You are on page 1of 6

REPUBLIC OF THE PHILIPINES

Department of Education
Region V
DIVISION OF CAMARINES SUR
EUSEBIA PAZ ARROYO MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Buluang, Baao, Camarines Sur

Filipino Piling Larang Akademik


Modyul 3.1: Magbalik-tanaw Tayo

I. LAYUNIN:
nakasusulat nang maayos na akademikong sulatin (replektibong sanaysay)

II. PAMAMARAAN:
Pormal – Ito ay nagbibigay ng isang paraang maayos at mariin at bunga ng isang maingat na pagtitimbang-timbang
ng mga pangyayari at kaisipan.
Impormal– Tinatawag din itong pamilyar o personal, at nagbibigay diin sa isang estilong nagpapamalas ng katauhan
ng may-akda.
Panimula/Simula-Pinakamahalang bahagi ng sanaysay, sapagkat ito ang unang tinitingan ng mga mambabasa. Ito ay
dapat na nakakapukaw ng atensyon upang ipagpatuloy ng mambabasa ang pagbasa sa akda.
Katawan-Dito nakalagay ang lahat ng ideya at pahayag. Dito rin makikita ang pagtalakay sa mahalagang puntos ukol
sa tema at nilalaman ng sanaysay.Sa bahagi ring ito makikita o isusulat ang iyong mga napagnilayan o mga
natutuhan.
Konklusyon/Wakas- Dito nakalagay ang iyong pangwakas na salita o ang buod ng sanaysay.

Ang Replektibong Sanaysay


Ni: Cynthia C. Altamera

Ang replektibong sanaysay ayon kay Michael Stratford (Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larang
Akademik) ay isa sa mga tiyak na uri ng sanaysay na may kinalaman sa introspeksyon na pagsasanay. Kinapapalooban
ito ng pagbabahagi ng mga bagay na naiisip, nararamdaman, pananaw at damdamin hinggil sa isang paksa at kung
paano ito nakakalikha ng epekto sa taong sumusulat nito. Layunin nitong maipabatid ang mga nakalap na
impormasyon at mailahad ang mga pilosopiya at karanasan ukol dito at kung maaari ay ilalagay ang mga batayan o
talasanggunian. Ito ay isang masining na pagsulat na nangangailangan ng sariling perspektibo, opinion at
pananaliksik sa paksa.
Sa pangkalahatan, may dalawang uri ng sanaysay: Una, Pormal. Ito ay nagbibigay ng patalastas sa isang
paraang maayos at mariin at bunga ng isang maingat na pagtitimbang-timbang ng mga pangyayari at mga kaisipan.
Pangalawa, Impormal. Ito ay nagbibigay-diin sa isang estilong nagpapamalas ng katauhan ng may-akda. Ito’y
naglalarawan ng may-akda sa isang pangyayari sa buhay, nagtatala ng kaniyang pagbubulay-bulay, at naglalahad ng
kaniyang kuro-kuro. Mahalagang malaman ng isang manunulat ang pangunahing bahagi ng replektibong sanaysay.
Ito ay ang: Panimula – tandaang ito ay dapat na makapukaw sa atensiyon ng mga mambabasa. Maaaring gumamit ng
kilalang pahayag ng isang tao o quotation, tanong, anekdota at iba pa. Sa pagsulat naman ng Katawan – ditto
inilalahad ang mga pantulong o kaugnay na kaisipan tungkol sa paksa o tesis na inilahad sa panimula. Ang panghuling
bahagi ay ang Konklusyon – sa pagsulat ng konklusyon, muling banggitin ang tesis o pangunahing paksa ng sanaysay.
Lagumin ito sa pamamagitan ng pagbanggit kung paano mo magagamit ang iyong mga natutuhan sa buhay sa
hinaharap.
Sa pagsulat ng replektibong sanaysay ay mayroon tayong mga bagay na dapat tandaan upang maging
epektibo at komprehensibo ang pagsulat nito. Una, ay kailangang magkaroon ng tiyak na paksa na iikutan ng
nilalaman ng sanaysay. Pangalawa, isulat ito gamit ang unang panauhan ng panghalip.Tanggap nang gamitin ang mga
panghalip na ko, ako, at akin sapagkat ito ay nakabatay sa karanasan. Sa pagsulat ng replektibong sanaysay, bagamat
nakabatay sa personal na karanasan mahalagang magtaglay pa rin ito ng patunay o patotoo. ` ` Gumamit din ng
tekstong naglalahad sa pagsulat nito. Gawing malinaw at madaling maunawaan ag gagawing pagpapaliwanag ng mga
ideya o kaisipan. Kailangan din isaalang-alang ang paggamit ng mga pormal na salita at tamang estruktura sa
pagsulat nito. Tandaan na ang replektibong sanaysay ay kabilang sa akademikong sulatin.

