You are on page 1of 6

Modyul

Pagsulat ng Iba’t Ibang Uri ng Sanaysay


6 (Replektibong Sanaysay)

I. Pamantayang Pangkurikulum

Pamantayang Pangnilalaman Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng


pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating ginagamit sa
pag-aaral sa iba’t ibang larangan (Akademik)
Pamantayang Pagganap Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t
ibang anyo ng sulatin
Pamantayan sa Pagkatuto Ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa
pagsulat ng mga piiling akademikong sulatin
CS_FA12PU-Od-f-92
2. nakasusunod sa istilo at teknikal na
pangangailangan ng akademikong sulatin
CS_FA12PU-Od-f-93
3. nakikilala ang mga katangian ng mahusay na
sulating akademiko sa pamamagitan ng mga
inasang halimbawa CS_FA11/12PB-Om-o-90

Damean’s Beat/Pagpapahalaga Marian at pagpapahalaga sa nalilinang na kakayahan


Bilang ng Araw/Sesyon 4 na araw

II. Layunin

Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:

1. nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at


katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko.
2. nakakasusulat nang maayos na akadamikong sulatin.
3. nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin.

III. Mapagkukunan

1. Kagamitan
• Laptop
• Aklat
• Iba’t ibang halimbawa ng sulatin
2. Sanggunian
• Dayag, A., Julian, A., Lontoc, N. at Del Rosario M. Filipino 8:
Pinagyamang Pluma, Ikalawang Edisyon. Quezon City: Phoenix
Publishing House, Inc. pahina 93-105
• Villanueva, Voltaire (2016) Pagsulat sa Filipino sa Piling larangan
Quezon City Vibal Group Incorporated
3. Iba pang napagkunan
• https://www.facebook.com/notes/kirt-cantara-segui/posisyong -
papel-ng kagawaran-ng filipinolohiya-ng -pup-hinggil-sa-pagtatanggal-
ng/727134210658842

Self-Learning Module in FPL 12


Unang Semestre-Pinal, Modyul 6 Pahina 1 sa 6
PANIMULA

Sa nakaraang aralin ay iyong natutuhan ang kasanayan o kakayahang manindigan sa


isang desisyong ginawa o pinanghahawakang katotohanan o prinsipyo. Sa araling ito ay iyo
naming lubos na matutuhan ang kakayahang maglahad sa pamamagitan ng pagsulat ng
replektibong sanaysay

Alamin Natin
Sa modyul na ito, isang uri ng paglalahad ang ating bibigyang-pansin. Ito ay
Ang pagsulat ng replektibong sanaysay. Ngunit bago natin pag-usapan ang ibig sabihin ng
replektibong sanaysay ay bigyang-kahulugan muna natin ang salitang sanaysay at kung kailan
ito nagsimula. Ang salitang sanaysay ay hango sa sa salitang Pranses na essayer na ang ibig
sabihin ay “sumubok” o “tangkilikin”.Ito ay nagsimulang yumabong sa mga sulatin ni Michael de
Montaigne (1533-92). Bago pa man isilang si Kristo, ay nagsimula na rin ito sa Asya sa
pangunguna ni Confucius na sumulat ng Analects at ni Lao-Tzu na sumulat naman ng Tao Te
Ching. Noon namang ika-14 na dantaon, nakilala si Yushida Kenko ng Hapon na may katha ng
“Tsurezuregusa” o “Mga Sanaysay sa Katamaran.”

Ayon kay Francis Bacon, ang sanaysay ay isang kasangkapan upang isatinig ang maikling
pagbubuhay-buhay at komentaryo sa buhay. Ayon naman kay Paquito Badayos sa kanyang
aklat na Retorika Susi sa Masining na Pagpapahayag, naglalahad ang sanaysay ng matalinong
kuro o makatwirang paghahanay ng kaisipan. Naglalahad ito ng mga personal at pansariling
pananaw ng manunulat tungkol sa isang paksa. Sa madaling salita, ito ay isang paglalahad ng
sariling opinyon o kuro-kuro ng sumulat tungkol sa isang bagay o paksa.

