You are on page 1of 8

11 Department of Education-Region III

TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION

Juan Luna St., Sto. Cristo, Tarlac City 2300
Email address: tarlac.city@deped.gov.ph/ Tel. No. (045) 470 - 8180

Filipino
Quarter 1: Week 1
Learning Activity Sheets

0
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK) – GRADE 11/12

Pangalan: _____________________________________ Unang Markahan-Unang Linggo

Taon at Pangkat: _______________________________ Petsa: ___________________

ANG KAHULUGAN AT KATUTURAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT

Panimula (Susing Konsepto)

Isa sa makrong kasanayan sa pakikipagtalastasan ang pagsulat at ang wika ang

pangunahing sangkap sa pagbuo ng isang sulatin na magluluwal ng iba’t ibang ideya na
magiging mensahe sa anumang isusulat.
Sa kasalukuyang antas ng iyong pag-aaral, malaki ang gampanin ng pagsulat sa
pagpapahayag ng iyong saloobin, pananaw, opinyon, ideya at anumang naiisip. Inilalapat at
isinasakonteksto ng pagsulat ang mga impormasyon na nais mong maipahatid mula sa
sariling kaalaman at karanasan na sinangkapan ng komprehensibong pananaliksik upang
maging akademiko.
Isang uri ng pagsulat ang akademikong sulatin. Ito ay makikilala sa layunin, gamit,
katangian at anyo nito. Taglay ng akademikong sulatin ang mataas na gamit ng isip upang
maipahayag ang ideya bilang batayan ng karunungan.
Mga Uri ng Pagsulat

1. TEKNIKAL NA PAGSULAT
Isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay impormasyon para sa komersiyal o
teknikal na layunin. Gumagamit din ito ng mga teknikal na terminolohiya sa isang partikular
na paksa tulad ng agham teknolohiya. Ito rin ay maituturing na espesyalisadong pagsulat dahil
nakatuon ito sa partikular na awdyens. Nagsasaad ng impormasyon na maaring makatugon
sa isang komplikadong suliranin o problema.
Halimbawa:
Bionote, Tesis, posisyong papel
2. DYORNALISTIK
Ang ganitong uri ng sulatin ay nakatuon sa pahayagang pangkampus. Naglalaman ito
ng mga balita, lathalain at iba pang uri ng mga sulating pandyaryo. Kadalasan, ang mga
manunulat dito ay tinatawag na journalist o mamamahayag.
Halimbawa:
Makikita sa columnar ng dyaryo tulad ng editoryal,balitang sulatin,
lathalain, balitang pampalakasan atpb.
3. REPERENSIYAL
Isang uri ng sulatin na naglalahad at nagsusuri ng mga impormasyon at naglalayong
magrekomenda ng iba pang mga reperensiya batay sa isang babasahin. Kadalasan, ang mga
manunulat ay nagbibigay ng lagom sa paksa ng ibang manunulat at tinutukoy nito ang
pinaghanguan nitong maaaring sa paraang pamaklong (parential) footnotes o endnotes para
sa mas malawak na pag-intindi sa isang paksa.
Halimbawa:
Literatura mula sa awtoridad, tesis sa bahagi ng kaugnay na
pag-aaral at literatura.
3. REPERENSIYAL

1

4. PROPESYONAL
Ito ay isang uri ng pagsulat na nakatuon sa kung anong propesyon napabibilang ang
isang tao. At maituturing na eksklusib ito sa tiyak na propesyon dahil may tiyak o espesipiko
itong gamit sa pasulat na pamamaraan na maaaring hindi maunawaan ng iba pang
propesyon.
Halimbawa:
Police report, Investigative report, Medical report

5. MALIKHAIN
Masining ang paraan ng pagpapahayag partikular na sa larangan ng panitikan. Ang
paraan ng pagpapahayag ng mga manunulat ay matalinghaga at naglalayong mapukaw ang
damdamin ng mambabasa. Mas nagiging buhay ito sa paggamit ng mga matatalinhagang
pahayag tulad ng tayutay, idyoma at imahen na maaaring piksyunal at di-piksyunal.

