You are on page 1of 10

GAWAING PAPEL SA PAGKATUTO

Filipino sa Piling Larang-Akademik


Kwarter 1 - Unang Linggo
October 11, 2021
(2ND BATCH)

Kahulugan ng Akademikong Pagsulat

Ayon sa isang tanyang na diskyunaryong Ingles na Merriam Webster ang salitang akademik ay
nangangahulugang kursong pinag-aaralan sa paaralan, at ang salitang pagsulat naman ay paraan ng paggamit ng mga
salita upang ipahayag ang ideya, impormasyon at mga opinyon.
Nangangahulugan lamang na ang mga sulating pinag-aaralan sa paaralan ay pang-akademik. Halimbawa, ang
mga mag-aaral na mataas na baitang sa elementarya ay pagpapanoorin ng isang pelikula na nangangailangan ng
pagsusulat ng buod at paglalahad ng reaksyon o aral sa napanood.
Gayundin naman ang mga nasa sekondarya ay nagagawa nang makabuo ng isang pananaliksik na
kakailanganin din ang pagsusulat. Maaari rin namang ang mga indibidwal na nag-aaral ng mga kasaysayan,
nangangailangang makapagsulat ng mga nakalap na impormasyon o pag-aaral ukol sa natuklasang kasaysayan.
Ang mga mag-aaral sa gradwado, na gumagawa ng tesis na nangangailangan nang matinding pagsusulat ukol
sa kung anong paksang may kinalaman sa kursong kanilang pinag-aaralan. Samakatuwid, ang akademikong pagsulat ay
ginagawa ng isang indibidwal na iskolar sa pamamagitan ng pagsulat mula sa akademikong institusyon. Sa larangan ng
edukasyon, malaking pagpapahalaga ang inilalaan sa kaalaman sa pagsulat. Malaking papel ang ginagampanan ng
pagsusulat sapagkat isa ito sa patunay na may natutunan ang isang mag-aaral sa paaralan.
Kaya naman ang akademikong sulatin ay binuo bilang isa sa mga batayan at pagsunod sa pagkatuto. Makrong
kasanayan ito na nililinang para sa kahandaan sa mga esipikong bagay na kakaharapin na may kinalaman sa
pamumuhay at maiuugnay sa pagsusulat.
Ang pagbuo ng akademikong pagsulat ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang indibidwal (Arrogante et.
al., 2007). Nangangahulugan lamang na ang nagawang akademikong sulatin ay nakasalalay sa pangangalap ng datos o
pagkilala sa mga impormasyon, obserbasyon, paglalagom, paglalapat at interpretasyon ng isang nagsasagawa nito, kaya
naman sinasanay ang mga indibidwal na magtatangkang gumawa ng iba’t ibang anyo ng akademikong sulatin sapagkat
nangangailangan ito ng mataas na antas ng kasanayan.
Tinatawag din itong intelektuwal na pagsulat sapagkat nangangailangan ito ng kritikal na pag-iisip, pagsusuri,
paggawa ng sintesis at pagtataya. Kritikal na pag-iisip, para sa mga katanungan o mga problemang kakaharapin sa
sinasaliksik na dapat isulat. Pagsusuri, dahil hindi biro ang kung ano lamang ang nakita ay ang siyang dapat isulat,
kailangan ng obserbasyon sa mga datos.
Paggawa ng sintesis, upang maging simple at hindi paliguy-ligoy ang mga maisusulat. Pagtataya, upang
mabigyang katotohanan ang mga nakalap na impormasyon. Ang ganitong uri ng pagsulat ay pagkilala rin sa mga
kinilalang ideya at pagpapatotoo pa upang magkaroon nang mas matibay na batayan sa pagbuo ng isang makabuluhan
at kapaki-pakinabang na sulatin.
Hindi madali ang pagsasaliksik at bumuo ng natatanging mga ideya at impormasyon, kaya naman binibigyang
pansin ang mga sulating inaaral ng mga indibidwal na may malaking pangangailangan, interes at pagpapahalaga
rito.Maari ring sabihing paggagad ito ng mga opinyon, lalo na ng mga katotohanan na gagawan ng isang
dokyumentasyon bilang patunay at pagpapaalam sa mga mambabasa na mayroong ganitong paksa na umiinog sa ating
lipunan na pinag-aralang maigi ng mga tao batay sa paraang iskolarli
Ang paggawa rin ng akademikong sulatin ay nangangailangan ng dedikasyon upang makamit ang layuning
makapaghatid ng natatangi at makabuluhang konsepto ng paksa. Hindi makakabuo ang isang manunulat ng isang
epektibong sulatin kung wala siyang interes at pagbibigay ng panahon dito.
Dapat pag-isipan at mapili nang maayos at mabuti ang pagbuo ng sulatin sapagkat anumang kaalaman na
hatid nito ay maipapasa-pasa pa sa mga susunod na manunulat na magtatangkang gumawa pa ng ganitong uri ng
sulatin.
Gawain Blg 1
Panuto: Bilang mag-aaral ng Academic track sa Senior High School, tiyak na nahasa ka na sa iba’t ibang uri ng sulatin.
Basahin at unawain ang pahayag sa ibaba, ipaliwanag ito. “Ang akademikong pagsulat ang itinuturing na pinakamataas
na antas ng intelektuwal na pagsulat.” Ilagay sa kahon ang iyong sagot.
Gawain Blg 2
Krosword: Isulat sa kahon ang mga tamang sagot na tumutugma sa mga pahayag.

