You are on page 1of 9

LEARNING ACTIVITY SHEET

QUARTER 4/2nd SEMESTER, WEEK 4

Pangalan:__________________________Baitang/Seksyon: ______Iskor:______
Asignatura: _FILIPINO 12-FPL (Akademik)_Guro: _______________Petsa:
______

I. Pamagat ng Gawain: LAKBAY SANAYSAY

II. Uri ng Gawain: Pagpapaunawa ng konsepto

Pangkalahatang Pagsusulit

( Gawaing Pasulat Gawaing Pagganap)

III. MELC: Natitiyak ang mga elemento ng pinanood na programang pampaglalakbay.


(CS_FA11/12PD-0m-o-89)

IV. Layunin ng Pag-aaral:


 Natatalakay ang mahahalagang katangian ng lakbay-sanaysay
 Natutukoy ang mga hakbang sa pagsulat ng lakbay-sanaysay
 Nakikilala ang mahalagang katangian at layunin ng paggawa ng larawang-
sanaysay

V. Sanggunian:
Print Material/s:
 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) ni Constantino Et. Al
 Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larang (Akademik) ni Baisa-Juliuan
 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) ni Florante C. Garcia, PHD

VI. Pagpapaunawa ng konsepto:


Lakbay-Sanaysay

 Ang lakbay-sanaysay ay tinatawag ding travel essay o travelogue. Ito ay


isang uri ng lathalaing ang pangunahing layunin ay maitala ang mga naging
karanasan sa paglalakbay.
 Ayon kay Nonon Carandang, ito ay tinawag niyang sanaylakbay kung saan
ang terminolohiyang ito ay binubuo ng tatlong konsepto: sanaysay, sanay at
lakbay.

1
Ang Sanaysay ang pinakaepektibong pormat ng sulatin upang maitala ang
mga naranasan sa paglalakbay.

Mga Dahilan ng Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay

Ayon kay Dr. Lilia Antonio et al. sa kanilang aklat na Malikhaing Sanaysay
(2013), may apat na pangunahing dahilan ng pagsusulat ng lakbay-sanaysay.

1. Upang maitaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat, halimbawa ay


ang paggawa ng travel blog.
2. Makalikha ng patnubay para sa mga posibleng manlalakbay, halimbawa ay
ang travelogue.
3. Itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay tulad ng espiritwalidad,
pagpapahilom o kayay’y pagtuklas sa sarili, halimbawa ay daily journal o
diary.
4. Upang maidokumento ang kasaysayan, kultura at heograpiya ng lugar sa
malikhaing pamamaraan. Tipikal na halimbawa nito ay ang ginawa ni Antonio
Pigafetta na isang Venetian iskolar na tumungo sa Pilipinas kasama ni
Ferdinand Magellan. Siya ang nagtala ng mahahalagang datos na kanilang
nakita sa Pilipinas na may kinalaman sa mga halaman, hayop, klima,
heograpiya at kultura ng mga sinaunag Pilipino bilang bahagi ng kanilang ulat
sa hari at reyna ng Espanya sa kanilang pagbabalik sa kanilang bansa.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay

1. Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na isang turista.


 Upang makagawa ng isang masining at makabuluhang lakbay-
sanaysay, dapat na isaisip ng taong naglalakbay na siya ay tutungo sa
isang lugar hindi bilang isang turista kundi isang manlalakbay.
 Mahalagang malinaw sa kanyang isip ang kanyang pakay o layunin.
2. Sumulat sa unang panauhang punto de-bista.
 Ang karamihan sa nilalaman ng sanaysay ay mula sa mga nakita,
narinig, naunawaan at naranasan ng manunulat. Kadalasang
napakapersonal ng tinig ng lakbay-sanaysay.
3. Tukuyin ang pokus ng susulating lakbay-sanaysay.
 Tandaan iba-iba ang kinahihiligan o kinawiwilihang paksang maaaring
itampok sa paglalakbay at maging sa pagsulat ng lakbay-sanaysay.

