You are on page 1of 6

Santa Monica Institute of Tech.

Andrada Bldg. Poblacion, Iligan City

Modyul 8

Senior High School


Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
Unang Semestre ng Taong Panuruan 2020-2021 Guro: Ceasar Ian H. Mundala

Nilalayong mga Resulta ng Pagkatuto


FPL(Akademik)MODULE

A. Nakaguguhit ng mga simbolismo mula sa mga nabasang halimbawa.

B. Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kahika-hikayat na posisyong papel. CS_Fa11/12PU-


Op-r-94

C. Nakasusulat ng posisyong papel batay sa maingat, wasto at angkop na paggamit ng wika


D. CS_FA11/12WG-Op-r-95

Pagtalakay sa Aralin

Akademikong Sulatin: Pagsulat


ng Posisyong Papel

Deskripsyon: Pagsulat ng isang posisyong papel tungkol sa isang napapanahong isyu.

Ang Posisyong Papel ay isang uri ng pangangatwiran. Sa araling ito lilinangin ang iyong pangangatwiran
upang makasulat ng isang posisyong papel tulad ng paggwa ng debate kung saan ka nakapanig. (balikan ang
katangian ng pangangatwiran sa nakaraang aralin)
Ang pangangatwiran ay isang uri ng panghihikayat. Nanghihikayat itong pumanig sa opinyon ng manunulat.
Binubuo ito ng mga matitibay na argumento o mga dahilan upang mapasang-ayon ang mga mambabasa.
Sinusuportahan naman ng mga ebidensya ang mga argumento upang mapatibay ito at mas makumbinsi ang
mga mambabasa.

Ang mga ebidensya sa argumento ay maaaring kunin sa obserbasyon, mga pahayag mula sa awtoridad
(Pulis, abogado, dalubhasa, doctor, propesor at iba pa) istatistiks o kayay mga mapagkakatiwalaang datos at
pag-aaral.

Ang Posisyong Papel ay isa ring akademikong sulatin na naglalahad ng mga katwiran ukol sa panig sa
isang isyu. Naglalaman ito nang malinaw na tindig sa isyu, mga argumento at ebidensya.

Ang posisyong papel ay mahalagang gawaing pasulat na nililinang sa akademikong pagsulat. Isa itong
sanaysay na naglalahad ng opinyon na naninindigan hinggil sa isang mahalagang isyu patungkol sa batas,
akademiya, politika at iba pang mga larangan. Karaniwang isinusulat ang isang posisyong papel sa paraang
mapanghimok sa mambabasa upang maunawaan at sang-ayunan nito ang paninindigan ng nagsulat hinggil sa
isyung pinaksa.

Simulan mo na
1
Paano mo paninindigan at ipaglaban ang iyong karapatan sa sumusunod na mga sitwasyon.

1. Itinuro ka ng iyong kaklase sa iyong guro kaya ikaw ang napagkamalang naghagis ng balat ng saging sa
sahig upang madulas ang iyong kaklase.
2. iaabot mo sana ang wallet na napulot mo sa taong naiinis sa iyo. Subalit, pinagbibintangan ka niya na ikaw
ang kumuha ng wallet niya.
3. Ang iyong ama ay dating mayor ng inyong bayan na nasangkot sa graft and corruption kaya nang ikaw ay
kumandidato bilang Kapitan sa inyong komunidad ay naakusahan ka na isang magnanakaw.
FPL(Akademik)MODULE

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Posisyong Papel


1. Pagpili ng Paksa
Pumili ng paksa ayon sa iyong interes upang mapagtibay ang pinaninindigang opinyon o posisyon.
Gumamit ng mga datos, opinyon, estadistika at iba pang mga anyo ng mga katibayan upang maging kapni-
paniwala at mapagkakatiwalaan ng mambabasa.