Pahalang

Pababa

Gawain Blg 3
Panuto: IPABATID SA BAWAT LETRA sa akrostik ang lagom ng aralin sa akademikong sulatin.
(Ang akrostik ay isang tula o iba pang uri ng kasulatan kung saan ang unang titik ng bawat linya ay bumubuo ng
espesyal na salita o mensahe.)

A-
K-
A-
D-
E-
M-
I-
K-
O-
Gawain Blg 4
Panuto: PAGPILI NG KURSO: Sabihin mo ang pinakagusto mong kurso o bokasyon na interesado kang pasukin sa
kolehiyo o gawing karera. Hal. Inhenyero ,Edukasyon,Medisina at iba pa. Magsaliksik sa libro at internet o magsagawa ng
panayam tungkol dito. Gawin ang sumusunod. Isulat sa bondpaper.

1.Gumawa ng isang glosaryo na may 20 salita ng mga konsepto o terminolohiyang ginagamit sa napiling larangan.
2.Lagyan ng kahulugan ang bawat aytem

Gawain Blg 5
Panuto: Suriing mabuti ang mga salitang sadyang ginulo at ayusin ito upang mabuo ang bawat isa dito. Isulat ang inyong
sagot sa kahon sa tapat ng bawat salita.

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10

Gawain Blg 6
Panuto: PAGBUO NG VIDEO, TARPAULIN, DROWING: Bumuo ka ng video, tarpaulin, o drowing kaya na may layong
kumbinsihin ang mga kaklase mo upang kunin din nila ang kursong napili mo. Gawin mo itong malikhain at masining.
AKADEMIKO

Taglay ng akademikong sulatin ang pagkakaroon ng tiyak na proseso na dapat sundin. Bagama’t masalimuot ang
proseso sa pagbuo ng akademikong sulatin, may maaasahang paraan upang malagpasan ang hamon kaugnay ng
pagsulat.

Yugto sa Pagbuo ng Akademikong Sulatin- Maihahalintulad ang yugto ng pagsulat sa isang proseso o siklo na may
umpisa at katapusan.

Ang mga Yugto ng Pagsusulat ng Akademikong Sulatin:


 Bago Sumulat
 Pagbuo ng Unang Draft
 Pag-e-edit at Pagrerebisa
 Huli o Pinal ng Draft
 Paglalathala/Paglilimbag

1. Bago Sumulat
Mas yumayaman ang dating kaalaman at karanasan mula sa pagbabasa,
panonood, at pakikinig. Kasama ang kahusayan sa pagmamasid at pakikisalamuha sa iba’t-ibang tao bilang
kuhanan ng impormasyong ipapahayag. Bahagi ng unang yugto ang pagbabalik-tanaw at pagkilala sa sarili kung
ano ang mga maaraing ilagay sa gagawing sulatin.Sa yugtong ito, ang pag-iisip, pagpaplano, pananaliksik, at
pag-iimbento ng mga ideya ay nagsisimula.

2. Pagbuo ng Unang Draft


Sa yugtong ito, matiyagang iniisa-isa ang mga konsepto na lalamanin ng akademikong sulatin.
Mula sa binalangkas na konsepto na maaaring papaksa o pangungusap, maging gabay ito upang pagyamanin
ang nililinang na akademikong sulatin.
Susi sa pagbuo ng unang draft ang papel at panulat.
Ang unang draft ay bukas sa pagrerebisa, pag-aayos, pagbabawas, pagbabago mula sa sarili at, pagpapabasa
sa iba.