2
4. Magtala ng mahahalagang detalye at kumuha ng mga larawan para sa
dokumentasyon habang naglalakbay.
 Ang mga pangunahing gamit na dapat dala ng taong susulat ng
lakbay-sanaysay ay ang panulat, kuwaderno o dyornal at kamera.
Mahalagang maitala ang mahahalagang lugar, kalye restoran gusali at
iba pa, makatutulong din ang pagkuha ng larawan ng mga lugar o
pangyayari. Para sa mga larawan maaaring ilagay ang eksaktong
lokasyon kung saan ito matatagpuan, maikling deskripsiyon nito o kaya
naman ay maikling kasaysayan nito.
5. Ilahad ang mga realisasyon o mga natutuhan sa ginawang paglalakbay.
 Mahalagang maisama sa nilalaman ng sanaysay ang mga bagay na
natutuhan habang isinasagawa ang paglalakbay. Ito ang magsisilbing
pinakapuso ng sanaysay kung saan dito ibabahagi sa mga
mambabasa ang mga gintong aral na nakuha bunga ng epekto ng
ginawang paglalakbay.
6. Gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay.
 Mahalagang taglayin ng may-akda ang sapat na kasanayan sa
paggamit ng wika, sikapin na ang susulating sanaysay ay maging
malinaw, organisado, lohikal at malaman. Gumagit ng akmang salita
batay sa himig ng lakbay-sanaysay. Maaari ring gumamit ng mga
tayutay, idyoma o matalihagang salita upang higit na maging masining
ang pagkakasulat nito. Tiyaking makukuha ang atensiyon ng
mambabasa sa iyong susulating akda.
1. Simulan ang iyong sanaysay sa pahapyaw na paglalarawan sa bawat
imahe at lapatan ito ng iyong kuro o saloobin.
2. Makakatulong sa iyo ang paggamit ng mga transisyunal devices upang
magkaroon ng kohirens ang iyong pagsulat.
3. Maglapat ng isang hamon o kongklusyon sa hulihang bahagi ng iyong
sanaysay.

3
KAYA MO ITO
Gawain 1
Panuto: Ibahagi ang mga karanasan sa paglalakbay o pamamasyal sa
pamamagitan ng pagpuno ng graphic organizer.

Lugar/mga lugar kung saan Mahalagang impormasyon o


nakapaglakbay kaalamang nakuha mula sa
paglalakbay

Paano ito nakaapekto sa iyong


sarili?

Gawain 2
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Dalawang puntos ang bawat
bilang.
1. Ibigay ang kahulugan at pagkaunawa sa lakbay-sanaysay bilang isang
akademikong sulatin.
2. Ano-ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng lakbay-sanaysay sa
larawang sanaysay?
3. Isa-isahin ang mga bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng lakbay-
sanaysay.
4. Sa iyong palagay, bakit sinabing kailangang magkaroon ng kaisipang
manlalakbay ang isang manunulat sa halip na isang turista?
5. Anong panauhan ang dapat gamitin sa pagbuo ng lakbay-sanaysay?
Bakit tamang sundin ang panauhang ito?
Gawain 3
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang pahayag kung ito’y tumutukoy sa mga bagay na
dapat tandaan sa pagsulat ng lakbay-sanaysay o pictorial essay at lagyan ng ekis (x)
ang mali. Maglagay ng maikling paliwanag sa iyong sagot sa nakalaang linya.
_____ 1. Ang pagsulat nito ay dapat na nasa ikalawang panauhan.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

_____ 2. Hindi na mahalagang itala ang petsa at lugar kung saan isinagawa ang
paglalakbay kung gagamitin sa pictorial essay
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

_____ 3. Mahalagang mailahad ang mga realisasyon o mga natutuhan sa pagsulat.


___________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

4
_____ 4. Hindi kailangang maging organisado, malinaw at obhetibo sa pagsulat ng
ganitong uri ng sulatin.
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

_____ 5. Kailangang maisaalang-alang ang layunin o dahilan kung bakit at para


saan ang gagawing lakbay-sanaysay o pictorial essay.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

MARAMI KA PANG MAGAGAWA


Gawain 4
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na katanungan at sagutin mo ito.
1. Ano ang kaibahan ng lakbay-sanaysay sa isang replektibong sanaysay?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Ano-ano naman ang katangian ng lakbay-sanaysay na maaring may
pagkakatulad sa replektibong-sanaysay?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3. Ano ang dapat gawin upang hindi malimutan ang mahahalagang datos sa
pagsulat ng lakbay-sanaysay? Bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
4. Ano ang mga positibong naidudulot ng mga lakbay-sanaysay para sa manunulat
at mambabasa?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
5. Paano mo mabubuo nang maganda at kahika-hikayat ang isang pictorial essay?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

5
Gawain 5
Panuto: Ipakilala nang higit pa ang akademikong sulatin sa pamamagitan ng
pagsusuri sa layunin, gamit, katangian at anyo ng mga ito. Magsaliksik pa sa
Internet o sa mga aklat tungkol dito para sa karagdagang impormasyon o kaalaman.
Isulat ang sagot sa talahanayan sa ibaba.

Lakbay-Sanaysay Pictorial Essay

Kahulugan/Katangian

Layunin

Gamit/Kahalagahan sa taong
nagsulat at makakabasa
nito.

Gawain 6
Panuto: Paghambingin ang lakbay sanaysay at larawang sanaysay ayon sa
katangian, kahulugan, layunin at gamit sa pamamagitan ng Venn diagram.

