You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

LEYTE NORMAL UNIVERSITY

College of Education

Tacloban City, Leyte

DI-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 9

I. Layunin:

a. Naipapaliwanag nang maayos ang paksang tinalakay

b. Matukoy at maunawaan ang mga pangunahing elemento ng isang sanaysay

c. Makabubuo ng sariling sanaysay

II. Nilalaman

Paksang Aralin : Pabula

Kagamitang Panturo

A. Sanggunian

1. Mga Kagamitan mula sa Learning Resources: aklat, pentel pen, projector,


PPTSlides, Rubrics, at iba pa.

III. Pamamaraan

A. Balik-Aral
Mga Pang-araw-araw na Gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtala ng liban
 Pagpuna sa kalinisan ng silid aralan

118
Ang Guro ay magtatanong kung ano ang itinilakay noong nakaraang linggo.

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin


1. Pagganyak
Ang guro ay magpapakita ng larawan mga kilalang sanaysayista tulad nina:
Jose Rizal
Francisco Balagtas
Lualhati Bautista

Ang guro ay magtatanong sa mga mag-aaral kung kilala nila ang mga ito, at kung ano ang
ibigsabihin ng sanaysay at kung ano ang kanilang naunang kaalaman tungkol dito.

C. Pagtalakay
Ang guro ay itatalakay kung ano ang kahulugan sanaysay,at mga bahagi ng sanaysay.

Ang sanaysay ay paglalahad ng sariling opinyon at kuro-kuro ng mga manunulat /sumusulat


tungkol sa isang bagay o paksa. Ito ay hango sa salitang Pranses na essayer.

Ang Sanaysay ay may dalawang uri ang pormal at impormal.

Ang guro ay tatawag sa klase kung ano ang pormal na sanaysay.

Ang pormal na sanaysay ito ay nagbibigay ng patalastas sa isang paraang maayos at mariin
na bunga ng isang maingat na pagtitimbang-timbang ng mga pangyayari at mga kaisipan.
Ang impormal na sanaysay naman ay may himig na parang nakikipag-usap o nais
magpakilala ng isang panuntunan sa buhay.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglahad ng kasanayan #1


Gawain 1. HULAAN MO!

Pagkatapos ng takayan may hinandang gawain ang guro at tatawagin itong HULAAN MO!

Sa isang 1/2 na papel isulat ang mga salitang mabubuo sa ZUMBLE LETTERS na ipapakita
at bigyang pagpapakahulugan ang mga ito matapos mabuo.

1. ANAYSAYS- SANAYSAY

2. UMSIAL- SIMULA

119
3. KTAANWA- KATAWAN

4. KAWAS- WAKAS

5. AKPSA- PAKSA

E. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)

Gawain 3. Pagsulat, Isalaysay Mo!


Ang guro ay ipapaliwanag ang mga pangunahing elemento ng sanaysay tulad ng paksa,
pananaw, layunin, estilo, at estruktura.

Ang guro ay magbibigay na ng gawain kung saan ang bawat mag-aaral ay gagawa ng sariling
sanaysay gamit ang natutunan nila, gamit ang mga elemento na natalakay. Gawin ito sa isang
buong papel

Ang guro ang magbibigay kung anong paksa ang gagamitin sa pagbuo ng sanaysay:

Mga paksa:

PAMILYA

PAG-IBIG

EDUKASYON

LIPUNAN

F. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay

Ang guro ay hihikayatin ang mag-aaral na hanapin at isulat sa isang buong papel ang
klasipikasyon o natatanging uri ng sanaysay. Maging ang kanilang natutunan sa pagbuo
ngb sariling sanaysay.

G. Paglalapat ng Aralin

Ang guro ay may hinandang katanungan:

120
“Bilang isang estudyante, bakit mahalagang pag-aralan at malaman ang tungkol sa
sanaysay?”

H. Pagtataya ng Aralin

PANUTO: Basahing mabuti ang bawat katanungan at piliin ang litra na nagsasaad ng
tamang sagot.

