Professional Documents
Culture Documents
Complete-Aralin-1-6
Ang replektibong sanaysay ay pagsulat ng mga ginagad na ideya, konsepto, at katotohanan sa pamamagitan ng pag-
iisip nang malalim, repleksyon o pagninilay mula sa mga naranasan o nararanasang pagkakataon. Ang pagsulat ng
replektibong sanaysay ay naglalayong magamit nang epektibo ang ating mga karanasan upang maging pundasyon ng
pagkatuto. Higit na nililinang ng sulating ito ang ating kakayahang gamitin ang ating karanasan upang tayo ay matuto.
Dapat lamang na bigyang layunin at hanapin pa ang mas malalim na dahilan kung bakit kailangang matutuhan ang mga
bagay - bagay. Kaya naman upang maitatak sa ating isipan at maibahagi ang konseptong natuklasan ay mainam itong
isinusulat. Ang pagsulat ng replektibong sanaysay ay oportunidad upang malinang at magkaroon ng pagninilay ang mga
kaalaman na nagiging daan upang mas magkaroon ng malawak na perspektibo ang isang indibidwal. Maaari ding ang
replektibong sanaysay ay pagsusulat ng mga ideya na may kaugnayan pa sa isa pang ideya. At sa bawat pagtuklas ng
mga ganitong prinsipiyo at kaugnayan ng mga bagay-bagay ay siyang pagkatuto pa lalo ng isang tao. Nasa obhektibong
layunin ng pagsulat ang ganitong anyo ng sanaysay sapagkat mula sa mas malalim na naisip ng manunulat ay ibinibigay
niya ang sariling hinuhang mga kaalaman.
MGA KONSIDERASYON SA PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY
• Ikonsidera ang pagkalap ng mga datos at mga bagay na kailangan gamitin
• Pagandahin ang panimulang bahagi
• Pagtalakay ng iba’t ibang aspekto ng karanasan
Ang replektibong sanaysay ay isang uri ng panitikan na nakapasailalim sa isang anyong tuluyan o prosa. Ito ay
nangangailangan ng pananaliksik ng manunulat bago maglahad ng paliwanag mula sa nakalap na datos. Isang masining
na pagsulat na may kaugnayan sa pansariling pananaw at damdamin sa isang partikular na pangyayari. Isang masining
na pagsulat na may kaugnayan sa pansariling pananaw at damdamin sa isang partikular na pangyayari
ANG REPLEKTIBONG SANAYSAY AY:
>Ipinararating ang pansariling karanasan at natuklasang resulta sa espisipikong paksa.
>Naglayon din ito na maipabatid ang mga nakalap na impormasyon at mailahad ang mga pilosopiya at karanasan.
>Kritikal na repleksyon ukol sa nabasa, napanood, narinig, naranasan o kamalayan.
>Naglalaman ng reaksyon, damdamin, at pagsusuri (Bernales at Bernardino 2013).
>Hindi ito diary/journal, ito ay pormal na sulating mayroong: Introduksyon, katawang malinaw at lohikal na naglalahad ng
iniisip at konklusyon.
>Ang konklusyon ay dapat na magkaroon ng repleksyon sa lahat ng tinalakay kinakailangang malinaw na nailalahad ng
manunulat ang kaniyang punto upang lubusang maunawaan ng mambabasa
>Rebyuhin ng ilang ulit ang repleksyon
Mga halimbawa ng paksa: *Mga nabasa *Napuntahan o nagalaan *Mga isyu *Karanasan bilang
estudyante
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY
1. Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis na iikutan ng nilalaman ng sanaysay.
2. Isulat ito gamit ang unang panauhan ng panghalip. Tanggap na gamitin ang mga panghalip na ako, ko, at akin
sapagkat ito ay kadalasang naksalig sa personal na karanasan.
3. Tandaan na bagama’t nakabatay sa personal na karanasan, mahalagang magtaglay ito ng patunay o patotoo
batay sa iyong mga naobserbahan o katotohanang nabasa hinggil sa paksa upang higit na maging mabisa at
epektibo ang pagkakasulat nito.
4. Gumamit ng mga pormal na salita sa pagsulat nito. Tandaang ito ay kabilang sa akademikong sulatin.
5. Gumamit ng tekstong naglalahad sa pagsulat nito. Gawing malinaw at madaling maunawaan ang gagawing
pagpapaliwanag ng mga ideya o kaisipan upang maipabatid ang mensahe sa mga babasa.
LAYUNIN NG REPLEKTIBONG SANAYSAY
Pangunahing layunin ng replektibong sanaysay ay hindi lamang matalakay ang natutunan o maisapapel. Naglayon
din ito na maipabatid ang mga nakalap na impormasyon at mailahad ang mga pilosopiya at karanasan.
Gabay Para sa Replektibong Papel
1. Bigyang - pansin ang panahong saklaw ang repleksyon.
2. Pansinin at pagmuni-munihan ang mga sumusunod:
A.Konsepto/Aralin na lubhang tinututukan. B.Gawain sa klase, pinanood,
pinarinig. C.Leksyon, konsepto, o kahit anong nakapukaw ng interes. D.Sariling danas
E.Tanong
3. Isa hanggang dalawang pahina lamang. 4. Bawal ang maligoy.
5. Pormal o kumbersyonal. 6. Magbigay ng halimbawa.
7. Seryoso bagaman mula sa pagmumuni-muni. 8. Isaalang-alang ang gramatika.
9. Sumulat sa paraang micro sa macro (mula sa iyo papalawak). 10. Kung kukuha ng pagbabatayan, tiyaking
nabanggit ito sa sanggunian.
11. Magpasa sa takdang panahon. 12. Maaaring maglagay ng pamagat na naaayon sa
pinapaksa ng iyong repleksyon.
BAHAGI NG REPLEKTIBONG SANAYSAY
Panimula - ang panimula ay sinisimulan sa pagpapakilala o pagpapaliwanag ng paksa o gawain. Maaaring ipahayag
nang tuwiran o di tuwiran ang pangunahing paksa. Ang mahalaga ay mabigyang panimula ang mahalagang bahagi ng
buhay na pupukaw sa interes ng mga mambabasa.
Katawan - katulad ng maikling kuwento, sa bahaging ito ay binibigyang halaga ang maigting na damdamin sa pangyayari.
Ang katawan ng replektibong sanaysay ay naglalaman ng malaking bahagi ng salaysay, obserbasyon, realisasyon, at
natutuhan. Ipinaliliwanag din dito kung anong mga bagay ang nais ng mga manunulat na baguhin sa karanasan,
kapaligiran, o sistema.
Konklusyon - sa pagtatapos ng isang replektibong sanaysay, dapat mag-iwan ng isang kakintalan sa mambabasa. Dito
na mailalabas ng manunulat ang punto at kahalagahan ng isinasalaysay niyang pangyayari o isyu at mga pananaw niya
rito. Dito rin niya masasabi kung ano ang ambag ng kanyang naisulat sa pagpapabuti ng katauhan at kaalaman para sa
lahat.
Halimbawa ng Replektibong Sanaysay
Bakit Ako Naging Manunulat?
Rene Villanueva
Mapapansin ng sinomang sumusubaybay, kung mayroon man,sa pagsulat ko ng mga personal na sanaysay, na paulit-ulit ang
pagtalakay ko sa paksang ito.Sa isang banda, indikasyon marahil ito ng matindi kong pagnanais na unawain ang sarili at ipaliwanag
talaga kung ano ang lakas na nagtutulak sa akin para mahalin nang husto ang pagsusulat. Para pahalagahan ito nang higit sa aking
asawa’t mga anak, higit sa aking pamilya at kaanak, higit sa kahit anopaman sa aking buhay. Maaaring sabihin ng iba na napaka-OA
naman, pero ganoon ko talaga pinahahalagahan ang aking pagsusulat. Masasabi kong ang akin pagsusulat ang buo kong pagkatao.