Halimbawa:
Tula, nobela, maikling kwento, alamat, kwentong bayan
6. AKADEMIKO
Kung ihahambing sa malikhaing pagsulat, ang akademikong pagsulat ay
nangangailangan ng mas mahigpit na tuntunin sa pagbuo ng sulatin. Mayroon itong isang
paksa na may magkakaugnay na mensahe. Maayos na inihahanay ang mga
pangungusap, talata, at seksiyon upang maging malinaw ang pagkakabuo ng mga ideya
at paliwanag ng mga ito. Ang karaniwang estruktura ng isang akademikong sulatin ay may
simula na karaniwang nilalaman ng introduksiyon, gitna na nilalaman ng mga paliwanag,
at wakas na nilalaman ng resolusyon, kongklusyon, at rekomendasyon.
Tatlong mahahalagang konsepto ng Akademikong Pagsulat (Karen Gocsik 2004)
1. Ang akademikong pagsulat ay ginagawa ng mga iskolar at para sa mga iskolar.
2. Ang akademikong pagsulat ay nakalaan sa mga paksa at mga tanong na kinagigiliwan
ng akademikong komunidad at
3. Ang akademikong pagsulat ay dapat maglahad ng importanteng argumento.
IBA’T IBANG URI NG AKADEMIKONG SULATIN
1. Abstrak
Ito ay ang maikling buod na artikulo o ulat na inilalagay bago ang introduksiyon.
Ito ang siksik na bersyon ng mismong papel. Ipinaaalam nito sa mga mambabasa ang
paksa at kung ano ang aasahan nila sa pagbasa na isinulat na artikulo o ulat.
2. Sintesis/buod
Ito ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong
naratibo tulad ng kuwento, salaysay, nobela, dula, parabola, talumpati, at iba pang anyo
ng panitikan. Ang buod ay maaaring buuin ng isang talata o higit pa o maging ng ilang
pangungusap lamang

2
3. Bionote
Impormatibong talata na nagpapaalam sa mga mambabasa kung sino ka o ano-
ano ang mga nagawa mo bilang propesyunal.
4. Panukalang Proyekto
Ito ay nangangahulugang isang kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga
plano ng gawaing ihaharap sa tao o samahang pag-uukulan nito na siyang tatanggap at
magpapatibay nito.
5. Talumpati
Ito ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinapabatid ang opinyon,
ideya o saloobin sa pamamagitan ng ng pag salita sa entablado.

6. Katitikan ng Pulong
Ang opisyal na tala ng isang pulong.
7. Posisyong Papel
Isang sulatin na nagpapahayag ng tiyak na paninindigan ng isang indibidwal o
grupo tungkol sa isang makabuluhan at napapanahong isyu.
8. Replektibong Sanaysay
Ito ay isang tiyak na uri ng sanaysay na mayroong kaugnayan sa pagsisiyasat sa
sarili o introspeksiyon.
9. Agenda
Tumutukoy sa isang sulatin na nagtataglay ng magiging kaganapan sa isang
pagpupulong.
10. Pictorial essay
Ito ay isang uri ng pagsulat na ginagamitan ng mga larawan na may kaugnayan
sa bawat isa.
11. Lakbay sanaysay
Isang uri ng sulating tumatalakay sa karanasan sa paglalakbay.

Kasanayang Pampagkatuto:
✓ Nabibigyang kahulugan ang akademikong pagsulat (CS_FA11/12PB-0a-c-
101)
Pagsasanay 1
Gamit ang diagram sa ibaba, batay sa iyong pagkakaunawa, magbigay ng
katangian ng isang akademikong sulatin. (2 puntos bawat bilang)

Aka-
demikong
Sulatin

3
Pagsasanay 2
Isulat sa patlang ang salitang Akads kung ang sulatin sa ibaba ay pang
akademikong sulatin at Di-akads naman kung ang pahayag ay iba pang uri ng sulatin.
_____1. pagsulat ng manwal _____6. bibliography
_____2. maikling kuwento _____7. nobela
_____3. konseptong papel _____8. sanaysay
_____4. bionote _____9. mitolohiya
_____5. feasibility study _____10. bugtong