3. Pag-e-edit at Pagrerebisa
Sa yugtong ito, inaayos ang unang draft.
Iwinawasto ang mga kamalian tulag ng baybay, bantas, at mismong ang nilalaman ng akademikong sulatin.
Sa yugto ng pag-e-edit, may mga tiyak na simbolo upang ituwid ang mga nakitang mali. Mula sa nakitang
pagkakamali, ilalapat ang pagrerebisa upang ayusin, ituwid, at baguhin ang akademikong sulatin.

4. Huli o Pinal na Draft


Kitang-kita ang kalinisan at kaayusan ng akademikong sulatin.
Pulidong isinulat at handing ipasa at mabasa upang ipabatid ang layunin kung bakit ito isinulat.
5. Paglalathala/Pagpapalimbag
Sa yugtong ito, maibabahagi sa mas maraming mambabasa ang impormasyong nais ipabatid bilang ambag sa
produksiyon ng karunungan.
Tiyak na nailathala ang akademikong sulatin sa pahayagan, magasin, dyornal, o aklat dahil sa taglay nitong
katangiang kahingian ng akademikong sulatin.
Pakatandaan!
Pagpaplano: Pagtatakda ng paksa, paraang ng pangangalap ng datos, at panahon kung kailang sisimulan at matatapos
ang akademikong sulatin
Pag-aayos: Paghahanda ng sarili upang maayos na maisulat ang akademikong sulatin. Makatutulong ang
pagbabalangkas ng paksa sa bahaging ito.
Drafting: Panimulang pagsulat o pagmamapa ng ideya. Nasa istilo ng manunulat kung paano lilikhain ang tentatibong
sulatin.
Pagrerebisa: Mula sa sariling ginawang pagtataya o ng iba ay babaguhin, ayusin at pauunlarin ang akademikong sulatin
Plano na Pagbasa at Pagsulat: Mula sa ginawang proofreading, maisasapinal ang ginawang akademikong sulatin taglay
ang tamang wika at at nilalaman nito.

Gawain Blg 7: Piliin mula sa kahon ang mga titik ng tamang sagot at isulat ang mga ito sa patlang sa unahan ng bilang.
___1. Sa yugtong ito, ang pag-iisip, pagpaplano, pananaliksik, at pag-iimbento ng mga ideya ay
nagsisimula.
___2. Pagtatakda ng paksa, paraang ng pangangalap ng datos, at panahon kung kailang sisimulan at matatapos ang
akademikong sulatin
___3. Sa yugtong ito, inaayos ang unang draft.
___4. Sa yugtong ito, maibabahagi sa mas maraming mambabasa ang
impormasyong nais ipabatid bilang ambag sa produksiyon ng karunungan.
___5. Susi sa pagbuo ng unang draft ang papel at panulat.
___6. Mula sa ginawang proofreading, maisasapinal ang ginawang akademikong sulatin taglay ang tamang wika at at
nilalaman nito.
___7. Paghahanda ng sarili upang maayos na maisulat ang akademikong sulatin.
___8. Panimulang pagsulat o pagmamapa ng ideya. Nasa istilo ng manunulat kung paano lilikhain ang tentatibong
sulatin.
___9. Mula sa sariling ginawang pagtataya o ng iba ay babaguhin, ayusin at pauunlarin ang akademikong sulatin.
___10. Pulidong isinulat at handing ipasa at mabasa upang ipabatid ang layunin kung bakit ito isinulat.

A. Paglalathala/Pagpapalimbag F. Drafting
B. Pag-aayos G. Pagpaplano
C. Bago Sumulat H. Pagrerebisa
D. Pagbuo ng Unang Draft I. Huli o Pinal na Draft
E. Plano na Pagbasa at Pagsulat J. Pag-e-edit at Pagrerebisa

Gawain Blg 8
Panuto. PAGBUO NG ISLOGAN: Bumuo ng islogan na nakapagpapahayag ng paraan sa pagiging responsible. Ang
islogang “Think Before You Click “ng isang kilalang estasyon ng telebisyon sa Pilipinas ay nagsusulong sa responsableng
pamamahayag partikular sa Facebook, Twitter, o iba pang social media. Nagbibigay ito ng babala na anuman ang iyong
ipahayag o i-post nang pasulat ay hindi na mababawi pa at magagamit na matibay na ebidensya laban sa iyo. Bilang
isang mag-aaral na nag-aaral ngayon ng Akademikong Pagsulat ay magbigay ka ng mga paraang magpapaalaala lalo na
sa kapwa mo mag-aaral kung paano magiging responsable at makapagbibigay ng inspirasyon sa ating mga isinusulat o i-
pino-post sa ating mga social media account .

