You are on page 1of 9

Modyul

Pagsulat ng Iba’t Ibang Uri ng Sanaysay


5 (Posisyong Papel)

I. Pamantayang Pangkurikulum

Pamantayang Pangnilalaman Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng


pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating ginagamit sa
pag-aaral sa iba’t ibang larangan (Akademik)
Pamantayang Pagganap Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t
ibang anyo ng sulatin
Pamantayan sa Pagkatuto Ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa
pagsulat ng mga piiling akademikong sulatin
CS_FA12PU-Od-f-92
2. nakasusunod sa istilo at teknikal na
pangangailangan ng akademikong sulatin
CS_FA12PU-Od-f-93
3. nakikilala ang mga katangian ng mahusay na
sulating akademiko sa pamamgitan ng mga
inasang halimbawa CS_FA11/12PB-Om-o-90

Damean’s Beat/Pagpapahalaga Marian at pagpapahalaga sa nalilinang na kakayahan


Bilang ng Araw/Sesyon 4 na araw

II. Layunin

Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:

1. nasasagot ang mga tanong tunkol sa tinalakay;


2. natutukoy ang tamang pahayag hinggil sa pagsulat ng posisyong papel;
3. napagsusunod-sunod ang mga hakbang sa pagsulat ng posisyong papel;
4. naiisa-isa ang balangkas sa pagbuo ng posisyong papel;
5. nakapagsasaliksik at nakapagsusuri ng isang posisyong papel;

III. Mapagkukunan

1. Kagamitan
• Laptop
• Aklat
• Iba’t ibang halimbawa ng sulatin
2. Sanggunian
• Dayag, A., Julian, A., Lontoc, N. at Del Rosario M. Filipino 8:
Pinagyamang Pluma, Ikalawang Edisyon. Quezon City: Phoenix
Publishing House, Inc. pahina 77-92
3. Iba pang Sanggunian
https://www.facebook.com/notes/kirt-cantara-segui/posisyong -papel-ng kagawaran-
ng filipinolohiya-ng -pup-hinggil-sa-pagtatanggal-ng/727134210658842

Self-Learning Module in FPL 12


Unang Semestre, Modyul 5 Pahina 1 sa 9
PANIMULA

Isa sa mga kasanayang dapat mahubog sa kabataang Pilipino ay ang kakayahang


manindigan sa isang desisyong ginawa o pinaghahawakang katotohanan o prinsipyo.
Maisasagawa ito kung may kakayahang mangatwiran sa desisyon o panig na napili sa
pamamgitan ng paglalatag ng matitibay na ebidensiya o katibayan. Ang pangangatwiran ay
isang uri ng diskursong naglalayong mapatunayan ang katotohanan ng ipinahahayag at
pinaniniwalaan at ipatanggap sa nakikinig o bumabasa ang katotohanang iyon. Mahalagang
ang taong nangangatwiran ay may sapat na kaalamn tungkol sa paksang pinangangatwiranan.
Kailangang mabatay ang katwiran sa katotohanan upang ito ay makahikayat at makaakit nang
hindi naman namimilit. Ito ang mga kaisipan at kasanayang bibigyang-diin sa kabuoan ng

Simulan Natin Nababalikan ang dating kaalaman hinggil sa sining ng


pangangatwiran

(ONLINE CLASS)
Ano-ano ang natatandaan mo tungkol sa pangangatwiran na natalakay ninyo nang ilang
beses sa mga nakaraang aralin sa Filipino? Ibahagi ang iyong nalalaman gamit ang Frayer
Concept Model Organizer.

Kahulugan Mga Katangian

Mga Halimbawa Mga Hindi Halimbawa

Self-Learning Module in FPL 12


Unang Semestre, Modyul 5 Pahina 2 sa 9
Tandaan
Natin
Ang pangangatwiran ay tinatawag ding pakikipagtalo o argumentasyon na
maaring maiugnay sa sumusunod na mga paliwanag”
Ito ay isang sining ng paglalahad ng mga dahilan upang makabuo ng
isang patunay na tinatanggap ng nakararami.
Ito ay isang uri ng paglalahad na nagtatakwil sa kamalian upang
maipahayag ang katotohanan
Ito ay isang paraang ginagamit upang mabigyang-katarungan ang mga
opinyon at maipahayag ang mga opinyong ito sa iba.

