You are on page 1of 3

LINGGO

FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)


7

PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY

TALAKAYIN NATIN!
Ayon kay Margaret Wheatley, Without reflection, we go blindly on our way, creating
more unintended consequences, and failing to achieve anything useful.

Sadyang napakahalaga ng pagmumuni-muni. Madalas o minsan mang gawin ito,


hindi matatawaran ang kapakinabangang hatid sa isang tao ng malalimang
pagmumuni-muni. Lalo na kung ang mga bunga ng gawaing ito ay maisasatitik sa
papel.

A. REPLEKTIBONG SANAYSAY: KAHULUGAN AT


KALIKASAN

Ang replektibong sanaysay o repleksiyong papel (tinatawag ding Reflective Paper o


Contemplative Paper) ay isang pasulat na presentasyon ng kritikal na repleksiyon o
pagmumuni-muni tungkol sa isang tiyak na paksa. Ang repleksiyong papel ay
maaaring isulat hinggil sa isang itinakdang babasahin, isang lektyur o karanasan
katulad ng internship, volunteer experience, retreat and recollection o educational
tour. Kadalasan, ang repleksiyong papel ay naglalaman ng mga reaksiyon, damdamin
at pagsusuri ng isang karanasan sa napakapersonal na paraan, kaiba sa paraan ng
pormal na pananaliksik o mapanuting sanaysay (Bernales & Bernardino, 2013).

Ang repleksiyong papel ay hindi dayari o dyornal, bagaman ang mga ito (dayari o
dyornal) ay maaaring gamiting paraan sa pagpoproseso ng mga repleksiyon bago
isulat ang replesiyong papel. Ito ay isang impormal na sanaysay, at kung gayon,
nangangailangan ng sumusunod: 1) introduksiyon; 2) katawang malinaw at lohikal na
naglalahad ng iyong mga iniisip at/o nadaraman; 3) kongklusyon
(http://www.une.edu).

Kadalasan, ginagamit ang unang panauhan (ako, tayo, kami) sa repleksiyong papel
dahil nirerekord dito ang mga sariling kaisipan, damdamin at karanasan. Tandaan
lamang na maaaring kailanganin ng in-text references kung gumamit ng mga ideya
ng ibang tao, kung gayon, ang sanggunian ay kailangang maitala sa katapusan.

Ang repleksiyong papel ay tala ng mga kaalaman at kamalayan hinggil sa isang


bagay. Kung gayon, ito ay isang interaksyon sa pagitan ng mga ideyang natatanggap
mula sa labas (libro, lektyur, karanasang pampaaralan, at iba pa) at ng iyong internal
na pag-unawa at interpretasyon sa mga ideyang iyon (http://www.une.edu).

Higit sa lahat, ang repleksiyong papel ay nag-aanyaya ng self-reflection o


pagmumuni-muni. Ang kakayahang makapagmuni-muni ay isang mahalagang
personal at propesyunal na katangian. Ang pagmumuni-muni sa kontekstong ito ay
kinapapalooban ng konstant na pagtatanong hinggil sa mga sariling haka at ng
kapasidad na magsuri at magsintesays ng impormasyon upang makalikha ng mga
bagong pananaw at pag-unawa. Ito ay isang patuloy na proseso na humahantong sa
komitment upang mapagbuti ang osang pansarili o propesyonal na gawain.

Bilang pagsusuma, ganito ang ginawang paglalarawan sa Repleksyong Papel sa


http://www.helium.com:

In its purest form, a reflection essay is an introspective contemplation of a frequently


obscure topic that the author is genuinely passionately about. Indirectly, the essay’s
form is thoughtful and almost poetic, indeed, a provoking treatise grounded on
experience.