GAWAIN 1
Ilagay sa short bond paper (pink folder)
Panuto: Gamitin ng makatotohanan ang iyong natutuhan sa araling ito. Sumulat ng isang replektibong
sanaysay batay sa karanasan o natutuhan sa gitna ng pandemya. (500 na salita)

REPUBLIC OF THE PHILIPINES


Department of Education
Region V
DIVISION OF CAMARINES SUR
EUSEBIA PAZ ARROYO MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Buluang, Baao, Camarines Sur

Filipino PILING LARANG-AKADEMIK


Modyul 3.2: Posisyong Papel

I. LAYUNIN:
nakikilala mo ang mga katangian ng mahusay na posisyong papel sa pamamagitan ng binasang halimbawa.

II. PAMAMARAAN:
Akademikong Sulatin. Isang sulating nakabatay sa isang tiyak na disiplina o larangan na maaaring
interdisiplinari o multidisiplinari mula sa disiplinang siyentipiko, pilosopikal, agham, humanistiko at iba pa
(Villanueva, 2016).
▪ Counterargument. Pahayag na tumututol o kumokontra sa tesis na pahayag (Julian at Lontoc, 2017).
▪ Pagsulat. Isang gawaing nag-uugat mula sa pagtatamo ng kasanayan (skill-getting) hanggang sa ang mga
kasanayang ito ay aktuwal na magamit (ni Rivers sa Badayos, 2008).
▪ Pangangatwiran. Uri ng pagpapahayag na may layuning hikayatin ang mambabasa sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mga ebidensiyang nakabatay sa lohika at mga patunay (Dayag at Del Rosario, 2017).
▪ Posisyong papel. Ito ay pagsalig o pagsuporta sa katotohanan ng isang kontrobersiyal na isyu sa
pamamagitan ng pagbuo ng isang kaso o usapin para sa iyong pananaw o posisyon (ni Fleming sa Julian at Lontoc,
2017)
▪ Tesis na pahayag. Isang matibay na pahayag na naglalahad ng pinapanigang posisyon hinggil sa paksa na
nais patunayan sa pamamagitan ng pangangalap ng mga datos o ebidensiya ( ni Zafra sa Julian at Lontoc, 2017)

ANO ANG POSISYONG PAPEL?

