You are on page 1of 55

AKADEMIKONG

PAGSULAT
Modyul 1
Layunin

01 02
Nabibigyang kahulugan Naiisa – isa ang
ang Akademikong katangian at layunin ng
Pagsulat. Akademikong Pagsulat.
A. Aktibiti 1: BALIK-TANAW
Sa iyong pag-aaral ng K12, paano mo napag-iiba ang mga gawain
sa bahay, eskwelahan, at komunidad? Pangkatin ang klase sa tatlo
at itala sa kalahating bahagi ng manila paper ang mga gawaing
nakatalaga sa bawat pangkat.

Pangkat 1 : Gawain sa Bahay


Pangkat 2 : Gawain sa Eskwelahan
Pangkat 3 : Gawain sa Komunidad

Ipaskil sa pisara ang manila paper ng bawat grupo upang makabuo


ng isang graphic organizer.
1. Ano-anong pangkalahatang katangian na pinagkakaiba
ng mga ito sa isa’t isa?
2. Dapat bang paghiwalayin ang mga ito sa iyong mga
Gawain? Ipaliwanag.
3. Makakatulong ba ang mga gawain mo sa eskwelahan
sa mga ginagawa mo sa bahay at sa komunidad?
Ipaliwanag at patunayan.
4. Anong mga pagpapahalaga ang pinauunlad sa bawat
isa? Magbigay ng halimbawa.
5. Kung bubuo ng isang sulatin gamit ang mga naitalang
konsepto, sa bawat Gawain, maituturing ba itong
akademiko?
Bakit nga ba natin
matutuhan ang pagsulat
ng akademikong
pagsulat?
PAGSULAT - Ito ay isang anyo ng komunikasyon kung
saan ang kaalaman o ideya ng tao ay
isinasalin sa pamamagitan ng mga titik at
simbolo.
- Ito rin ay nagbibigay – daan para maihayag
ng mga tao ang kanilang saloobin sa
pamamagitan ng tekstuwal na pamamaraan.
AKADEMIKONG - Ang akademikong pagsulat ay isang
PAGSULAT intelektwal na pagsasalaysay na
naglalayong maipahayag ng maayos
ang mga sulatin sa mga mambabasa.
- Ito ay intelektwal sapagkat nais nitong
pataasin ang antas at kalidad ng
kaalaman ng mga estudyante sa
paaralan.
Kalikasan ng Pananaliksik
KAHULUGAN
Ang Pananaliksik ay paghahana, pagtuklas, pagtugon, pagkuha ng dati
ng kaalaman kaugnay sa bagong kaalaman. Ang pananaliksik ay
pagsasaliksik na ngangailangan ng mahabang panahon oras, at tiyaga.

KATANGIAN
Ang Pananalikisik ay obhetibo, napapanahon, sistematiko, masuri,
maparaan, gumagamit ng mga mapagkakatiwalang datos, empirical,
kritikal, masinop, malinis at tumutugon sa pamantayan, at
Dokumentado.
Kalikasan ng Pananaliksik
LAYUNIN
Hangarin nito ang maghanap, tumuklas, magbigay interpretasyon,
sumang - ayon / sumalungat sa dati ng pag-aaral. Nais din ng
pananaliksik ang mailahad ng tama ang mga teorya at kasaysayan.
Layunin din nitong makita ang lunas sa isang suliranin at makagawa ng
solusyon sa bawat problema, mithiin din ng pananaliksik ang mkapag-
ambag ng bagong tuklas sa pag-aaral
MANANALIKSIK
Ang mananaliksik ay tumutukoy sa tao nagsasaliksik ng pag-aaral ng
isang pananaliksik, may mga katangian na dapat taglayin ang isang
mamanaliksik. Kabilang na dito ang paging matiyaga, maparaan,
maingat, analitikal, kritikal, matapat at responsable.
Katangian ng Akademikong Pagsulat
Pormal
P
Obhetibo
O
Pa Paninindigan