1. Ano ang pangunahing layunin ng sanaysay?


a. Magbigay ng impormasyon
b. Makapagpahayag ng damdamin o opinyon
c. Mag-entertain ng mga mambabasa
d. Magturo ng mga kasanayan

2. Ano ang ibig sabihin ng terminong "pagsusuri" sa sanaysay?


a. Paglalahad ng mga pangyayari o detalye
b. Pagbibigay ng mga halimbawa o ilustrasyon
c. Pag-aaral at pagtatasa ng mga ideya o kaisipan
d. Pagpapahayag ng sariling opinyon o pananaw

3. Ano ang ibig sabihin ng terminong "paglalahad" sa sanaysay?


a. Paglalarawan ng mga pangyayari o sitwasyon
b. Pagbibigay ng mga halimbawa o ilustrasyon
c. Pag-aaral at pagtatasa ng mga ideya o kaisipan
d. Pagpapahayag ng sariling opinyon o pananaw

4. Ano ang ibig sabihin ng terminong "pangangatwiran" sa sanaysay?


a. Paglalahad ng mga pangyayari o detalye
b. Pagbibigay ng mga halimbawa o ilustrasyon
c. Pag-aaral at pagtatasa ng mga ideya o kaisipan
d. Pagpapahayag ng mga argumento o pagsusuri

5. Ano ang ibig sabihin ng terminong "konklusyon" sa sanaysay?


a. Pagsasaayos ng mga ideya o kaisipan

121
b. Pagbibigay ng mga halimbawa o ilustrasyon
c. Pag-aaral at pagtatasa ng mga ideya o kaisipan
d. Pagpapahayag ng panghuling pahayag o opinyon

6. Ano ang ibig sabihin ng terminong "estilo" sa sanaysay?


a. Paggamit ng malalim na salita o mahahabang pangungusap
b. Paggamit ng mga halimbawa o ilustrasyon
c. Paggamit ng mga teknik sa pagsulat tulad ng pagtawag pansin o pagpapalit ng tono
d. Paggamit ng mga argumento o pagsusuri

7. Ano ang ibig sabihin ng terminong "organisasyon" sa sanaysay?


a. Pagsasaayos ng mga ideya o kaisipan
b. Pagbibigay ng mga halimbawa o ilustrasyon
c. Pag-aaral at pagtatasa ng mga ideya o kaisipan
d. Pagpapahayag ng panghuling pahayag o opinyon

8. Ano ang ibig sabihin ng terminong "tono" sa sanaysay?


a. Paggamit ng malalim na salita o mahahabang pangungusap
b. Paggamit ng mga halimbawa o ilustrasyon
c. Paggamit ng mga teknik sa pagsulat tulad ng pagtawag pansin o pagpapalit ng tono
d. Paggamit ng mga argumento o pagsusuri
9. Ano ang ibig sabihin ng terminong "bokabularyo" sa sanaysay?
a. Pagsasaayos ng mga ideya o kaisipan
b. Paggamit ng malalim na salita o mahahabang pangungusap
c. Pag-aaral at pagtatasa ng mga ideya o kaisipan
d. Pagpapahayag ng panghuling pahayag o opinyon

10. Ano ang ibig sabihin ng terminong "pangungusap" sa sanaysay?


a. Pagsasaayos ng mga ideya o kaisipan
b. Paggamit ng malalim na salita o mahahabang pangungusap
c. Paggamit ng mga teknik sa pagsulat tulad ng pagtawag pansin o pagpapalit ng tono
d. Paggamit ng mga argumento o pagsusuri

Susing sagot:

122
1. B

2. C

3. A

4. D

5. D

6. C

7. A

8. C

9. B

10. A

I. Takdang Aralin

Manaliksik ng mga halimbawa ng sanaysay at isulat sa ½ na papel ang mensahe at natutunan


sa napiling sanaysay isulat ang pamagat. Sa pagsulat hindi baba sa dalawang talata at bawat
talata ay may limang pangungusap.

J. Pagtatapos
1. Balikan ang mga natutuhan sa leksiyon.
2. Magbibigay-pugay sa mga mag-aaral na nakihalok sa bawat aralin.
3. Ang guro ay magpapaalam sa mag-aral, bilang pagtatapos ng klase.

123

You might also like