Ayon kay Fleming banggit nina Julian at Lontoc (2017), ito ay ang pagsalig o pagsuporta sa katotohanan ng
isang kontrobersiyal na isyu sa pamamagitan ng pagbuo ng isang kaso o usapin para sa iyong pananaw o posisyon.
Layunin nitong mahikayat ang maipakita at mapagtibay ang argumentong ipinaglalaban gamit ang mga ebidensiyang
magpapatotoo sa posisyong pinaniniwalaan. Narito ang mga dapat isaalang-alang para sa isang mabisang
pangangatwiran: 1. Alamin at unawain ang paksang ipagmamatuwid. 2. Dapat maging malinaw at tiyak ang
pagmamatuwid. 3. Sapat na katuwiran at katibayang makapagpapatunay. 4. Dapat ay may kaugnayan sa paksa ang
katibayan at katuwiran upang makapanghikayat. 5. Pairalin ang pagsasaalang-alang, katarungan at bukas na kaisipan
sa pagpapahayag ng kaalamang ilalahad. 6. Tiyaking mapagkakatiwalaan ang mga inilahad na katuwiran.
Ano-ano ang mga bahagi ng posisyong papel? Ang isang mahusay na posisyong papel ay nagtataglay ng
sumusunod na bahagi: 1. Panimula 2. Paglalahad ng Counterargument o mga Argumentong Tumututol o
Kumokontra sa Iyong Tesis 3. Paglalahad ng Iyong Posisyon o Pangangatwiran Tungkol sa Isyu 4. Kongklusyon Ano-
ano ang mga katangian upang masabi na mahusay ang isang posisyong papel? Sa pagsulat ng bawat bahagi ng
posisyong papel, mahalagang taglayin ang mga sumusunod na katangian.
1. Panimula Sa pagsulat ng panimula, mahalagang maunawaang ito ay may dalawang layunin. Una, upang
ipakilala ang paksa at ang tesis at pangalawa, upang maantig ang interes ng mga babasa nito. a.
Naglalahad ng paksa. b. Nagbibigay ng maikling paunang paliwanag tungkol sa paksa at kung bakit
mahalaga itong pag-usapan. c. Nagpapakilala ng tesis ng posisyong papel o ang iyong stand o posisyon
tungkol sa isyu.
2. Paglalahad ng Counterargument o mga Argumentong Tumututol o Kumokontra sa Iyong Tesis a.
Naglalahad ng mga argumentong tungkol sa tesis. b. Naglalahad ng mga kinakailangang impormasyon
para mapasubalian ang binabanggit na counterargument. c. Nagpapatunay na mali o walang
katotohanan ang mga counterargument na inilahad. d. Nagbibigay ng mga patunay para mapagtibay ang
iyong ginawang panunuligsa.
3. Paglalahad ng Iyong Posisyon o Pangangatwiran Tungkol sa Isyu a. Nagpapahayag o naglalahad ng unang
punto ng iyong posisyon o paliwanag. b. Nagpapahayag o naglalahad ng ikalawang punto ng iyong
posisyon o paliwanag. c. Nagpapahayag o naglalahad ng ikatlong punto ng iyong posisyon o paliwanag.
4. Kongklusyon a. Naglalahad muli ng argumento o tesis. b. Nagbibigay ng mga plano ng gawain o plan of
action na makatutulong sa pagpapabuti ng kaso o isyu.
Gawain 1

Pangunahing gawain ng PUP Kagawarang Filipinolohiya ay ang pagpapaunlad at pagpapaigting ng puwersa


para huwag isantabi at tuluyang mapanatili ang Filipino sa kolehiyo. Bilang hakbang, magsasagawa ito ng
Pambansang Talakayan Ukol sa mga Pananaliksik Pangwika, Pangkultura at Pansining sa Wikang Filipino na may
temang, “Mga Mananaliksik Bilang Pagtutol sa Pag-alis ng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo at ang Magiging
Kalagayan ng mga Guro sa Filipino sa Hamon ng Programang K-12” kasabay ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang
Pambansa sa Agosto 28 – 30, 2014 sa suporta ng Pambansang Komisyon para Kultura at mga Sining (NCCA) na
kasasangkutan ng mga guro, mga mag-aaral at mga mamamayang nagsusulong ng Filipino.
Kikilos at kikilos ang PUP upang ipagtanggol ang wikang Filipino. Maghahain ito ng mga mungkahing
asignaturang Filipino sa pakikipag-ugnayan na rin ng iba’t ibang mga unibersidad at kolehiyo na maaaring tumugon
sa mga inalis na asignaturang Filipino sa kolehiyo.
Kung hindi pa magbabago ang ihip ng hangin, at hindi pa rin matitiyak ng CHED ang malinaw na puwang ng
asignaturang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo hanggang sa Agosto, tiyak na gagawa ng malaking hakbang ang
pinakamalaking pang-estadong unibersidad sa bansa sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya nito para
mapanatili ang asignaturang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo.
Umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat. Nariyan ito, umiiral at ginagamit sa araw-
araw na pakikipagtalastasan ng mga Pilipino. Mga Pilipino ang kusang tumanggap nito bilang wikang pambansa at
naging katangi-tangi ang tatag nito dahil ito ang identidad ng lipunang Pilipino. Mahalaga ang pagpapaunlad nito sa
bawat Pilipino, kaya kung ihihiwalay sa mga mag-aaral ng kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag-aaral ng wikang
Filipino, tinanggal natin ang identidad natin bilang Pilipino. Dahil kung ano ang wika mo, iyon ang identidad mo!
Pinagtibay ngayong Hunyo 19, 2014 CL Santos at GP Concepcion,Filipino sa Piling Larang Akademik. Pasig
City: Department of Education – Bureau of Learning Resources, 2016, 64 – 67.