Pa Pananagutan

Ka Kalinawan

PO Pa Pa Ka
Katangian ng Akademikong Pagsulat
Pormal - Ang mga ganitong uri ng sulatin ay pormal at
hindi ginagamitan ng impormal o balbal na
pananalita. Maliban na lamang kung ang
naturang uri ng pananalita ay bahagi ng isang
pag – aaral.
Katangian ng Akademikong Pagsulat
Obhetibo - totoo, may sapat na batayan sa mga
inilahad na salaysay, walang
pinoprotektahan at hindi nagpakita ng bias
na pananaw.
Katangian ng Akademikong Pagsulat
May - Ang akademikong pagsulat ay
kailangan may paninidigan sapagkat
Paninindigan ang nilalaman nito ay pag – aaral at
mahalagang impormasyon na dapat
idinudulog at dinedepensahan,
ipinaliliwanag at binibigyang –
katwiran ang mahahalagang layunin,
at inilalahad ang kahalagahan ng
pag – aaral.
Katangian ng Akademikong Pagsulat
May - Mahalagang matutuhan ang
pagkilala sa mga sangguniang
Pananagutan pinaghanguan ng imormasyon. Ang
pangongopya ng impormasyon o
ideya ng ibang manunulat o
plagiarism ay isang kasalanang may
takdang kaparusahan sa ilalim ng
ating batas.
Katangian ng Akademikong Pagsulat
May - Ang sulating akademiko ay may
paninindigang sinusundan upang
Kalinawan patunguhan kung kaya dapat
maging malinaw ang pagsulat ng
mga impormasyon at ang
pagpapahayag sa pagsulat ay
direktibo at sistematiko.
Layunin sa Pagsasanay sa Akademikong Pagsulat
1.) Makapagsagawa ng wastong pangangalap ng mga
impormasyon at malikhaing pagsasagawa ng ulat.
2.) Nagagamit ang mga kasanayan sa pagbasa sa pagsusuri
ng iba't ibang uri ng teksto na magagamit sa mga gawain ng
akademikong pagsulat.
3.) Natatalakay ang paksa ng mga naisagawang pag-aaral
ayon sa pananaw ng may-akda kasabay rin ang pag-unawa
ng mag-aaral bilang mambabasa.
Layunin sa Pagsasanay sa Akademikong Pagsulat
4.) Nakapagsusuri at nakabubuo ng wastong konsepto mula
sa tinalakay na paksa ng mga naisagawang pag-aaral.

5.) Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral para


makasulat ng iba't ibang anyo ng akademikong sulatin.
6.) Matukoy na ang Akademikong Pagsulat ay isang kurso na
lumilinang sa pagiging inobatibo ng mag-aaral sa
pagkakaroon ng mataas na pagkilala sa edukasyon.
Layunin sa Pagsasanay sa Akademikong Pagsulat
7.) Napahahalagahan at naiingatan ang mga nagawang
sulatin sa pamamagitan ng paggawa ng portfolio.
Panuto: Suriin kung ang mga sumusunod ay umaayon
sa kahulugan at konsepto ng akademikong pagsulat.
sulat sa kwaderno ang U kung umaayon at DU kung di
umaayon.
1. Ang akademikong pagsulat ay isang komprehensib na
kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan 1.U
at retorika.
2. Ang akademikong pagsulat ay isang masinop at 2. U
sistematikong pagsulat ukol sa karanasang panlipunan.
3. Ang akademikong pagsulat ay nangangailangan ng 3. U
higit na mataas na antas ng mga kasanayan.
4. Kailangang malinang at mapaunlad ang kritikal na pag-
iisip, pagsusuri, paggawa ng sintesis, at pagtataya sa 4. U
akademikong pagsulat.
5. Ang akademikong pagsulat ay dapat maglahad ng 5. DU
importanteng argumento.
ANYO NG
AKADEMIKONG
SULATIN
Modyul 2
BALIK – ARAL