Sa mga nakaraang sanaysay, lalo na sa librong (Im) Personal, tinalakay ko na kung paano at bakit ako nagsusulat; kung sino ang mga
unang nakaimpluwensiya sa akin para mahilig sa pagsusulat at sino-sino ang mga una kong guro sa pagkatha. Ngayo’y gusto ko
namang harapin ang isa pang aspekto ng pagiging manunulat ko:Bakit ako naging isang manunulat? Bakit sa dinami-dami ng
propesyon, dito ko piniling maggugol ng talino at panahon, ng buong buhay ko?
Siguro, dahil mula pagkabata, wala akong naging ibang interes kundi kuwento: makinig ng kuwento, mag-imbento ng kuwento,
magkuwento ng kuwento. Sa pakikinig ng radyo ako unang nagkamalay kung paano bumuo ng kuwentong may epekto sa sinomang
makarinig. Nang matuto akong magbasa ng Liwayway at mahilig sa panonood ng sine, lalong tumindi ang hilig ko sa paghabi ng mga
pangyayaring sa isip ko lamang nagaganap; pero parang totoong-totoo!Kalaunan pa ako magkakalakas ng loob na isalaysay sa iba
ang mga kuwentong nasa isip ko. Para dito, pinagpraktisan ko ang aking mga kababata. Ang mga laro ko sa La Loma noong mga 10
hanggang 12 taong gulang ako ay hindi mga karaniwang laro ng bata. Mahilig ako sa taguan at habulan; pero hanggang doon
lang.Mas gusto kong tipunin at kuwentuhan ang mga kalaro ko, lalo ‘yung mga mas bata sa akin. Madalas, isa-isa ko silang
pinasasalampak nang pabilog sa akin harapan at pinapaghahandang makinig sa hahabihin kong mga kasinungalingan. Sa bakanteng
lote, sa tabi ng bahay nina Luisa, na walang pintura at sinunog ng mahahabang tag-araw sa La Loma, kami nagtitipon. Katapat iyon ng
inuupahan naming kuwarto sa Halcon, at malapit sa bahay o kuwarto ng bawat isa sa amin. Sa harapan ng lote ay may basketbulan
na madalas pagdausan ng liga ng mga taga-Halcon. Kahit nakatiwangwang lamang ang bakanteng lote, iba-iba ang silbi nito para sa
aming tagaroon. Hindi lamang ito paraiso para sa aming mga inosenteng salaysay tuwing hapon, dito rin kami nagtataguan bago
magtakipsilim. Sa gabi, dito rin nag-iinuman ang matatanda at binata na umiiwas mapagalitan ng kani-kanilang asawa o magulang.
Sabing iba, kung hatinggabi ay sari-saring milagro ang nagaganap sa bakanteng lote. Maraming panganay ng tagaroon ang sa
bakanteng lote ginawa. Ang maluwang na lote ay nababakuran ng mga pinagdikit-dikit na lumang yero; yupi, kalawangin, maaaring
pinagsawaan bilang kulahan o andamyo.May mga nakatira malapit sa bakanteng lote na madalas na ginagawang tapunan ng basuara
ang solar, kaya nagkalat ang tumpoktumpok ng natuyong basura na sa tuktok ay may kumakaway na supot na plastik. Kailangan
maging maingat ang sinomang naglalakad; karaniwang may nakangangang lata ng gatas o sardinas na nagbabantang manlaslas ang
matalim na bunganga; bukod sa nagkalat na basag na bote na madalas ikubli ng mangilan-ngilang kumpol ng tuyot na damo ang
nakaumang na disgrasya, at bihirang-mapansing nakatuping kalawanging yero na sintalas ng blade ang gilid.Kadalasan, nagpupunta
kami sa bakanteng lote makapananghali. Bawat isa sa ami’y tumatakas upang suwayin ang mahigpit nautos ng magulang na umidlip
sa hapon, para mag-umpukan sa bakanteng lote at makinig ng kagila-gilalas na kuwento. Mauupo ako sa isang abandonado at
nabubulok na taksi na yupi ang tambutso, basag-basag ang salamin, lugmok ang mga upuang may nag-iigkasang spring at alambre,
wala nang pinto sa gilid. Sa isa sa mga pinto ako mauupo, habang nakaupong nakapaligid ang mga nakababata kong kalaro sa
damuhan sa harapan. Madalas na kabilang sina Elvi, ang magpipinsang sina Sara, Menchu, at Napol, ang mga Rimorin na sina Oting
at Momoy, at ang magkakapatid na Villegas. Minsan, may mga hindi kami kakilala na nakikiumpok sa paligid; pero lagi silang nasa
dulo, ilang tao ang layo mula sa kalarong nasa pinakadulo ng sirkulo. Pero hindi namin sila itinataboy, bagaman walang bumabati sa
kanila.Hinahayaan naming silang tumawa nang malakas, kung may nakatatawa sa kuwento. Pero kahit kailan, walang nagtatanong o
nagkokomentaryo sa kanila. Kadalasan ang mga ikinukuwento ko ay yaong kuwentong naririnig ko sa radyo o nababasa sa Liwayway.
Mga tungkol sa kapre at higante, mga mamahalilng bato na sinlalaki ng mais o prutas, mararangyang palasyo, mga puting kabayong
may pakpak at alpombrang lumilipad. Pinakapopular sa lahat ng kuwento ko ang alamat ng butiki, na minsang kong napakinggan sa
radyo.Gustong-gusto nila ang kuwento dahil madula, may halong romansa tungkol sa relasyon ng anak at magulang. Saka buong
husay ko ring naikukuwento; iniiba-iba ko ang aking boses, kung minsa’y inaarte ko ang ilang tagpo.Gumagawa pa ako ng sound
effects kapag ikinukuwento ko ito.Hinahampas ko ang tagiliran ng taksi para gayahin ang kulog. Pinapasagitsit ko ang boses ko para
gayahin ang kidlat. Tungkol sa isang pangit na kampanero na umibig sa isang napakaganda ngunit malupit na dalaga ang alamat.
