You are on page 1of 5

Pagsulat sa Filipino

sa Piling Larang
(Akademik)
Kuwarter 2 - Modyul 5:
Akademikong Sulatin:
Pagsulat ng Replektibong
Sanaysay

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)


Alternative Delivery Mode
Filipino-Ikalabindalawang Baitang
Kuwarter 2 -Modyul 5: Akademikong Sulatin: Pagsulat ng Replektibong
Sanaysay
Unang Edisyon 2020
Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.Gayunman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.”
Ang mga hiniram na materyales (awit, kuwento, tula, larawan, ngalan ng produkto o
brand names, tatak o trademarks atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsikapang matunton upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng mga
materyales o mga kagamitang pampagtuturo na nasa online o sa mga aklat at iba pa . Hindi
inangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang pagmamay-ari ng mga
ito.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon:
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Alain Del B. Pascua

Paano Mo Matutunan Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
 Magbigay nang malawak at mahabang panahon sa pagbasa , pag-unawa at pagsusuri sa
nilalaman ng mga aralin,
 Pag-aralan ang mga aralin nang may pagsisikap at katalinuhan .
 Manaliksik sa iba pang sanggunian sa aklatan at websites ukol sa aralin upang maragdagan
ang kaalaman .
 Sundin ang mga panuto at patnubay sa anumang gawain upang makuha ang akma at tumpak
na sagot..
 Sagutin ang lahat ng mga gawain o pagsasanay ,pagtataya at pagsusulit .
 Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na sagutang papel

Panimulang Pagtataya
Panuto: Basahin nang mabuti ang sumusunod na mga pahayag at isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang.

____1.Ito ay isa mga .uri ng sanaysay na may kinalaman sa introspeksyon na pagsasanay,


ayon kay Michael Stratford, isang guro at manunulat.
a.Lakbay-sanaysay b.Replektibong Sanaysay c.Bionote d.Abstrak
____2. Ito ay nangangahulugang nakasulat na karanasan ng isang sanay sa
pagsasalaysay.
a.Sanaysay b.Abstrak c.Posisyong-papel d.Lagom
____3.Maaaring lamanin ng personal na sanaysay ang mga kalakasan at kahinaan ng
manunulat.Alin sa mga salita sa pangungusap ang nagpapahayag ng MALI?
a.Personal na sanaysay c. Kahinaan ng manunulat
b.Kalakasan ng manunulat d.Maaaring lamanin ng personal na sanaysay
____4. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang TAMA na may kaugnayan sa
sanysay?
a.Parehong may introduksyon, katawan at wakas ang replektibong sanaysay at
lakbay sanaysay?
b.Ang replektibong sanaysay ay personal na sanaysay na tungkol sa mga
nararamdaman, kaugnay ng mga nakikita o naoobserbahan ng manunulat.
c. Ang lakbay sanaysay ay mapanuri o kritikal na uri ng sanaysay na tungkol sa mga
naiisip ng manunulat kaugnay sa kanyang nakikita o naoobserbahan.
d.Seryoso at personal ang paksa ng pormal na sanaysay.
____5.Isang akademikong sulatin na nagsasalaysay ng mga personal na karanasan at sinuri
ang nagiging epekto ng mga karanasang iyon sa manunulat.
a. Lakbay sanaysay c.akademikong sanaysay
b. b.replektibong sanaysay d.personal nasanysay
____6.Isang akademikong sulatin na nagsasaad ng sariling damdamin, kuru-kuro o kaisipan
ng isang manunulat kaugnay ng kanyag nakikita o naoobserbahan.
a.talambuhay b.posisyong papel c.sanaysay d. editoryal
____7.Tukuyin kung anong bahagi ng replektibong sanaysay ang mga sumusunod na
pangungusap o talata.
Hindi ba’t problema rin ang kawalan ng prpblema? Sapagkat nakakapag-isip ang isang tao
ng mapagkakaabalahan niya nang hindi nakakapagnilay ng mga kalalabasan ng piniling
aksyon. Napansin kong pinipili at nangyayari ito sa mga taong maraming biyayang
natanggap at hindi nagamit nang wasto.
a.panimula b.katawan c. konklusyon d. lagom
____8. Inilalahad ang mga paliwanag sa mga natamong aral at mga pagbabago.
a. wakas b.katawan c.Konklusyon d. bionote
____9.Paglalahad ng mga saloobin, pananaw, kuru-kuro, opinion o anumang nais palitawin
na ideya.
a.wakas b. katawan c. sanaysay d. simula
____!0.Isulat ito gamit ang ___panauhan ng panghalip. Tanggap nang gamitin ang mga
panghalip na ako, ko at akin sapagkat ito ay kadalasang nakatuon sa personal na
karanasan.
a. Unang panauhan c. Ikatlong Panauhan
b. Ikalawang panauhan d.panauhan