1.) MAGBIGAY NG KATANGIAN NG ISANG


AKADEMIKONG PAGSULAT ?
Layunin

01 02 03

Nakikilala ang iba’t – Nabibigyang halaga Nakapagsasagawa ng


ibang akademikong ang akademikong panimulang pananaliksik
sulatin ayon sa pagsulat sa akademya kaugnay ng kahulugan,
layunin, gamit, at empleyo. kalikasan at katangian
ng iba’t – ibang anyo ng
katangian at anyo. sulating akademiko.
1.) ABSTRAK 7.) KATITIKAN NG PULONG
2.) SINTESIS O BUOD 8.) POSISYONG PAPEL
3.) BIONOTE 9.) REPLEKTIBONG SANAYSAY
4.) PANUKALANG PROYEKTO 10.) PICTORIAL/PHOTO ESSAY
5.) TALUMPATI 11.) LAKBAY SANAYSAY

6.) ADYENDA
Iba’t – ibang anyo ng Sulating Akademiko
Abstrak - Uri ng lagom na ginagamit sa
pagsulat ng akademikong papel
gaya ng tesis, scientific paper,
teknikal, lektyur at report.

- Layunin nito na maipabatid ang


kabuuan ng isang pananaliksik.
Iba’t – ibang anyo ng Sulating Akademiko
Sintesis - Uri ng lagom na kalimiting
ginagamit sa mga akdang nasa
o Buod tekstong naratibo tulad ng kwento,
salaysay, nobela, tula, parabula,
talumpati at iba pang genre ng
panitikan.

- Layunin nitong maging simple at


madaling unawain.
Iba’t – ibang anyo ng Sulating Akademiko
Bionote - Uri ng lagom sa pagsulat ng
personal profile ng isang tao.
Ginagamit ito sa pagsulat ng bio –
data at resume.
- Layunin nitong ipakikilala ang
manunulat o may-akda.
Iba’t – ibang anyo ng Sulating Akademiko
Panukalang - Uri ng akademikong pagsulat na
naglalaman ng detalyadong
Proyekto deskripsyon ng mga inahahaing
gawaing naglalayong lumutas ng
problema.
- Layunin nitong magbigay ng kaalaman sa kung
paano, ano ang magiging sanhi at bunga ng inilahad na
proyekto, maging ang perang gagastusin at oras na
gugugulin.
Iba’t – ibang anyo ng Sulating Akademiko
Talumpati - Sulatin na maaring bigkasin ng
may paghahanda o maaring
Biglaan(Dagliang Talumpati)

- Layunin nito na maihanda ang


manunulumpati sa kanyang
bibigkasin, upang maiwasan ang
paggugol ng maraming oras na hindi
kabilang sa paksa.
Iba’t – ibang anyo ng Sulating Akademiko
Adyenda - Pagtatakda ng mga paksang
tatalakayin sa pulong.

- Layunin nito na hindi magkaroon ng


kawing-kawing na pag-uusap at
maging malinaw sa mga dumalo ang
takbuhin ng pagpapatawag ng pulong.
Iba’t – ibang anyo ng Sulating Akademiko
Katitikan - Opisyal na tala ng impormasyon at
mahahalagang detalye na tinalakay
ng sa pulong.
Pulong
- Layunin nito na magkaroon ng
dokumento o tala sa kung ano ang
nangyari sa naganap na pulong.
Iba’t – ibang anyo ng Sulating Akademiko
Posisyong - Pagsalig o pagsuporta sa
katotohanan ng isang kontrobersyal
Papel na isyu sa pamamagitan ng pagbuo
ng isang kaso o usapin para sa
isang pananaw o posisyon.

- Layunin nito na magbigay ng


pagsang-ayon o/pagsalungat sa
isang pag-aaral.
Iba’t – ibang anyo ng Sulating Akademiko
Replektibong - Salaysay na kung paano mo ,
bibigyan ng koneksyon ang iyong
Sanaysay binasa sa iyong sarili.

- Layunin nito na magbalik – tanaw


ang may akda at ng may pagninilay.
Iba’t – ibang anyo ng Sulating Akademiko
Pictorial/ - Isang pagsasalaysay na
nagpapakita ng mga larawan, upang
Photo mas maging kapani-paniwala ang
Essay kanyang inilalahad.

- Layunin nitong ipakita ang


katotohan sa papamagitan ng
paglalagay ng kuhang larawan.
Iba’t – ibang anyo ng Sulating Akademiko
Lakbay - Sa papel na ito ipinapakita ng may-
akda ang kasaysayan ng lugar na
Sanaysay nais niyang bigyan ng pansin.

