You are on page 1of 10

PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG

Alcalde Jose Street, Kapasigan, Pasig City

KOLEHIYO NG EDUKASYON
KAGAWARAN NG FILIPINO
Taong Pampanuruan 2020-2021

Asignatura: PAGBASA AT PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Pinal na Markahan

MODYUL 2

A. Paksa ng Modyul:

Mga Kasanayan sa Akademikong Pagsulat


B. Mga Pangangailangang Teknikal: internet, speakers/ headset,
Fb messenger, Google Classroom, Google meet, Zoom meeting at at iba pa

C. Nilalaman ng Modyul:
1. Mahalagang Kabatiran sa Akademikong Pagsulat

1.1 Akademikong Pagsulat

1.2. Katangian ng Akademikong Pagsulat


1.3. Layunin sa Pagsasanay sa Akademikong Pagsulat

1.4. Katangian ng Akademikong Sulatin

2. Kapakinabangang dulot ng Akademikong Pagsulat


3. Mga Kasanayang Mahalagang Malinang upang makabuo ng isang maayos
na konseptong papel

4. Pagbuo ng Konseptong Papel

4.1. Ang Konseptong Papel

COED/Prof. Dr. Eva J. Ompoc


4.2. Mga dapat isa-isip sa pag gawa ng Konseptong papel

4.3. Mga hakbang sa Pagbuo ng Konseptong Papel

4.4. Katangian ng Konseptong Papel na dapat isa-alang alang

5. Pangunahing Bahagi ng Konseptong Papel

5.1. Rasyonal

5.2. Layunin

5.3. Metodolohiya

5.4. Inaasahang Bunga

I. Panimula:
Ang akademikong pagsulat ay isinasagawa sa isang akademikong institusyon
kung saan kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat.
Layunin ng akademikong pagsulat ang magbigay ng makabuluhang
impormasyon sa halip na manlibang lamang.

I. Mga Layunin:
Pagkatapos ng araling ito, dapat na magawa mo ang mga sumusunod:

a. Nakasusulat ng mga mapanghikayat at malikhaing sulatin batay sa sariling karanasan.

III. Panimulang Gawain

a. Balik-aral
1.Ano-ano ang mag Uri ng pagsulat?

2. Pagsunod-sunirin ang mga hakbang sa pagsulat?

3. Ibigay ang mga bahagi ng Teksto

a. Panimulang Ebalwasyon

Panuto: Sagutin kung TAMA o MALI ang mga pahayag sa bawat bilang.

1. Ang argumento at pangantuwiran at magkaiba.

COED/Prof. Dr. Eva J. Ompoc


2. Ang layunin ng pananaliksik ay upang makatuklas ng bagong kaalaman.

3. Ang mananaliksik ay nararapat na masip[ag, matiyaga at maingat.

4. nararapat na sistematiko ang pananaliksik.

5. Ang mananaliksik ay may tungkulin at responsibilidad


IV. Aralin:

Ang pagbuo ng akademikong sulatin ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng


isang indibidwal (Arrogante et al. 2007). Kinikilala sa ganitong uri ng pagsulat
ang husay ng manunulat dahil may kakayahan siyang mangalap ng
mahahalagang datos, mag-organisa ng mga ideya, lohikal mag-isip, mahusay
magsuri, marunong magpahalaga sa orihinalidad ng gawa, at may inobasyon
at kakayahang gumawa ng sintesis. Sa pagsulat ng sulating pang-akademiko,
gumagamit ng piling-piling salita at isinasaalang-alang ang target na
mambabasa. Mahigpit din sa paggamit ng tamang bantas at baybay ng salita
dahil ang mga sulating ito ay nakatuon sa pagbibigay ng kaalaman.

1.2. Katangian ng Akademikong Pagsulat

Pormal: Ang mga ganitong uri ng sulatin ay pormal at hindi ginagamitan


ng mga impormal o balbal na pananalita. Maliban na lamang kung
ang naturang uri ng pananalita ay bahagi ng isang pag-aaral.

