You are on page 1of 9

ARELLANO UNIVERSITY - MALABON

Elisa Esguerra Campus

Gen. Luna Cor. Esguerra St. Barangay Bayan-Bayanan, Malabon City
Tel # 932 52 09
S.Y. 2020 - 2021

A. PAKSA: “KAHULUGAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT”

B. LAYUNIN:
a. Nauunawaan ang kahulugan ng akademikong pagsulat
b. Nasusuri ang kahalagahan ng akademikong pagsulat
c. Malaman ang kahulugan ng akademikong pagsulat

C. SANGGUNIAN:
Ifurung, Maria Agnes Q. 2018. Filipino sa Piling larangan (Akademik). Arellano University Legarda.
Bernales Rolando A. et al. 2017. Filipino sa Piling Larangan ng Akademik.Mutya Publishing House.

D. PAMAMARAAN:

A. PANIMULANG GAWAIN
1. Pagbati
2. Pagdarasal
3. Pagtsetsek ng liban sa klase

B. PAGGANYAK

“KAHULUGAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT”

 Ang Akademikong Pagsulat ay ano mang pagsulat na isinasagawa upang makatupad ng

isang pangangailangan sa pag-aaral.
 Ang Akademikong Pagsulat ay ano mang akdang tuluyan o prosa na nasa uring ekspositori
o argumentatibo at ginagawa ng mga mag-aaral, guro o mananaliksik upang mapahayag ng
mga impormasyon tungkol sa isang paksa.

“KALIKASAN NG PAGSULAT”

1. KATOTOHANAN-Ang isang mahusay na akademikong pagsulat ay nagpapakita na ang

manunulat ay nakagagamit ng kaalaman at metodong disiplinang makatotohanan.
2. EBIDENSYA- Ang mga iskolar sa lahat ng disiplina ay gumagamit ng mga
makapagkakatiwalaang ebidensya upang suportahan ang katotohanang kanilang inilahad.
3. BALANSE-Nagkakasundo ang halos lahat ng akademya na sa paglalahad ng mga haka,
opinyon at argumento ay kailangang gumamit ng wikang walang pagkiling, seryoso at di –
emosyonal nang maging makatwiran sa mga nagsasalungat ang pananaw.

C. PAGTATALAKAY
Katanungan:
1. Ano-ano ang kalikasan ng pagsulat? Ipaliwanag ang bawat isa sa sariling mga salita.
Ilagay ang sagot sa kahon.
D. PAGLALAHAT
Panuto: Ibuod ang lahat nang natutunan ngayong talakayan at sa kahon na nakapaloob sa
modyul.

Rubrik:
Nilalaman ng sanaysay 5
Kaayusan ng pagsulat 5
10

_______________________________________
Titulo ng Buod
_________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

E. PAGLALAPAT
Panuto: Bumuo ng isang Akademikong Pagsulat base sa ibinigay na Paksa.
Isulat sa kahon na nakapaloob sa modyul.

Paksa:
“Ang Hinaharap ng mga Kabataang Sumasailalim sa New Normal Education”

Rubrik:
Nilalaman ng sanaysay 5
Kaayusan ng pagsulat 5
10

_______________________________________
Titulo ng Akademikong Pagsulat
_________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

F. KASUNDUAN
Magbalik-tanaw sa araling tinalakay.
ARELLANO UNIVERSITY - MALABON
Elisa Esguerra Campus
Gen. Luna Cor. Esguerra St. Barangay Bayan-Bayanan, Malabon City
Tel # 932 52 09
S.Y. 2020 - 2021

A. PAKSA: “KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT”

B. LAYUNIN:
a. Nauunawaan ang kahulugan ng akademikong pagsulat
b. Nasusuri ang kahalagahan ng akademikong pagsulat
c. Malaman ang kahulugan ng akademikong pagsulat

C. SANGGUNIAN:
Ifurung, Maria Agnes Q. 2018. Filipino sa Piling larangan (Akademik). Arellano University Legarda.
Bernales Rolando A. et al. 2017. Filipino sa Piling Larangan ng Akademik.Mutya Publishing House.

D. PAMAMARAAN:

A. PANIMULANG GAWAIN
1. Pagbati
2. Pagdarasal
3. Pagtsetsek ng liban sa klase

B. BALIK-ARAL Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang sagot.

1. Ano ang kahulugan ng Akademikong Pagsulat?
2. Magbigay ng halimbawa ng kalikasan ng pagsulat.

C. PAGGANYAK

“KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT”

