You are on page 1of 4

Grade 12

PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING


LARANG AKADEMIK
Unang Kwarter: PANIMULANG PANANLIKSIK

Modyul 3

Unang Semester, S.Y. 2020-2021

Prepared by:

CHERRY LY ABRASADO
Subject Teacher

____________________________________________________________________________
MDM-Sagay College, Inc.
Office: Feliza Bldg., Marañon St. Pob 2, Sagay City
Campus: National Highway, Poblacion 2, Sagay City, Negros Occidental
Tel.# 488-0531/ email: mdm_sagay2000@gmail.com.

0
Unang Kwarter: Ang iba’t-Ibat akademikong sulatin

Aralin 1. Panimulang Pananaliksik


Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod;
1. Makapagsasagawa ng panimulang panaliksik, kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at
katangian ng iba’t-ibang anyo ng sulating akademiko.

SUBUKIN

Panuto: PAGKILALA SA PAHAYAG: Suriin Kung TAMA o MALI ang pahayag tungkol sa paksa.
_______1.kalipunan ng mga sulating naisulat para sa pangangailangan ng kursong Akademikong
Pagsulat.
a. Portfolio b. obhitibo c. pormal d. may kalinawan
_______2.Hindi ginagamitan ng impormal na pananalita?
a. May kalinawan b. portfolio c. pormal d. may pananagutan
_______3. Ang pagkopya din na ito ay walang paalam mula sa orihinal na gumawa ng akda.
a. obhitibo b. pormal c. portfolio d. Plajerismo
_______4. layunin ng akademikong pagsulat ay pataasin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa
pagbasa at pagsulat sa iba’t ibang disiplina o larang.
a. Portfolio b. obhitibo c. pormal d. may kalinawan
________5. ang pagsulat ng mga impormasyon at ang pagpapahayag sa pagsulat ay direktibo at
sistematiko.
a. May pananagutan b. portfolio c. pormal d. may kalinawan

TUKLASIN

KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT

1. Pormal
Ang mga ganitong uri ng sulatin ay pormal at hindi ginagamitan ng mga impormal o balbal na pananalita.
Maliban na lamang kung ang naturang uri ng pananalita ay bahagi ng isang pag-aaral.
2. Obhetibo
Ang layunin ng akademikong pagsulat ay pataasin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pagbasa
at pagsulat sa iba’t ibang disiplina o larang. Binibigyang-diin dito ang impormasyong gustong ibigay at
ang argumento sa mga ideya na sumusuporta sa paksa (Alejo et al 2005).

3. May Paninindigan
Ang akademikong pagsulat ay kailangang may paninindigan sapagkat ang nilalaman nito ay pag-aaral o
mahalagang impormasyon na dapat idinudulog at dinepensahan, ipinalillwanag at binibigyang-
katwiran ang mahahalagang layunin, at inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral. Mahalaga rin ang
paninindigan dahil ang mismong daloy ng mga pangungusap, pangangatwiran, at layunin ay depende sa
isinasaad ng paninindigan ng manunulat.

4. May Pananagutan
Mahalagang matutuhan ang pagkilala sa mga sangguniang pinaghanguan ng mga impormasyon. Ang
pangongopya ng impormasyon o ideya ng ibang manunulat o plagiarism ay isang kasalanang may
takdang kaparusahan sa ilalim ng ating batas.

5. May Kalinawan
Ang sulating akademiko ay may paninindigang sinusundan upang patunguhan kung kaya dapat na maging
malinaw ang pagsulat ng mga impormasyon at ang pagpapahayag sa pagsulat ay direktibo at
sistematiko.