Para subukan ang pagmamahal ng kampanero, hiniling ng dalaga na ihandog sa kanya ng binate ang puso ng ina. Dinukot ng binate
ang puso ng ina: nagtatakbo siya sa pagmamadaling makarating sa dalaga para ibigay ang sariwa pa at pumipintig-pintig na puso ng
magulang.Ngunit sa pagmamadali, natapilok ang kampanero at nadapa. Napahiyaw ang binata na namilipit sa kirot ng naipit na ugat,
ngunit hindi niya nabitiwan ang sisikdo-sikdong puso. Sa katahimikan ng gabi, malumanay at buong pag-alalang nagsalita ang puso ng
ina: “Napaano ka, anak ko? Lagi ka sanang mag-iingat. Hayo, bunso ko! Tumindig ka at ang sinta mo’y naghihintay na sa iyo.” Kung
nang nakaraang gabi ay nakapakinig ako ng “Gabi ng Lagim,” ang kuwento ko’y tiyak na may lumalangitngit na pinto, bumubukas na
kabaong, at asong umaalulong sa hatinggabi. Tiyak ding bago matapos ang kuwentong katatakutan, maghihiyawan ang lahat at
magkakaripasan ng takbo. Kung minsan, nag-iimbento rin ako ng sarili kong kuwento. Pero mas madalas, pinagtatangi-tangi ko
lamang ang mga kuwentong naririnig, nabasa o napanood ko. Kahit gayon, pakiramdam ko’y orihinal at mula sa sariling henyo ang
pang-aliw ko sa aking mga kababata. Alam kong bilib na bilib sila sa akin; hindi nila alam na mas bilib na bilib ako sa sarili ko. Sa high
school ang unang premyong natanggap ko ay para sa on-thespot storytelling-contest ng Children’s Museum and Library Incorporated
(CMLI). Mga taga-public schools ng Maynila, Pasay at Quezon City ang kalahan ko. Nakakuha ako ng silver medal. Kuwento naman
ng buhay ni Judge Pedro Tuason ang unang literary contest na pinanalunan ko. Kinse anyos ako nang mag-uwi ng premyong isang
daang piso at karangalang pinakamahusay na essayist sa buong Quezon City. Hanggang ngayon ang pagsusulat ay hindi talagang
mahirap para sa akin.Wala itong himig ng pagyayabang. Ang pagsusulat ay isang bagay na gustong-gusto kong ginagawa. At lagi
kong ginagawa. Parang laro lamang sa akin ang lahat, gaya noong araw. Mas hindi natural sa akin ang hindi nagsusulat o hindi
nagkukuwento. Dahil sa napakakaraniwan kong pagtingin sa pagsusulat bilang isang likas na gawain, gaya ng paghinga o pagkain o
paglalaro, kaya hindi ko rin titingnan ang pagsusulat bilang trabaho o gawaing pagkakakitaanKahit nagagawa kong kumita mula sa
pagsusulat. Hindi pera o anopaman ang pangunahing motibasyon ko sa pagkatha. May personal na kasiyahan akong nadarama sa
paghabi ng kuwento, maging dula, kuwentong pambata, o anoman.Siguro, ang kasiyahang magkuwento ang siyang nagligtas sa akin
mula sa pagiging isang “madugong manunulat.” Kapag naupo ako sa harap ng kompyuter para magsulat, nakasusulat ako. Ano man
ang aking lagay: lasing, saksakan ng lungkot o masyadong masaya. Huwag lang masyadong pagod o di-makagulapay sa antok. Kaya
noong araw ay tinawag akong Vendo writer ng ilang kaibigan. Ako raw ‘yung klase ng manunulat na hulugan lamang ng barya at
pindutin sa tagiliran, tiyak na makapaglalabas ng isang akda. Hindi lamang ako madalas magsulat; mabilis din akong masgulat.
Paano’y naiinip ako kapag gumugugol nang mahabang panahon sa isang akda. Saka hindi ako nagsisimulang magsulat kung hindi ko
alam kung ano ang magiging katapusan ng akda. Kaya naiinip ako kapag hindi agad nakarating sa paroroonan. Hindi rin importante sa
akin ang makasulat ng maganda, ng isang akdang obra-maestra o kahanga-hanga. Sa akin, mas mahalaga, mas kalugod-lugod hindi
lamang ang produkto ng pagkatha, ang akda, kundi ang mismong proseso ng pagsusulat. Mas importante sa akin ang may matapos,
anoman ang kalidad niyon. May sampalataya akong marerebisa upang umayos, kuminis, gumanda, at mas maging matalisik ang kahit
anong uri ng akdang natapos. Importante muna ang may matapos; dahil may maaayos (marerebisa o ma-eedit) lamang kung may
natapos. Mahirap magrebisa sa hangin. Sakali namang saksakan ng pangit ang natapos na burador, na bihirang mangyari sa akin;
ano ba naman iyong kalimutan ito, lamukusin ang papel kung talagang karimarimarim, at amining wala ka sa kondisyon nang
sandaling iyon. Saka gumawa ng iba! (Nang ma-virus ang kompyuter ko nitong bago magtatapos ang 2005, at hindi na-recover ang
files na tinipon ko sa loob ng tatlo o apat na taon, hindi ako,nagngangalngal o nagngangawa sa panghihinayang. Inisip kong marahil
pangit ang mga draft na nasulat ko, at pagkakataon iyon para mas pagbutihin ko ang pagsusulat)
Bilang pangwakas: Bakit ako naging manunulat? Siguro naging manunulat ako dahil lagi akong interesado sa buhay ng iba.
Noong araw, ang pakiramdam ko ay laging mas makulay at mas kapanapanabik ang karanasan ng iba kaysa sariling kong karanasan.
Ito ang nagtulak sa akin para maging mapagmatyag sa buhay ng iba. Para mahilig sa pagbabasa ng kuwento, sa pakikinig ng drama
sa radyo at sa panonood ng sine. Sapagkat akala ko’y kailangan kong laging manghiram ng kuwento ng iba para
magkapagkuwentong kapanapanabik. Wala akong sampalataya sa sarili kong kuwento, kahit sa buhay ng mga kaanak ko. Laging mas
maganda ang kuwento ng ibang tao. Laging mas madula ang karanasan ng iba. Bata pa ako’y alam ko na na ang mga tao ay bukal ng
magagandang kuwento. Nito na lamang nakaraang mga huling taon ko natanto na hindi pala ako natatanging tao. Hindi pala ako isang
taong lubhang kaawa-awa. Na tulad ng iba, magmamay-ari rin ako ng maraming magagandang kuwento. Ang ganitong realisasyon
ang naghatid sa akin upang maupo sa gilid ng isang balon. Sa wakas, nagawa ko ring dumukwang sa bunganga ng isang malalim at
tunay na bukal ng mga salaysay: ang sarili kong balon ng mga kuwento; na mahigit limampung taon nang binubukalan, dinadaluyan
ng sari-saring salaysay na naghihintay lamang na dukwangin at salukin, upang maisaboy, makapagpasariwa sa iba. ( Mula sa
https://www.scribd.com/document/352704798/Bakit-Ako-Naging-Manunulat).
napangiwi lang ako, kasi puro madidilim ang litrato ko dahil wala ngang ilaw sa loob. Lalo ng naging puwedeng pang-
Nobyembre ang mga larawan ko, baka sabihin ng mga tao, isang white lady naglalagi na sa kuweba ng Tanay, Rizal.
Hinahanap ang bagong kumareng black lady dahil kaaway ang dating kumareng red lady. Nag-agawan kasi sila sa pulang
lipstick. Hindi pa hagap ng Meralco ang mga kuweba, ibig sabihin hindi pa talaga nila napapanindigan nang buo ang diyalogo
nilang “may liwanag ang buhay”. Buti na lang ayaw ng mga paniki sa liwanag. Kapag nga naman maliwanag, magkakabayaran
pa sila sa kuryente, tapos magkakasilipan sila panggagawa ng paniki na tulad nila, mawawalan sila ng privacy. Wala kasi silang
private room kaya kung madilim kahit sila ang nagsisilbing kurtinang palawit-lawit sa itaas ng kuweba, puwede na. Nadami
naman sila kapag madilim. Bigla ko tuloy naisip. Nadami kaya ang tao kapag napapadalas ang brown-out sa isang lugar?
Nadami kaya ang buntis? Ito kaya ang isa sa dahilan kung bakit nataas ang populasyon?
Ang Mahiwagang Ilog at Ang Babala
Matapos naming mapapunta sa kuweba, dumiretso kami sa “Tinipak Rock Formation”. Ito ang isa sa pinakang atraksyon
bukod sa Mt. Daraitan. Walang katulad ang mahiwagang ilog kung saan may mga batong tanging sa ilalim lamang ng dagat
matatagpuan ngunit sadyang nakabuyangyang lamang sa ilog. Ito ang pinakakakaibang ilog na aking nakita sapagkat
namumutawi ang mga puting bato at ang iba’y animo’y stalagmite. Ngunit ang nakakapagtaka’y wala gaanong isda sa ilog.