Dalawang Uri ng Sanaysay


Pormal Impormal

Ito ay nagbibigay ng patalastas sa isang Tinatawag ding itong pamilyar o personal, at


paraang maayos at mariin at bunga ng isang nagbibigay-diin sa isang estilong
maingat na pagtitimbang-timbang ng mga nagpapamalas ng katauhan ng may-akda.
pangyayari at mga kaisipan. Kung minsa’y Karaniwan itong may himig na parang
tinatawag din itong impersonal o siyentipiko nakikipag-usap o nais magpakilala ng isang
sapagkat ito’y binabasa upang makakuha ng panuntunan sa buhay. Ito’y naglalarawan ng
impormasyon. pakahulugan ng may-akda sa isang
pangyayari sa buhay, nagtatala ng kanyang
pagbubulay-bulay, at naglalahad ng kanyang
kuro-kuro o pala-palagay.

Sanggunian: Dayag, Alma M. (2016) Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling


Larangan (Akademik) Quezon City Phoenix Publishing House Inc.

Self-Learning Module in FPL 12


Unang Semestre-Pinal, Modyul 6 Pahina 2 sa 6
Tuklasin Natin
Ang replektibong sanaysay, ayon kay Michael Stratford,isang guro at manunulat, ay
isa sa mga tiyak na uri ng sanaysay na may kinalaman sa introspeksiyon na pagsasanay.
Kinapapalooban ito ng pagbabahagi ng mga bagay na naiisip, nararamdaman, pananaw, at
damdamin hinggil sa isang paksa at kung paano ito nakalikha ng epekto sa taong sumusulat
nito.
Ayon naman kay Kori Morgan, guro mula sa West Virginia University at University of
Akron, ang replektibong sanaysay ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa
isang mahalagang karanasan o pangyayari. Ibinabahagi nito sa mga mambabasa ang
kalakasan at kahinaan ng sumulat batay sa mga karanasang natutuhan o nakuha. Madalas,
ibinabahagi rin ng sumulat ang kanyang mga natutuhan at kung paano ito gagamitin sa buhay
sa hinaharap o kaya naman ay kung paano pa pauunlarin ang mga kahinaan hinggil sa isang
tiyak na aspketo ng buhay. Dahil ito ay kadalasang nakabatay sa personal na karanasan,
malayang makapipili ng paksa o pangyayaring bibigyang-pansin sa pagsulat ang manunulat.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay:


1. Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis na iikutan sa pagsulat ng replektibong sanaysay.
2. Isulat ito gamit ang unang panauhan ng panghalip.Tanggap nang gamitin ang mga panghalip
na ako, ko, at, akin sapagkat ito ay kadalasang naksalig sa personal na karansan.
3. Tandaan nab agama;t nakabatay sa personal na karansan, mahalagang magtaglay ito ng
patunay o patotoo batay sa iyong mga naoobserbahan o katotohanang nabasa hinggil sa
paksa upang higit na maging mabisa at epektibo ang pagkakasulat.
4.Gumamit ng mga pormal na salita sa pagsulat nito. Tandaang ito ay kabilang sa
akademikong sulatin.
5. Gumamit ng tekstong naglalahad sa pagsulat nito. Gawing malinaw at madaling maunawan
ang gagawing pagpapaliwanag ng mga ideya o kaisipan upang maipabatid ang ensahe sa
mga babasa.
6. Sundin ang tamang estruktura o mga bahagi sa pagsulat ng sanaysay, introduksyon,
katawan, at kongklosyon.
7. Gawing lohikal at organisado ang pagkakasulat ng mga talata.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay:


1. Sa pagsulat ng simula, tandaang ito ay dapat na makapukaw sa atensyon ng mga
mambabasa. Maaaring gumamit ng iba’t ibang paraan ng pagsulat ng mahusay na panimula.
Maaaring gumamit ng kilalang pahayag mula sa isang tao o quotation, tanong, anekdota,
karanasan at iba pa. Sundan agad ito ng pagpapakilala ng paksa at layunin ng pagsulat ng
sanaysay na siyang magsisilbing preview ng kabuoan ng sanaysay.
2. Sa pagsulat naman ng katawan, dito inilalahad ang mga pantulong o kaugnay na kaisipan
tungkol sa paksa o tesis na inilahad sa panimula. Maglagay sa bahaging ito ng mga
obhetibong datos batay sa iyong naobserbahan o naranasan upang higit na mapagtibay ang
kaisipang iyong ipinaliliwanag. Malaki rin ang maitutulong kung gagamit ng sangguniang
mapagkakatiwalaan na maaaring makatulong upang mapalawig ang talakayan na may
kinalaman sa paksa.
3.Sa pagsulat ng waka o kongklusiyon, muling banggitin ang tesis o ang pangunahing paksa
ng sanaysay. Lagumin ito sa pamamagitan ng pagbanggit kung paano mo magagamit ang
iyong mga natutuhan sa buhay sa hinaharap. Bilang pagwawakas, maaaring magbigay ng
hamon sa mga mambabasa na sila man ay magnilay sa kanilang buhay hinggil sa iyong
natutuhan o kanaman mag-iwan ng tanong na maaari nilang pag-isipan.