2. Magsagawa ng Paunang Pananaliksik


Ang paunang pananaliksik ay kinakailangan upang matukoy kung ang katibayan ay magagamit upang
suportahan ang iyong paninindigan. Maaaring gumamit ng mga datos mula sa Internet, ngunit tiyaking
educational site (.edu) ng mga institusyong akademiko at pampananaliksik at mga site ng gobyerno (.gov),
upang mahanap ang mga propesyonal na pag-aaral at mga estadistika. Mahalaga ring magtungo sa silid-
aklatan at gumamit ng nailathala nang mga pag-aaral patungkol sa iyong paksa.

3. Hamunin ang Iyong Sariling Paksa


Kailangang alamin at unawain ang kabaligtarang pananaw bukod pa sa nalalaman mo tungkol sa iyong
sariling paninindigan upang mapagtibay ang iyong kaalaman at paninindigan sa iyong isusulat na posisyong
papel. Alamin ang lahat ng posibleng mga hamon na maaari mong makuha bilang suporta sa iyong pananaw.
Dapat harapin at kilalanin sa iyong posisyong papel ang mga kasalungat ng posisyon at gumamit ng mga
kontra-argumento (datos,opinyon, estadistika, at iba pa) upang pahinain ang tindig ng mga ito.

4. Magpatuloy Upang Mangolekta ng Sumusuportang Katibayan


Matapos matukoy na nag iyong posisyon ay makatitindig na aat ang kasalungat na posisyon (sa iyong
opinyon) ay mas mahina kaysa sa iyong sariling posisyon, ikaw ay handa na sa iyong pananaliksik. pumunta
sa akalatan at maghanap ng mas maraming mapakukunan ng datos. Maaari ding magsagawa ng opinyon ng
isang dalubhasa o eksperto sa paksa ( tulad ng doktor, abogado o propesor). gayundin ng mga personal na
karanasan mula sa isang kaibigan o miyembro ng pamilya, personal na salaysay ng ibang tao at iba pang
maaaring makaantig sa damdamin ng mambabasa.
5. Lumikha ng Balangkas (Outline)
Narito ang isang halimbawa kung paano babalangkasin ang isang posisyong papel.
a. Ipakilala ang iyong paksa gamit ang maikling paglalahad ng pangkaligirang impormasyon
( Background information). Gumawa ng pahayag ng tesis na iginigiit ang iyong posisyon.
b. Itala ang mga posibleng kasalungat na pananaw ng iyong posiyon.
2
c. Ipakita rin ang mga posibleng sumusuportang punto ng mga kasalungat na pananaw ng iyong posisyon.
d. Pangatwiranang pinakamahusay at nakatayo pa rin ang iyong posisyon sa kabila ng mga kontra-
argumento (sa b at c)
e. Ibuod ang iyong argumento at muling igiit ang iyong posisyon.

Pagtataya
FPL(Akademik)MODULE

AKTIBITI

1. Ano ang kaugnayan ng pangangatwiran at ng posisyong papel?

Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP Hinggil sa Pagtatanggal ng Filipino sa


mgaKolehiyo at Unibersidad

PANATILIHIN ANG ASIGNATURANG FILIPINO SA KOLEHIYO: HUWAG PATAYIN ANG


PAMBANSANG KARAPATAN NG WIKANG FILIPINO, MGA GURO NG FILIPINO,
KABATAANG PILIPINO AT MAMAMAYANG PILIPINO

Posisyong Papel na nauukol sa CHED Memorandum Order No. 20 Series of 2013

Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP),


Samahan ng mga Dalubguro sa Filipino (SADAFIL), Samahan ng mga Batang Edukador ng Wikang
Filipino at mga Sining sa Pilipinas, PUP Sentro sa Malikhaing Pagsulat, at PUP Ugnayan ng Talino at
Kagalingan