Pagsasanay 3
Tama o Mali. Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinapahayag ng pangungusap; MALI
naman kung hindi wasto.
___________________ 1. Makikita sa konklusyon ang kasagutan sa mga itinampok
na katanungan sa isinulat na pag-aaral. Kadalasang nasa anyong pabuod ang
konklusyong binuo batay sa natuklasang kaalaman.
___________________ 2. Ang akademikong pagsulat ay ginagawa ng mga iskolar at
para sa mga iskolar.
___________________ 3. Ang akademikong sulatin ay pawang opinyon at
nakababatay sa pansariling kaalaman.
___________________ 4. Kung ihahambing sa malikhaing pagsulat, ang
akademikong pagsulat ay nangangailangan ng mas mahigpit na tuntunin sa pagbuo
ng sulatin
___________________ 5. Bahagi rin ng isang komprehensibong akademikong sulatin
ang diipormal na pagsusuri.
Para sa bilang 6-10. Basahin ng mabuti ang bawat katanungan. Piliin lamang ang titik
ng tamang sagot.
___________________ 6. Katangian ng akademikong pagsulat na nagiging simula ng
pagpaplano upang maisakatuparan ang makabuluhang akademikong sulatin.
a. angkop na layunin c. halaga ng datos
b. komprehensibong paksa d. gabay balangkas
___________________ 7. Ito ang magtatakda ng dahilan kung bakit nais makabuo
ng akademikong sulatin.
a. gabay balangkas c. angkop na layunin
b. tugon ng konklusyon d. panimula
___________________ 8. Impormatibong talata na nagpapaalam sa mga
mambabasa kung sino o ano-ano ang mga nagawa mo bilang propesyunal.
a. agenda c. binote
b. katitikan ng pulong d. lakbay-sanaysay
___________________ 9. Ito ay isang uri ng pagsulat na ginagamitan ng mga larawan
na may kaugnayan sa bawat isa.
a. replektibong sanaysay c. pictorial essay
b. lakbay sanaysay d. bionote
___________________ 10. Ito ay ang maikling buod na artikulo o ulat na inilalagay
bago ang introduksiyon. Ito ang siksik na bersyon ng mismong papel.
a. abstrak c. sintesis
b. panukalang proyekto d. prez

4
Pagsasanay 4
Tukuyin kung anong uri ng pagsulat ang mga sumusunod na halimbawa gamit ang mga
pagpipilian sa kahon, at ipaliwanag kung bakit ito ang iyong pinili. (2 puntos bawat bilang)

lakbay-sanaysay akdang pampanitikan

katitikan ng pulong panukalang proyekto
replektibong sanaysay bionote
____________________ 1. Si Richman Hernandez ay isang guro at manunulat sa larangan ng
Filipino sa Tarlac. Siya ay kasalukuyang nag-aaral ng Doktor sa Pilosopiya sa Filipino. Nagtapos siya
ng kursong Batsilyer ng Edukasyong Pansekundarya at nagkamit titulong Master of Arts major in
Filipino sa Tarlac State University. Siya ay tagapanayan sa iba’t ibang paksain sa pagsulat tulad ng
dagli, photo-essay, self-learning kit, pampahayagang pangkampus at iba pa.

Paliwanag___________________________________________________
____________________________________________________________

____________________ ____________________________________________________________
2. Bisekleta roon, bisekleta rito! Hanap ko ang sariwang hangin na mula sa
kanluran. Mahalimuyak ____________________________________________________________
na hanging dumadaloy sa aking pang-amoy. Amoy na nagpapalimot sa
____________________________________________________________
masasalimuot kong karanasan.
____________________________________________________________
Isa sa mga pinakagigiliwan ng mga Pilipino ngayon ang pagbibisikleta, at ito na rin ang aking
____________________________________________________________
kinagigiliwang gawin sa tuwing Sabado at Linggo ng Umaga. Isa na sa pinakagusto kong puntahan
__________________________
ang maaliwalas na tanawin ng Tarlac Recreational Park na matatagpuan sa Western, Tarlac.
Hindi lamang isa, dalawa o tatlo ang nagagawi rito, dahil tuwing umaga ay puntahan na ito ng
mga tao mula sa iba’t ibang lugar. Nakahahalinang kapaligiran ang hatid nito sa karamihan. At
maraming maaaring gawin dito, hindi lamang ng mga kapwa kong nagbibisikleta. Maaari ding mag-
basketball o magvolleyball. Pwede rin namang makipagkarera o mamangka sa ilog.

Paliwanag___________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________ 3. Ako ay may lobo,
____________________________________________________________
Oo, natuwa ako nang dumating ka sa buhay ko,
____________________________________________________________
Ang dating boring na ngayo'y biglang nagbago,
____________________________________________________________
Oo, nagagalak ako dahil sa maliliit na bagay na ipinapakita mo,
____________________________________________________________
Minsan nga'y kinikilig ako dahil sa totoong may nararamdaman na pala ako sa iyo.
__________________________
Lumipad sa langit.
Oo. Iniwan mo ako nang walang paalam,
Doon ka naman magaling 'di ba? Sa pag-iwan.
'Yung tipong ako ang sawi at luhaan.
At halos walang malapitan, maging mapagsabihan.