Self-Learning Module in FPL 12


Unang Semestre-Pinal, Modyul 6 Pahina 3 sa 6
Pag-usapan Natin

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang paglalahad bilang isang sining? Paano ito naiiba sa ibang sulatin?
2. Ibigay ang kahulugan at pagkaunawa sa sanaysay bilang isang akdemikong sulatin ?
3. Ano ang replektibong sanaysay? Paano ito naiiba sa iba pang uri ng sanaysay?
4. Bakit kailangang gumamit ng pormal na salita sa pagsulat ng replektibong sanaysay?

Gawain 1

Ibigay ang kahulugan, katangian, layunin at gamit ng isang replektibong sanaysay sa


pamamagitan ng pagpuno sa talahanayan. (Isulat ang sagot sa Sagutang Papel)

Replektibong Sanaysay

Katangian Layunin Gamit

Bakit mahalagang matutuhan ang tamang


paraan ng pagsulat ng replektibong papel?

Self-Learning Module in FPL 12


Unang Semestre-Pinal, Modyul 6 Pahina 4 sa 6
Notre Dame of Dadiangas University
INTEGRATED BASIC EDUCATION DEPARTMENT
Labangal, General Santos City

SAGUTANG PAPEL

Pangalan: __________________________________________________

Taon / Seksyon: _____________________________________________

Petsa / Oras: _______________________________________________

Natutukoy ang mahalagang konsepto tungkol sa binasa


Gawain Sagutin Natin

Lagyan ng tsek (/) kung tama ang pahayag na binanggit sa bawat bilang at ekis (x)
naman kung ito ay mali.

A. 1 PAGLALAHAD
_____ 1. Ang paglalahad ay isang detalyado at komprehensibong pagpapaliwanag ng isang
bagay, pook, o ideya.
_____ 2. Ang paglalahad ay tinatawag na expository writing sa Ingles.
_____ 3. Ang pangunahing layunin nito ay magpaliwanag nang obhetibo at walang pagkampi.
_____ 4. Ito ay nagpapahayag ng isang paninindigan.
_____ 5. Ito ay nagsasalaysay ng isang kuwento. Ito ay naglalarawan ng isang bagay.
_____ 6. Madalas na paggamitan ng paglalahad ang pagbibigay-kahulugan, pagsunod sa
panuto, pangulong tudling, surin-basa, ulat, balita, at sanaysay.

A. 2 REPLEKTIBONG SANAYSAY

_____ 1. Ang replektibong sanaysay ay kadalasang nakabatay sa karanasan kaya mula sa


nilalaman nito ay masasalamin ang pagkatao ng sumulat.
_____ 2. Bahagi ng sanaysay na ito ang mga bagay na naiisip, nararamdaman, at pananaw
hinggil sa isang paksa at kung paano ito nakalikha ng epekto sa taong sumusulat nito.
_____ 3. Ito ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang mahalagang
karanasan o pangyayari.
_____ 4. Madalas itong gamitin upang mailarawan ang tiyak na bagay, kaisipan, at
pangyayaring nakita o nasaksihan.
_____ 5. Maihahalintulad ito sa pagsulat ng isang journal at academic portfolio.
_____ 6. Tiyak na uri ng sanaysay na may kinalaman sa pagsasalaysay at pagbabalita.

Self-Learning Module in FPL 12


Unang Semestre-Pinal, Modyul 6 Pahina 5 sa 6
SAGUTANG PAPEL

Pangalan: __________________________________________________

Taon / Seksyon: _____________________________________________

Petsa / Oras: _______________________________________________

Nakikilala ang replektibong sanaysay ayon sa layunin,


Gawain Buoin Natin gamit, at katangian.

Ibigay ang kahulugan, katangian, layunin at gamit ng isang replektibong sanaysay sa


pamamagitan ng pagpuno sa thinking balloon.

Katangian

Layunin

Gamit

Self-Learning Module in FPL 12


Unang Semestre-Pinal, Modyul 6 Pahina 6 sa 6

You might also like