You are on page 1of 4

Ano ang lakbay sanaysay?

⮚ Tinatawag sa Ingles na "Travel Essay o Travelogue", ito ay isang uri sanaysay na kung
saan ang ideyang ito ay pinanggalingan mula sa mga pinuntahan or "nilakbayang" mga
lugar. Kabilang rin dito ang kultura, trasisyon, pamumuhay, uri nga mga tao, karanasan
mula sa awtor at lahat ng aspektong naalaman ng isang manlalakbay.
⮚ Ayon nga kay Nonon Carandang, ito ay tinatawag niyang sanaylakbay, kung saan ang
terminolohiyang ito ang terminolohiyang ito ay binubuo ng tatlong konsepto; Sanaysay,
Sanay at Lakbay.
⮚ Ang lakbay-sanaysay ay maaaring pumaksa sa tao o mamamayan ng lugar. Binibigyang-
pansin dito ang gawi, katangian, ugali, o tradisyon ng mga mamamayan sa isang
partikular na komunidad.

Bahagi ng Lakbay-Sanaysay
1. Simula/ Panimula Ito ang pinakamahalaga na bahagi dahil dito ang inaasahan kung
ipagpatuloy ng mambabasa sa kanyang binabasang sulatin, Dapat makuha ng akda ang
atensyon at damdamin ng mambabasa

2. Gitna/Katawan - Dito naman sa bahaging ito mababasa ang mga mahalagang puntos o idea
ukol sa paksang pinili at sinulat ng mayakda. Dito rin natin malalaman ang buong puntos dahil
Ipinapaliwanag ng maayos at mabuti ang paksang pinag-uusapan o binibigyang pansin.

3. Wakas Sa bahaging ito isinasara ng akda ang paksang nagaganap sa gitna o katawan ng
isinulat niya. Dito tin naghahamon ang akda sa mga isip ng mga mambabasa na maisakatuparan
ang mga isyung tinatalakayan niya.

Hakbang sa pagsulat ng Lakbay-sanaysay

● Magkaroon ng kaisipang manunulat sa halip na isang turista;

● Sumulat sa unang panauhan punto de-vista; Tukuyin ang pokus ng susulating lakbay-
sanaysay;
● Magtala ng pangunahing detalye at kumuha ng larawan para sa dokumentasyon habang
naglalakbay;
● Ilagay ang realisasyon at natutuhan sa ginawang paglalakbay. Bago magtungo sa lugar
na balak mong puntahan ay dapat magsaliksik Ilagay ang realisasyon at natutuhan sa
ginawang paglalakbay.
● Bago magtungo sa lugar na balak mong puntahan ay dapat magsaliksik o magbasa
tungkol sa kasaysayan nito.
● Buksan ang isip at damdamin sa paglalakbay, lawakan ang naaabot ng paningin, talasan
ang isip, palakasin ang internal at external na pandama at pang-amoy, sensitibong
lasahan ang pagkain.
● Kung susulat na ng lakbay-sanaysay, huwag gumamit ng mga kathang-isip na ideya.

● Tiyakin na mapupukaw ang kawilihan ng mambabasa sa susulating lakbay-sanysay.

MGA DAPAT ISAALANG- ALANG SA PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY


1. Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis na iikutan ng nilalaman ng sanaysay.

2. Isulat ito gamit ang unang panauhan ng panghalip. Tanggap nang gamitin ang mga panghalip
na ako, ko at akin sapagkat ito ay kadalasang nakasalig sa personal na karanasan.

3. Tandaan na bagama't nakabatay sa personal na karanasan, mahalagang magtaglay ito ng


patunay o patotoo batay sa iyong mga naobserbahan o katotohanang nabasa hinggil sa paksa
upang higit na maging mabisa at epektibo ang pagkakasulat nito.

4. Gumamit ng mga pormal na salita sa pagsulat nito. Tandaang ito ay kabilang sa akademikong
sulatin.

5. Gumamit ng tekstong naglalahad sa pagsulat nito. Gawing malinaw at madaling maunawaan


ang gagawing pagpapaliwanag nng mga ideya o kaisipan upang maipabatid ang mensahe sa
mga babasa.

6. Sundin ang tamang estruktura o mga bahagi sa pagsulat ng sanaysay; introduksiyon, katawan
at kongklusyon.

7. Gawing lohikal at organisado ang pagkakasulat ng mga talata.


Gawain
1. Ano ang ibig sabihin ng panauhan ng panghalip?

A. Posisyong pampangungusap
B. Ika-tatlumpung salita sa diksiyonaryo
C. Kilos o gawa ng isang tao
D. Salitang ginagamit bilang pampalit sa pangngalan

2. Ano ang dapat gamitin na salita sa pagsulat ng sanaysay?

A. Impormal na salita
B. Mga salitang dayalekto
C. Pormal na salita
D. Mga paangkop na salita

3. Ano ang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng replektibong sanaysay?

A. Isulat gamit ang unang panauhan punto de-vista


B. Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis
C. Tumungo sa lugar na balak mong puntahan
D. Lahat ng nabanggit

4. Ano ang tinatawag na lakbay sanaysay sa Ingles?

A. Travel Essay
B. Travelogue
C. Both A and B
D. Sanaysay

5. Sino ang nagsabing ang lakbay-sanaysay ay tinatawag din na sanaylakbay?

A. Nonon Carandang
B. Juan Dela Cruz
C. Jose Rizal
D. Ferdinand Marcos

6. Ano ang dapat taglayin ng mga panghalip na batay sa tekstong binasa?

A. Pag-aaral ng pangngalan
B. Patunay o patotoo
C. Pagsusuri ng indibidwal
D. Pagsasalaysay ng karanasan

You might also like