Obhetibo: Ang layunin ng akademikong pagsulat ay pataasin ang antas ng


kaalaman ng mga mag-aaral sa pagbasa at pagsulat sa iba’t ibang
disiplina o larang. Binibigyang-diin dito ang impormasyong
gustong ibigay at ang argumento sa mga ideya na sumusuporta sa
paksa (Alejo et al., 2005).

May Paninindigan: Ang akademikong pagsulat ay kailangang may


paninindigan sapagkat ang nilalaman nito ay pag-aaral o
mahalagang impormasyon na dapat idinudulog at
dinepensahan, ipinaliliwanag at binibigyang-katwiran ang
mahahalagang layunin, at inilalahad ang kahalagahan ng
pag-aaral. Mahalaga rin ang paninindigan dahil ang
mismong daloy ng mga pangungusap, pangangatwiran, at

COED/Prof. Dr. Eva J. Ompoc


layunin ay depende sa isinasaad ng paninindigan ng
manunulat.

May Pananagutan: Mahalagang matutuhan ang pagkilala sa mga


sangguniang pinaghanguan ng mga impormasyon. Ang
pangongopya ng impormasyon o ideya ng ibang manunulat o
plagiarism ay isang kasalanang may takdang kaparusahan
sa ilalim ng ating batas.

May Kalinawan: Ang sulating akademiko ay may paninindigang sinusundan


upang patunguhan kung kaya dapat na maging malinaw
ang pagsulat ng mga impormasyon at ang pagpapahayag sa
pagsulat ay direktibo at sistematiko.

1.3. Layunin sa Pagsasanay sa Akademikong Pagsulat

1. Makapagsasagawa ng wastong pangangalap ng mga imporamasyon at


malikhaing pagsasagawa ng ulat.
2. Nagagamit ang mga kasanayan sa pagbasa sa pagsusuri ng iba’t ibang
uri ng teksto na magagamit sa mga gawain ng akademikong pagsulat.
3. Natatalakay ang mga paksa ng naisasagawang pag-aaral ayon sa
pananaw ng may-akda kasabay ang pag-unawa ng mag-aaral bilang
mambabasa.
4. Nakapagsusuri at nakabubuo ng wastong konsepto mula sa tinalakay na
pagksa nga mga naisagawang pag-aaral.
5. Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral para makasulat ng iba’t
ibang anyo ng akademikong sulatin.
6. Matukoy na ang Akademikong Pagsulat ay isang kurso na lumilinang sa
pagiging inobatibo ng mag-aaral sa pagkakaroon ng mataas na pagkilala
sa edukasyon.
1.4. Katangian ng Akademikong Sulatin

COED/Prof. Dr. Eva J. Ompoc


• makatao, sapagkat naglalaman ang akademikong sulatin ng mga maka-
buluhang impormasyon na dapat mabatid para sa kapakinabangan ng
mamamayan.

• makabayan, sapagkat ang kapakinabangang hatid ng akademikong


sulatin ay magtutulay sa kaunlaran ng mamamayan upang maging
produktibong kasapi ng pamayanan at bansa.

• demokratiko, sapagkat ang akademikong sulatin ay walang kinikilingan


o kinatatakutan dahil ang hangarin ay magpahayag ng” katotohanan.

-may malinaw na paglalahad ng katotohanan at opinyon sa mga sulatin

-pantay ang paglalahad ng mga ideya

-may paggalang sa magkakaibang pananaw

-organisado

-may mahigpit na pokus

-gumagamit ng sapat na katibayan

II. Kapakinabangang dulot ng Akademikong Pagsulat

1. Nagkakaroon ng pagpapahalaga sa pag-aaral

2. nahahasa ang iyong kakayahan at nagkakaroon ka ng kalayaang sabihin


ang laman ng iyong puso't isipan

3. Nalilinang din ang kaugalian at mga paraan sa paggawa ng mga sulatin.

4. Mapapaunlad ang kaalamang pang-intelektuwal na mahalaga sa


pagkatuto.

5. Matututuhang maging mapanuri at mapili sa makakalap na datos na


kapaki-pakinabang sa pag-aaral.

6. Magiging bukas ang isipan sa mga ideyang umiinog sa kapaligiran at sa


mga pinagkukunang impormasyon.