Para bang may babalang restricted area ang ilog, bawal ang kahit sinong isda. Gayundin ang pagkakaiba-iba ng temperatura
ng tubig, depende sa iyong kinatatayuan. Sa isang bahagi ay may maligamgam na tubig samantalang sa kabilang bahagi
naman ay sobrang lamig. Hindi rin kayang maipaliwanag ni manong Jun kung bakit ganoon ang kondisyon ng ilog. Ang tanging
inuulit-ulit lamang niya ay ang pagbabawal kunin ng kahit anong maliliit na bato sa ilog. Baka raw kasi “magalaw” kami. Baka
may sumunod sa aming van na hindi naman namin kasakay. Baka mamaya may katabi na kaming ibang nilalang at maging
kasambahay pa namin. Sinunod naman namin si manong. Nag-pose na lamang ako sa mga bato sa gitna ng ilog na animo’y si
Dyesebel. Sobrang nga lang lakas ng agos ng tubig, kung hindi ako kakapit sa mga bato, sa liit kong ito baka madala ako at
matuloy ang pagiging sirena ko. Kayang-kayang dalhin ang biyas na tulad ko, dangan nga lang likas na magaling akong
kumapit. Magaling naman talaga akong kumapit sa lahat ng bagay kahit sa relasyon, siya lang talaga ang bumitaw.Naisip ko
lang, pinangarap ko talaga na maging modelo ng kalikasan. Masarap kayang mag - pose na ang kaligiran mo ay kapaligiran.
Dangan nga lamang wala talagang nagtatangkang kumuha sa akin. At parang wala rin naman akong naririnig na mga
maniniyot (photographer) na ninanais pang umakyat ng bundok para lamang kumuha ng larawan.
Dugo Sa Pagitan Ng Kaliwa’t Kanang Hakbang ni Darna
Napag-usapan ng buong grupo na matulog nang maagap dahil sa alas dos ng madaling araw kami magsisimulang
umakyat ng bundok. Ngunit sadyang malamig, daig pa ang aircon at may libre kaming chore na mga kuliglig. Nagising kami ng
alas kuwatro na ng madaling araw. Agad - agad naghanda kami ng mga gagamitin sa pag -akyat. Nakaramdam ako ng pagtulo
sa ibabang bahagi. Sinilip ko sa palikuran at confirm!
“Paano ako aakyat?”
“Kaya ko ba?”
“Baka abutin ako ng pagsusungit ng puson at gulugod habang umaakyat?”
Uminom ako ng gamot na magpapaamo ng masungit kong dysmenorrhea. Sumama ako. Gamit ang aking headlamp at sa
pamamagitan ni Manong Jun, unti-unti na naming nilakad ang daan patungo sa tuktok ng Mt. Daraitan. Hinahabol namin ang
sea of clouds kaya nais sana naming bilisan. Ngunit ang isa naming kasamahan ay may mahinang tuhod, sa batang edad;
nirarayuma na siya. Dapat pala nag-eskalan siya bago umakyat, dahil sa patigil-tigil kami sa pag-akyat kung kaya medyo
maaraw na ng marating namin ang tuktok. Tinatawanan ako ni Manong Jun habang naakyat. Sa halip daw kasi na uminom ako
ng tubig sa bawat station pagpupulbo ang ginagawa ko habang naghihintay sa aming mga kasamahang nahuhuli naman at
hinihingal sa pag-akyat. Kakaiba raw ako sa lahat ng umakyat. Akala niya kasi hindi na talaga ako sasama dahil nagkaroon
ako, pero ako pa nga ang nauna. Kadalasan daw kasi sa mga umaakyat na mayroon, nagpapahatid din sa kaniya paibaba.
Nakakaramdam ang aking talampakan ng pagtusok ng matatalas na bato. At pagsubok din ang pagbati ng maliliit na ahas sa
daan gayundin ang pagtunog ng mga kuliglig na ikaakala kong irit ng ahas. Inabot ng dalawang oras bago namin marating ang
tuktok. Kumuha kami ng larawan. Tanaw sa itaas ng kabundukan ang buong Tanay, Rizal. Parang napakalaking chocolate hills
ang iba pang bundok na natatanaw sa itaas ng bundok na aming kinaroroonan. Matatanaw mo rin ang kakatuwang animo’ y
Downloaded by PAU SHOPAO (kirasaki102@gmail.com)
lOMoARcPSD|12385453
bulateng daan sa buong Rizal. Parang sa snake and ladder, ‘yun nga lang medyo nabusog ang sawa kasi sobrang haba.
Inabot pa naman namin ang sea of clouds kahit medyo maliwanag na, dangan nga lang kakaunti na sila. Nagkuha kami ng
larawan sa pinakangtuktok. Matitilos ang mga bato kahit sa bundok. Hindi ko maintindihan pero kahawig ito ng mga stalactile at
stalagmite sa kuwebang pinuntahan namin. May kaitiman nga lang ang mga matitilos na bato pero para talaga silang
magkamag-anak. Nag-pose na lang kami sa pinakang tuktok ng matatalas na bato. ‘Yun tipo bang makapagpahanga na nasa
mismong pinakaitaas talaga kami ng bundok, kita talaga sa camera ang ibaba ng bundok. Kita, kahit yung daan na parang
sawa. Sa pagkakataong iyon, masarap magkunwaring si Darna. Siguro dahil nasa kaitaasan ako ng bundok. Natutuwa ako
dahil ang lugar na kinalalagyan ko ay hindi naaabuso ng pagmimina. Sa palagay ko kasi ang mga bato, ang uri ng lupa na
mayroon sa Daraitan ay mapagkukunan pa ng yaman. Higit kaysa sa inaakala nila. Pero hindi ko maintindihan kung ako ba ang
may pagkakaintindi sa salitang yaman o sila. Nakakatuwa kasi na kahit hindi na nila makuhanan ng ginto ang lugar, nananatili
pa rin silang mayaman. Mayaman dahil bukod sa may mangilan-ngilang mga turista ang napunta, hindi nila naaabuso ang
kapaligirang sadyang ibinigay para sa kanila dahil sa pinahahalagahan talaga nila ito. Wala sa kanila ang kapitalistang pag-iisip
na maaaring pagminahan ang kanilang lugar. Naisip ko tuloy yung iba ko pang bundok na napuntahan, medyo naabuso na ng
tao. Yung mismong katawan ng bundok na inaakyatan, naduhagi na ang lupa kaya wala ng tumutubo. Ito ang dahilan kaya may
mga bundok na sadyang pinasasara upang mapanumbalik ang pagiging luntian ng lupa. Kung may kapangyarihan nga ba ako
na protektahan sila, kung ako nga ba si Darna kaso ang ikli ng hita ko. Bagong bersyon ako ni Darna. Hybrid ni Darna at
Teletubbies. Matapos ang halos kalahating oras na pagtambay sa tuktok, nagdesisyon na kaming bumaba. Sa kalagitnaan ng
station ng aming pagbaba nakasalubong namin ang grupo nina Mark. Inaasar siya ng kaniyang mga barkada na kunin ang
aking numero at nagtanong din naman siya kung ano ang aking numero ngunit tulad noong nakaraang gabi. Ngumiti lang ako
sa kaniya gayundin sa kaniyang mga kasamahan. Sabay sabi ng aking isipan. “Habulin mo ako, habulin mo ako”
Ligpit
Matapos ang halos magdadalawang – araw na paglalagalag, nagpasiya na ang buong grupo na magligpit. Pabalik na kami ng
Brgy. Hall para na rin isauli ang headlamp. Pagbaba ng tricycle, nagulat ako sa aking nakita. Magkasalubong nanaman kami ni
Mark.