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano-ano ang mga inilahad na punto tungkol sa isyu? Ipaliwanag.
2. Bakit mahalagang panatilihin ang asignaturang Filipino sa antas kolehiyo?
3. Magbigay ng mga plano ng gawain na makatutulong sa pagpapabuti ng isyu?
4. Kung ikaw ang tatanungin, sang-ayon ka ba sa pagtanggal ng asignaturang Filipino sa antas kolehiyo?
Pangatuwiranan.

GAWAIN 2
 Magsaliksik ng isang halimbawa ng napapanahong posisyong papel. Suriin ito bilang paghahanda sa isang
posisyong papel na iyong gagawin sa huling bahagi ng araling ito.
 Gamitin ang balangkas na Read, About, Point and Summary (RAPS) sa gawaing ito. Ilagay sa short bond paper.

(Read) Pamagat ng Nabasang Posisyong Papel

(About) Tungkol Saan ang Posisyong Papel

(Point 1) Punto 1 (Point 2) Punto 2


(Summary) Buod ng Binasang Posisyong Papel

REPUBLIC OF THE PHILIPINES


Department of Education
Region V
DIVISION OF CAMARINES SUR
EUSEBIA PAZ ARROYO MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Buluang, Baao, Camarines Sur

Filipino Piling Larang –Akademik


Modyul 4: Project In Action

I. LAYUNIN:
nakikilala mo ang mga katangian ng mahusay na posisyong papel sa pamamagitan ng binasang halimbawa.
nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin (tulad ng pagsasagawa ng
panukalang proyekto).

II. PAMAMARAAN:
Specific- nakasaad dito ang mga bagay na nais makamit o mangyare sa panukalang proyekto.
Immediate- nakasaad ang tiyak na petsa kung kalian matatapos ang proyekto.
Measurable- may basehan o patunay na naisakatuparan ang nasabing proyekto.
Panukala -Nangangahulugan ng mungkahi o suhestiyon.
Proyekto- Ito ay mga plano o panukalang dapat isagawa upang makatulong sa kinauukulan.
Practical- Nagsasaad ng solusyon sa binaggit na suliranin.
Logical- Nagsasaad ng paraan kung paano makakamit ang proyekto.
Evaluable- Dito nasusukat kung paano makatutulong ang proyekto.

Ang Panukalang Proyekto

Ang panukalang proyekto ayon kay Dr.Phil Bartle ng The Community Empowerment Collective, isang
samahang tumutulong sa mga nongovernmental organization (NGO), ang panukala ay isang proposal na naglalayong
ilatag ang mga plano o adhikain para sa isang komunidad o samahan. Ayon naman kay Besim Nebiu, may akda ng
Developing Skills of NGO Project Proposal Writing, ang panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsyon ng
mga inihaing gawaing naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin. Mahalagang maging maingat sa
pagpaplano at pagdidisenyo ng panukalang proyekto, kaya naman, masasabing ang paggawa nito ay
nangangailangan ng kaalman, kasanayan at maging sapat na pagsasanay.
Sa aklat nina Jeremy Miner at Lynn Miner na A Guide to Proposal Planning and Writing, sa pagsasagawa ng
panukalang papel, ito ay kailangang magtaglay ng tatlong mahahalagang bahagi at ito ay ang sumusunod: a. Pagsulat
ng Panimula ng Panukalng Proyeto - Bago simulan ang pagsulat ng isang panulang proyekto ay kailangan munang
tiyakin ang pangangailangan o ang suliranin ng pag-uukulan ng proyekto. Sa pamamagitan ng pagmamasid o
obserbasyon maraming suliranin ang maaaring Makita sa paaralan, pamayanan o kompanya. b. Pagsulat ng
Panukalang Proyekto – Sa pagsulat naman ng katawang bahagi ng panukalang proyekto ay binubuo ito ng tatlong
bahagi: LAYUNIN- makikita ang mga bagay na gustong makamit o ang pinakaadhikain ng panukala. Ayon kina Jeremy
Miner at Lynn Miner (2005), ang layunin ay kailangang maging S.I.M.P.L.E. – Specific, nakasaad ang mga bagay na
nais makamit o mangyare sa panukalang proyekto. Immediate, nakasaad ang tiyak na petsa kung kalian ito
matatapos. Measurable, may basehan o patunay na naisakatuparan ang nasabing proyekto. Practical, nagsasaad ng
solusyon sa binanggit na suliranin. Logical, nagsasaad ng paraan kung paano makakmit ang proyekto. At ang panghuli
ay ang Evaluable, masusukat kung paano makatutulong ang proyekto.
PLANO NG DAPAT GAWIN - matapos maitala ang mga layunin ay maaari nang buoin ang talaan ng mga
gawain o plan of action. Mahalagang maiplano itong mabuti ayon sa tamang pagkakasuno-sunod ng pagsasagawa
nito kasama ang mga taong kakailanganin sa pagsasakatuparan ng gawain, kailangan din maging makatotohanan o
realistic ang proyekto. At ang panghuli ay ang Badyet – Ang badyet ay ang talaan ng mga gastusin na kakailanganin sa
pagsasakatuparan ng layunin. Isa sa pinakamahalagang bahagi ng anumang panukalang proyekto ay ang wasto at
tapat na paglalatag ng kakailanganing sa pagsasakatuparan ng layunin.
c. Paglalahad ng Benipisyo ng Proyekto at Makikinabang Nito – nakasaad dito kung sino ang matutulungan
ng proyekto at kung paano ito makatutulong sa kanila. Mahalagang maging espisipiko sa tiyak na grupo ng tao o
samahang makikinabang sa pagsasakatuparan ng layunin.