1. Kompleks- Ang pasulat na wika ay may higit na mahahabang salita, mas mayaman sa
leksikon at bokabularyo.
2. Pormal- Higit na pormal ang akademikong pagsulat kaysa iba pang sangay ng pagsulat.
3. Tumapak- Ang mga datos tulad facts and figures ay inilahad nang tumpak o walang labis
at walang kulang.
4. Obhetibo- Ang pokus nito ay kadalasan ay ang impormasyong nais ibigay at ang mga
argumentong nais gawin.
5. Eksplisit- Responsibilidad ng manunulat nito nag awing malinaw sa mambabasa kung
paano ang iba’t ibang bahagi ng teksto ay nauugnay sa isa’t isa.
6. Wasto- Gumagamit ng wasto ng mga bokabularyo o mga salita.
7. Responsable- Ang manunulat ay kailangan maging responsible lalong-lalo na sa
paglalahad ng ebidensya patunaty o ano mang nagpapatibay sa kanyang argumento.
8. Malinaw na layunin- matugunan ang mga tanong kaugn ay sa isang paksa.
9. Malinaw sa Pananaw- naglalahad ng ideya at saliksik ng iba. Ang layunin ng kanyang
papel ay maipakita ang kanyang sarilinh pag-iisip hinggil sa isang paksa.
10. May Pokus- Kailangang iwasan ang hindi na kinakailangan hindi nauugnay hindi
mahalaga at taliwas na impormsyon.
11. Lohikal na Organisasyon- may sinunod na istandard na organisasyonnal na hulwaran
12. Matibay na Suporta- Ang katawan ng talataan ay kailangang may sapat at kaugnay na
suporta para sa pamaksang pangungusap.
13. Malinaw at Kumpletong Eksplanasyon- kailangan matulungan ang mamababasa tungo
sa ganap na pag-unawa sa paksa ng papel at magiging posible lamang ito kung
magiging malinaw at kumpleto ang pagpapaliwanag
14. Epektibong Pananaliksik- kailangang gumamit ng napapanahon propesyonal at
akademikong hanguan ng mga impormasyon.
15. Iskolarling Estilo ng Pagsulat- kinakailangan ito ay may kaiinawan at kaiklian.
D. PAGTATALAKAY
Sagutin!
1. Magbigay ng tatlong katangiang pang akademiko at ipaliwang. Isulat sa loob ng kahon
na nakapaloob sa modyul.

1.
2.
3.

E. PAGLALAHAT
Panuto: Ibuod ang lahat nang natutunan ngayong talakayan at sa kahon na nakapaloob sa
modyul.

Rubrik:
Nilalaman ng sanaysay 5
Kaayusan ng pagsulat 5
10

_______________________________________
Titulo ng Buod
_________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

F. PAGLALAPAT
Panuto: Ibigay ang wastong sagot na hinihingi ng bawat pangugusap.
Isulat sa patlang ang tamang sagot.

1. ______________ Ang pasulat na wika ay may higit na mahahabang salita, mas mayaman sa
leksikon at bokabularyo.
2. ______________ Higit na pormal ang akademikong pagsulat kaysa iba pang sangay ng
pagsulat.
3. _______________ Ang mga datos tulad facts and figures ay inilahad nang tumpak o walang
labis at walang kulang.
4. _______________ Ang pokus nito ay kadalasan ay ang impormasyong nais ibigay at ang mga
argumentong nais gawin.
5. _______________ Responsibilidad ng manunulat nito nag awing malinaw sa mambabasa kung
paano ang iba’t ibang bahagi ng teksto ay nauugnay sa isa’t isa.
6. _______________ gumagamit ng wasto ng mga bokabularyo o mga salita.
7. _______________ ang manunulat ay kailangan maging responsible lalong-lalo na sa paglalahad
ng ebidensya patunaty o ano mang nagpapatibay sa kanyang argumento.
8. _____________________________ matugunan ang mga tanong kaugn ay sa isang paksa.
9. _________________________ naglalahad ng ideya at saliksik ng iba. Ang layunin ng kanyang
papel ay maipakita ang kanyang sarilinh pag-iisip hinggil sa isang paksa
10. _____________________ Kailangang iwasan ang hindi na kinakailangan hindi nauugnay hindi
mahalaga at taliwas na impormsyon.
G. KASUNDUAN
Magbalik-tanaw sa araling tinalakay.
ARELLANO UNIVERSITY - MALABON
Elisa Esguerra Campus
Gen. Luna Cor. Esguerra St. Barangay Bayan-Bayanan, Malabon City
Tel # 932 52 09
S.Y. 2020 - 2021

A. PAKSA: “LAYUNIN NG AKADEMIKONG PAGSULAT”

B. LAYUNIN:
a. Nauunawaan ang layunin ng akademikong pagsulat pagsulat
b. Nasusuri ang layunin ng akademikong pagsulat
c. makagawa ng isang akop na sulatin.

C. SANGGUNIAN:
Ifurung, Maria Agnes Q. 2018. Filipino sa Piling larangan (Akademik). Arellano University Legarda.
Bernales Rolando A. et al. 2017. Filipino sa Piling Larangan ng Akademik.Mutya Publishing House.

D. PAMAMARAAN:

A. PANIMULANG GAWAIN
1. Pagbati
2. Pagdarasal
3. Pagtsetsek ng liban sa klase
Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang sagot.
B. BALIK-ARAL
1. Ano ang katangian ng Akademikong Pagsulat?
2. magbigay ng halimbawa ng Akademikong Pagsulat.