“Sa pagkakataong ito, handa na ako…”
“Handa na talaga ako…”
“Ibigay ang cellphone number ko…”
Ngunit binati lamang niya ako. Hindi na niya tinanong, handa pa naman akong sabihin ang cellphone number ko pero hindi na
talaga niya ako tinanong. Nagkatinginan lamang kami, nagbatian at taimtim na nagpaalaman. Matapos ng mapagdamdaming
pamamaalam sumunod na ako sa aking mga kasamahan sa Brgy. Hall para sa pagpirma. Matapos naming pumirma bilang
deklarasyon na buhay pa kami (ang tanging namatay ay ang pag-asang maging kami), nagpaalam at nagpasalamat kami kay
Manong Jun. Agad na sumakay ulit kami ng tricycle at ikinagulat namin ang kamurahan ng tricycle. Sa halagang otsenta pesos,
itinawid na kami ni manong papalabas ng bayan ng Tanay, Rizal. Sa daan, nasaksihan namin ang yaman ng Tanay, Rizal.
Hindi lamang sa Mt. Daraitan makikita ang kagandahan ng kapaligiran bagkus may ilan pang mga kilalang talon na pawang
nag-iimbita habang kami ay papauwi na. Ilan dito ang Daranak Falls, Batlag Falls etc. Umaasa naman ako sa sinasabi ng aking
mga kaibigan na muli kaming magbabalik sa Tanay, Rizal. Gagalugarin naman namin ang mga talon na kilala rin doon.
Napaisip lang ako, sa paggalugad kaya naming; magalugad ko kaya ulit siya? Napatawa na lang ako sa aking sarili. Tumingin
sa key chain na shell. Naiwan niya sa labas ng paliguan, isasauli ko sana pero akin na lang daw. Magaspang ang key
chain, maliit ngunit may kakinisan at mabilog. Patuloy ang pag - indayog ng nakasabit na key chain sa aking backpack,
sumasabay sa ugong at kadyot ng tricycle na nagmamadaling daanan ang lubak-lubak at di - sementadong daan.
Pasulat na Gawain Blg. 2/ Written Output no. 2
Suriin ang “Lakbay- Halukay- sa Buhay ng Mangangakyat na Kikay” ni Maridel D. Villalon batay sa pamamagitan ng
graphic organizer.
Paksa
Partikular na lugar na pinuntahan
Layunin
Batay kina Constantino at Zafra (2016), ang isang rebyu ay isang mapanuring pagbasa o pagtatasa ng isang
gawang malikhain (tulad ng tula, dula, pelikula, musika, sayaw) o ng isang gawang akademiko ( tulad ng aklat o artikulo
ng produkto ng isang pag - aaral o saliksik). Ang isang rebyu ng gawang malikhain ay naglalaman ng una batayang
impormasyon sa gawa, at pangalawa, pagsusuri ng rebyuwer sa gawa.
Ayon pa sa kanila, kung dula ito ay binubuo ng pamagat ng dula, grupong pandulaang nagpalabas ng dula,
direktor, mandudula, maylikha ng iba’t ibang aspekto ng produksyon tulad ng musika, sayaw o galawa, pag - iilaw,
disenyo ng set, atbp. Mga gumaganap (pangalan ng artista at papel sa dula). Kung pelikula ito ay binubuo ng pamagat ng
pelikula, prodyuser ng pelikula, direktor, manunulat ng dulang pampelikula, maylikha ng iba’t ibang aspekto ng
produksyon tulad ng sinematograpiya, musika at disenyog awral(tunog at sound effects), disenyong pamproduksyon,
editing at mga gumanap (pangalan ng artista at papel sa pelikula).
Idinagdag pa nina Constantino at Zafra (2016) na mahalagang bahagi rin ng pangunahing impormasyon tungkol
sa isang gawa ang isang detalyadong buod nito (sa mga gawang malikhain na walang matingkad na naratibo maaaring
ilarawan ito). Sa pagbubuod halimbawa ng dula o pelikula mahalagang matukoy ang 1) pangunahing paksa o tema; 2)
banghay; 3) kung walang malinaw na banghay, ang matingkad na disenyo o estruktura o pagkakaayos; 4)
ano,sino,saan,kailan,paano, at bakit ng gawa.
Pagsusuri
Mula pa rin kina Constantino at Zafra (2016), ang pagsusuri ang tampok na bahagi ng isang rebyu. Sa
pamamagitan nito, naipapahayag ng rebyuwer ang kaniyang pagninilay, pananaw,at paghuhusga tungkol sa gawa. Ang
babasa naman ng rebyu ay maaaring matulungan para magkaroon ng mas malalim na kaalaman at kabatiran tungkol sa
gawa.
Idinagdag pa nila ang paglalahad ng pagkakaiba ng rebyu at kritika. Ayon kina Constantino at Zafra (2016),
maaaring ituring na kritika bilang isang porma at akademikong pagsusuri sa isang akademiko o malikhaing gawa. Ang
maituturing na malaking kaibahan nito ay nasa komprehensibo at malalimang paggamit ng isang tiyak na teorya o
mapanuring konsepto sa pagpapaliwanag, pagpapahalaga, o paghuhusga ng gawa. Dahil sa aplikasyon ng teorya sa
pagsusuri, karaniwang nagiging napaka - akademiko at teknikal ng wika at kritika.
Ang Proseso ng Pagsusuri
Ipinaliwanag nina Constantino at Zafra (2016) na dapat tingnan ang pagsusuribilang engkuwentro ng isang
tagabasa (ang rebyuwer) at ng gawa. Sa pagtatagpong ito kapuwa may mga katangiang (o repertoire) dala ng bawat
panig. Kaya sa pagbabasa o pagsusuri, nagkakaroon ng talaban ng mga katangiang ito, nagkakaroon ng diyalogo o
negosasyon sa pagitan ng rebyuwer at ng gawa.
3 2
(Mula kina Constantino, P. at Zafra G. (2016) Mga larawan sa talabang nangyayari sa pagitan ng rebyuwer at manlilikha.
Rex Book Store).
Makikita sa unang larawan ang paglalarawan sa pangkalahatang repetertoire na mula sa gawang malikhain kung
saan ito ay binubuo ng nilalaman, tema, paniniwala, at pagpapahalaga samantalang ang partikular na repertoire ay
binubuo ng pamamaraan, kumbensuyon, elemento, estratehiya, etknik, at genre o anyo. Ipinaliwanag naman ng
ikalawang larawan na kahit ang rebyuwer ay may repertoire na tinataglay rin at katulad sa gawang malikhain nahahati ito
sa dalawa. Katulad ng nauna, nahahati ang pangkalahatang repertoire ng rebyuwer sa pananaw, kaisipan, paniniwala, at
pagpapahalaga samantalang ang partikular na repertoire ng rebyuwer ay ang kaalaman tungkol sa iba’t ibang
pamamaraan ng gawang malikhain.
maging ang wala dito, ang hindi nito isinama na sa palagay mo ay mahalagang naisama sa gawa).
10. Iugnay ang gawa sa napapanahong isyu.
11. Iugnay ang gawa sa personal na buhay.
12. Pagtuonan ang mga susing salita o konsepto sa pamagat at suriin kung paano ito napapatotohanan o napasusubalian
sa kabuuan ng gawa.