Narito ang mga dapat isaalang-alang para sa isang mabisang


pangangatwiran:
1. Alamin at unawain ang paksang ipagmamatuwid .
2. Dapat maging maliwanag at tiyak ang pagmamatuwid.
3. Sapat na katwiran at katibayang makapagpapatunay.
4. Dapat ay may kaugnayan sa paksa ang katibayan at katwiran upang
makapanghikayat.
5. Pairalin ang pagsasaalang-alang, katarungan, at bukas na kaisipan sa
pagpapahayag ng kaalamang ilalahad.
6. Tiyaking mapagkakatiwalaan ang mga ilalahad na katwiran

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel

Ang pagsulat ng posisyong papel hindi lamang sining ng paglalahad ng


mga argument at pangangatwiran kundi ito rin ay isang agham na kinapapalooban
ng mga katibayang kinalap sa pamamagitan ng pananaliksik. Kaya naman,
napakahalagang mapag-isipan at mapaghandaang mabuti ang paggawa nito.
Narito ang mga hakbang na maaaring sundin sa pagsulat ng posisyong papel.

1. Pumili ng paksang malapit sa iyong puso


2. Magsagawa ng panimulang pananalisksik hinggil sa napiling paksa
3. Bumuo ng thesis statement o pahayag ng tesis
4. Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong pahayag ng tesis o posisyon
5. Magpatuloy sa pangangalap ng mga kakilanganing ebidensiya
Nauuri sa dalawa ang mga ebidensiyang magagamit sa pangangatwiran:
Mga Katunayan – tumutukoy sa mga ideyang tinanggap na totoo dahil ang
mga katibayan nito nakabatay sa nakita, narinig, naamoy, nalasahan, at
nadama
Mga Opinyon – tumutukoy sa pananaw ng mga tao, mga ideyang
nakasalig hindi sa katunayan sa ipinapalagay lamang na totoo.
6. Buoin ang balangkas ng posiyong papel. Bago tuuyang isulat ang kabuoang
sipi ng posisyong papel ay gumawa muna ng balangkas para dito. Narito ang
pormat na maaaring gamitin.
I. Panimula
Ilahad ang paksa
Magbigay ng maikling paunang paliwanag tungkol sa paksa at kung bakit
mahalaga itong pag-usapan
Ipakilala ang tesis ng posisyong papel o ang iyong stand o posisyon
tungkol sa isyu

Self-Learning Module in FPL 12


Unang Semestre, Modyul 5 Pahina 3 sa 9
II. Paglalahad ng Counterargument o mga Argumentong Tumututol o
Kumokontra sa Iyong Tesis
Ilahad ang mga argumentong tutol sa iyong tesis
Ilahad ang mga kinakailangang impormasyon para mapasubalian ang
binanggit na counterargument
Patunayang mali o walang katotohanan ang mga counterargument na
iyong inilahad
Magbigay ng mga patunay para mapagtibay ang iyong ginagawang
panunuligsa
III. Paglalahad ng Iyong Posisyon o Pangangatwiran Tungkol sa Isyu
Ipahayag o ilahad ang unang punto ng iyong posisyon o paliwanag
Ipahayag o ilahad ang ikalawang punto ng iyong posisyon o paliwanag
Ipahayag o ilahad ang ikatlong punto ng iyong posisyon
IV. Kongklusiyon

Tingnan ang link na ito para sa karagdagang impormasyon


https://phoenix.com.ph/senior_high/pinagyamang-pluma-filipino-sa-
piling-larang-akademik/

Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tinalakay


Pag-usapan Natin

(OFFLINE CLASS)

1. Ano ang layunin ng pagsulat ng posisyong papel?


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Ano ang kaugnayan ng pagsulat ng posisyong papel sa pangangatwiran?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. Bakit nasabing bukod sa paglalahad ng argumentasyon at pangangatwiran ay
isa ring agham na kinapapalooban ng mga katibayang kinalap sa pamamagitan
ng pananaliksik ang isang posisyong papel?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
4. Masasabi mo bang epektibo at kapani-paniwala ang nasabing halimbawa?
Magbigay ng sariling posisyon tungkol dito.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
5. Ano-ano ang dapat na isalang-alang para sa isang mabisang pangangatwiran?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Self-Learning Module in FPL 12


Unang Semestre, Modyul 5 Pahina 4 sa 9
Natutukoy ang mahalagang konsepto tungkol sa binasa
Sagutin Natin

(ISUSULAT ANG SAGOT SA NAKALAANG SAGUTANG PAPEL)


Lagyan ng tsek (/) kung tama ang pahayag na binanggit sa bawat bilang at ekis (x)
naman kung ito ay mali.