Mga anyo ng Akademikong Pagsulat ayon kay Dr. Mabilin


1. Malikhaing Pagsulat – Ang layunin ay aliwin, pukawin, antigin ang imahinasyon at damdamin ng mga mambabasa.
Maaari itong piksiyon na bunga ng malikot na imahinasyon o kathang – isip lamang ng manunulat o di kaya naman ay
hindi piksiyon na batay sa mga tunay na pangyayari. Kinabibilangan ito ng mga makata, kuwentista, nobelista at iba pa.
Ang mga halimbawa nito ay maikling kuwento, dula, tula, malikhaing sanaysay, pelikula, teleserye, komiks, musika at iba
pa.
2. Teknikal na Pagsulat - layunin nito ay lumutas ng isang komplikadong suliranin, bumuo ng pag-aaral o proyekto.
Malawak ang kaisipang sakop ng ganitong anyo ng sulatin. Ang feasibility study ay maituturing na isang halimbawa nito.
3. Propesyonal na Pagsulat – may kinalaman sa isang tiyak na propesyon o larangan ang anyong ito ng pagsulat. Ang
paggawa ng ganitong sulatin ay kadalasang batay sa propesyon o bokasyon ng isang tao. Ang pagsulat ng police report,
lesson plan, medical report at iba pa ay ilan sa mga halimbawa nito.
4. Dyornalistik na Pagsulat – mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag ang anyo ng ganitong sulatin. Bihasa sa
pangangalap at pagsulat ng mga totoo, obhektibo at makabuluhang mga balitang nagaganap sa kasalukuyan. Karaniwan
itong isinusulat sa mga pahayagan, magasin o kaya naman ay iniuulat sa radio, telebisyon o maging sa social media
gamit ang live streaming. Ang mga halimbawa nito ay balita, editorial, lathalain, artikulo at iba pa.
5. Reperensiyal na Pagsulat – layunin nito ay irekomenda sa iba ang mga sangguniang maaaring pagkuhaan ng mga
datos at impormasyon tungkol sa isang paksa. Karaniwan itong nakikita sa huling bahagi ng isinagawang pananaliksik o
kaya naman ay sa kabanata ng isang tesis o disertasyon na tumatalakay sa kaugnay na literatura o pag-aaral.

Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan

Panuto: Punan ng tamang sagot ang mga patlang.


Ayon sa isang tanyang na diskyunaryong Ingles na 1. _______________ang salitang 2. ___________ ay
nangangahulugang kursong pinag-aaralan sa paaralan, at ang salitang 3. __________ naman ay paraan ng paggamit ng
mga salita upang ipahayag ang 4.________, 5________________ at mga 6._____________. Nangangahulugan
lamang na ang mga sulating pinag-aaralan sa paaralan ay 7. ______________. Halimbawa, ang mga mag-aaral na
mataas na baitang sa
8. _____________ay pagpapanoorin ng isang pelikula na nangangailangan ng pagsusulat ng buod at paglalahad ng
reaksyon o aral sa napanood. Gayundin naman ang mga nasa 9. ________________ ay nagagawa nang makabuo ng
isang pananaliksik na kakailanganin din ang pagsusulat. Maaari rin namang ang mga indibidwal na nag-aaral ng mga
kasaysayan, nangangailangang makapagsulat ng mga nakalap na impormasyon o pag-aaral ukol sa natuklasang
kasaysayan. Samakatuwid, ang 10. _______________ ay ginagawa ng isang indibidwal na iskolar sa pamamagitan ng
pagsulat mula sa 11._____________________. Sa larangan ng edukasyon, malaking pagpapahalaga ang inilalaan sa
kaalaman sa pagsulat. Malaking papel ang ginagampanan ng 12._______________ sapagkat isa ito sa patunay na may
natutunan ang isang mag-aaral sa paaralan. Kaya naman ang akademikong sulatin ay binuo bilang isa sa mga batayan
at 13. ____________________. 14. ___________________ ito na nililinang para sa kahandaan sa mga esipikong bagay
na kakaharapin na may kinalaman sa pamumuhay at maiuugnay sa pagsusulat.
Ang pagbuo ng akademikong pagsulat ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang indibidwal ayon kay 15.
_________________ et. al., 2007.