13. Iugnay sa sariling pagsusuri ang pagsusuri ng ibang rebyuwer o kritiko tungkol sa gawa kung mayroon man.
Sanggunian:
Constantino, P. & Zafra, G. (2016). Filipino sa Piling Larang (Akademik). Rex Book Store.
Rebyu ng Pelikulang Second Chance ni Ferl Diane S. Siño
I. KWENTO O BANGHAY
Ang pelikulang A Second Chance ay isang pelikulang Pilipino na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz (Popoy) at Bea Alonzo (Basha) sa
direksiyon ng isang batikang direktor na si Cathy Garcia-Molina. Ang pelikulang ito ay sequel sa pelikula ni Molina noong 2007 na One More
Chance. Ito ay ipinalabas noong Nobyembre 25, 2015 at pumatok ito sa takilya kaya sa unang araw pa lamang ng pagpapalabas nito sa mga
sinehan ay kumita ito ng ₱43 milyon at umabot ng mahigit ₱556 milyon ang kinita nito sa iba’t ibang panig ng mundo. Ang pelikulang ito ay
tungkol sa unang pitong taon ng pagsasama bilang mag-asawa nina Popoy at Basha. Ang kwento ay nagsimula sa pagbibigay daan ni Popoy
sa kanilang pagmamahalan ni Basha –ang kanilang pagpapakasal. Mas pinili at inuna ni Popoy ang pagpapakasal kay Basha kaysa
ipagpatuloy ang pagtupad ng kanyang pangarap sa Europa. Binuo nila ang kanilang mga pangarap bilang mag-asawa na makapagtayo ng
negosyo na aakma sa kanilang propesyon bilang inhinyero at arkitek. Walang perpektong relasyon at ang lahat ay dumaranas ng mga
problema o hamon sa buhay. Sa kanilang ika-pitong taon ng pagsasama ay mayroong matinding pagsubok ang dumating sa kanila
nakaapekto ng lubos sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Sobrang dinamdam ni Basha nang siya ay makunan at pinilit ni Popoy na
itago ang nararamdamang lungkot at pagkadismaya dahil sa nangyari. Pagkatapos naman noon ay gumuho ang parte ng gusali na
ipinapatayo ni Popoy at dahil doon, kinailangan niyang gastusan ang nasira upang hindi mawala sa kanila ang proyekto. At sa mga “bidding”
naman ay hindi sila pinalad at higit sa lahat, nabaon ang kompanya nila sa utang. Nagpatuloy na magsumbatan ang mag-asawa dahil sa
nangyari sa kanila ngunit tinutulungan naman sila ng kanilang mga kaibigan upang magka-ayos. Sa paglipas ng mga araw, nagbago ang
bawat galaw ng dalawa. Nilihim ni Popoy sa asawa ang tunay na estado ng kanilang kompanya. Ngunit nagpumilit si Basha na magtrabaho
dahil pakiramdam niya ay may mali na sa mga nangyayari at doon niya natuklasan ang tunay na kalagayan ng kanilang negosyo at unti-unti
siyang nawalan ng tiwala kay Popoy. Inayos ni Basha ang mga dapat ayusin sa kompanya. Hindi pumayag si Basha sa gusto ni Popoy
tungkol sa Calamity Proof Structure na nais nitong ipatayo kaya ipinahinto niya ito. Lumayo sila sa piling ng isa’t isa. Plinano ni Popoy na
pumunta ng Europa upang tuparin ang kanyang pangarap. Sa huli ay nagkabalikan sila at nangakong mas pagtitibayin pa ang kanilang
relasyon. Masasabing naging kawili-wili ang banghay ng pelikulang ito dahil bukod sa pagiging payak ay nag-iwan ito ng kapani-paniwalang
mga pangyayari at kakintalan sa mga manonood. Mapapansin din ang natural na daloy ng mga pangyayari at ipinakikita kung ano talaga ang
realidad ng buhay lalo na sa relasyon ng mag-asawa. Bagaman madaling nahulaan ang wakas ng pelikulang ito ay naging kasabik-sabik pa
din ang bawat eksena at tagpo sa pelikula.
II. TEMA
Maganda at mahusay ang tema ng pelikulang ito na talaga namang makikita ng mga manonood na pinag-isipang mabuti. Ang tema ay
angkop para sa lahat kung saan ipinararating nito na ang lahat ng tao ay nagkakamali ngunit hindi iyon sapat na rason o dahilan upang
layuan at iwanan natin sila, bagkus ito dapat ay maging dahilan upang matulungan natin sila dahil lahat ng tao ay may karapatang mabigyan
ng pangalawang pagkakataon para maitama at maiayos ang kanilang nagawang pagkakamali.
Ang pelikulang A Second Chance ay pinagbibidahan ng kapita-pitagan at mahusay na aktor at aktres na si John Lloyd Cruz na gumanap
bilang Popoy at si Bea Alonzo na gumanap bilang Basha. Hindi matatawaran ang husay ng pagganap nina Bea at John Lloyd bilang mag-
asawa at napakaganda ng kemistri ng dalawang ito kapag sila ang nagsasama sa pelikula. Ang pag-arte o pagganap ni Bea bilang Basha ay
talagang napakagaling at nagampanan niya ng maayos ang papel bilang asawa ni Popoy. Ang kanyang pag-arte ay puno ng emosyon at
makikita na talagang isinapuso niya ang karakter. Ang pag-arte o pagganap naman ni John Lloyd bilang Popoy ay hindi rin matatawaran dahil
napakagaling din niyang naipakita sa mga manonood ang karakter na si Popoy at talagang madarama ng mga manonood ang emosyong
inilalabas nito. Ang mga linya na kanilang binitawan sa pelikula ay tumatak sa maraming manonood.
Nabigyan naman ng dalawang artistang ito ng hustisya ang mga karakter na kanilang ginampanan at naiatang sa kanila. Hindi nila binigo ang
mga manonood sa kanilang pag-arte at nahigitan pa nila ang ekspektasyon sa kanila ng mga tao. Kapansin-pansin din ang dedikasyon ng
mga aktor at aktres na gumanap dito bukod sa mga bida. Maliit man ang gampanin ng ilang artista, nakatulong pa rin ito upang maiparating
ang maayos na mensahe o koneksyon ng bawat tauhan sa mga pangyayari at nasuportahan nila ang takbo ng kwento ng pelikula.
Ang iskrip ay mayroong malaking gampanin na ginampanan sa pelikulang ito at naging malaki itong tulong upang mas maipakita at maging
malinaw ang mensaheng nais iparating ng pelikula sa mga manonood. Naging makatotohanan ang mga pag-uusap at palitan ng mga linya ng
mga aktor at aktres. At talaga namang tumatak ang mga linya ng mga aktor at aktres sa pelikula gaya na lang ng sinabi ni Popoy (John
Lloyd), “sa lahat ng siguro, isa lang ang sigurado ako, Bash. Mahal na mahal kita.” At ang sinabi ni Basha (Bea) na, “kung gaganituhin
mo lang din ako eh di sana hindi na tayo nagbalikan.” At isa pang linya na sinabi naman ni Krizzy (Dimples Romana), “kung nahihirapan
kang pagkatiwalaan siya, pagkatiwalaan mo muna ang pagmamahal mo sa kanya.”
Sa pamamagitan ng iskrip, naging organisado ang daloy ng banghay. Mawawalang bahala ang banghay o ang mga pangyayari kung wala
ang iskrip na magbibigay buhay sa bawat detalye ng pelikula. Sa pamamagitan din nito ay mas nadama ng mga manonood ang kwento ng
pelikula.