Sa pagsulat ng panukalang proyekto mayroong mga balangkas na sinusunod upang maging epektibo at
kapani-paniwala ang isang panukala, maraming balangkas ng pagsulat ng panukalang proyekto at ito ay
nakadepende sa may-akda na maghahain nito. Para mas maging payak ang balangkas ng panukalang proyekto
maaaring gamitin ang mga sumusunod:
➢ Pamagat ng Panukalang Proyekto – kadalasan ito ay hinango mismo sa inilahad na pangangangailangan.
➢ Nagpadala – naglalaman ito ng tirahan ng sumulat ng panukalang proyekto.
➢ Petsa – o araw kung kailan ipinasa ang panukalang papel. Isinasama sa bahaging ito ang tinatayang
panahon kung gaano katagal gagawin ang proyekto.
➢ Pagpapahayag ng Suliranin – dito nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat maisagawa o maibigay ang
pangangailangan.
➢ Layunin – naglalaman ito ng mga dahilan o kahalagahan kung bakit dapat isagawa ang panukala.
➢ Plano ng Dapat Gawin – dito makikita ang talaan ng pagkakasunodsunod ng mga gawaing isasagawa para
maisakatuparan ang proyekto. Badyet – ang kalkulasyon ng mga guguling gagamitin sa pagsasagawa ng proyekto.
➢ Paano Mapapakinabangan ng Pamayanan/Samahan ang Panukalang Proyekto – kadalasan ito rin ang
nagsisilbing konklusyon na kung saan nakasaad ang mga taong makikinabang ng proyekto.

HALIMBAWA NG PANUKALANG PROYEKTO:

PANUKALA SA PAGSASAGAWA NG BREAKWATER PARA SA BARANGAY BACAO

Mula kay Leah Grace L. Delgado


324 Purok 10, Tiburcio Luna Avenue
Baranggay Bacao
General Trias Cavite
Ika-11 ng Disyembre 2015

Haba ng Panahong Gugulin: 3 Buwan at Kalahati

I. Pagpapahayag ng Suliranin
Isa ang Barangay Bacao sa mabilis na umuunald na barangay ng bayan ng General Trias sa Cavite.
Ito ay nanatiling pamayanang agricultural bagama’t unti-unti na ring nagsusulputan ang mga pabrika sa
lugar nito. Isa sa mga suliraning nararansan ng Baranggay Bacao sa kasalukuyan ay ang malaking
pagbaha tuwing panahon ng tag-ulan. Ito ay nagdudulot ng malaking problema sa mga mamamayan tulad
ng pagkasira ng kanilang mga bahay, kagamitan, at maging ang mga pananim. Ang pangunahing sanhi ng
pagbaha ay ang pag-apaw ng tubig sa ilog na nangagaling sa bundok.
Dahil dito nangangailangan ang barangay ng isang breakwater o pader na pipigil sa mabilis na
pag-apaw ng tubig mula sa ilog. Kung ito ay maipapatayo tiyak na ‘di na kakailanganin pang ilikas ang
mga mamamayan sa ligtas na lugar. Higit sa lahat, maiiwasan din ang patuloy na pagguho ng mga lupa sa
tabi ng ilog. Kailangang maisagawa na ang proyektong ito sa madaling panahon para sa kapakanan at
kaligtasan ng mga mamamayan.

