You are on page 1of 2

Filipino Sa Piling Larang (Akademiks)

Mod. 2
Paksa: SULATING AKADEMIKO
Massey University (2012), mahalagang makita ang kahalagahan ng pagsusulat at hindi dahil
kinakailangan lamang ng manunulat na maibigay ang kung ano ang hinihingi ng guro sa bawat
asignatura. Mayroon itong nakatakdang tuntunin na dapat sundin.
Ayon kay Jones (halaw: 2017), mula sa kaniyang paghihimay sa kung ano ang kahulugan nito.
Nakabatay ang akademikong pagsulat sa pagsusuri ng anumang nahahalaw na ideya mula sa
natutunang aralin.

Kahalagahan ng Sulating Akademiko


Naglalayon ang sulating akademiko na linangin ang kaalaman ng mga mag- aaral kaya tinawag
itong intelektwal na pagsulat. Inilahad sa bahaging ito ang mga kahalagahan ng akademikong
sulatin.
1. Pagbuo ng Argumento. Ang pagsulat sa iba’t ibang disiplina ay magbibigay ng kaalaman at
kasanayan sa mag-aaral sa proseso ng pagsulat na magagamit niya sa iba’t ibang sulatin. Dito
mapapatunayan ang kanilang lohikal na pag-iisip upang makabubuo ng isang makahulugan at
mabisang pagsusulat.
Ang mga natutunan ng mga mag-aaral mula sa aklat at talahanayan ay nagagamit niya at
nailalagay ang wikang natutunan sa kaniyang sariling pahayag sa pagsulat.
2. Pangunahing Kasanayan sa Pagsusulat sangkot ang karanasan. Magbibigay ito ng pagkakataon
sa mga mag-aaral na maiugnay ang dating kaalaman at karanasan sa kasalukuyang pinag-aralan.
Dito mailalapat ang kanilang kaalaman sa kung ano ang kanilang naranasan na hahantong sa
isang makabuluhang paglalahat. Dito rin mahahasa ang pagiging matalino at propesyunal na tao.
Magkaroon ng realisasyon ang mga mag-aaral sa kabuluhan ng pagsulat sa buhay ng tao.
3. Pagbubuo ng Sanggunian. Matutuhan ng mga mag-aaral ang wastong paglilista ng mga
sanggunian na magsilbing matatag na patunay ng kanilang paninindigan ng kanilang ginagawang
sulatin.

4. Lohikal na Pag-iisip. Lumilinang ito ng kakayahan ng mga mag-aaral na mag- isip, mag-
analisa, sumuring magbasa at makikipagtalakayan. Nalalaman at nasasanay siya sa mga
mekanismo at proseso ng pagsulat. Mahalagang malaman ng bawat mag-aaral ang mga
pakinabang na dulot ng akademikong sulatin.
Proseso ng Pagsulat ng Sulating Akademiko
Sa pagbuo ng isang sulatin, kinakailangan ang pagsunod sa mga mahalagang hakbang upang
lubos ang pagkatuto sa paggawa nito.
1. Paghahanda sa Pagsulat Sumasaklaw ang hakbang sa pangongolekta ng mga
impormasyon at ideya para sa sulatin. Makikita sa ibaba ang paraan ng pagbuo ng
burador:
2. Aktuwal na Pagsulat Sa hakbang na ito, isinasalin na ng manunulat ang kanyang mga
ideya sa mga pangungusap at talata.
3. Pagrerebisa at Pag-eedit Ang hakbang na ito ay nasasangkot sa maraming pagbabago sa
nilalaman, sa organisasyon ng mga ideya at istruktura ng mga pangungusap at talata.
Maaaring baguhin sa hakbang na ito ang:
• paksa
• magdagdag ng mga detalye
• muling isaayos ang buong sulatin

(Pinagkunan: Pagsulat sa Piling Larangan, Dipolog & Avacena, 2018, ph 9-11

You might also like