V. SINEMATOGRAPIYA
Sa simpleng storya at takbo ng pelikula nakita na kung ikukumpara ito sa henerasyon ngayon, higit na yumaman ang sining ng sine ngayon.
Ang mga disenyo ay simple lamang at akmang-akma sa nais ipahiwatig ng storya. Kung kaya mas napagtuunan ng pansin ang pagsulat,
pagplano, at pagpapaganda ng storya. Mapapansing ang kamera ay ginamit at pinagalaw nang maayos simula sa umpisa hanggang sa
magwakas ang kwento upang mas mabigyang-diin ang mga pangyayari, damdamin, at tagpo sa pelikula. Ang kamera ay ipinosisyon sa iba’t
ibang anggulo at gumamit ng iba’t ibang layo ng kamera sa kinukunan. Malimit na ginagamit ang pagpopokus sa mukha ng bawat tauhan sa
tuwing mayroong matinding mga linyang binibitawan. Sa pamamagitan nito, mas naipakikita ang emosyong namayani sa mga tauhan sa
pelikula.
VI. MUSIKA
Ang musika at tunog ay naging malaking tulong sa pelikulang ito dahil sa pamamagitan nito ay napalitaw ang kahulugan ng storya at
napatingkad ang atmospera at damdamin upang ang bawat eksena ay tunay na madama ng mga manonood. Nakatulong ang musika at
tunog sa pagpapadama ng tunay na kalungkutang kalakip ng pelikulang ito. Ang kantang “I will be here” ni Juris ay akmang-akma sa pelikula
dahil ang mensahe ng kantang ito ay umaangkop para sa storya ng pelikula. Dahil sa pagdaragdag ng mga ganitong musika at tunog, mas
naantig ang damdamin ng mga manonood at mas nakita nila ang katotohanan ng bawat emosyong nakikita sa mga tauhan ay nangyari sa
totoong buhay.
VII. EDITING
Naipamalas sa pelikula ang natural na daloy ng mga pangyayari sa mga nasaksihang eksena, mapapansin ang mahusay at maayos na
pagkaka-edit dahil hindi halata ang pagputol ng mga bahagi mula umpisa hanggang sa katapusan ng pelikula. Dahil dito, mas nabigyang-
daan ang tunay na nilalaman nito upang makita ng mga manonood. Ang pag-edit ay talagang nakatulong para matuklasan at tunay na
maunawaan ang paksa, banghay, at iba pang kaangkop nito. Sa pamamagitan ng hindi pagsama ng mga bahaging hindi naman ganoon
kahalaga, mas madaling naunawaan ang takbo ng storya at mas gumanda ang laman ng pelikula dahil detalyado ang pagpapalabas ng bawat
bahagi at walang nakasagabal sa daloy ng pangyayari.
Sa umpisa pa lamang ng pelikula ay kinakitaan na ito ng maayos na daloy ng mga pangyayari at hanggang sa matapos ito ay maayos pa din
ang takbo ng kwento. Dahil dito, masasabi naging matagumpay ang direksiyon ng pelikulang ito. Kitang-kita ang kontrol ng direktor sa
tagpuan, pagganap ng mga artista, posisyon o galaw ng kamera, pagsasaayos ng banghay, at ang pagbabawas o pagdaragdag ng iskrip dito.
Sa kabilang banda, naisakatuparan din naman sa malikhaing paraan ang pook, tagpuan, makeup, kasuotan, at kagamitan na nagpalitaw ng
panahon, kapaligiran, at katauhang hinihingi ng realidad ng pelikula. Halimbawa na lamang sa kasuotan, nabigyang-diin ang ganap ni Popoy
bilang inhinyero sa pamamagitan ng pagsusuot ng uniporme ng tunay na inhinyero at nabigyang-diin din ang naging estado sa buhay ni
Basha noong sila ay medyo kinapos na sa salapi ay pangkaraniwang damit na lamang ang kanyang sinuot. Sa lahat ng ito, masasabing
naging matagumpay ang direktor at buong production team sa pag-abot ng tunay nilang layunin.
Tunay ngang maraming aral ang mapupulot sa pelikulang ito gaya na lamang ng ang pagpapatawad ay isang bagay na nakapagpapalaya sa
iyo dahil kapag ang tao ay nagpatawad mas gumagaan ang buhay. Isa pa ay huwag parating pairalin ang ego at pride dahil kung mayroong
taong importante ay mas iiral dapat ang pagmamahal para sa taong iyon kaysa sa ego at pride. Ipinahihiwatig din ng pelikulang ito na kahit
anong pagtatago ang gawin mo sa katotohanan, lalabas at lalabas pa din ito kaya mabuting sa una pa lang ay sabihin na kung ano ang
problema dahil walang mabuting naidudulot ang pagsisinungaling. Ipinakita rin sa pelikula na sa kahit ano mang relasyon, huwag hayaang
sirain ito ng sariling ambisyon at pagmamahal sa pera. At panghuli ay hindi masusukat o mahuhusgahan ang isang tao base lang sa kanyang
maling nagawa dahil lahat naman ng tao ay nagkakamali at may karapatang mabigyan ng pangalawang pagkakataon para maitama ang
pagkakamaling nagawa.
Downloaded by PAU SHOPAO (kirasaki102@gmail.com)
lOMoARcPSD|12385453
X. REKOMENDASYON
Inirerekomenda lamang na mas gawing kapana-panabik ang wakas at huwag gumamit ng “predictable” na wakas ng storya dahil kung makabubuo ng kakaibang w
( Mula sa
Ipinaliwanag na ang paraan ng pagsusuri noong nakaraang linggo. Ang pagsusuri ng akademikong sulatin ay
walang pinagkaiba sa pagsusuri ng malikhaing akda.
Ang Repertoire ng Gawang Akademiko
Ipinaliwanag nina Constantino, P. at Zafra G. (2016) na ang gawang akademiko ay karaniwang nasa anyo ng mga
artikulong nilalathala sa mga journal ng mga unibersidad o at iba pang institusyon. Kasama rin ang mga tesis at
disertasyon - mga pananaliksik na ginagawa para makatugon sa pangangailangang akademiko sa pamantasan. Kung
minsan ang mga tesis at disertasyon ay isinasaaklat, kung minsan din inilalathala ang isang kabanata ng tesis o
disertasyong at siyang na nababasa sa akademikong journal. Ang repertoire o katangian ng gawang akademiko ay
mahahati pa rin sa dalawa: ang pangkalahatan at partikular. Ang pangkalahatan ay tumutukoy sa paksa, pangunahing
ideya tungkol sa paksang ito, at mga pansuportang ideya ng gawa. Madalas na itinuturing na ang paksa at
pangunahing ideya ay iisa. Ngunit upang maging mas malinaw ang paliwanag, kailangang pag - ibahin ang paksa at
pangunahing ideya na minsan ay tinatawag ding tema. Ang paksa ay ang pinag - uusapan o tinatalakay sa isang gawa.
Ang pangunahing ideya o ang tema naman ay ang ideyang dinebelop o sinasabi tungkol sa paksa. Ang paksa ay
karaniwang naipahahayag sa isang salita o parirala. Ang pangunahing ideya ay karaniwang sa isa o ilang pangugusap.
Halimbawa, ang paksa ay ang pagbabaybay sa wikang Filipino. Maaaring ang isang pangunahing ideya na
madedebelop ay ganito: “Ang madalas na pagreporma sa ispeling ng wikang Filipino ay palatandaan ng mahinang
pagpaplanong pangwika.”
Inilahad nina Constantino, P. at Zafra G. (2016) na ang partikular na reperoir naman ay maaaring tumutukoy sa
mga bahagi ng isang gawang akademiko na karaniwang binubuo ng:
Paglalahad ng paksa at suliranin ng pag - aaral.