LAYUNIN SA PAGSASANAY SA AKADEMIKONG PAGSULAT

1
1. Makapagsagawa ng wastong pangangalap ng mga impormasyon at malikhaing pagsasagawa ng
ulat.
Ang wastong pangangalap ng mga impormasyon at datos ay nangangailangan ng kasanayan sa pagbabasa
at pagsuri ng iba’t ibang sanggunian katulad ng diksiyonaryo, encyclopedia, annual journals, almanac,
atlas, magasin, academic journals, mga libro, pahayagan, at tesis at disertasyon. Mahalaga ang paggamit
ng mga ito sa matagumpay na pangangalap ng impormasyon. Dapat ding matutuhan ang wastong pagbuo
ng bibliyograpiya o listahan ng mga ginamit na aklat at pagbanggit sa mga paglalahad ng impormasyon
mula sa mga taong kinauukulan upang maiwasan ang direktang pangongopya ng mga impormasyon o
plagiarism. Sa pagkatuto ng wastong pangangalap ng impormasyon at pagbuo ng bibliyograpiya,
kinakailangan din na malikhaing maipakita ang ulat na binuo upang maging nakapanghihikayat ang
pagbasa ng pag-aaral o sulatin.
2. Nagagamit ang mga kasanayan sa pagbasa sa pagsusuri ng iba't ibang uri ng teksto na magagamit sa
mga gawain ng akademikong pagsulat.
Ang mag-aaral ay nararapat na nagtataglay ng tatlong antas ng pag-unawa sa pagbasa. Una, ang
pagkakaroon ng literal na pagpapakahulugan kung saan ang mambabasa ay nakauunawa ng mga salita
ng wikang ginamit. Pangalawa, pagbasa nang may pag-unawa. Ang mag-aaral ay nakapagbibigay ng
pagpapakahulugan gamit ang paghihinuha at komprehensiyon sa ipinapahayag na mensahe ng awtor.
Pangatlo, pagbasa nang may aplikasyon. Matapos ang pagbasa, dapat ay naisasagawa sa isang
pagkilos.ang mensahe ng teksto na maaaring pasulat o pag-uulat.
3. Natatalakay ang paksa ng mga naisagawang pag-aaral ayon sa pananaw ng may-akda kasabay rin
ang pag-unawa ng mag-aaral bilang mambabasa.
Ang mag-aaral ay inaasahang marunong magsuri ng ibang akda na makatutulong sa kanyang pag-aaral—
kritikal sa pag-iisip, obhetibo sa pagtalakay sa paksa, organisado ang mga ideya at kaisipan, nakatutukoy
ng sanhi at bunga, nakapaghahambing, nakabubuo ng konsepto, at nakalulutas ng suliranin para sa
ikabubuti ng kanyang sulatin.
4. Nakapagsusuri at nakabubuo ng wastong konsepto mula sa tinalakay na paksa ng mga naisagawang
pag-aaral.
Ang pamanahong papel ay output ng mga mag-aaral bilang pagtupad sa pangangailangan ng kanilang
kurso. Bilang isang kritikal at mapanuring mag-aaral, kailangang makapagsagawa ng pagsusuri sa mga
naisagawa nang pag-aaral upang maging batayan ang mga ito sa pagbuo ng sariling konsepto na
magiging daan sa pagpapalawak ng pagsasanay at pagbuo ng sariling papel pananaliksik.
5. Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral para makasulat ng iba't ibang anyo ng akademikong
sulatin.
Inaasahang mapahuhusay pa ang kasanayan ng mag-aaral upang makasusulat ng iba’t ibang sulatin sa
larangan ng akademikong pagsulat.
6. Matukoy na ang Akademikong Pagsulat ay isang kurso na lumilinang sa pagiging inobatibo ng mag-
aaral sa pagkakaroon ng mataas na pagkilala sa edukasyon.
Mahalagang katangian na dapat ding taglayin ng mag-aaral sa pagsulat ang pagkakaroon ng mataas na
pagkilala sa edukasyon bilang isang paraan ng pagpapabuti sa kondisyon ng tao at lipunan. Sa ganito,
lalabas at malilinang ang pagiging inobatibo ng mag-aaral sa kanyang pagsulat tulad ng pagiging
malikhain para sa kanyang mambabasa.
7. Napahahalagahan at naiingatan ang mga nagawang sulatin sa pamamagitan ng paggawa ng
portfolio.
Ang portfolio ay kalipunan ng mga sulating naisulat para sa pangangailangan ng kursong Akademikong
Pagsulat. Ang kalagayan, ayos, at dating nito ay sumasalamin sa pagpapahalaga ng mag-aaral sa kanyang
sarili.

PAGYAMANIN

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa kahon.

a. portfolio
b. pamanahong papel
c. pagpapabuti sa kondisyon ng tao at lipunan.
d. kritikal sa pag-iisip, obhetibo sa pagtalakay sa paksa, organisado.
e. makasusulat ng iba’t ibang sulatin sa larangan ng akademikong pagsulat.
f. wastong pagbuo ng bibliyograpiya o listahan ng mga ginamit na aklat at pagbanggit

2
_____1. Matukoy na ang Akademikong Pagsulat ay isang kurso na lumilinang sa pagiging inobatibo ng
mag-aaral sa pagkakaroon ng mataas na pagkilala sa edukasyon.
_____2. Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral para makasulat ng iba't ibang anyo ng akademikong
sulatin.
_____3. Nakapagsusuri at nakabubuo ng wastong konsepto mula sa tinalakay na paksa ng mga
naisagawang pag-aaral.
_____4. Makapagsagawa ng wastong pangangalap ng mga impormasyon at malikhaing pagsasagawa ng
ulat.
_____5.Napahahalagahan at naiingatan ang mga nagawang sulatin sa pamamagitan ng paggawa ng
portfolio.

ISAISIP
Panimula ng Pananaliksik
Ang unang hakbang sa pananaliksik ay ang pagpili ng paksa. Ang paksa ay maaaring manggaling
mismo sa iyo, bilang mananaliksik, sa iyong interes o sa isang hiwalay na ahensiya, kung ikaw ay
kinomisyon lamang upang gawin ito.
"Ang pagpili ng paksang sasaliksikin ay dapat ibatay sa interes ng mga kalahok upang matiyak na
ito'y tutugon sa kanilang kalikasan at mga pangangailangan."

ISAGAWA

1. Kahulugan ng Plajerismo?
2. Bakit kailangan pormal ang akademikong pagsulat.
3. Bakit dapat malinaw at organisado ang pagsulat?
4. Bakit kailangan wasto ang mga impormasyon na iyong isusulat?
5. Bilang isang mag-aaral ng grade 11 bakit mahalagang makasulat ng akademikong
teksto?

You might also like