You are on page 1of 21

KAGAWARAN NG EDUKASYON

REHIYON VII
DIBISYON NG MANDAUE
Plaridel St., Mandaue City

Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay

Para sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)


HULING MARKAHAN – LINGGO 15

SARILING LINANGAN KIT


1
PAUNANG SALITA

Ang Sariling Linangang Kit na ito ay inihanda para sa mga mag-aaral upang
maipamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga akademikong sulatin.

Ang mga gawain ay makapagpapatibay ng kanilang kaalaman sa mga iba’t


ibang kasanayan sa nasabing learning competency na pwedeng gamitin at
makapagpapaunlad ng mga pang-araw-araw na pamumuhay at ng sariling
karanasan.

Nahahati sa tatlong bahagiang Sariling Linangang Kit na ito:

A. Tuklasin (Ano ang nangyari?)

- Ito ay ang bahagi na kung saan ay sasagutin nila ang mga iba’t
ibang gawain na hindi pa nila lubusang nalalaman ang learning
competency.

. B. Suriin (Ano ang dapat malaman?)


- Ito ay ang bahagi na kung saan ay ipaliliwanag ang learning
competency na nakapaloob dito.
C. Pagyamanin (Ano ang natutunan?)
- Ito ay ang bahagi na kung saan ay malalaman kung nahasa ang
kanilang kaalaman sa learning competency na nabibigyang-kahulugan
ang akademikong pagsulat; nakilala ang iba’t ibang akademikong
sulatin ayon sa: a) layunin b) gamit c) katangian d) anyo; at
nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan,
kalikasan at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko.
Inaasahan ang mag-aaral na malinang ang kanilang kakayahan at magamit
ang mga natutunan nila sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Linangang Kompetensi:

- Nakikilala ang lakbay-sanaysay ayon sa layunin, gamit, at katangian


(CS_FA11/12PN-0a-c-90)
- Natitiyak ang mga element ng paglalahad ng pinanood na episodyo ng
isang programang pampaglalakbay (CS_FA11/12PD-0m-o-89)
- Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng lakbay-
sanaysay (CS_FA11/1PN-0d-f-92)
- Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kahika-hikayat na lakbay-
sanaysay (CS_FA11/12PU-0p-r-94)
- Nakasusulat ng lakbay - sanaysay batay sa maingat, wasto, at angkop
na paggamit ng wika (CS_FA11/12WG-0p-r-95)

2
LAYUNIN:
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang mga
sumusunod:
1. Natitiyak ang mga element ng paglalahad ng pinanood na episodyo ng isang
programang pampaglalakbay (CS_FA11/12PD-0m-o-89)
2. Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kahika-hikayat na lakbay-sanaysay
(CS_FA11/12PU-0p-r-94)

BALIKAN at Subukin

Ibahagi ang iyong karanasan sa paglalakbay o pamamasyal sa pamamagitan


ng pagpuno sa graphic organizer sa ibaba.

Lugar/mga lugar kung saan


nakapaglakbay Petsa ng paglalakbay at mga
kasama

Mahalagang Impormasyon o
kaalamang nakuha mula sa
paglalakbay

3
LEARNING COMPETENCY:
Naibibigay ang kahulugan at pagkaunawa sa lakbay-sanaysay bilang
isang akademikong pagsulat (CS_FA11/12PB-0a-c-101)

ALAMIN

Lakbay - Sanaysay
 Tinatawag ding travel essay o
travelogue
 Isang uri ng lathalaing ang
pangunahing layunin ay maitala
ang mga nagging karanasan sa
paglalakbay
 Ayon kay Nonon Carandang, ito
ay tinatawag na sanaylakbay
kung saan ay binubuo ng tatlong
konsepto: sanaysay, sanay, at
lakbay
 Pinaniniwalaan na ito ay
pinakaepektibong pormat na
sulatin upang maitala ang mga
karanasan sa paglalakbay.

Tanging sa mga larawang di naman nakapagsasalita naiaasa ang


pagbabalik-tanaw sa mga gagawing paglalakbay.

4
Linangang Kompetensi:
Nakikilala ang lakbay-sanaysay ayon sa layunin, gamit, at katangian
(CS_FA11/12PN-0a-c-90)

TUKLASIN
(Ano ang nangyari?)

