You are on page 1of 2

REPLEKTIBONG SANAYSAY

ANO ANG REPLEKTIBONG SANAYSAY?

REPLEKTIBONG SANAYSAY

Isang pagsulat na presentasyon ng kritikal na repleksyon o pagbabaliktanaw tungkol sa isang tiyak na


paksa (Bernales et.al, 2017)

Ang replektibong sanaysay ay opinyonado at nagbibigay ng kalayaan sa may-akda na isulat ang kanilang
opinyon at mga punto tungkol sa isang isyu na nanggagaling karansang personal nilang nakita o
natamasa.

KATANGIAN NG REPLEKTIBONG SANAYSAY

 Masining na pagsulat na may kaugnayan sa pansariling pananaw at damdamin sa isang


partikular na pangyayari o paksa.
 Hindi kailangan sumangguni personal at subhetibo (subjective)
 Ginagamitan ito ng UNANG PANAUHAN
 Gumagamit ng deskreptibong wika.
 Proseso ng pagtuklas
 Natutukoy ang kalakasan at kahinaan
 Nakaiisip ng solusyon

GABAY SA PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY

 KAISIPAN AT REAKSYON
 BUOD
 ORGANISASYON

MGA BAHAGI NG REPLEKTIBONG SANAY

PANIMULA

Nakapaloob dito ang pagpapakilala sa paksa at mahalagang mapukaw kaagad ang interes ng
mambabasa

KATAWAN

Ang katawan ng replektibong sanaysay ay naglalaman ng malaking bahagi ng salaysay, obserbasyon,


realisasyon, at pagkatuto mula sa dating karanasan o nabasang akda

KONGKLUSYON

Ang panimula ay sinisimulan sa pagpapakilala o pagpapaliwanag ng paksa o gawain. Maaaring ipahayag


nang tuwiran o di tuwiran ang pangunahing paksa.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY

PANIMULA

1.Sa pag sulat ng panimula, maaring mag-umpisa sa mga sumusunod na tanong: • Ano ang ang aking
nararamdaman o pananaw tungkol sa paksa? • Paano ito makaaapekto sa aking buhay? Bakit hindi ito
makakapekto sa aking pagkatao?

KATAWAN

2. Sa pagsulat naman ng katawan, dito inilalahad ang mga pantulong o kaugnayan na kaisipan tungkol sa
paksa o tesis na inilahad sa simula.

KONGKLUSYON

3. Sa pag sulat ng wakas/kongklusyon, muling banggitin ang pangunahing paksa,ng sanaysay. Maaring
magbigay ng hamon sa mga mambabasa na sila man ay magnilay sa kanilang buhay hinggil saiyong
natutuhan o kaya naman mag-iwan ng tanong na maaari nilang pag-isipan

MGA DAPAT ISAALANG ALANG SA PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY

 Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis na iikutan ng nilalaman ng sanaysay.


 Tandaan na bagama’t nakabatay sa personal na karanasan, mahalagang mag taglay ito ng
patunay o patotoo sa iyong mga naobserbahan o katotohanang nabasa sa paksa upang higit
na ,maging mabisa at epektibo ang pagkakasulat.
 Sundin ang tamang estraktura o mga bahagi sa pagsulat ng sanaysay.
 Gumamit ng tekstong naglalahad sa pagsulat.

You might also like