Peligrosong hakbang ang ginawa ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED) nang alisin
ang asignaturang Filipino sa inilabas nilang Memorandum Order Blg. 20 na may petsang Hunyo 28 serye
2013. Bagaman sinasabi ng komisyong nabanggit na maaaring maituro sa Ingles o Filipino ang mga
asignaturang binalangakas nila, bilang halimbawa ay ang Purposive Communication na nakapaloob sa

nilikha nilang bagong kurikulum, nababatid namin na pag-aagaw-agawan pa ito ng napakaraming guro sa
Filipino at Ingles sa mga kolehiyo at unibersidad, at magdudulot pa ito ng hindi pagkakaunawaan, pagtatalo
at ang masaklap pa pa'y aangkinin lamang ito ng mga Departamento ng Ingles sa mga unibersidad at
kolehiyong mabuway ang Filipino dahil halata namang nakakiling ang Purposive Communicationsa Ingles.
Sa hakbang na ito, tila unti-unting nilulusaw ang mga natatag na Kagawaran/Departamento ng Filipino sa
mga kolehiyo at unibersidad sa Pilipinas. Higit pa rito, maraming mga guro sa Filipino, partikular na sa PUP
ang mawawalan ng trabaho at mababawasan ng kita. Hindi pumapayag ang Kagawaran ng Filipinolohiya ng
PUP na mangyari ang mga bagay na ito.

3
Sapagkat malinaw na isinasaad sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas Artikulo XIV, itinakda ang
Filipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas. Kung susuriing mabuti ang CHED Memorandum, malinaw
na lihis sa hangarin at konteksto ng Pangkalahatang Edukasyon ang pagtatanggal ng asignaturang Filipino
dahil nakasaad sa pahina apat (4) ng memorandum ang ganito: "General education enables the Filipino to
find and locate her/himself in the community and the world, take pride in and hopefully assert her/his
identity and sense of community and nationhood amid the forces of globalization. As life becomes more
complex, the necessity of appreciating the gifts of nature and addressing social problems in the general
education program increasingly become more pressing. "Hindi ba't ang asignaturang Filipino ang
pangunahing tiyak na tutugon sa hangarin at kontekstong isinasaad? Sapagkat ang mga asignaturang Filipino
ay nakatuon sa pagtuklas at inobatibong pag-aaral hinggil sa kalinangang Pilipino (wika, kultura at
FPL(Akademik)MODULE

kabihasnan), nasa Filipino ang identidad ng mamamayan sa bansang Pilipinas, nasa Filipino ang diwang
makabansa na makatutugon sa mga kahingiang panlipunan at makatutulong sa pangangailangan ng
mamamayang Pilipino, at makapag-aambag ng kalinangan at karunungan sa daigdig. Hindi ito simpleng
maibibigay lamang ng mga asignaturang tila pira-pirasong kinopya sa dayuhang kaisipan na pilit binibigyan
ng malaking puwang na kung tutuusi'y hindi naman makatuwiran.

Sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) na


tinaguriang "largest state university in the country" na binubuo ng humigit kumulang 70, 000 na mga
mag-aaral na nagmula sa iba't ibang panig ng bansa katuwang ang iba pang mga organisasyon ay
matatag na naninindigan na panatilihin ang Filipino bilang asignatura sa Kurikulum ng
Pangkalahatang Edukasyon sa kolehiyo.

Sa halip na alisin, hindi ba't nararapat na lalo pang patatagin ang disiplinang Filipino sa kurikulum
ng kolehiyo sa pamamagitan ng mga asignaturang Filipino na magiging pundasyon nito. hindi ba't paurong
na hakbang ng Pilipinas nang alisin ang asignaturang Filipino ng technical panel ng pangkalahatang
edukasyon ng CHED na binuo lamang ng iilang mga tao na at walang malinaw na konsultasyong isinagawa?
Samantalang sa maraming unibersidad sa labas ng ating bansa ay pinatatatag ang disiplinang Filipino gaya
sa University of Hawaii at University of Michigan sa U.S.A, Osaka University at Tokyo University sa Japan,
St. Petersburg University at University of Moscow sa Russia.

Ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya nito ay


patuloy na nagsusulong ng kalinangang pangwika, pangliteratura, pangkultura at pansining sa pamamagitan
ng mga pananaliksik at pagdaraos ng mga kumperensiya at talakayan sa Wikang Filipino sa iba't ibang
larangan. Taong 2013 nang hirangin ng CHED ang PUP Kagawaran ng Filipinolohiya bilang Sentro ng
Pagpapahusay ng Programang Filipino, bago pa ito, natamo na nito mula sa Accrediting Agency of
Chartered Colleges and Universities in the Philippines (ACCUP) ang pinakamataas na

akreditasyon (Antas 3) at kasalukuyang nakasalang sa internasyonalisasyon ang programang AB


Filipinolohiya na inihahain nito. Ginawaran na rin ito ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ng Gawad
Sagisag Quezon sa Pagpapaunlad ng Wikang Filipino. Bukod pa rito, ang mga batikang manunulat sa
Filipino at dekalibreng guro sa Filipino sa bansa ay kabilang sa Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP.
Ngunit, ang lakas at pagsisikap ng mga Departamento/Kagawaran ng Filipino gaya ng sa PUP ay
4
mawawalan ng kabuluhan kung sa bagong kurikulum na binalangkas ng CHED para sa kolehiyo ay
tinanggalan ng kongkreto at malinaw na puwang ang disiplinang Filipino. Manghihina at malulusaw ang
Wikang Filipino kung hindi tuloy-tuloy ang paglinang nito hanggang sa kolehiyo. Sa ganitong punto, muli't
muli naming igigiit ang karapatan ng Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa na nakasaad sa Kontitusyon
ng Pilipinas.

Pangunahing gawain ng PUP Kagawaran ng Filipinolohiya ay ang pagpapaunlad at pagpapaigting ng


puwersa para huwag isantabi at tuluyang mapanatili ang Filipino sa kolehiyo. Bilang hakbang, magsasagawa
ito ng Pambansang Talakayan Ukol sa mga Pananaliksik Pangwika, Pangkultura at Pansining sa Wikang
FPL(Akademik)MODULE

Filipino na may temang "Mga Mananaliksik Bilang Pagtutol sa Pag-aalis ng Asignaturang Filipino sa
Kolehiyo at ang Magiging Kalagayan ng mga Guro sa Filipino sa Hamon ng Programang K-12" kasabay
ng Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa Agosto 28-30, 2014 sa suporta ng Pambansang
Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA) na kasasangkutan ng mga guro, mga mag-aaral, at mga
mamamayang nagsusulong ng Filipino.

Kikilos at kikilos ang PUP upang ipagtanggol ang Wikang Filipino. Maghahain ito ng mga
mungkahing asignaturang Filipino sapakikipag-ugnayan na rin ng iba't ibang mga unibersidad at kolehiyo na
maaaring tumugon sa mga inalis na asignaturang Filipino sa Kolehiyo.

Kung hindi pa magbabago ang ihip ng hangin, at hindi pa rin matitiyak ng CHED ang malinaw na
puwang ng asignaturang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo hanggang sa Agosto, tiyak na gagawa ng
malaking hakbang ang pinakamalaking pang-estadong unibersidad sa bansa sa pangunguna ng
Kagawaran ng Filipinolohiya nito para manatili ang asignaturang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo.

Umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat. Nandyan ito, umiiral at
ginagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan ng mga Filipino. Mga Pilipino ang kusang tumanggap nito
bilang wikang pambansa at naging katangi-tangi ang tatag nito dahil ito ang identidadng lipunang Pilipino.
Mahalaga ang pagpapaunlad nito sa bawat Pilipino, kaya kung ihihiwalay sa mga mag-aaral ng kolehiyo sa
Pilipinas ang patuloy na pag-aaral ng Wikang Filipino, tinanggal natin ang identidad natin bilang Pilipino.
Dahil kung ano ang wika mo, iyon ang identidad mo!
Pinagtibay ngayong Hunyo 19, 2014

PAMAGAT: Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP Hinggil sa Pagtatanggal ng

5
Filipino sa mgaKolehiyo at Unibersidad

Pangunahing posisyon: Argumento 1:

Ebidensya 1:

Ebidensya 2:
FPL(Akademik)MODULE

Argumento 2:

Ebidensya 1:

Ebidensya 2:

Ebidensya 3:

Aksyon kaugnay sa isyu:

You might also like