C. PAGGANYAK

“LAYUNIN NG AKADEMIKONG PAGSULAT”

1. Mapanghikayat na Layunin- layuning ng manunulat na mahikayat ang kanyang

mambabasa na maniwala sa kanyang posisyon hinggil sa isang paksa. Kung kaya
upang maisakatuparan ang layunin na ito, pumipili siya ng isang sagot sa kanyang
tanong, sinusuportahan iyon gamit ng ebidensya.

2. Mapanuring Layunin- Tinatawag ding analitikal na pagsulat. Ang layunin ditto ay

ipaliwanag at suriin ang mga posibleng sagot sa isang tanong at piliin ang
pinakamahusay na sagot batay sa ilang pamantayan.

3. Impormatibong Layunin- Ipinapaliwanag ang mga posibleng sagot sa isang tanong

upang mabigyan ang mambabasa ng bagong impormasyon o kaalaman hinggil sa isang
paksa.

D. PAGTATALAKAY
1. Ano-ano ang iba’t ibang layunin ng akademikong pagsulat? Isulat sa loob ng kahon ang sagot

E. PAGLALAHAT
Panuto: Ibuod ang lahat nang natutunan ngayong talakayan at sa kahon na nakapaloob sa
modyul.
Rubrik:
Nilalaman ng sanaysay 5
Kaayusan ng pagsulat 5
10
_______________________________________
Titulo ng Buod
_________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

F. PAGLALAPAT
Panuto: Gumawa ng isang Akademikong Pagsulat na nagpapakita ng mga layunin nito.
Gumamit ng internet o aklat upang makahanap ng halimbawa ng isinasaad.

_______________________________________
Titulo ng Akademikong Pagsulat
_________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

G. KASUNDUAN
Magbalik-tanaw sa araling tinalakay
ARELLANO UNIVERSITY - MALABON
Elisa Esguerra Campus
Gen. Luna Cor. Esguerra St. Barangay Bayan-Bayanan, Malabon City
Tel # 932 52 09
S.Y. 2020 - 2021

A. PAKSA: “TUNGKULIN O GAMIT NG AKADEMIKONG PAGSULAT”

B. LAYUNIN:
a. Nauunawaan ang layunin ng akademikong pagsulat pagsulat
b. Nasusuri ang layunin ng akademikong pagsulat
c. makagawa ng isang akop na sulatin.

C. SANGGUNIAN:
Ifurung, Maria Agnes Q. 2018. Filipino sa Piling larangan (Akademik). Arellano University Legarda.
Bernales Rolando A. et al. 2017. Filipino sa Piling Larangan ng Akademik.Mutya Publishing House.

D. PAMAMARAAN:

A. PANIMULANG GAWAIN
1. Pagbati
2. Pagdarasal
3. Pagtsetsek ng liban sa klase

B. BALIK-ARAL Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang sagot.

1. Ano ang layunin ng Akademikong Pagsulat?
2. Magbigay ng layunin ng akademikong pagsulat.

C. PAGGANYAK

“TUNGKULIN O GAMIT NG AKADEMIKONG PAGSULAT”

1. Ang Akademikong pagsulat ay lumilinang sa kahusayan sa wika

-pinakahuli sa makrong kasanayan
-nililinang ang lingwistik ng mag-aaral
-nililinang ang pragmatic ng mag-aaral
-nililinang ang kakayahang diskorsal ng mga mag-aaral
2. Ang Akademikong pagsulat ay lumilinang ng mapanuring pag-iisip
-ang manunulat ay nagsusuri rin ng kanyang binasa
-hindi lahat ng kanyang binabasa ay ginagamit at tinatanggap
-pagklaklasipay o pag-uuri, pag-uugnay ng mga konsepto, pagbuo ng
lagom at kongklusyon.
3. Ang Akademikong pagsulat ay lumilinang ng mga pagpapahalagang pantao.
-tungkulin din ng edukasyon na linangin ang mga kaaya-ayang pagpapahalaga o values
ng bawat mag-aaral.
- inaaasahan na malinang ang katapat ng mag-aaral
- makapagtuturo sa mag-aaral ng halaga ng kasipagan, pagtitiyaga, pagsisikap,
responsibilidad atbp
4. Ang Akademikong Pagsulat ay isang paghahanda sa propesyon
-halos lahat ng prospesyon ay kinapapalooban o kinasasangkutan ng pagsulat.

D. PAGTATALAKAY
1. Ano ang tungkulin o gamit ng Akademikong Pagsulat? Iaulat sa kahon ang sagot.
E. PAGLALAHAT
Panuto: Ibuod ang lahat nang natutunan ngayong talakayan at isulat sa isang papel.

Rubrik:
Nilalaman ng sanaysay 5
Kaayusan ng pagsulat 5
10

_______________________________________
Titulo ng Buod
_________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

F. PAGLALAPAT
Panuto: Punan ang Graphic Organizer na nagpapakita ng tungkulin o gamit ng
Akademikong Pagsulat.

Tungkulin o gamit ng Akademikong Pagsulat

G. KASUNDUAN
Magbalik-tanaw sa araling tinalakay

You might also like