- Layunin nitong maipakilala at


maipabatid ang kagandahang taglay
at mabigyan ng mas marami pang
turista ang nasabing lugar.
Katangian ng Akademikong Pagsulat
1.) Kompleks 10.) Pokus
2.) Pormal 11.) Lohikal
3.) Tumpak 12.) Matibay na suporta
4.) Obhetibo 13.) Malinaw at kompletong
5.) Eksplisit eksplanasyon
6.) Wasto 14.) Epektibong pananaliksik
7.) Malinaw na Layunin 15.) Iskolarling estilo sa
8.) Malinaw na Pananaw pagsulat
9.) Responsable
Katangian ng Akademikong Pagsulat
1.) Kompleks - may kasanayan sa mga komplikadong
pangungusap na mabigyang diin, na may
tamang gamit ng wika.

2.) Pormal - nangangailangan ng wastong pakipag-


usap sa paraang pasulat, hindi kakikitaan ng
mga balbal na wika.
Katangian ng Akademikong Pagsulat
3.) Tumpak - tamang terminolohiya ang ginamit sa
bawat pangungusap, hindi nagbibigay
kalituhan sa isipan ng mambabasa na
naayon sa sitwasyon.

4.) Obhetibo - totoo, may sapat na batayan sa mga


inilahad na salaysay, walang
pinoprotektahan at hindi nagpakita ng bias
na pananaw.
Katangian ng Akademikong Pagsulat
5.) Eksplisit - reponsibilidad ng manunulat na maging
malinaw ang nais iparating sa mambabasa
na kung papaanong naiuugnay ang ibang
teksto sa isa’t isa.
6.) Wasto - ang isang manunulat ang unang kritiko ng
kanyang isinulat, upang maiwasan ang mga
maling baybay o gamit ng mga salita.
Katangian ng Akademikong Pagsulat
7.) Malinaw - sa simula pa lamang, naipababatid na
na Layunin kung ano ang mithiin ng manunulat, hindi
dapat magkaroon ng kalituhan ang
mambabasa sa kanyang isipan, buo at
malinaw ang nais ipabatid ng manunulat.
8.) Malinaw - ikinikintal nito sa mambabasa ang
na Pananaw kahusayan ngmanunulat sa pagbibigay ng
malinaw na pagkaugnay ugnay ng mga
ideya na makatulong sa mambabasa.
Katangian ng Akademikong Pagsulat
9.) Responsable - Binigyang tuon ng isang manunulat sa
pagkakaroon responsibilidad sa kanyang
isinusulat, pinangangalagaan ang kanyang
ginawa, naglahad ng matibay na datos o
basehan sa kanyang mga ipinahayag. Hindi
umaangkin ng teksto ng ibang manunulat,
bagkus kumikilala sa karapatang ari ng
isang may akda.
Katangian ng Akademikong Pagsulat
10.) Pokus - malinaw, wasto, tumpak at hindi naglalagay
na mga salitang magbibigay ng ibang
pagkaunawa.

11.) Lohikal - Maayos, magkakaugnay ang mga ideya ng


isinulat.
Katangian ng Akademikong Pagsulat
12.) Matibay - Nagbibigay mga datos na
na suporta mapagkatiwalaan at hindi pawang mga
opinyon at ideya ng isang manunulat.

13.) Malinaw at - Malinaw na nakapagbibigay ng


kompletong tamang pakahulugan paliwanag,
eksplanasyon kaayusan, at kahusayan ng kanyang
isinulat.
Katangian ng Akademikong Pagsulat
14.) Epektibong - naibibigay ng manunulat sa
pananaliksik mambabasa ang mga datos at
impormasyon sa makatohan, sumusunod
sa tamang proseso, sumusulat na ang
mga impormasyong inilalahad ay
obhetibo.
15.) Iskolarling - nangangailangan ito ng masuring pag-
estilo sa aaral, na may gabay sa tamang proseso
pagsulat ng pagsulat.
ANY QUESTION?

You might also like