan- Hal.
Pagbati ng guro sa mga mag-aaral… Tatawag ang guro ng isang mag-aaral…. Magpapaskil
ang guro ng panuto….Magkukwento ang guro tungko; sa “Pamagat”, Tatalakayin ng guro… )

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain (Gawing


Interaktibo ang bahaging ito)
1. Panalangin
Tatawag ang guro ng isang mag-aaral
upang pamunuan ang panalangin….
2. Pagbati
3. Pagtala sa Lumiban
4. Kasunduan (Maaring itong
iwasto sa klase o ipasa na lamang.
Gawin ang tamang pagpapasa ng
kasunduan)
5. Balik-Aral
Kahapon ay napag-aralan natin
ang pagtukoy sa kahulugan ng
ugnayang salita-larawan. Atin
muling subukin kung natatandaan
pa ang mga ito….
Mag-iwan ng isang espasyo

B. Pangganyak
May hawak na maliit na bolang
binalutan ng mga papel ang guro at (Sa ibaba ng tanong ng guro ilagay ang sagot ng
ipapakilala ito sa klase bilang “bagwa” mga mag-aaral)
na kailangan nilang pagpasa-pasahan (Ang sagot ng bata ay huwag itapat sa tanong ng
hanggangt ang tugtuog …. guro. Gumamit ng pantukoy na “Ang” bilang
(Ang pagkuha ng interes sa mga mag- panimula ng kasagutan)
aaral ay dapat may kinalaman sa
paksa. Natatapos sa loob ng 3- 5
minuto. May 3-5 tanong ang nakalaan
para sa pagganyak. Gumamit ng mga
grapikong paglalarawan)
Mag-iwan ng isang espasyo

C. Paghawan ng Sagabal (Maaaring


wala, kung hindi kabahagi ang
panitikan sa pagtuturo. Maghanap ng
limang malalalim na salita mula sa
hanguang panitikan. Gawing malinaw
ang paglalahad ng panuto. Umisip ng
Semantikong pamamaraan gaya ng
kasingkahulugan o kasalungat, deno
at kono na pagpapakahulugan atb.)
Mag-iwan ng isang espasyo

D. Paglalahad ng Aralin
Ang guro ay magtatawag ng iang
mag-aaral para basahin ang layunin at
introduksyon para sa paksang
tatalakayin….

(Paano ipapakilala ang aralin o


konsepto, panitikang babasahin,
manunulat. Gamitin ang Bago,
habang at pagkatapos na proseso ng
pagtuturo/pagkatuto. Gumamit ng
mga grapikong paglalarawan)
Mag-iwan ng isang espasyo

E. Pagtalakay ng Aralin
Hahatiin ang klase sa apat na grupo
para sa paligsahan sa pagbasa ng tula.
Pagkatapos ay magtatanong ang guro
katulad ng mga sumusunod na
katanungan;

Gabay na Tanong:
1.
2.
3.

(Malalim na pagtalakay sa aralin,


isaalang-alang ang mga
mahahalagang tanong o pagtatanong
ng guro ay inaasahan sa bahaging ito.
Gawing sanguniian ang talakayan sa
libro o magsaliksik kung kailangan.
Maaring mas marami pa sa tatlo ang
tanong na ilagay sa Paghahambing at
Paghahalaw para sa mas malinaw at
mas malalim na talakayan. Huwag
kalimutang ang pag-iiwan ng isang
espasyo bago ilagay ang susunod na (Iba’t ibang tugon mula sa mga mag-aaral, ang
parte ng papamaraan) ginagamit kapag open-ended ang mga uri ng
tanong o walang tiyak na kasagutan)
Maaring may itanong pang mga
follow-up ang guro depende sa
magiging sagot ng mga mag-aaral
Gumamit ng mga grapikong
paglalarawan
Mag-iwan ng isang espasyo

F. Paglalapat
Hahatiin ang klase sa apat na pangkat.
Kailngan makapagsagawa ng isang
pagsasalaysay sa malikhaiong paraan
ang mga mag-aaral gamit ang mga
istrip ng papel na kanilang
mabubunot.....

(Mga gawaing pangkatan o


indibidwal na lilinang sa araling
tinalakay, iuugnay ang aralin sa iba’t
ibang disiplina o aspeto upang
makabuo ng mga gawaing paglalapat.
Naipapakita ang saykomotor na
domeyn. Gumamit ng mga grapikong
paglalarawan)

(Ang gawain ay maaring isa


hanggang tatlong magkakaibang
konsepto ang ginagawa simultaneous
ng mga mag-aaral. Tiyakin din na
laging may pamantayan sa
pagpupuntos.)
Mag-iwan ng isang espasyo

G. Paglalahat (gawin ang paglalagom sa


isang malikhaing gawain, umisip ng
mga gawain kung Paano
mapapahalagahan o maisasabuhay
ang natutuhan sa klase.
Nasasakatuparan ang afectib domain.
Gamitin ang salitang “Tandaan!” sa
mga gawaing pagpapayaman upang
maging mabisa. Gumamit ng mga
grapikong paglalarawan)

IV. Pagtataya (Sa bahaging ito makikita kung anong paaraan ang gagamitin ng guro para
masukat at makita kung ang mga mag-aaral ay may natutuhan sa talakayan. Mag-isip ng
iba’t ibang uri ng pagtataya, ito ay binubuo ng 10-15 aytem o tanong upang masukata at
makita kung ang mga mag-aaral ay may natutuhan sa talakayan. Isaalang-alang ang
mga tanong pangwika at pampanitikan)

Gawing maikling ngunit malinaw ang bawat paglalarawan ng mangyayari sa bawat


parte.

V. Kasunduan (Kilala rin bilang Takdang-aralin (School Works). Ito ang ikalimang at
huling bahagi sa paggawa ng banghay-aralin. Ang Gawain ay dapat may kinalaman sa
aralin, maaring pagpapalalim, kaugnay na saliksik atbp Kailangang maging malinaw at
maikli lamang ang paglalahad ng takdang-aralin. Dapat ito ay binubuo lamang ng isang
pangungusap Iniwawasto kinabukasan sa klase o ipinapasa sa guro.)

Panuto: Sikapin masagutan ang mga sumusunod na katanungan, ilagay sa inyong


kuwarderno ang sagot.
1. Maglista ng tigtatlong halimbawa ng pambalana at pantangi at gamitin ito sa
pangunguap.
2. Sagutan ang Sagutin Natin, p.48, Letrang A.
Ang itinakdang gawain ay naglalayong linangin at tayain ang kaalaman at natutuhan ng mga
mag-aaral tungkol sa paksang tinatalakay nila matapos ang isang pagkikita. Nagsisilbing itong
karugtong ng pagtataya sa loob ng silid-aralan upang masukat ang natutuhan ng mga mag-
aaral.

Inihanda ni:
(naka-Bold)_____TAGAPAGPLANO___
(Mag-aaral sa BEED2)

Isinumite kay:
(nakabold)___GURO_SA__FILIPINO___
(Guro sa Filipino)

You might also like