You are on page 1of 8

ILIGAN MEDICAL CENTER COLLEGE

Basic Education Department


Ylaya, Ext., Pala-o, Iligan City
S.Y. 2020-2021

MODYUL
SA
FILIPINO 12
Filipino sa Piling Larang (Akademik)

(UNANG KWARTER)
MODYUL SA UNANG MARKAHAN
FILIPINO 12 (FILIPINO SA PILING LARANG)

PAMANTAYANG NILALAMAN: Nauunawan ang kalikasan, layunin at paraan ng iba’t ibang


anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang larangan.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t


ibang anyo ng sulatin .

MGA SERYE NG GAWAING PAMPAGKATUTO:


Matapos ang aralin, inaasahan ang mga mag-aaral na:

1. Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat.


2. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:
(a) Layunin (b) Gamit (c)Katangian (d) Anyo/Uri
3. Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan , kalikasan, at
katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko.

PAMAMAHAGI NG ORAS: Week 1,2 &3 (6hrs)

Panimulang Pagtatay:

A. Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong sa bawat bilang. Piliin ang titik ng wastong
sagot at isulat ang sagot sa patlang.

B. 1. Isang paraan upang ang kaisipan ng tao ay kanyang maipahayag sa pamamagitan ng


simbolo.

A. Pakikinig B. Pagbasa C. Pagsasalita D. Pagsusulat


2.Ito’y anyo ng pagsulat na nagbibigay-linaw sa mga pangyayari, sanhi at bunga, at
pagbibigay ng mga halimbawa.

A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatwiran

__3.Ito‘y anyo ng pagsulat na nakapokus sa pagkakasunod-sunod ng daloy ng mga


pangyayaring aktwal na naganap.

A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatwiran

__4.Ito’y anyo ng pagsulat na nagpapahayag ng katwiran o opinyon o argumentong


pumapanig o sumasalungat sa isang isyung nakahain sa manunulat.

A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatwiran

__5.Anyo ng Pagsulat na na nagsasaad ng obserbasyon, uri, kondisyon, palagay, damdamin


ng isang manunulat hinggil sa isang bagay, tao, lugar, o pangyayari.

B. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatwiran

B.Analisahing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Isulat ang letrang T kung tama at M kung
mali ang isinasaad ng pangungusap.
_________1. Isa pinakamahalagang katangian ng akademikong pagsulat ay dapat maging
obhetibo ang pagkakasulat.

_________2. Ang abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng


mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko at teknikal, lekytur, at mga
report.

_________3. Sistematiko ang isang mananaliksik na nagbabanggit hinggil sa limitasyon ng


kaniyang ginagawang pag-aaral.

_________ 4.Ginagamit ang akademikong pagsulat sa pagbabalita ng mga pangyayari hinggil


sa mga
paboritong artista sa telebisyon.

________5. Mahalaga ang naidudulot ng akademikong pagsulat, partikular sa pag-uulat ng


mga pananaliksik na ginawa ng iba’t ibang mga iskolar hinggil sa iba’t ibang mga disiplina.

Aralin 1: Ang Kahalagahan ng Pagsulat at Ang Akademikong Pagsulat

A. TUKLAS-DUNONG

Gawain 1: Basahin at sagutin ang katanungan na makikita sa pahina 1.

Gawain 2: Maraming uri ng pagsulat na naaayon sa iba’t ibang pangangailangan ng mga


