You are on page 1of 11

MGA HAKBANG SA

PAGSULAT NG
REPLEKTIBONG
SANAYSAY
SIMULA/INTRODUKSIYON
Maaaring mag-umpisa sa pagsagot sa sumusunod
na mga tanong:

Ano ang aking nararamdaman o


pananaw tungkol sa paksa?
Paano ito makaaapekto sa aking
buhay?
Bakit hindi ito
makaaapekto sa aking
pagkatao?
Ito ang magiging gabay o batayan
SIMULA: Makapukaw ng Atensiyon

Maaaring gumamit ng mga sumusunod:


• Maaaring gumamit ng kilalang
pahayag mula sa isang tao
(quotation)
• Tanong
• Anekdota
• Karanasan
Sundan agad ito ng pagpapakilala ng
paksa at layunin ng pagsulat ng sanaysay
na siyang magsisilbing preview ng
kabuoan ng sanaysay. Isulat ito sa loob
lamang ng isang talata.
KATAWAN
Dito inilalahad ang mga pantulong o
kaugnay na kaisipan tungkol sa paksa o
tesis na inilalahad sa panimula.
Maglagay sa bahaging ito ng mga
obhetibong datos.
Gumamit ng mapagkakatiwalaang
sanggunian bilang karagdagang datos
na magpapaliwanag sa paksa.
WAKAS/KONGKLUSYON
 Muling banggitin ang tesis o ang
pangunahing paksa ng sanaysay.
 Lagumin ito sa pamamagitan ng pagbanggit
kung paano mo magagamit ang iyung mga
natutunan sa buhay sa hinaharap.
 Maaaring magbigay hamon sa mga
mambabasa na sila man ay magnilay sa
kanilang buhay hinggil sa iyong natutuhan o
kaya naman ay mag-iwan ng tanong na
maaari nilang pag-isipan.
Sa bahaging ito isusulat ang iyong
napagnilay-nilayan o mga natutuhan.
Ilahad din kung paano umunlad ang
iyong pagkatao mula sa mga
karanasan o mga gintong aral na
napulot.
Magbigay rin ng mga patotoo kung
paano nakatulong ang mga
karanasang ito sa iyo.
Tandaang ang Replektibong Sanaysay
ay isang personal na pagtataya
tungkol sa isang paksang maaaring
makapagdulot ng epekto o hindi sa
iyong buhay o sa mga taong
makababasa nito.

You might also like