Paliwanag___________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
5

____________________ 4. Taon-taon ay ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika bilang pag-alaala na
rin na nakamit natin ang ating kalaayaan mula sa mapaniil na mananakop. Ngayong taon na ito ay
mas binigyang-sigla ng Senior High School ang pagdiriwang nito sa kanilang pagpapamalas ng
talento, kakayahan, talino at galing sa paggawa ng kani-kanilang likha-himig at jingle.
Ika-25 ng Agosto, 2017 ay ang araw na pinakahihintay ng lahat. Araw na matagal nang
pinaghandaan ng bawat mag-aaral sa Senior High School. Ika-10 ng umaga ay kagyat na sinimulan
ang programa sa pangunguna ni G. Richman N. Hernandez na siyang tagapagpadaloy ng programa.

Paliwanag___________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________ 5. Pamagat: Manuelians all-out Tutorial
____________________________________________________________
Tema: Paglinang sa kaalaman at kasanayan tungo sa magandang kalidad na kinabukasan
____________________________________________________________
Lugar: Silid-aklatan
Petsa at Oras: ____________________________________________________________
August 14, 2020 / 7:00 am – 6:15 pm
__________________________
Ang edukasyon ay isa sa pinakamatibay na pundasyon sa pagbuo ng mga pangarap at mga
adhikain sa buhay. Ito ay isang prebilehiyo na hindi lamang nakakamit dahil ito ay likas na karapatan
ng tao, ito rin ay isang abilidad na hinding hindi mananakaw nang kahit na sinuman. Edukasyon,
isang salita ngunit napakaraming epekto nito sa buhay ng isang tao.
Ang programang ito ay isa sa mga mainam at mabisang paraan para matulungan ang mga
mag-aaral sa kani-kanilang mga problema sa pag-aaral. Ito rin ay maaaring maging solusyon sa
umiiral na problema ng mga mag-aaral na sanhi ng kahirapan sa pag-intindi ng mga napag-aaralan
sa iba’t ibang asignatura.

Paliwanag___________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
Pagsasanay 5 ____________________________________________________________
Gamit ang talaan ilahad ang mga pagkakaiba sa katangian ng akademiko at di-akademikong
____________________________________________________________
sulatin.
____________________________________________________________
__________________________
AKADEMIKO DI-AKADEMIKO
1. Layunin

2. Paraan

3. Audience

6
4. Organisasyon ng
ideya

5. Pananaw

Sanggunian:
✓ Hernandez, R. N. Isang Modyul sa Malikhaing Pagsulat: Ang Dakilang Pantas para sa
mga Mag-aaral ng Senior High. Di-nalathalang tesis. Tarlac State University, Tarlac
City. 2019
✓ Bandril, Lolita T. et al. Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan. Quezon City
Philippines: VIBAL Group Inc., 2016
✓ Santos, Corazon L. et al. Filipino sa Piling Larang Adademiks Patnubay ng Guro,
Pasig City Philippines: Department of Education, 2016
✓ https://www.slideshare.net/MiguelDolores/akademikongpagsulat?qid=74f9a039-
e5e4-4274-a2d4-374992bcc79e&v=&b=&from_search=3
✓ share.net/sjbians/akademikong-pagsulat-78308089?qid=120c0696-d8f8-442f-8aa8-
06267fef36f7&v=&b=&from_search=1

Mga Susing Sagot

Pagsasanay 1
Ang guro na ang bahalang magpasya sa kawastuhan ng sagot at katumbas na paliwanag.
Pagsasanay 2
Ang guro na ang bahalang magpasya sa kawastuhan ng sagot at katumbas na paliwanag.
Pagsasanay 3
A. 1. Tama B. 6. C
2. Tama 7. B
3. Mali 8. B
4. Tama 9. B
5. Mali 10. A
Pagsasanay 4
Ang guro na ang bahalang magpasya sa kawastuhan ng sagot at katumbas na paliwanag.
Pagsasanay 5
Ang guro na ang bahalang magpasya sa kawastuhan ng sagot at katumbas na paliwanag.

Inihanda ni:

RICHMAN N. HERNANDEZ
ELOISA A. LIWANAG
VIVIANLYN V. FRANCISCO
Manunulat

Sinuri nina:

HELEN G. LAUS EdD

EPSvr Filipino

LILY BETH B. MALLARI

EPSVR-LRMS

ROBERT E. OSONGCO EdD

CID-Chief

You might also like