A. ANG PAGSULAT NG REPLEKTIBONG


SANAYSAY

Si Maggie Mertens (sa http://www.ehow.com) ay nagbigay ng sumusunod na Tips sa


pagsulat ng Repleksiyong Papel:

1. Mga iniisip at reaksiyon. Kapag nagsusulat ng repleksiyong papel hinggil sa


literatura o karanasan, kailangang maitala ang iyong mga iniisip at reaksiyon
sa binasa o karanasan. Maaari mong ilahad at ipaliwanag ang iyong mga
damdamin hinggil sa binasa o karanasan. Maaaring gamitin ang repleksiyong
papel upang suriin ang isang binasang literature. Katulad ng ibang papel o
sanaysay, kailangang may kaisahan ang papel. Tukuyin ang mga ispesipikong
bahagi ng binasa o karanasang naging inspirasyon ng damdamin. Maaari ring
maglahad ng mga personal na karanasan, ngunit huwag umasa sa mga ito,
dahil nararapat na ibatay ang papel sa iyong reaksiyon at repleksiyon sa
materyal na iyong paksa.

2. Buod. Hindi simpleng pagbubuod ang binasa o karanasan ang repleksiyong


papel. Ito ay isang malayang daloy ng mga ideya o iniisip. Ang ideya ng
repleksiyong papel ay makasulat ng isang sanaysay na naglalarawan ng mga
reaksyon at pagsusuri ng isang binasa o iba pang karanasan, ngunit higit na
pormal ito kaysa dyornal entri, kaya hindi angkop ang impormal na wika at
anyo.

3. Organisasyon. Ang replesiyong papel ay kailangang maisaayos katulad ng


iba pang uri ng pormal na sanaysay. Maglaan ng introduksiyon, katulad
halimbawa ng paglalarawan ng iyong mga inaasahan bago magbasa o gawin
ang isang bagay. Ang katawan naman ng papel ay maaaring magpaliwanag sa
mga kongklusyong nabuo mo at kung bakit at paano, batay sa mga
kongkretong detalye mula sa pagbabasa o karanasan. Maaaring tapusin ang
papel sa pamamagitan ng pagbubuod ng iyong mga natamo mula sa binasa o
karanasan. Maaaring iugnay iyon sa iyong mga inilahad na inaasahan o
ekspektasyon, o humantong sa ibang kongklusyon o analisis ng binasa o
karanasan kaugnay ng iyong mga damdamin at reaksiyon.

Ganito naman halos ang paglalarawan sa proseso ng pagsulat ng repleksiyong papel


sa http://helium.com:

Ang paggawa ng repleksiyong papel ay bahagyang naiiba sa iba pang uri ng papel
sapagkat ang kongklusyon ay sumusunod sa serye ng mga kontemplatibong
narasyon. Ang unang hakbang ay pagpili ng paksang may malalim na personal na
kahulugan sa awtor. Ang unang talata ay maaaring ilaan sa kaswal na obserbasyon
sa paksa nang wala pang bahid ng ano mang emosyon.

Matapos, dalhin ang mambabasa sa isang emosyonal na paglalakbay. Maaaring


buuin ito ng tatlo o apat na talatang nag-uugnay, halos katulad sa isang panaginip, ng
mga impresyon, obserbasyon, emosyon, o ideya.

Tapusin ang repleksiyong sanaysay sa katulad na masining na talatang naglalahad


ng imaheng vividly graphic na nag-aanyaya sa mambabasa sa karagdagang
introspeksiyon. Bilang kongklusyon, maaaring i-shift ang pokus sa mambabasa sa
pamamagitan ng paglalahad ng personal na inkwiri kung paanong ang paksa ay
nakaapekto sa kanyang pag-iisip sa intelektuwal o emosyonal na lebel.

C. MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA


PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY

1. Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis na iikutan ng nilalaman ng


sanaysay.

2. Isulat ito gamit ang unang panauhan ng panghalip.

3. Sikaping nagtataglay ito ng patunay o patotoo batay sa iyong mga


naobserbahan o nabasa.

4. Gumamit ng mga pormal na salita sa pagsulat nito.

5. Gumamit ng tekstong naglalahad sa pagsulat nito.

6. Sundin ang estruktura ng pagsulat ng sanaysay.

7. Gawing lohikal at organisado ang pagkakasulat ng mga talata.

Sanggunian: Filipino sa Larangang Akademiko nina Rolando Bernales, Elimar A. Ravina,


Maria Esmeralda A. Pascual kasama sina Maria Elma B. Cordero, Ma. Lourdes R. Quijano,
Marlita D. Nilo, at Edison C. Leste.

You might also like