PAGLALAHAD
_____ 1. Mahalagang gumawa ng balangkas bago pormal na isulat ang posisyong papel.
_____ 2. Ang pagpapakilala ng paksa at pagkuha ng interes ng mambabasa ang pangunahing
layunin sa pagsulat ng pagsisimula.
_____ 3. Ang pagbibigay ng opinyon at katotohanan ay kapwa mahalagang ebidensiyang
magagamit sa pagsulat.
_____ 4. Ang pangangalap ng impormasyon o pananaliksik ay hindi na gaanong kailangan sa
pagbuo ng sulatin.
_____ 5. Kailangang mapatunayang mali o walang katotohanan ang mga counterargument na
nakalahad sa sulatin.
_____ 6. Makapagbibigay na ng matibay na ebidensiya ang pagbibigay ng isang sanggunian.
_____ 7. Ang pagbibigay ng plano para sa gawain ay dapat ding isaalang-alang sa pagbibigay
ng kongklusiyon.
_____ 8. Ang pagbibigay ng opinyon ng isang taong may awtoridad o kaalaman hinggil sa
paksa ay nakapagpapatatag ng pangangatwiran.
_____ 9. Nakabatay sa pananaw at paniniwala ng isang tao angmga katunayan o facts.
_____ 10. Ang thesis statement ay naglalahad ng pangunahing ideya ng isang posisyong papel.

Napagsunod-sunod ang mga hakbang sa pagsulat


Sagutin Pa Natin ng posisyong papel

(ISUSULAT ANG SAGOT SA NAKALAANG SAGUTANG PAPEL)


Pagsunod-sunurin ang mga hakbang sa pagsulat ng posisyong papel.Lagyan ng bilang
1 hanggang 7 ang linya.
_____ 1. Pagbuo ng balangkas ng posisyong papel
_____ 2. Pagbuo ng thesis statement o pahayag ng tesis
_____ 3. Pagpapatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensiya.
_____ 4. Pagsasagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling paksa.
_____ 5. Pagsubok ng katibayan o kalakasan ng iyong pahayag ng tesis o posisyon.
_____ 6. Pagsulat ng posisyong papel.
_____ 7. Pumili ng paksang malapit sa iyong puso.

Buoin Natin Naiisa-isa ang balangkas sa pagsulat ng posisyong


papel gamit ang concept map sa kabilang pahina.
Lagyan ng maikling paliwanag ang bawat bahagi

(ISUSULAT ANG SAGOT SA NAKALAANG SAGUTANG PAPEL)

Self-Learning Module in FPL 12


Unang Semestre, Modyul 5 Pahina 5 sa 9
Isa-isahin ang balangkas sa pagsulat ng posiyong papel gamit ang concept map
sa ibaba. Lagyan ng maikling paliwanag ang bawat bahagi.

I. II.

Balangkas ng
Posisyong
Papel
III. IV.

Nakapagsasaliksik at nakapagsusuri ng isang


Buoin Pa Natin posiyong papel

Magsaliksik ng isang halimbawa ng napapanahong posisyong papel sa Internet.


Suriin ang nasaliksik na halimbawa bilang paghahanda sa isang posisyong papel na
iyong isusulat. Gamitin ang balangkas na RAPS sa gawaing ito.

(Read) Pamagat ng Nabasang Posisyong Papel

(About) Tungkol Saan ang Posisyong Papel

(Point) Punto 1 (Point) Punto 2

(Summary) Buod ng Binasang Posisyong Papel

Self-Learning Module in FPL 12


Unang Semestre, Modyul 5 Pahina 6 sa 9
SAGUTANG PAPEL

Pangalan: __________________________________________________

Taon / Seksyon: _____________________________________________

Petsa / Oras: _______________________________________________

Natutukoy ang mahalagang konsepto tungkol sa binasa


Gawain Sagutin Natin

Lagyan ng tsek (/) kung tama ang pahayag na binanggit sa bawat bilang at ekis (x)
naman kung ito ay mali.