Rebyu ng kaugnay na pag - aaral.
Layunin ng pag - aaral.
Teoretikal na balangkas.
Metodo ng pananaliksik.
Saklaw at delimitasyon.
Kahalagahan ng pag - aaral.
Presentasyon ng datos.
Pagsusuri ng datos.
Kongklusyon.
Ang Repertoire ng Rebyuwer Bilang Mambabasa
Mula pa rin kina Constantino, P. at Zafra G. (2016) ang repertoire ng rebyuwer ay nahahati sa dalawa. Ang
pangkalahatang repertoire ng rebyuwer ay maaaring tumutukoy sa kaniyang mga kaalaman, pananaw, o paninindigan
tungkol sa paksa at mga ideyang nakapaloob sa gawang akademiko. Ang partikular na repertoire naman ng rebyuwer ay
maaaring tumukoy a mga tiyak na estratehiya na ginagamit niya para suriin ang gawang akademiko. Narito ang ilang
estratehiya at gabay na tanong na maaaring gamitin ng isang rebyuwer sa gawang akademiko:
1. Pagtiyak sa pinagmulan o kasaysayan ng gawang akademiko.
2. Pagtimbang sa kahalagahan ng paksa ng gawang akademiko.
3. Pagtatasa sa linaw ng pagpapalitaw ng pangunahing ideya ng pag - aaral.
4. Pag - uugnay ng pag - aaral sa iba pang pag - aaral.
5. Pagsusuri ng disenyo ng pag - aaral.
6. Pagsusuri ng paggamit ng datos.
Downloaded by PAU SHOPAO (kirasaki102@gmail.com)
lOMoARcPSD|12385453
- A narrative review explains the existing knowledge on a topic based on all the published research available on the topic.
- A systematic review searches for the answer to a particular question in the existing scientific literature on a topic.
- A meta-analysis compares and combines the findings of previously published studies, usually to assess the effectiveness of an
intervention or mode of treatment.
( Mula sa https://www.editage.com/insights/what-is-the-difference-between-a-research-paper-and-a-review-paper).
Sanggunian:
Constantino, P. & Zafra, G. (2016). Filipino sa Piling Larang (Akademik). Rex Book Store.
https://ecologyisnotadirtyword.com/2018/06/21/how-do-you-review-a-conceptual-paper/).
https://libguides.lib.msu.edu/c.php?g=96527&p=626576
https://www.editage.com/insights/what-is-the-difference-between-a-research-paper-and-a-review-paper
ttps://www.editage.com/insights/what-is-the-difference-between-a-research-paper-and-a-review-paper)
https://guides.rider.edu/types/theoretical)
Batay kina Constantino, P. at Zafra G. (2016) ang posisyong papel ay isang sulatin na nagpapahayag ng tiyak na
paninindigan ng isang indibidwal o grupo tungkol sa isang makabuluhan at napapanahong isyu. Naglalaman din ito ng mga
katuwiran o ebidensiya para suportahan ang paninindigan. Karaniwang maikli ang posisyong papel, isa o dalawnag pahina
lamang, upang mas madali itong mabasa o maintindihan ng mga mambabasa at mahikayat silang pumanig sa paniniindigan
ng sumulat ng posisyong papel. Ang posisyong papel ay tumutulong para maging malay ang mga tao sa magkaibang
pananaw tungkol sa isang usaping panlipunan.
Inilahad nina Constantino, P. at Zafra G. (2016) ang mga mungkahing hakbang sa pagsulat ng posisyong papel
batay sa sumusunod:
Para makabuo ng posisyong papel maaaring gumamit ng grid upang makabuo ng balangkas ukol dito:
Pangkalahatang ideya tungkol sa isyu: Ano ang pangkalahatang ideya ng kabilang panig batay sa isyu?
Paglalahad ng unang katuwiran ng kabilang panig ukol sa Ano ang iyong kasagutan sa unang katuwiran?
isyu.
Paglalahad ng ikalawang katuwiran ng kabilang panig ukol Ano ang iyong kasagutan sa ikalawang katuwiran?
sa isyu.
Paglalahad ng ikatlong katuwiran ng kabilang panig ukol Ano ang iyong kasagutan sa ikatlong katuwiran?
sa isyu.
Konklusyon ng kabilag panig
Paano mo bubuoin ang konklusyon? O paglalahad ng pangkalahatang ideya ng iyong kasagutan ukol sa isyu
Halimbawa
Isyu: Ano ang panlipunang isyu ang gustong gawan ng posisyong papel?
Paglalahad ng ikalawang katuwiran ng kabilang panig ukol Ano ang iyong kasagutan sa ikalawang katuwiran?
sa isyu.
Maraming guro sa Filipino ang mawawalan ng trabaho at
Ililipat ang ilang guro ng Filipino sa kolehiyo sa senior high hindi sapat ang item sa senior high school upang
school. mapunan ang mga gurong matatanggal sa kolehiyo.
Paglalahad ng ikatlong katuwiran ng kabilang panig ukol Ano ang iyong kasagutan sa ikatlong katuwiran?
sa isyu.
Sa ibang bansa ang kanilang sariling wika ang
Napag - aralan na ang Filipino mula elementarya prayoridad na pag - aralan bago ang ibang wika upang
Downloaded by PAU SHOPAO (kirasaki102@gmail.com)
lOMoARcPSD|12385453
Paano mo bubuoin ang konklusyon? O paglalahad ng pangkalahatang ideya ng iyong kasagutan ukol sa isyu
Kinakailangan na magkaroon ng batas upang imandato ang asignaturang Filipino sa kolehiyo katulad ng asignaturang
Rizal hindi lamang upang hindi maiwaglit ang identidad bilang Pilipino ngunit upang higit na maging bihasa sa sariling
wika.
Basahin ang isang halimbawa ng posisyong papel na pinamagatang “A Luta Continua! Ang Kasalukuyang Pakikibaka
Para sa Pagkakaroon ng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo” ni Dr. David Michael M. San Juan na matatagpuan sa
https://www.journals.upd.edu.ph/index.php/dilimanreview/article/view/4861.
Suriin ang nilalaman nito batay sa hinihingi ng graphic orhanizer:
Isyu: Ano ang panlipunang isyu ang gustong gawan ng posisyong papel?
Pangkalahatang ideya tungkol sa isyu: Ano ang pangkalahatang ideya ng kabilang panig batay sa isyu?
Paglalahad ng unang katuwiran ng kabilang panig ukol sa Ano ang iyong kasagutan sa unang katuwiran?
isyu.
Paglalahad ng ikalawang katuwiran ng kabilang panig ukol Ano ang iyong kasagutan sa ikalawang katuwiran?
sa isyu.
Paglalahad ng ikatlong katuwiran ng kabilang panig ukol sa Ano ang iyong kasagutan sa ikatlong katuwiran?
isyu.
Ano ang istratehiya ng manunulat sa paglalahad ng ideya?
Konklusyon ng kabilag panig
Paano mo bubuoin ang konklusyon? O paglalahad ng pangkalahatang ideya ng iyong kasagutan ukol sa isyu
Bumuo ng sariling posisyong papel mula sa kahit anong isyung panlipunan. Maaaring gamitin ang tinalakay na grid sa
pagbuo ng posisyong papel bilang draft bago buoin ang mismong sulatin.
Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos:
Nilalaman ng pagsusuri -
30 Gramatika -5
35pts
Sanggunian:
Constantino, P. & Zafra, G. (2016). Filipino sa Piling Larang (Akademik). Rex Book Store.