II. Layunin
Makapagpagawa ng breakwater o pader na makatutulong upang mapigilan ang pag-apaw ng
tubig sa ilog upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan at maging ang kanilang mga ari-
arian at hanapbuhay sa mga susunod na buwan.

III. Plano ng Dapat Gawin


1. Pagpapasa, pag-aaproba, at paglabas ng badyet (7 araw) .
2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga contractor o mangongontrata sa pagpapagawa ng breakwater o
pader ( 2 linggo ) ▪ Ang mga contractor ay inaasahang magsusumite ng kani-kanilang tawad para sa
pagpapatayo ng breakwater kasama ang gagamiting plano para rito.
3. Pagpupulong ng knoseho ng barangay para sa pagpili ng contractor na gagawa ng breakwater (1araw) ▪
Gagawin din sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng napiling contractor para sa kabatiran ng
nakararami.
4. Pagpapatayo ng breakwater sa ilalim ng pamamahala ng knoseho ng Barangay Bacao (3 Buwan)
5. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng breakwater (1 araw)

IV. Badyet

Mga Gastusin Halaga

1. Halaga ng pagpapagawa ng breakwater batay sa isinumite ng napiling contractor


(kasama na rito ang lahat ng materyales at suweldo ng mga trabahador) Php 3, 200,00.00
2. Gastusin para sa pagpapsinaya at pagbabasbas nito Php 20, 000.00
Kabuoang Halaga Php 23, 200,
000.00

Ang pagpapatayo ng breakwater o pader sa ilog ay magiging kapaki-pakinabang sa lahat ng


mamamayan ng Barangay bacao. Ang panganib sa pagkawala ng buhay dahil sa panganib na dulot ng
baha ay masosolusyunan. Hindi na makararanas ang mga mamamayan ng pagkasira ng kanilang tahanan
at mga kagamitan na tunay na nagdudulot ng malaking epekto sa pamumuhay. Higit sa lahat,
magkakaroobn nan g kapanatagan ang puso ng bawat isa sa tuwing sasapit ang tag-ulan dahil alam
nilang hindi agad aapaw ang tubig sa tulong ng ipapatayong pader.

Mababawasan din ang trabaho at alalahanin ng mga opisyales ng barangay sa paglilikas ng mga
pamilyang higit na apektado sa tuwing lumalaki ang tubig sa ilog. Gayundin, maiiwasan ang pagkasira ng
pananim ng mga magsasaka na karaniwang pinagkukunan ng hanapbuhay ng mga mamamayan nito.

Tiyaking ligtas ang buhay ng mga mamamayan ng Baranggay Bacao. Ipagawa ang breakwater o
pader na kanilang magsisilbing proteksyiyon sa panahon ng tag-ulan.

Sanggunian: Ang Panukalang Proyeto, 68-70 Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larang Nina:
Aileen Julian at Nestor B. Lontoc

GAWAIN 1
Plano Mo...Isulat mo!
Panuto: Bumuo ng malinaw na konseptong Panukalang Proyekto mula sa mga datos sa ibaba. Isaalang-alang ang
mga bagay na napag-aralan para sa epektibong sulatin. Gamiting format ang halimbawang panukala sa Pagsasanay 1
at ang pamantayan sa ibaba upang magsilbing gabay.

Pamagat ng Proyekto Sugpo-Basura


Layunin Nakatutulong sa komunidad upang mabawasan ang pagkalat ng basura sa barangay
Panahon Paglulunsad:Nobyembre 2020
Suliranin Panganib sa kalusugan sanhi ng basura
Plano (Idetalye ang nais na plano)
Badyet 10,000 ang kakailanganin (idetalye kung saan gugugulin)
Pakinabang Mga mamamayan ng barangay

You might also like