You are on page 1of 3

Jimenez, Julia Mae A.

FPL 12-STEM C, batch 1 12/06/23


Replektibong Sanaysay
Kahulugan
Ang replektibong sanaysay ay isang uri ng sanaysay na patungkol sa mga isyu, opinyon,
karanasan, o pangyayaring naisusulat ng may-akda nang komprehensibo kahit na hindi
masyadong pinag-aralan ang isang paksa o isyu. Ito ay opinyonado at nagbibigay ng kalayaan sa
may-akda na isulat ang kanilang opinyon at mga punto tungkol sa isang isyu na nanggagaling
karansang personal nilang nakita o natamasa. Ang pagsulat ng sulating ito ay proseso ng
pagtuklas ng sarili.

Katangian

1. naglalahad ng interpretasyon
2. nagtatalakay ng iba't - ibang aspeto ng karanasan
3. sumasalamin sa karanasang personal sa buhay o sa mga binasa at napanood
4. nangangailangan ng sariling perspektibo, opinyon, at pananaliksik sa paksa
5. may kaugnayan sa pansariling pananaw at damdamin sa isang partikular na pangyayari
6. tala ng mga kaalaman at kamalayan hinggil sa isang bagay

Gamit
Ang replektibong sanaysay ay naglalahad ng mga aral na natutunan ng sumulat ng akda.
Natutuklasan ng sulating ito ang sariling pag-iisip, damdamin, o opinyon tungkol sa isang paksa,
pangyayari, o tao at kung paano naaapektuhan ng mga ito. Ang sulating ito ay ginagamit sa
personal na sanaysay, lahok sa journal, diary, reaksiyong papel, o learning log.

Bahagi
Sa isang malikhaing pagsulat o akademikong teksto, hindi maaring mawala tatlong bahagi nito:
Panimula/Introduksyon- Layunin ng introduksyon na kumuha ng pansin ng mambabasa at
magbigay ng pangkalahatang ideya ukol sa paksa ng sanaysay. Maaaring isama ang isang thesis
statement o pangungusap na naglalaman ng pangunahing ideya o mensahe ng replektibong
sanaysay. Pwedeng isama ang personal na karanasan, kwento, o tanong na mag-uudyok sa
mambabasa na patuloy na basahin ang sanaysay.
Katawan- Binubuo ng ilang talata, depende sa haba ng sanaysay at dami ng ideyang nais
iparating. Ipinakikita dito ang mga detalye, karanasan, opinyon, at pangyayari na nagbibigay
kulay at kahulugan sa replektibong sanaysay. Maaaring magamit ang mga personal na karanasan,
obserbasyon, o mga ideya mula sa ibang tao upang suportahan ang pangunahing mensahe ng
sanaysay. Ang bawat talata ay dapat magkaruon ng koneksyon sa thesis statement o pangunahing
ideya.
Konklusyon- Ipinapakita ang pangwakas na pagsusuri, pag-uudyok, o kongklusyon hinggil sa
paksa ng sanaysay. Maaring buhayin ang pangunahing ideya o mensahe na naipresenta sa
introduksyon. Pwedeng magbigay ng personal na repleksyon o pananaw sa karanasan o paksa.
Mahalaga ang konklusyon dahil ito ang nagtatapos at nagbibigay ng kabuuan sa sanaysay.
Halimbawa
SOURCE:
https://www.scribd.com/document/502676624/Replektibong-Sanaysay

You might also like