You are on page 1of 3

REPLEKTIBONG SANAYSAY

● Mula sa salitang “repleksyon” na nangangahulugang pag-uulit o pagbabalik-tanaw.

MGA BAHAGI:
1. PANIMULA
- Dito binabanggit ang pangunahing paksa.
- Nakikita ritoang nais na paksang italakay o bigyang repleksyon ng
manunulat.
- Naglalahad at nagbigay sa mambabasa ng ideya.
2. KATAWAN
- Naglalaman ito ng mahahalagang katotohanan at sariling tugon ayon sa
paksa halo ang paghahalintulad o pagkokonekta ng sariling karanasan ukol
sa paksa.
- Karanasan at batayan ng iyong kongklusyon.
3. KONGKLUSYON
- Nakasaad rito ang huling batid ukol sa paksa.
- Dito rin makikita kung ano ang kahihinatnan ng iyong sanaysay.
(pagbubuod)

TEKNIK SA PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY\


Paraan ng pagsulat ayon sa nabasa:
1. Matapos maunawaan ang iyong nabasa, gumawa ng balangkas ukol sa
mahahalagang punto.
2. Tukuyin ang mga konsepto at teorya na may kaugnayan sa paksa. Makatutulong
ito sa kritikal na pagsusuri.
3. Ipaliwanag kung paanong ang iyong pansariling karanasan at pilosopiya ay
nakakaapekto sa pag-unawa ng paksa.
4. Talakayin sa konklusyon ang kahihinatnan ng repleksyon.

Paraan ng pagsulat ayon sa napanood:


1. Italakay ang mga pangyayaring nagustuhan.
2. Maaari rin ilagay ang paghahambing ng napanood sa iyong sariling karanasan.
3. Ipaliwanag kung paanong ang iyong pansariling karanasan at pilosopiya ay
nakakaapekto sa pag-unawa ng paksa.
4. Talakayin sa konklusyon ang kahihinatnan ng repleksyon.
KARAGDAGANG MGA TEKNIK:
1. Humanap ng paksa na nais pag-usapan.
2. Magsaliksik ng mga impormasyon na may ugnay sa paksang napili.
3. Isulat ang mga bagay na alam mo tungkol sa paksa.
4. Pumili ng mga tanong sa nais mong sagutin habang ikaw ay sumusulat.
5. Sagutin ang mga tanong na iyong napili.
6. Ilagay ang iyong natutunan ukol sa paksa at ilan sa iyong naranasan.

KAHALAGAHAN NG REPLEKTIBONG SANAYSAY


1. Naipahahayag mo ang iyong mga pananaw
2. Napatutunayan nito ang iyong mga punto
3. Nakapagbibigay ng sariling kamalayan.

MGA KONSIDERASYON SA PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY


1. Ikonsidera ang pagkalap ng mga datos at mga bagay na kailangan gamitin
2. Pagandahin ang panimulang bahagi
3. Nagtatalakay ng iba’t ibang konsepto ng karanasan.
4. Ang kongklusyon ay dapat na magkaroon ng repleksyon sa lahat ng tinalakay
5. Kinakailangan na malinaw na nailalahad ng manunulat ang kanyang punto upang
lubusang maunawaan ng mambabasa.
6. Rebyuhin ng ilang ulit ang repleksyon

PICTORIAL ESSAY OR LARAWANG SANAYSAY


● Koleksyon ng mga larawang maingat na inayos upang maglahad ng
pagkasunod-sunod na pangyayari.
● Nagpapaliwanag ng partikular na konsepto at pagpapahayag ng damdamin.
● Hindi limitado ang paksa.
● Maaaring serye ng imahen.
● Maaaring patungkol sa isang tao o mga kakaibang pangyayari.
● Naiiba dahil larawan ang ginagamit sa pagsasalaysay.

MGA ALITUNTUNIN SA LARAWANG SANAYSAY


● MALINAW NA PAKSA
● MANATILING NAKATUTOK HABANG NAGLALAHAD NG MARAMING
ASPEKTO
● BUMUO NG SUPORTA PARA SA IYONG MGA IDEYA, LAGYAN NG
LAMAN
● PAGKA-ORIHINAL
● GUMAWA NG ISANG LOHIKAL NA ISTRAKTURA

LAKBAY-SANAYSAY
● Ito ay tinatawag ding travel essay o travelogue sa Ingles.

● Ito ay isang uri ng sanaysay na naglalaman ng mga impormasyong nakuha o


natutunan mula sa isang isinagawang paglalakbay.

MGA GABAY SA PAGSUSULAT NG LAKBAY


SANAYSAY
1. Hindi kailangang pumunta sa ibang bansa o malayong lugar upang makahanap ng
paksang isusulat.
2. Huwag piliting pasyalan ang napakaraming lugar sa iilang araw lamang.
3. Ipakita ang kwentong-buhay ng tao.
4. Huwag magpakupot sa normal na atraksyon at pasylan.
5. Hindi lahat ng paglalakbay ay positibo o puno ng kaligayahan.
6. Alamin ang mga natatanging pagkain sa lugar.
7. Bisitahin ang maliliit na pook-sambahan na hindi gaanong napupuntahan at isulat
ang kapayakan ng pananampalataya rito.
8. Isulat ang karanasan at personal na repleksyon sa paglalakbay.

You might also like