7. Malilinang ang pagpapahalaga at paggalang sa mga nagsagawa ng


malalim na pag-aaral gamit ang akademikong pagsulat.

COED/Prof. Dr. Eva J. Ompoc


8. Gamit ang akademikong sulatin ay nakikilala ang aklat at mundo bilang
sentro ng kaalaman, impormasyon, datos at katotohanan.

9. Mahahasa ang kakayahan sa mapanuring pagbabasa at pagsusulat gaya


ng pagtatala, pagbabalangkas ng mga nabuong ideya at pagsasaayos ng
mga impormasyon upang makabuo ng isang naglalahad at
mapanghikayat na sulatin.

10. Mapapaunlad ang kakayahan sa paghahanap ng mga materyales, datos


at paggamit ng aklatan.

11. mas naipahahayag mo ang iyong damdamin at nasasabi mo ang iyong


opinyon ukol sa mga bagay bagay.

III. Mga Kasanayang Mahalagang Malinang upang makabuo ng isang


maayos na konseptong papel

1. Mahalagang matutunan ang pagbuo ng isang konseptong papel bilang gabay


sa masinop na pagsisiyasat at pananaliksik.

2. Mahalagang maisaloob ang sistematikong paghahanay ng mga ideya at ang


pag-uugnay sa mga ito bilang batayan ng mga obserbasyong bubuuin.

3. Mahalagang matutunan ang kasanayan sa pagtatala, paggawa ng buod,


presi, sintesis at hawig at ang maingat na pagsasalin ng mga datos sa Filipino
bilang pagtitiyak sa kawastuhan ng mga datos na makakalap.

4. Sa pag-oorganisa ng mga datos at obserbasyon, mahalagang malinang ang


kasanayan sa pagbuo ng isang mapanghikayat at maayos na sulatin upang
matugunan ang simulaing naging tulak ng pagsisiyasat at pananaliksik sa
napiling paksa.

IV. Pagbuo ng Konseptong Papel

4.1. Ang Konseptong Papel

• Ang isang konseptong papel ay nagsisilbing proposal na kailangan


ihanda para mapagsimulan ang isang pananaliksik. Kadalasan ito ay
ginagawa bago talakayin ang isang akademikong sulatin.
• Ito ay nagpapakita ng isang kabuuan ng ideya na ang basehan ay isang
framework o balangkas ng paksang bubuuin para sa pananaliksik

COED/Prof. Dr. Eva J. Ompoc


• Mula plano, patungong proseso.
• Dito matutukoy ang mga bagay o konsepto na sasaliksikin. Nakaugat sa
tagumpay ng pananaliksik ang mga simulain at hakbang kaugnay ng
pagbuo ng komprehensibo at epektibong konseptong papel.

4.2. Mga dapat isa-isip sa pag gawa ng Konseptong papel

• Kabuuang Ideya
• Balangkas o Framework
• Nais patunayan sa pag-aaral
• Gawaing binabalak sa pananaliksik
• Halagang magagastos sa proyekto
4.3. Mga hakbang sa Pagbuo ng Konseptong Papel

1. Magplano at Magsiguro
2. Mag-isip at Mag muni-muni
3. Maghanda at Mangolekta
4. Magtanong at Magmungkahi

4.4. Katangian ng Konseptong Papel na dapat isa-alang alang

1. Maikli ngunit Malinaw


Sa limitadong panahon at pahina kailangang maging tiyak ang paksa, at
mailahad ang layunin, kahalagahan at iba pa.

2. Makatotohanan at Makatarungan
Panahon ang batayan ng katangiang ito. Gaano man kaganda ang
paksa, ang pinakamahalagang batayan ay ang kakayahang matapos o
maisakatuparan ang gagawing pananaliksik.

3. Mapagmulat at Mapagpalaya
Mahalagang sa panukalang proyekto o pananaliksik pa lamang ay litaw
na ang ambag o kahalagahan ng pag-aaral.