GAWAING PAPEL SA PAGKATUTO


Filipino sa Piling Larang-Akademik
Kwarter 1 – Ikalawang Linggo
Batch Red: October 12 -16, 2020

Sintesis at Buod
BUOD
Sa komunikasyong interpersonal, isa sa pinakamadalas gawing kasangkot ang pagbubuod at pagsasama-sama
ng mga ideya mula sa iba’t ibang impormasyon .
Halimbawa:
Enkapsulasyon ito ay pinakamahalagng detalye at kabuuang mensaheng nais iparating ay mapanatili.
Ang buod ay isang tala, sariling pananalita ukol sa kanyang narinig,nabasang artikulo, balita, aklat, panayam, isyu
o usap-usapan. Sa mga propesyunal karaniwang ginagawan ng pagbubuod ang mga sumusunod;
 Dokumentasyon

 Liham Pangnegosyo

 Pag-uulat sa trabaho

Mga Dapat Tandaan sa Pagbubuod


1. Ito ay dapat na tumatalakay sa kabuuan ng orihinal na teksto.

2. Kinakailangang mailahad ang sulatin sa pamamaraang neutral at walang kinikilingan.

3. Tandaan na ang sulatin ay pinaiksing bersyon ng orihinal at naisulat ito sa sariling pananalita ng gumawa.

Katangian ng Mahusay na Buod

1. Nagtataglay ng obhetibong balangkas ng orihinal na teksto. Ang buod ay dapat na sumasagot sa mga pangunahing
katanungan tulad ng Sino, Ano, Saan, Paano, Kailan at Bakit?

Mga Tanong na Dapat Isaalang-alang;


a. Ano ang pangunahing ideya ng teksto?
b. Ano-ano ang mga pantulong na ideya?
c. Ano-ano ang pangunahing ebidensya?
2. Hindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisismo. Ang impormasyong nasa orihinal ang dapat isama.
3. Hindi nagsasama ng mga halimbawa, detalye, o impormasyong wala sa orihinal na teksto.
4. Gumagamit ng mga susing salita.
5. Gumagamit ng sariling pananalita ngunit napapanatili ang orihinal na mensahe.

Paggamit ng mga Mapag-ugnay na Salita sa Pagbubuod

Paano ka nag-aayos ng mga gawain mo sa araw-araw? Paano ka nagluluto? Ginagawa mo ba ito ayon sa
pagkakasunod-sunod? Ang nababanggit mo ba ay ito: Una, pagkagising kakain muna ng umagahan at pagkakain ay
liligpitin ito. Ikalawa, magwawalis ka ng sahig sa bahay. Ikatlo ay magdidilig ka naman ng mga pananim sa hardin.
Kauhihan ay maliligo ka pagkalinis ng bahay.
Tandaan: Gumamit ng mga mapag-ugnay na salita upang
maging masinop at maayos ang pagbubuod na
gagawin.

Halimbawa: Una, Ikawa, Sunod, At pagkatapos, Kahulihan

SINTESIS

Ang sintesis ay mahusay na pagkakahanay o pagsasaayos ng mga magkakahiwalay na mga bahagi tungo sa
pangkalahatan. Ito ay pinagsama-samang ideya mula sa iba’t ibang pinagkunang impormasyon upang makabuo ng
sariling pagpapahayag ukol sa isang paksa.
Ang sintesis ay may dalawang anyo, eksplanatory ang anyo ng sintesis na naglalayong tulungan ang nagbabasa
o nakikinig na lalong maunawaan ang mga bagay na tinatalakay. Argumentatib naman ang anyo ng sintesis na
naglalayong maglahad ng pananaw ng sumulat nito.

Uri at Katangian ng Mahusay na Sintesis

1. Background Synthesis -Ito ay uri ng sintesis na nangangailangang pagsama-


samahin ang mga saligang impormasyon ukol sa isang paksa at karaniwan itong inaayos sa tema at hindi sa sanggunian.
2. Thesis-Driven Synthesis- Katulad lamang ito ng background sintesis ngunit nagkakaiba lamang sila sa pagtutuon
sapagkat sa ganitong uri ng sintesis hindi lamang simpleng pagpapakilala at paglalahad ng paksa ang kailangan kung
hindi ang malinaw na pag-uugnay ng mga punto ng tesis sa sulatin.
3. Synthesis for the Literature- Ito ay ginagamit sa mga sulating pananaliksik.Kadalasang kahingian ng mga sulating
pananaliksik ang pagbabalik-tanaw o pagrerebyu sa mga naisulat nang literatura ukol sa paksa. Karaniwang isinasaayos
ang sulatin batay sa mga sanggunian ngunit maaari rin namang ayusin ito batay sa paksa.