PAGLALAHAD
_____ 1. Mahalagang gumawa ng balangkas bago pormal na isulat ang posisyong papel.
_____ 2. Ang pagpapakilala ng paksa at pagkuha ng interes ng mambabasa ang pangunahing
layunin sa pagsulat ng pagsisimula.
_____ 3. Ang pagbibigay ng opinyon at katotohanan ay kapwa mahalagang ebidensiyang
magagamit sa pagsulat.
_____ 4. Ang pangangalap ng impormasyon o pananaliksik ay hindi na gaanong kailangan sa
pagbuo ng sulatin.
_____ 5. Kailangang mapatunayang mali o walang katotohanan ang mga counterargument na
nakalahad sa sulatin.
_____ 6. Makapagbibigay na ng matibay na ebidensiya ang pagbibigay ng isang sanggunian.
_____ 7. Ang pagbibigay ng plano para sa gawain ay dapat ding isaalang-alang sa pagbibigay
ng kongklusiyon.
_____ 8. Ang pagbibigay ng opinyon ng isang taong may awtoridad o kaalaman hinggil sa
paksa ay nakapagpapatatag ng pangangatwiran.
_____ 9. Nakabatay sa pananaw at paniniwala ng isang tao angmga katunayan o facts.
_____ 10. Ang thesis statement ay naglalahad ng pangunahing ideya ng isang posisyong papel.

Napagsunod-sunurin ang mga hakbang sa pagsulat ng


Gawain Sagutin Pa Natin
posisyong papel

Pagsunod-sunurin ang mga hakbang sa pagsulat ng posisyong papel.Lagyan ng bilang


1 hanggang 7 ang linya.
_____ 1. Pagbuo ng balangkas ng posisyong papel.

_____ 2. Pagbuo ng thesis statement o pahayag ng tesis.

_____ 3. Pagpapatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensiya.

_____ 4. Pagsasagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling paksa.

_____ 5. Pagsubok ng katibayan o kalakasan ng iyong pahayag ng tesis o posisyon.

_____ 6. Pagsulat ng posisyong papel.

_____ 7. Pumili ng paksang malapit sa iyong puso.

Self-Learning Module in FPL 12


Unang Semestre, Modyul 5 Pahina 7 sa 9
SAGUTANG PAPEL

Pangalan: __________________________________________________

Taon / Seksyon: _____________________________________________

Petsa / Oras: _______________________________________________

Naiisa-isa ang balangkas sa pagsulat ng posisyong papel


Gawain Buoin Natin gamit ang concept map sa kabilang pahina. Lagyan ng
maikling paliwanag ang bawat bahagi

Isa-isahin ang balangkas sa pagsulat ng posiyong papel gamit ang concept map
sa ibaba. Lagyan ng maikling paliwanag ang bawat bahagi.

I. II.

Balangkas ng
Posisyong
Papel
III. IV.

Self-Learning Module in FPL 12


Unang Semestre, Modyul 5 Pahina 8 sa 9
SAGUTANG PAPEL

Pangalan: __________________________________________________

Taon / Seksyon: _____________________________________________

Petsa / Oras: _______________________________________________

Nakapagsasaliksik at nakapagsusuri ng isang posiyong


Gawain Buoin Pa Natin papel

Magsaliksik ng isang halimbawa ng napapanahong posisyong papel sa inyong internet.


suriin ang nasaliksik na halimbawa bilang paghahanda sa isang posisyong papel na iyong
gagawin. Gamitin ang balangkas na RAPS sa gawaing ito.

(Read) Pamagat ng Nabasang Posisyong Papel

(About) Tungkol Saan ang Posisyong Papel

(Point) Punto 1 (Point) Punto 2

(Summary) Buod ng Binasang Posisyong Papel

Self-Learning Module in FPL 12


Unang Semestre, Modyul 5 Pahina 9 sa 9

You might also like