Replektibong Lakbay-Sanaysay
Sanaysay
Pagkakatulad

6
SUBUKIN ANG IYONG SARILI

Gawain 7
Panuto: Ang buhay ng tao ay punumpuno ng paglalakbay hindi lamang sa
magagandang lugar kundi maging sa kanyang mga nararanasan sa buhay. Ibahagi
ang isang yugto o pangyayari sa iyong buhay na nagkapag-iwan nang malaking aral
at marka sa iyong puso na alam mong makatutulong sa iyo upang lalo kang
magpunyagi sa buhay at patuloy na maglakbay sa mundong ating ginagalawan.

Pamantayan Puntos Iskor


Malinaw ang paggamit ng mga salita. at angkop ito 5
Maayos na nailahad ang mga pangyayari 5
pangugusap. Walang pagkakamali sa gramatika, 5
bantas at baybay
Kabuoang Puntos 15

Gawain 8
Panuto: Ikaw ay isang photo at travel journalist sa isang kompanyang gumagawa ng
iba’t ibang uri ng magasin. Nahingan kang gumawa at sumulat ng pictorial essay o
lakbay-sanaysay tungkol sa isang maganda at makasaysayang lugar na napuntahan
mo sa Pilipinas na itatampok bilang pangunahing artikulo para sa isang isyu ng
travel magasin ninyo. Ito’y isang malaking break para sa iyo. Gawin ang makakaya
upang mabuo ito nang maganda at kahika-hikayat.

Gawin mong gabay ang pamantayan sa ibaba sa iyong gagawin

Pamantayan Puntos Iskor


Naisagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng 5
lakbay-sanaysay
Nakasusulat ng organisado, malikhain at kahika-hikayat na 5
lakbay-sanaysay
Nakasusulat ng lakbay-sanaysay batay sa maingat, wasto at 5
angkop na paggamit ng wika
Makatotohanan ang nabuong lakbay-sanaysay 5
Kabuoang Puntos 20

Gawain 9
Panuto: Paano mo ba ginagamit nang may kabuluhan ang iyong cellphone lalo na
ngayong patuloy pa ring umiiral ang pandemyang COVID19? Gamit ang iyong
cellphone, kumuha ka ng limang mahahalagang larawan na makikita mo sa inyong
tahanan ito man mga bagay o mga taong mahahalaga sa iyo. Gumawa ka ng
larawang-sanaysay na isasaayos sa isang long bondpaper o sa isang buong papel.

7
DAGDAGAN MO PA
Gawain 10
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na katanungan at sagutin mo ito.
1. Ibigay ang kahulugan at pagkaunawa sa Larawang-Sanaysay bilang isang
akademikong sulatin?
2. Bakit kailangang maging mapili sa mga larawang ilalagay sa pagbuo ng
LarawangSanaysay?
3. Paano mo mabubuo nang maganda at kahika-hikayat ang isang
larawangsanaysay
4. Ano-ano ang layunin ng Larawang-Sanaysay?
5. Alin ang mas gusto mong gawin, Lakbay - Sanaysay o ang Larawang -
Sanaysay? Bakit?

Gawain 11
Panuto: Manood ng isang episode ng programang pampaglalakbay ng mga lugar sa
ating bansa sa internet o telebisyon. Magbigay ng iyong pananaw kung paano
nakatutulong ang mga ganitong programa upang makita hindi lamang ng mga
dayuhan ang kagandahan ng bansa ngunit lalo’t higit ang mga Pilipino. (15 puntos)
 Pamagat ng Programa:
_____________________________________________________________
 Kailan ito ipinalabas at gaano ito katagal:
_____________________________________________________________
 Buod/Tampok na Paglalakbay:
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
 Mga dahilan kung bakit ito ang napiling itampok/ipalabas:
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Gawain 12
Panuto: Lapatan ng tamang sagot tungkol sa kaaalaman ng larawang sanaysay ang
hinihingi ng bawat bilang. Sundin ang pormat na ito sa iyong pagsagot sa sagutang
papel.
Larawang-Sanaysay
1. Katuturan
2. Katawagan sa Ingles
3. Materyal na gagamitin
4. Layunin
5. Paano naiiba sa tradisyonal na

8
sanaysay?
RUBRICS/ Pamantayan sa pagbibigay ng puntos para sa mga gawain:
Gawain 7:
Pamantayan Puntos Iskor
Malinaw ang paggamit ng mga salita. at angkop ito 5
Maayos na nailahad ang mga pangyayari 5
pangugusap. Walang pagkakamali sa gramatika, bantas at baybay 5
Kabuoang Puntos 15

Gawain 8:
Pamantayan Puntos Iskor
Naisagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng lakbay- 5
sanaysay
Nakasusulat ng organisado, malikhain at kahika-hikayat na lakbay- 5
sanaysay
Nakasusulat ng lakbay-sanaysay batay sa maingat, wato at angkop na 5
paggamit ng wika
Makatotohanan ang nabuong lakaby-sanaysay 5
Kabuoang Puntos 20

You might also like