Dagdag Kaalaman: Ang pagbubuod ang pinakasimple at di-komplikadong paraan ng pagsulat ng sintesis. Dito ay
binubuod lamang ang mga hanguan at inayos ang paglalahad sa paraang lohikal.

Ang pagbibigay halimbawa o paggamit ng ilustrasyon naman ay isang teknik na ginagamit sa pamamagitan ng
pagtukoy ng isang partikular nahalimbawang inilahad sa isang sanggunian o ng isang partikular na halimbawang inilahad
sa isang sanggunian o ng isang ilustrasyon na ginamit dito. Tiyakin lamang na mailalagay ang pinagmulan nito upang
malinaw na makita kung sino ang nagsabi o saan ito nagmula.

Gawain Blg 1
Panuto: Sa patuloy na pag-aaral mo ng na modyul na ito, sagutan ang simpleng pagsubok upang malaman kung
ano na ang mga nalalaman mo sa paksang ito. Sa T-Chart na makikita sa ibaba maglahad ng tig-limang kaibahan
ng pagbubuod sa sintesis.

BUOD SINTESIS

1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

Narito ang halimbawa ng buod.


Ang Alamat ng Ko So Thah
ni : Joaquin Sy

May isang bundok sa Tsina na pinangalanang Bundok ng Pao Kai. Naninirahan sa paanan niyon si HAI SENG at
kanyang asawa at kapatid. Bagamat mahirap,may paggalang at pagmamahal sila sa isa’t isa kung kaya’t kuntento at
masaya silang namumuhay.Ngunit heto’t dumating ang matinding tagtuyot hindi lamang sa bukirin kundi pati sa
karagatan. “Wari’y bigla ring naglaho ang isda sa dagat!” Dahil sa pagaalala sa kanilang kahihinatnan, matatag ang
pagpapasya ni Hai Seng na humanap ng ikabubuhay sa ibayong dagat. Sumakay siya bangkang may layag.Humayo siya
habang hinahatid ng tanaw ang maghipag. Narating niya ang isang napakalayong pulo ngunit tila mailap ang kapalaran.
Ilang taon na siyang namalagi roon kahit nangungulila sa asawa at kapatid. Nasasabik at naiinip ang maghipag sa tagal
ng panahong hindi bumalik si Hai Seng.
Umakyat sila sa tuktok ng bundok para maghintay . Araw-araw nila itong gagawin.Sa bawat akyat nila, may dala
silang mga batong isinasalansan nila pataas para lalo nilang matanaw ang kalawakan ng karagatan pero wala pa rin ang
hinihintay. ,kayat sumulat ng liham ang asawa sa pamamagitan ng dugong dumaloy sa kinagat na daliri. 18 Ikinabit ang
liham sa isang ginawang saranggola at ipinailanlang ito sa kalawakan upang tangayin ng hangin. Sa ibayong dagat,
nakita ng Hai Seng ang saranggola habang nangungulila itong nakatanaw sa dalampasigan.

Nagpasya itong umuwi sakay ng bangkang may layag na gawa ng mga kasamahan sa pulo.Laking tuwa niya
nang matanaw ang tuktok ng bundok at makita ang asawa at hipag. Nagkawayan sila ngunit biglang sinalpok ng malaking
alon ang kanyang sinasakyan at tinangay siya ng alon. Nakita ito ng maghipag. Agad silang bumaba ng bundok at
tinangka siyang sagipin ngunit pati sila’y nilamon ng mabagsik na karagatan.Nalungkot ang buong nayon. Dahil dito ,
nagtayo sila ng pagoda sa salansan ng mga bato sa tuktok ng bundok. Tinatawag nila ito ngayong Pagoda ng Maghipag
o Ko So Thah.