ARALIN 1 Ang Pagsulat ng Replektibong Sanaysay


Alamin
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang
sumusunod:
1.Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin na replektibong
sanaysay.CS_FA11/12PU-0p-r-94
2.Nakabubuo ng sulating may batayang pananaliksik ayon sa pangangailangan
CS_FA11/12PU-0p-r-95

Subukin
Panuto: Suriin kung TAMA o MALI ang pahayag tungkol sa paksa
________1.Ang sanaysay ay akademikong sulatin na nagsasaad ng sariling damdamin, kuru-
kuro o kaisipan ng isang manunulat kaugnay ng kanyang nakikita o naoobserbahan.
________2. Parehong may introduksyon, katawan at wakas ang replektibong sanaysay at
lakbay-sanaysay.
________3. Ang replektibong sanaysay ay personal na sanaysay na tungkol sa mga
nararamdaman.
________4.Bahagi ng sanaysay na ito ang mga bagay na naiisip, nararamdaman at
pananaw hinggil sa isang paksa at kung paano ito nakalikha ng epekto sa taong sumusulat
nito.
________5. Ito ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang
mahalagang karanasan o pangyayari

Tuklasin
Marami ka nang sanaysay na nabasa o naisulat mula sa iyong Junior
High . Alin sa mga sanaysay na iyon ang natatandaan o pinakanagustuhan mo?
Basahin at unawaing lubos ang tungkol sa Replektibong Sanaysay.
Replektibong Sanaysay

Ang replektibong sanaysay, ayon kay Michael Stratford, isang guro at manunulat, ay isa sa
mga tiyak na uri ng sanaysay na may kinalaman sa pagsasanay na may kinalaman sa pagsuri o pag-
arok sa isip o damdamin (introspection). Pagbabahagi ng mga bagay na nasa-isip, nararamdaman,
pananaw, at damdamin hinggil sa isang paksa. Maihahalintulad ito sa pagsulat ng dyurnal kung saan
nangangailangan ito ng pagtatala ng mga kaisipan at nararamdaman tungkol sa isang tiyak na paksa
o pangyayari. Maihahalintulad din ito sa pagsulat ng mga academic portfolio kung saan nagkakaroon
ng malalim na pagsusuri ang may-akda kung paano siya umunlad bilang tao kaugnay ng paksa o
pangyayaring binibigyang-pansin sa pagsulat.
Ayon naman kay Kori Morgan, guro mula sa West Virginia University at University of Akron,
ang replektibong sanaysay ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang
karanasan o pangyayari. Ibinabahagi ng sumulat ang kanyang mga natutuhan at kung paano ito
gamitin sa buhay sa hinaharap o kaya naman ay kung paano pauunlarin ang mga kahinaan hinggil sa
isang tiyak na aspekto ng buhay. Dahil ito ay kadalasang nakabatay sa personal na karanasan,
malayang makapipili ng paksa o pangyayaring bibigyang-pansin sa pagsulat ang manunulat. Narito
ang halimbawa ng mga paksa na maaaring gawan ng replektibong sanaysay.
Librong katatapos lamang basahin, katatapos na proyekto hinggil sa pananaliksik, pagsali sa
isang pansibikong gawain, praktikum tungkol sa isang kurso, paglalakbay sa isang tiyak na lugar, isyu
sa pagkagumon sa ipinagbabawal na gamot, isyung pambansa at politika, paglutas sa isang mabigat
na suliranin, isang natatanging karanasan bilang mag-aaral, at marami pang iba.
Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng Replektibong Sanaysay
1. Bumuo ng isang tiyak na paksa o tesis na iikutan ng nilalaman ng replektibong sanaysay.
2. Gumamit ng unang panauhan ng panghalip tulad ng; ako, ko, at akin sapagkat ito ay
nagpahiwatig ng personal na karanasan.
3. Mahalagang magtataglay ito ng patunay o patotoo batay sa iyong mga naoobserbahan o
katotohanang nabasa tungkol sa paksa nang sa gayon ay higit na mabisa at epektibo ang
pagkakasulat nito.
4. Pormal na salita ang gamitin sa pagsulat nito dahil kabilang ito sa akademikong sulatin.
5. Gumamit ng tekstong naglalahad o ekspositori sa pagsulat nito. Gawin itong malinaw at
madaling
mauunawaan sa pagpapaliwanag ng mga ideya o kaisipan upang maipabatid ang mensahe sa
mga mambabasa.
6. Sundin ang mga bahagi sa pagsulat ng sanaysay: introduksiyon, katawan, at kongklusyon.
7. Gawing Organisado at Lohikal ang pagkakasulat ng mga talata.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay


Ang Replektibong Sanaysay ay dapat na magtaglay ng introduksiyon, katawan, at wakas o
kongklusyon.Sa pagsulat ng simula, maaaring mag-umpisa sa pagsagot sa mga tanong na: ano,
paano,
at bakit. Matapos masagot ang mga tanong na ito, lagumin ang iyong mga sagot sa loob ng isang
pangungusap. Ito ang iyong magsisilbing tesis o pangunahing kaisipan na siyang magiging gabay sa
iyong pagsulat ng replektibong sanaysay.
Mga dapat tandaan sa pagsulat ng Introduksiyon: siguraduhing ito ay makapupukaw sa
atensiyon ng mambabasa, maaaring gumamit ng iba’t ibang paraan sa pagsulat ng mahusay, gumamit
ng
kilalang pahayag mula sa isang tao o Quatation, tanong, anekdota, karanasan, at iba pa. Sundan agad
ito
ng pagpapakilala ng paksa at layunin ng pagsulat ng sanaysay na siyang magsisilbing preview ng
kabuuan ng sanaysay. Isulat lamang ito sa loob ng isang talata.
Sa pagsulat ng Katawan, dito inilalahad ang mga pantulong o kaugnay na kaisipan tungkol sa
paksa o tesis na inilahad sa panimula. Ang mga bahagi ay mga obhetibong datos batay sa iyong
naobserbahan o naranasan upang higit na mapagtibay ang kaisipang iyong ipaliliwanag at paggamit ng
mga mapagkatiwalaang sanggunian bilang karagdagang datos na magpapaliwanag sa paksa. Sa
bahagi
ring ito makikita o isusulat ang iyong mga napagnilay- nilayan o mga tauhan, mga gintong aral at mga
patotoo kung paano nakatutulong ang mga karanasang ito sa iyo.
Sa pagsulat naman ng Konklusyon, muling banggitin ang tesis o ang pangunahing paksa ng
sanaysay. Lagumin ito sa pamamagitan ng pagbanggit kung paano mo magagamit ang iyong mga
natutuhan sa buhay sa hinaharap. Bilang pagwawakas, maaaring magbigay ng hamon sa mga
mambabasa na sila man magnilay sa kanilang buhay hinggil sa iyong natutuhan o kaya naman ay
mag-
iwan ng tanong na maaari nilang pag-isipan. Tandaang ang replektibong sanaysay ay isang personal
na
pagtataya tungkol sa isang paksa na maaring makapagdulot na maaaring makapagdulot ng epekto o
hindi sa iyong buhay o sa mga taong makababasa nito.

Mula sa Pinagyamang
Ailene Baisa – Julian at Nestor B. Lontoc
Suriin
Panuto: Sagutin nang may katotohanan, wasto, mabisa at
kawili-wili ang katanungan na may kaugnayan na
pagsusulat.

.Ang sanaysay ay isa sa mga akdang pampanitikang madalas ipabasa


sa talakayin sa mga paaralan. Alam kong marami nang sanaysay ang nabasa
mo simula nang ikaw ay nasa ikapitong baitang pa lamang. Alin sa mga
sanaysay ang natatandaan o pinakanagustuhan mo? Ibigay ang iyong
kaalaman hinggil dito.
1. Mga ilang sanaysay na ang iyong nabasa/natalakay?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2. Alin sa mga ito ang pinakanagustuhan o natatandaan mo? (Ibigay ang pamagat)
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
3. Anong uri ng sanaysay?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
4. Sino ang sumulat ng sanaysay na ito?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
5.Tungkol saan ang sanaysay ?(Ibigay ang pinakabuod nito?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
6. Bakit natatak sa iyong isipan ang nasabing?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Isaisip
Panuto: Suriin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng replektibong sanaysay
at lakbay sanaysay sa pamamagitan ng venn diagram.

Replektibong
Sanaysay Lakbay sanaysay
(Pagkakaiba)
PAGKAKATULAD

Isagawa

Panuto: Gamitin nang makatotohanan ang iyong natutuhan sa araling ito.


Sumulat ng isang replektibong sanaysay batay sa napili mong paksa sa
ibaba Isaalang-alang ang pamantayan sa pagsulat.

 Pelikulang “Anak” na katatapos mo lang napanood


 Sulat ni Tatay para sa Anak
 Pakikinig sa awiting “Aking Ama”
 Pakikinig sa awiting “Iingatan Ka”
 Sulat ni Tatay para sa Anak
Tayahin
Panuto: Sagutin ng TAMA o MALI ang sumusunod na pahayag tungkol sa replektibong
sanaysay. Sa nakalaang linya ay magbigay ng malikling paliwanag kaugnay sa iyong sagot.
_________1. Ayon kay Kori Morgan, guro mula sa West Virginia University, ang replektibong
sanaysay ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang mahalagang
karanasan o pangyayari.
Paliwanag:
__________________________________________________________________________
________2.Ang replektibong sanaysay ay kadalasang nakabatay sa karanasan kaya mula sa
nilalaman nito ay masasalamin ang pagkatao ng pagsulat.
Paliwanag:
___________________________________________________________________________
_________3. Maihahalintulad ito sa pagsulat ng isang journal at academic portfolio.
Paliwanag:
___________________________________________________________________________

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
DepEd Division of Cagayan de Oro City
Fr. William F. Masterson Ave Upper BalulangCagayan de Oro
Telefax: ((08822)855-0048
E-mail Address: cagayandeoro.city@deped.gov.ph

You might also like