You are on page 1of 6

Pagsulat ng

Replektibong Sanaysay
isang pagsasanay sa pagninilay. Sa
pamamagitan nito, natutuklasan ang sariling
pag-iisip, damdamin, o opinyon tungkol sa
isang paksa, pangyayari, o tao, at kung paano
naaapektuhan ng mga ito.
Ang pagsulat ng replektibong sanaysay ay
humahamon sa mapanuring pag-iisip. Ang sulating
ito ay maaaring nasa anyo ng personal na
sanaysay, lahok sa dyornal, talaarawan, reaksyong
papel, o learning log. Hindi katulad ng ibang uri ng
sanaysay, higit na personal ang replektibong
sanaysay.
Kahalagahan ng Replektibong Sanaysay

Ang pagsulat ng sanaysay ay proseso rin ng


pagtuklas. Hinahasa rin sa pagsulat ng
replektibong sanaysay ang kasanayan sa
metacognition o ang kakayahang suriin at
unawain ang sariling pag-iisip. Sa ibang salita,
ito ang pag-iisip sa kung ano ang iniisip natin.
Mga Katangian ng Replektibong Sanaysay
Personal ang replektibong sanaysay. Sa sulating ito, sinasagot ng manunulat ang
mga replektibong tanong na naglalayong ipakita ang ugnayan ng manunulat sa
kanyang paksa.

Bagaman personal at subhetibo ang replektibong sanaysay, may sinusunod pa rin


itong direksiyon. Hindi ito tulad ng malayang pagsulat na kailangan lamang isulat
ang anumang pumasok sa isipan. Maaari itong gawin sa pagsulat ng talaarawan,
ngunit hindi pa ito tanggap sa pagsulat ng repleksiyon lalo na kung akademiko ang
layunin nito.
Paghahanda ng Ano kaya ang magiging epekto nito sa
Replektibong Sanaysay akin? Kung maapektuhan ako nito,
bakit? Kung hindi naman, bakit? Ituon
ang sarili sa mga kaalaman o opinyong
maaaring ibahagi.
Bago simulan ang pagsulat
Kapag nasagot ang mga ito, maaari nang simulan ang
ng replektibong sanaysay, pagsulat. Ilista ang iyong mga sagot sa mga tanong
tanungin muna ang sarili: Ano at ibuod ang mga ito. Magsisilbi ang mga ito na
pangunahing ideya o tesis na gagabay sa pagsulat ng
ang pakiramdam ko sa paksa? replektibong sanaysay.

You might also like