Gawain Blg. 2
Panuto: PAGSULAT NG KWENTO SA BUHAY: Ang isa sa katangian ang tekstong naratibo ay ang pagkakaroon ng
maayos na banghay na magpapakita sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Gamitin ang bondpaper at sundin ang
proseso ng mga pangyayaring bubuo sa banghay ng akdang “KWENTO AKING BUHAY. Isulat ang pamagat at may-
akda nito.
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________

Gawain Blg 3
Panuto: PAGBUBUOD SA NATUTUNAN .Sumulat ng isang talatang may 5 o higit pang pangungusap na magbubuod sa
pangkalahatang natutunan mo sa aralin. Salungguhitan ang pangunahing kaisipan.
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________

BIONOTE
•Ang bionote ay isang maiksing tala ng personal na impormasyon ukol sa isang magtatanghal o sinumang magiging
panauhin sa isang kaganapan (event, seminar, symposium, mga patimpalak at / o sa gig).
• Maaari ring makita ang bionote sa likuran ng mga pabalat ng libro, at kadalasan ay may kasamang litrato ng awtor o ng
may-akda.
• Ang bionote ay karaniwang dalawa hanggang tatlong pangungusap lamang na naglalarawan sa taong paksa ng bionote.
Ang bionote ay dapat na isang impormatibong talata na siyang nagpapaalam sa mga mambabasa o makikinig kung sino
ang taong paksa ng bionote o ano-ano ang mga nagawa ng paksa bilang propesyunal. Inilalahad din dito ang iba pang
impormasyon tungkol sa paksa na may kaugnayan sa tatalakayin sa kaganapan.
• Ang bionote ay dapat lamang na isang maikling impormatibong sulatin na karaniwang isang talata lamang at naglalahad
ng mga kwalipikasyon ng isang tao o indibidwal at ng kaniyang kredibilidad bilang panauhin o bilang propesyunal.
TANDAAN SA PAGSULAT NG BIONOTE
• Dapat batid ng lahat na iba ang bionote sa talambuhay at / o autobiography. Napakalaki ng agwat nito dahil ang bionote
ay nararapat lang na maikli at siksik, samantalang dapat ay mas detalyado at mas mahaba ang pagsusulat ng
talambuhay at / o ng autobiography.
• Dapat din na batid ng lahat na iba ang bionote sa curriculum vitae, resume, at biodata. Hinihingi sa mga cv, resume, at
biodata ang mga personal na impormasyon ng paksa tulad ng ngalan, kasarian, edad, petsa at lugar ng kapanganakan,
tangkad, timbang, at marami pang ibang impormasyon tungkol sa paksa.
Bakit nagsusulat ng bionote?
• Ito ay para ipaalam sa iba / lahat ng manonood, mambabasa at / o makikinig ang kredibilidad sa larangang
kinabibilangan na siyang tatalakayin sa isang kaganapan
• Para rin ipakilala ng may akda ang kaniyang sarili sa mga mambabasa
• Para ang bionote ay magsilbing marketing tool
• Para rin ipaalam sa iba / lahat na hindi ang karakter ng paksa at para na rin magkaroon ng sapat na pag-introduce sa
kredibilidad sa larangang kinabibilangan ng paksa. Ito ay isa na ring paraan upang maipakilala ang sarili sa mga
mambabasa.
Narito ang mga Katangian ng Bionote
 maikli lang dapat ang nilalaman nito
 gumagamit ng ikatlong panauhan para hindi masyadong egocentric
 kinikilala ang mga mambabasa o ang target market
 gumagamit ito ng baligtad na tatsulok – tulad sa pagsulat ng mga balita at iba pang obhetibong sulatin, talagang inuuna
ang pinakamahalagang impormasyon sa bionote
 nakatuon sa mga angkop na kasanayan o katangian ang nilalaman ng bionote
 binabanggit ang degree o tinapos ng paksa sa bionote.
Tandaan:
 Ang bionote, sa totoo lang, ay maituturing na isang marketing tool.

 Ginagamit ito upang itanghal ang mga pagkilala at mga natamo ng indibidwal.

 Dapat lahat tayo ay may matapat sa pagbabahagi ng mga impormasyon Kinokondena dapat ang mga fake news.

Gawain Blg 4
Panuto: Sa patuloy na pag-aaral mo ng modyul na ito, sagutan ang sumusunod. Isulat ang letrang F kung ang
pahayag ay fact (totoo) at B kung ang pahayag ay bluff (di-totoo).