Mga Dahilan ng Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay


 Upang itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat halimbawa ay ang
paggawa ng travel blog kung saan maituturing na isang libangan at gayundin
naman ay maaaring pagkakitaan

 Layunin din nitong makalikha ng patnubay para sa mga posibleng


manlalakbay na marami ang nakikinabang sa travelogue lalo na sa mga taong
nais magkaroon ng paunang kaalaman sa lugar na kanilang bibisitahin bago
nila puntahan

 Maaari ring itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay tulad ng


espiritwalidad, pagpapahilom, o kaya’y pagtuklas sa sarili na kadalasang
naisasagawa sa pamamagitan ng paggamit ng daily journal o diary

 Upang maidokumento ang kasaysayan, kultura, at heograpiya ng lugar sa


malikhaing pamamaraan.

Anuman ang dahilan ng paglalabay, ang lakbay-sanaysay ay


kadalasang naglalaman ng mga tala ng karanasan ng awtor o sumulat
ng paglalakbay. Ang pagtatalang ito ay paraan ng manunulat na
maibahagi ang karanasan at kasiyahan sa paglalakbay.

5
Mga Dapat ng Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay
 Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa
halip na isang turista
- upang makagawa ng isang masining at makabuluhang lakbay-
sanay, dapat isaisip ng taong naglalakbay na siya ay tutungo sa
isang lugar hindi bilang isang turista kundi isang manlalakbay.
- kasabay ng paglalakbay ay sisikapin niyang maunawaan ang
kultura, kasaysayan, heograpiya, hanapbuhay, pagkain, at
maging uri ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao
- mahalaga sa pagsulat ng kanyang lakbay-sanaysay ang
malalim niyang maipaliliwanag o mailalarawan ang mga bagay o
lugar na kanyang nakita o namalas

 Sumulat sa unang panauhang punto de-bista.


- ang susi sa mainam na pagsulat nito ay ang erudisyon o
pagtataglay ng sapat na kaalaman at pagkatuto sa isang
paglalakbay
- mahalagang maranasan din ng manlalakbay ang mga bagay-
bagay upang lubos na maunawaan at mabigyang-kahulugan
ang mga pangyayari
- sa papamagitan ng mga karanasan o pagsagawa ng mga
hamon sa paglalakbay, magiging makatotohanan at may lalim
ang gagawin mong paglalahad ng iyong karanasan

 Tukuyin ang pokus ng susulating lakbay-sanaysay.


- ang pagtukoy sa tiyak na paksa ay makatutulong upang
matiyak ang angkop ng nilalaman ng lakbay-sanaysay na
tinatawag din itong delimitasyon sa pagsulat ng isang akda

 Magtala ng mahahalagang detalye at kumuha ng mga


larawan para sa dokumentasyon habang naglalakbay.
- mahalagang maitala ang pangalan ng mahahalagang lugar,
kalye, restoran, gusali, at iba pa
- ang wastong detalyeng may kinalaman sa mahahalagang
luagr na nakita, nabisita o napuntahan ang magbibigay ng
kredibilidadsa sanaysay
- makatutulong din nang malaki kung makukuhanan ng litrato o
larawan ang mga lugar, tao, o pangyayari na mahahalaga para
sa wastong dokumentasyon

6
Mga Dapat ng Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay
 Ilahad ang mga realisasyono mga natutuhan sa ginawang
paglalakbay.
- mahalaga ring maisama sa nilalaman ng sanaysay ang mga
bagay na natutuhan habang isinasagawa ang paglalakbay
- ito magsisilbing pinakapuso ng sanaysay kung saan dito
ibabahagi sa mga mambabasa ang mga gintong aral na nakuha
bunga ng epekto ng ginawang paglalakbay

 Gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay.


- mahalagang taglayin ng may-akda ang sapat na kasanayan sa
paggamit ng wika
- sikaping ang susulating sanaysay ay maging malinaw,
organisado, lohikal, at malaman
- maaari ding gumamit ng mga tayutay, idyoma, o
matalinghagang salita upang higit na maging masining ang
pagkakasulat nito

Sa pangkalahatan, sa pagsulat ng lakbay-sanaysay, maging obhetibo


sa paglatag ng mga impormasyon at sikaping mailahad an
katothanansa paglalahad ng mga positibo at negatibong karanasan at
maging kondisyon ng lugar na pinuntahan.