tao sa lipunan. Ang isang manunulat ay maaaring magbigay-impormasyon ukol sa isang
paksa o isyu na siyang tumatalakay sa kasaysayan ng isang bagay, pangyayari o pook o
kaya’y magsulat ng isang simpleng akda na nagbibigay aliw at nakapagbabago ng pananaw
ng mga mambabasa. Sa pagsusulat ay isa rin sa mga makrong kasanayan na dapat mahubog
at pagtuonan ng pansin ng mga mag-aaral sapagkat masusukat nito ang kanilang kahandaan
at kagalingan sa iba’t ibang disiplina. Bilang isang mag-aaral, nakapagsulat ka na ba iba’t
ibang uri ng sulatin mula elementarya hanggang sa hayskul ? Isulat ang mga ito at ang mga
hinihinging impormasyon sa talahanayan at ipaliwanag ang iyong layunin at gamit sa
pagsulat ng mga nabanggit na sulatin. Punan ang gabay na talahanayan.
AKADEMIKONG SULATIN LAYUNIN at GAMIT
B. KAALAMAN
Ang pagsulat ay isa sa makrong kasanayan na maipapahayag ang mga kaisipan ng
isang tao sa pamamagitan ng mga nakalimbag na simbolo. Sa pagsasatitik ng mga
impormasyon, napapaunlad nang dahan-dahan ang mga ideya sa isang papel o anumang
kagamitang maaaring pagsulatan na kailanman ay hindi mapapawalang bisa, malakas na
ebidensya, hindi nakalilimutan, hindi nawawala at hindi namamatay . Ang nakasulat ay
nakadokumento, habambuhay na buhay hanggat alam ng mga mambabasa ang wikang
ginagamit ng manunulat.
Ang pagsusulat ay karaniwang ikinaiinis ng mga mag-aaral na kagaya mo. Kadalasang
nangyayari sa halip na sumulat ka ay mas madali para sa iyo ang magpa photocopy o kaya
nama’y kinukuhanan na lamang ng litrato sa iyong selpon. Kung may ipasusulat ang iyong
titser na isang paksa , aabotan ka na lamang ng ilang oras at hindi agad makapagsimula na
para bang wala ka talagang maisusulat. Para matutuhan mo kung paano magsulat, aalamin
natin kung ano ano nga ba ang mga dapat isaalang-alang , hakbang o proseso nito? Bakit
nga ba sinasanay ang mga mag-aaral na kagaya mo na matutuhan at magkaroon ng sapat
na kasanayan sa pagsulat? Sa iyong sariling pag-unawa, ano nga ba ang pagsulat? Ang
akademikong pagsulat?
Upang lubusang maunawaan ang kahulugan ng akademikong pagsulat, basahin ang
pahina 1, 3, 8 at 9 o panoorin sa https://www.youtube.com/watch?
v=G41_DVkvOg&feature=share at https://www.youtube.com/watch?
v=AIFFvehx7c&feature=share.

TANDAAN: Ang akademikong pagsulat ay naglalayong linangin ang mga kaalaman ng


mga mag-aaral o isang intelektwal na pagsulat. Makatutulong ito sa paghubog ng kasanayan
o pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan o disiplina. Layunin
nitong maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o ginawang pananaliksik. Ito rin ay
nangangailangan ng higit na mataas na antas ng mga kasanayan na kailangan malinang at
mapaunlad ang kritikal na pag-iisip, pagsusuri ,paggawa ng sintesis at pagtataya ng mga
mag-aaral.

Basahin at unawain nang mabuti ang pahina 4-11.

MELC: Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:


(a) Layunin (b) Gamit (c)Katangian (d) Anyo.
D. PAGYAMANIN
MELC: Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan , kalikasan, at
katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko. (D)

Gawain 5: Magsagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan , kalikasan, at


katangian ng iba’t ibang uri ng akademikong sulatin.

Gawain 6: Ang islogang “Think before you click “ ng isang kilalang estasyon sa
telebisyon sa Pilipinas na nagsusulong sa responsableng pagpapahayag ng sosyal media.
Nagbibigay ito ng babala na kung anuman ang ipahahayag o i-post sa sosyal medya ay hindi
na mababawi pa at magagamit na matibay na ebidensya laban sa iyo. Bilang isang mag-aaral
na nag-aaral ngayon sa akademikong pagsulat ay magbibigay ka ng mga paraang
magpapaalala sa kapwa mo mag-aaral kung paano magiging responsible at makapagbibigay
kabatiran ukol sa isyung panlipunan laban sa pandemya.

Isulat ang link batay sa ginawang post ______________________________________

You might also like