You are on page 1of 2

May mga bagong salita na dapat mong kilalanin para sa araling ito.

Magagamit mo ang mga ito


upang ganap mong maunawaan ang mga susunod na talakay tungkol sa ating paksa.
Ang sanaysay ay isang akademikong sulatin na nagsasaad ng sariling damdamin, kurukuro o
kaisipan ng isang manunulat kaugnay ng kanyang nakikita o naoobserbahan.
May tatlong uri ng sanaysay.
1. Ang Personal na sanaysay ay tungkol sa mga nararamdaman, kaugnay ng mga nakikita o
naoobserbahan.
2. Ang Mapanuri o Kritikal na sanaysay ay tungkol sa mga naiisip ng manunulat kaugnay sa
kanyang nakikita o naoobserbahan.
3. Ang Patalinhagang sanaysay ay tungkol sa mga kasabihan o sawikain.
Pormal - Ito ay nagbibigay ng patalastas o nagbibigay ng isang paraang maayos at mariin at
bunga ng isang maingat na pagtitimbang-timbang ng mga pangyayari at kaisipan.
Impormal– Tinatawag din itong pamilyar o personal, at nagbibigay diin sa isang estilong
nagpapamalas ng katauhan ng may-akda.
Sa pormal, mas seryoso ang paksa habang sa impormal mas magaan ang paksa.
Ang replektibong sanaysay ay isang akademikong sulatin na nagsasalaysay ng mga personal na
karanasan at sinusuri ang naging epekto ng mga karanasang iyon sa manunulat. Maaaring
lamanin nito ang kalakasan ng manunulat at maging ang kanyang mga kahinaan. Isinasalaysay
at inilalarawan din ng manunulat kung paano napaunlad ang kanyang mga kalakasan at kung
paano niya naman napagtagumpayan o balak pagtagumpayan ang kanyang mga kahinaan.
Ang replektibong sanaysay ayon kay Michael Stratford (Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling
Larang Akademik) ay isa sa mga tiyak na uri ng sanaysay na may kinalaman sa introspeksyon na
pagsasanay. Kinapapalooban ito ng pagbabahagi ng mga bagay na naiisip, nararamdaman,
pananaw at damdamin hinggil sa isang paksa at kung paano ito nakakalikha ng epekto sa taong
sumusulat nito. Layunin nitong maipabatid ang mga nakalap na impormasyon at mailahad ang
mga pilosopiya at karanasan ukol dito at kung maaari ay ilalagay ang mga batayan o
talasanggunian.
Ito ay isang masining na pagsulat na nangangailangan ng sariling perspektibo, opinion at
pananaliksik sa paksa.
Mahalagang malaman ng isang manunulat ang pangunahing bahagi ng replektibong sanaysay.
Ito ay ang: Panimula – tandaang ito ay dapat na makapukaw sa atensiyon ng mga mambabasa.
Maaaring gumamit ng kilalang pahayag ng isang tao o quotation, tanong, anekdota at iba pa. Sa
pagsulat naman ng Katawan – dito inilalahad ang mga pantulong o kaugnay na kaisipan tungkol
sa paksa o tesis na inilahad sa panimula. Ang panghuling bahagi ay ang Konklusyon – sa
pagsulat ng konklusyon, muling banggitin ang tesis o pangunahing paksa ng sanaysay. Lagumin
ito sa pamamagitan ng pagbanggit kung paano mo magagamit ang iyong mga natutuhan sa
buhay sa hinaharap.
Mga Dapat tandaan upang maging epektibo at komprehensibo ang pagsulat ng Replektibong
Sanaysay:
1. Kailangang magkaroon ng tiyak na paksa na iikutan ng nilalaman ng sanaysay.
2. Isulat ito gamit ang unang panauhan ng panghalip.
Tanggap nang gamitin ang mga panghalip na ko, ako, at akin sapagkat ito ay
nakabatay sa karanasan. Sa pagsulat ng replektibong sanaysay, bagamat nakabatay sa
personal na karanasan mahalagang magtaglay pa rin ito ng patunay o patotoo.
3. Gumamit din ng tekstong naglalahad sa pagsulat nito.
4. Kailangan din isaalang-alang ang paggamit ng mga pormal na salita at tamang estruktura
sa pagsulat nito.
Magpatuloy ka. Mag TUMPAK O SABLAY tayo para sa ilan pang karagdagang kaalamang dapat
mong matutunan sa pagsulat ng replektibong sanaysay.
WORKSHEET 1: (10-15 MINUTO) Matapos nito, tumawag ng isang kinatawan bawat pangkat
upang magulat ng kanilang mga sagot.
A. Pamagat ng sanaysay
B. Ano ang pangunahing pinagnilayan ng may-akda?
C. Mga pangyayaring nagpapakita ng kalakasan ng may-akda (1-5)
D. Mga pangyayaring nagpapakita ng kahinaan ng may-akda (1-3)
E, Hakbang na ginawa upang mapagtagumpayan ang kahinaan (1-3)
F. Mga napagtanto/ pagsusuri sa karanasan (1-3)
Ang replektibong sanaysay ay nagsasalaysay at naglalarawan ng mga personal na karanasan at
sinusuri ang naging epekto ng mga kahinaan at kalikasan ng manunulat sa kanyang isinulat.

WORKSHEET 2:
A. Paano sinimulan ng manunulat ang sanaysay? Naging kawili-wili ba ito?
B. Mayroon bang kaisahan ang katawan at may lohikal na daloy ito? Gumawa ng balangkas ng
katawan ng sanaysay.
C. Paano tinapos ng may-akda ang sanaysay? Naging maayos ba ito?

You might also like