You are on page 1of 16

Filipino sa Piling

larangan akademik
M r. A r o n P a u l S a n M i g u e l
Katangian at
Anyo ng
Pagsulat ng
Sulating
F i r s t Q u a r t e r - We e k 2

Akademiko
Pagsulat
Ang PAGSULAT ay isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag-
aaral. Ayon kay Mabilin (2012), “naisasatitik ang nilalaman ng isipan, damdamin,
paniniwala at layunin ng tao sa pagsulat”.

Ayon naman kay Keller: “ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at
isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.” Samantalang ayon kay Austero et. al (2009)
“Ang pagsulat ay kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng
tao gamit ang pinakaepektibong midyum sa paghahatid ng mensahe, ang wika.
Mga Uri ng Pagsulat
1. Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing)
2. Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)
3. Teknikal na Pagsulat (Technical Wrting)
4. Reperensiyal na Pagsulat (Referential Writing)
5. Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing)
6. Akademikong Pagsulat (Academic Writing)
 
Akademikong Pagsulat
Ito ay isang intelektuwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang
antas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan.

Ang akademikong pagsulat ay isang masinop at sistematikong


pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan. May katangiang itong
pormal, obhetibo, may paninindigan, may pananagutan, at may
kalinawan
Maayos na inihahanay ang mga pangungusap, talata, at seksiyon upang
maging malinaw ang pagkakabuo ng mga ideya at paliwanag ng mga ito. Ang
karaniwang estruktura ng isang akademikong sulatin ay may simula na
karaniwang nilalaman ng introduksiyon, gitna na nilalaman ng mga paliwanag,
at wakas na nilalaman ng resolusyon, kongklusyon, at rekomendasyon. Ilan sa
mga halimbawa ng akademikong teksto ang abstrak, bionote, talumpati,
panukalang proyekto, replektibong sanaysay, sintesis, lakbay-sanaysay,
synopsis, at iba pa.
Katangian ng Akademikong
Pagsulat
1. Obhektibo -Dapat walang kinikilingan at lohikal.

2. Maliwanag at Organisado - Dapat maging malinaw at organisado sa nais na


ipahayag.

3. Pormal- Iwasan ang paggamit ng salitang kolokyal o balbal.

4. May Paninindigan- Maging matiyaga sa pagsagawa ng mga datos para


matapos ang pagsusulat.

5. May Pananagutan- Ang ginamit na mga sanggunian ng mga nakalap na datos


o impormasyon ay dapat bigyan ng nararapat na pagkilala
Iba’t ibang Anyo ng
1. ABSTRAK
Akademikong Sulatin
Layunin: mapaikli ang tesis o pananaliksik
Gamit: buod ng pananaliksik
Katangian: maikli, organisado, naaayon sa pagkakasunud-sunod sa nilalaman
ng tesis

2. SINTESIS/BUOD
Layunin: mabigyan ng buod ang teksto
Gamit: buod ng teksto
Katangian: overview ng akda, organisado ayon sa pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari
Iba’t ibang Anyo ng
3. BIONOTE
Akademikong Sulatin
Layunin: maipakilala ang tao sa madla
Gamit: para sa personal profile ng isang tao, tulad ng kanyang academic
career at iba pang impormasyon ukol sa kanya.
Katangian: makatotohanan, maikli

4. PANUKALANG PROYEKTO
Layunin: makapaglatag ng proposal sa proyekto, malutas ang suliranin
Gamit: dokumento para sa plano
Katangian: pormal, nakabatay sa target na awdiyens, malinaw
Iba’t ibang Anyo ng
5. TALUMPATI
Akademikong Sulatin
Layunin: magbigay ng impormasyon, maglahad ng saloobin sa pamamagitan
ng pagsasalita
Gamit: pagpapahayag sa madla
Katangian: pormal, nakabatay sa uri ng tagapakinig, malinaw, kawili-wili

6. KATITIKAN NG PULONG
Layunin: makapagtala ng mahahalagang puntong nailahad sa pulong
Gamit: dokumento ng mga napag-usapan sa pulong
Katangian: organisado, ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga paksang napag-
usapan
Iba’t ibang Anyo ng
7. AGENDA
Akademikong Sulatin
Layunin: magpabatid ng paksang tatalakayin sa pulong
Gamit: dokumento ng mga mapag-usapan sa pulong
Katangian: pormal at organisado

8. LARAWANG SANAYSAY (PICTORIAL ESSAY)


Layunin: magpahatid ng mensahe sa pamamagitan ng mga lararawn
Gamit: tagapagpahatid ng mensahe, tagapagmulat
Katangian: gumagamit ng mga larawang magkakaugnay
Iba’t ibang Anyo ng
Akademikong Sulatin
9. REPLEKTIBONG SANAYSAY
Layunin: makapaglahad ng saloobin, pananaw, opinyon o ano mang nais
palitawing ideya
Gamit: nagsisilbing tala ng tao ukol sa kanyang karanasan
Katangian: karaniwang subhektibo, batay sa karanasang personal, binasa o
pinanood

10. POSISYONG PAPEL


Layunin: maipakita ang katotohanan ukol ng isang napapanahong isyu,
maipaglaban ang tama, mahikayat ang madla
Gamit: dokumento ng pagsasapubliko ng pananaw o pinaniniwalaan
Katangian: pormal at organisado, gumagamit ng mga katibayan, batay sa
pananaliksik
Iba’t ibang Anyo ng
Akademikong Sulatin
11. LAKBAY-SANAYSAY
Layunin: maitala ang karanasan sa paglalakbay, maitaguyod ang lugar
Gamit: dokumento sa paglalakbay, gabay ng mga turista, promosyonal na
materyales
Katangian: gumagamit ng mga larawan, naglalarawan
LAYUNIN SA PAGSASANAY SA
AKADEMIKONG PAGSULAT
1. Makapagsasagawa ng wastong pangangalap ng mga imporamasyon at
malikhaing pagsasagawa ng ulat.

2. Nagagamit ang mga kasanayan sa pagbasa sa pagsusuri ng iba’t ibang uri ng


teksto na magagamit sa mga gawain ng akademikong pagsulat.

3. Natatalakay ang mga paksa ng naisasagawang pag-aaral ayon sa pananaw ng


may-akda kasabay ang pag-unawa ng mag-aaral bilang mambabasa.

4. Nakapagsusuri at nakabubuo ng wastong konsepto mula sa tinalakay na pagksa


nga mga naisagawang pag-aaral.
LAYUNIN SA PAGSASANAY SA
AKADEMIKONG PAGSULAT
5. Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral para makasulat ng iba’t ibang anyo ng
akademikong sulatin.

6. Matukoy na ang Akademikong Pagsulat ay isang kurso na lumilinang sa pagiging


inobatibo ng mag-aaral sa pagkakaroon ng mataas na pagkilala sa edukasyon.

7. Napahahalagahan at naiingatan ang mga nagawang sulatin sa pamamagitan ng


paggawa ng portfolio.

You might also like