Halimbawa
Kay-inam Mamasyal sa Ating Bayan

Naimbitahan kami sa isang kasalan sa Davao upang maging ninong at


ninang. Matagal na rin naman naming planong pumasyal sa iba’t – ibang
lugar dito sa Pilipinas kaya nagpasiya kaming mag-road trip mula Maynila
hanggang Davao na dadaan ng Bicolandia at Silangang Kabisayaan at
pagbalik naman ay dadaan sa Zamboanga, Dumaguete, at Naitical Highway
sa Iloilo at Mindoro. Minabuti naming isama ang aming pamangkin taga-Bicol
para may magbabantay sa aming anak sa araw ng kasal. Bago ito, kailangan
muna naming daluahnang isang social obligation. Kaarawan ng aming
kaibigan at kumara na idaraos sa Pansol, Laguna. Shooting two birds with
one stone! Dadaan muna kami sa Laguna bago tumuloy papuntang Timog.

7
8
9
SURIIN
(Ano ang dapat na malaman?)

Pictorial Essay
- isang sulatin kung saan higit na
nakararami ang larawan kaysa sa
salita o panulat

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Pictorial Essay


 Ang paglalagay ng larawan ay dapat na isinaayos o pinag-
iisipang Mabuti sapagkat ito ang magpapakita ng kabuoan ng
kuwento o kaisipang nais

 Ang mga mga nakatalang sulat o titik sa bawat larawan ay


suporta lamang sa mga larawan kaya’t hindi ito kinakailangang
napakahaba o napakaikli. Kailangang makatutulong sap ag-
unawa at makapukaw sa interes ng magbabasa o titibgin ang
mga katitikang isusulat dito.

 May isang paksang nais bigyang-diin sa mga larawan kaya’t


hindi maaaring maglagay ng mga larawang may ibang kaisipan
o lihis sa paksang nais bigyang-diin. Kaialangang maipakita sa
kabuoan ang layunin ng pagsulat o paggawa ng pictorial essay.

 Isipin ang mga manonood o titingin ng iyong photo essay kung


ito ba ay mga bata, kabataan, propesyonal, o masa upang
maibatay sa kanilang kaisipan at interes ang mga larawang
ilalagay gayundin ang mga salitang gagamitin sa pagsulat ng
mga caption.

10
Halimbawa
Isang Makabuluhang Paglalakbay sa Bayan ng Khmers
Marami na akong mga bansang napuntahan lalo na sa kontinente ng Asya
ngunit masasabi kong ang bansang Cambodia ay isa sa mga natatangi sa mga ito.
Bagama’t ang bansang ito ay matagal na napasailalaim sa komunistang
pamamahala at nasakop ng ilang mga bansa ay mababanaag pa ring napapanatili
ng mga Cambodian ang kanilang mayamang kultura, kasaysayan at pagpapahalaga.
Labis akong humanga sa mga mamamayan nito lalo na sa mga pagkakaroon nila ng
pamumuhay na payak ngunit makabuluhan at masaya gayundin ang kanilang
pagpapanatili at pagpapahalaga sa historical sites o landmarks sa kanilang bansa.
Halina’t iyong tunghayan ang mahahalagang larawan ng mga lugar na aking
napuntahan na sumasalamin sa kultura, kasaysayn, at simpleng buhay ng mga
Cambodian.

11
12
PAGYAMANIN
(Ano ang natutunan?)

SAGUTIN at ISAISIP NATIN Nasasagot ang mga tanong


tungkol sa binasa (Blg. 1)

Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.


1. Ibigay ang kahuliugan at pagkauanawa sa lakbay-sanaysay at pictorial
essay. (CS_FA11/12PB-0A-C-101)

2. Ano-ano ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng lakbay-sanaysay sa


pictorial essay?

3. Paano ito naiiba sa replektibong sanaysay?

4. Isa-isahin ang mga bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng lakbay-


sanaysay at pictorial essay.

5. Sa iyong palagay, bakit sinasabing kailangang magkaroon ng kaisipang


manlalakbay sa halip na isang turista?

6. Anong panauhan ang dapat gamitin sa pagbuo ng lakbay-sanaysay? Bakit


tamang sundin ang panauhang ito?

7. Bakit kailangan maging mapili sa mga larawang ilalagay sa pagbuo ng


pictorial essay?

13
Sulating Papel

Pangalan: __________________________________ Antas at Seksyon: _______


Lakbay – Sanaysay Blg. 1 Iskor: ___________________

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

14
Sulating Papel

Pangalan: __________________________________ Antas at Seksyon: _______


Lakbay – Sanaysay Blg. 2 Iskor: ___________________

SAGUTIN at ISAISIP NATIN

Natutukoy ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng lakbay- sanaysay at pictorial


essay (Blg.2)

Lagyan ng tsek ( ) ang pahayag kung ito’y tumutukoy sa mga bagay


na dapat tandaan sa pagsulat ng lakbay-sanaysay at pictorial essay at
ng ekis ( ) ang mali. Maglagay ng maikling paliwanag sa iyong sagot
sa nakalaang linya.