___1. Ang bionote ay gumagamit ng unang panauhan para hindi masyadong egocentric.
___2. Sa bionote kinikilala ang mga mambabasa o ang target market.
___3. Mahaba ang dapat na nilalaman ng bionote.
___4. Nakatuon sa mga angkop na kasanayan o katangian ang nilalaman ng bionote.
___5. Ang bionote ay gumagamit ng baligtad na parisukat – tulad sa pagsulat ng mga balita at iba pang obhetibong
sulatin.
___6. Ang bionote ay ginagamit bilang marketing tool.
___7. Ginagamit ang module para ipaalam sa iba / lahat ng manonood, mambabasa at / o makikinig ang kredibilidad sa
larangang kinabibilangan na siyang tatalakayin sa isang kaganapan.
___8. Magkatulad lang ang bionote sa talambuhay o autobiography.
___9. Iba ang bionote sa curriculum vitae.
___10. Ang bionote ay dapat lamang na isang maikling impormatibong sulatin na karaniwang isang talata lamang.

Gawain Blg 5
Panuto: IPABATID ANG BAWAT TITIK (Akrostik): Malaki ang tulong ng bionote sa pagpapaikli ng isang akda o teksto.
Ipinahahayag ito nang buo, maayos at mabisa anupa’t taglay nito ang mga pangunahin at pantulong na kaisipan. Ngayon,
gamit ang mga letra ilahad ang kabuoang kaisipan ukol sa paksa .

B-
I-
O-
N-
O
T
E-

LAYUNIN AT GAMIT NG BIONOTE

Ginagamit ito para sa iba pa o mas kakaibang personal profile ng isang indibidwal, tulad ng kanyang academic career at
mga academic achievements, at iba pang impormasyon ukol sa kanya.

MGA DAPATB LAMAN NG BIONOTE

• Personal na impormasyon gaya ng mga sumusunod: tinubuan lupa o pinagmulan, edad, buhay kabataan-kasalukuyan
• Kaligirang pang-edukasyon na sumasakop sa ngalan ng mga paaralang pinasukan, digri na tinapos, at mga karangalan
• Ang bionote ay ambag sa mga larangang kinabibilangan gaya ng mga kontribusyon at mga adbokasiya.

Gawain Blg 6
Panuto :PAGTUKOY SA KATANGIAN NG BIONOTE : Suriin ang kahulugan, kalikasan, mga katangian , layunin , gamit ,
anyo (porma) ng Sinopsis. Isulat ito sa tsart.

Bionote
Kahulugan

Kalikasan
Katangian

Layunin

Gamit

Anyo (porma)

Basahin mo ang talata na makikita sa ibaba.

Halimbawa ng isang BIONOTE:


Si Marcelo Santos III ay nagtapos ng kursong Bachelor in Advertising and Public Relations sa Polytechnic Univerity of the
Philippines noong taong 2011.
Nagsimula siyang magsulat ng mga tula noong siya ay nasa mataas na paaralan pa lamang at karamihan sa mga akdang
ito ay "comedic poems" at mga maiksing kwento.
Noong Disyembre taong 2009 ay nagsimula siyang lumikha ng isang Love Story on Video (LSOV), o ang makabagong
paraan ng pagsasalaysay ng kwento kung saan ang mga titik ay mapapanood sa isang video na may kasabay na musika.

Hango sa https://brainly.ph/question/496580

Gawain Blg 7
Panuto: PAGHAHAMBING NG BIONOTE AT TALAMBUHAY: Batay sa natutunan mo sa dalawang salita. Itala kung
ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Bionote at Talambuhay sa pamamagitan ng Venn Diagram.

Bionote Talambuhay
Gawain Blg 8
Panuto: Sumulat ka ng iyong bionote upang ipakilala ang sarili, isaalang- alang ang mga dapat tandaan sa pagsulat nito.
Maaaring maglakip ng iyong larawan na 2 x2 ang laki. Isulat sa isang puting papel.

Binabati kita
at

nakarating ka na sa bahaging ito. Pero bago uli tayo maghiwalay, sagutin mo muna ang sumusunod na mga katanungan.
Maaring makipagpalitan ng ideya sa isang kamag-aral sa pamamagitan ng text o messenger chat kung hindi makapag-
uusap nang personal. Sumagot sa pamamagitan nang pagdurugtong sa pahayag na “Naniniwala ako…”
1. Sa iyong palagay, bakit magiging kapaki-pakinabang sa mga magaaral ang kasanayan sa pagsulat ng bionote?
Naniniwala
ako______________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________

2. Bakit kailangang maipakilala ang sarili gamit ang mga impormasyon sa academic career at iba pang tagumpay na
nakamit sa larangang kinabibilangan? Naniniwala ako
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________

You might also like