4. Makapangyarihan
Magbubukas ang konseptong papel upang magsulong ng mga
adbokasiyang dapat itaguyod sa pag-aaral.

COED/Prof. Dr. Eva J. Ompoc


V. Pangunahing Bahagi ng Konseptong Papel

Ayon kay Constantino at Zafra (2000), ang konseptong papel ay binubuo ng


apat na bahagi. Ang rationale, layunin, metodolohiya at inaasahang output o
resulta.

1. Rasyonal

Isinasaad ang dahilan ng pagpili ng paksa. Maaaring nakabatay ito sa


sariling interes o pangangailangan ng kompanya, organisasyon, o
institusyong maaaring paglingkuran sa hinaharap

ito ang bahaging nagsasaad ng kasaysayan o dahilan kung bakit


napiling talakayin ang isang paksa. Mababasa din dito ang kahalagahan
at kabuluhan ng paksa.

2. Layunin

Nakapaloob dito ang mga hinihinging katanungan na sasagutin sa pag-


aaral. Madalas ay binubuo ng tatlo hanggang limang katanungan.

dito mababasa ang hangarin o tunguhin ng pananaliksik base sa paksa


na napili.

3. Metodolohiya

Itinatakda sa bahaging ito ang pamamaraang gagamitin sa pangangalap


ng datos o impormasyon. Nakapaloob dito ang gagamiting disenyo at
kaugnay pang mga pamamaraan upang maisakatuparan ng
pananaliksik.

Dagdag pa rito, inilalahad din dito ang paraang gagamitin ng


mananaliksik sa pagsusuri ng mga nakalap na impormasyon

4. Inaasahang Bunga

dito inilalahad ang inaasahang kalalabasan o magiging resulta ng


pananaliksik o pag aaral. Dahil patuloy parin ang pangangalap ng
impormasyon ay maaari paring mahkaroon ng pagbabago sa inaasahang
resulta sa pinal na papel depende sa kalalabasan ng pagkalap ng datos.

COED/Prof. Dr. Eva J. Ompoc


Inilalahad sa bahaging ito ang resulta o inaasahang kalalabasan ng
pananaliksik.

IV. PAGSASANAY (20 puntos)

A. Ibigay ang mga Katangian ng Akademikong Pagsulat

B. bigay ang mga Layunin sa pagsasanay ng Akademikong Pagsulat

C. Ipaliwanag ang sinabi ni Arrogante patungkol sa Pagbuo ng Akademikong Sulatin

D. Itala ang mga katangian ng konseptong papel at ipaliwanag kung paano ito naging
angkop na katangian.)

VI. Pangwakas na Ebalwasyon

Sagutan ang sumusunod na bilang:

1. Isa-isahain at ipaliwanag sa sariling pangngusap ang Pitong


Kapakinabangang dulot ng Akademikong Pagsulat

2. Gaano kahalaga ang mga Bahagi ng Konseptong Papel sa pagbuo

ng akademikong pagsulat?

3. Ano ang Kapakinabangang dulot ng Akademikong Pagsulat?

4. Ano-ano ang mga Katangian ng Akademikong Pagsulat, pagkatapos ay


ipaliwanag ito ayon sa iyomg sariling pagkakaunawa

COED/Prof. Dr. Eva J. Ompoc


Sanggunian
Aklat:
Sauco, Consolacion P, Nenita P. Papa at Eunice F. Duenas. “Pagbasa
at Pagsulat sa Iba’t ibang Disiplina”, Quezon City: Goodwill
Trading Co., Inc., 2017
Tanawan, Dolores Sunga, Tongohan, Lourdes Matignas. Lundayan:
Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Taytay Rizal, Olympia
Publishing House 2013

Website:

• https://www.elcomblus.com/paggawa-ng-porfolio/
• https://www.elcomblus.com/mga-katangian-ng-
akademikong-sulatin/
• https://brainly.ph/question/2609245
• https://prezi.com/15ibrckq7iaa/hakbang-sa-pananaliksik-
pagbuo-ng-konseptong-papel/
• https://www.slideshare.net/jakeDsnake/ang-pagbuo-ng-
konseptong-papel-3227289
• https://philnews.ph/2020/11/30/konseptong-papel-
kahulugan-at-mga-halimbawa-nito/

COED/Prof. Dr. Eva J. Ompoc

You might also like