Ang pagsulat nito ay dapat na nasa ikalawang panauhan.


____________________________________________________________
Hindi na mahalagang itala ang petsa at lugar kung saan isinasagawa ang
paglalakbay kung gagamitin sa pictorial essay.
____________________________________________________________
Mahalagang mailahad ang mga realisasyon o natutuhan sa pagsulat.
_________________________________________________________
Hindi kailangang maging organisado, malinaw, at obhetibo sa pagsulat ng
ganitong uri ng sulatin.
____________________________________________________________
Maari ding gumamit ng mga tayutay at idyoma sa pagsulat.
____________________________________________________________
Kailangang may isang pokus ang bubuoing sulatin
____________________________________________________________
Kailangang mailagay o maisama sa sanaysay na bubuoin ang lahat ng
larawang kinunan sa paglalakbay.
____________________________________________________________
Sa lakbay-sanaysay, makatutulong nang malaki kung makukunan ng litrato
ang lugar, tao, o pangyayari upang maisama sa bubuoing sulatin.
____________________________________________________________

15
Lahat ng larawan sa pictorial essay ay dapat na may mahabang caption.
____________________________________________________________

SULATING PAPEL

Pangalan: __________________________________ Antas at Seksyon: _______


Replektibong Sanaysay Blg. 3 Iskor: ___________________

ISAGAWA at BUOIN NATIN


Natitiyak ang mga element ng paglalahad ng pinanood na episodyo ng
isang programang pampaglalakbay (CS_FA11/12PD-0m-o-89)

Manood ng isang episode ng programang pampaglakbay ng mga lugar


sa ating bansa sa Internet man o telebisyon. Tukuyin ang mga elemento
ng paglalahad na nakikita rito. Magbigay ng iyong pananaw kung paano
nakatutulong ang mga ganitong programa upang makita hindi lamang
ng mga dayuhan ang kagandahan ng bansa ngunit lalo’t higit ang mga
Pilipino.

Pamagat ng Programa:
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Kailan Ito Ipinalabas at Gaano Ito Katagal:
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Buod/Tampok ng Paglalakbay:
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Taglay na Elemento ng Paglalahad na Nakita sa Programa:
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

16
TAYAHIN at PALAWAKIN PA NATIN

Nakasusulat ng sariling lakbay-sanaysay (Blg.4)

Ikaw ay isang photo at travel journalist sa isang kompanyang gumagawa


ng iba’t ibang uri ng magasin. Nahingan kang gumawa at sumulat ng pictorial
essay o lakbay-sanaysay tungkol sa isang maganda at maksaysayang lugar na
napuntahan mo sa Pilipinas na itatampok bilang pangunahing artikulo para sa
isang isyu ng travel magasin ninyo. Ito’y isang malaking break para sa iyo.
Gawin ang makakaya upang mabuo ito nang maganda at kahika-hikayat.

Gawin mong gabay ang pamantayan sa ibaba sa iyong gagawin.


Pamantayan Puntos Iskor
Naisasagawa nang mataman ang mga hakabang sa pagsulat ng 20
lakbay-sanaysay (CS_FA11/12PU-0d-f-92)

Nakasulat ng organisado, malikhain, at kahika-hikayat na lakbay- 20


sanaysay (CS_FA11/12PU-0p-r-94)

Nakasulat ng lakbay-sanaysay batay sa maingat, wasto, at 20


angkop ang paggamit ng wika (CS_FA11/12WG-0p-r-95)

Makatotohanan ang nabuong lakbay-sanaysay 20

Kabuuang puntos 80

17
SULATING PAPEL

Pangalan: __________________________________ Antas at Seksyon: _______


Lakbay-Sanaysay (Blg. 4) Iskor: ___________________

18
Sanggunian n

Baisa-Julian, Ailene at Nestor S. Lontoc. Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larang


(Akademik). Quezon City: Phoenix Publishing House Inc., 2017.

19
DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION VII

SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY

NIMFA D. BONGO, Ed.D., CESO V


Schools Division Superintendent

ESTELA B. SUSVILLA PhD.


Assistant Schools Division Superintendent

JAIME P. RUELAN Ed.D.


Chief, Curriculum Implementation Division

ISMAELITA DESABILLE PhD


Education Program Supervisor – (LRMDS)

FELICITAS MAGNO
Education Program Supervisor- (FILIPINO)

RACQUEL B. SEKI
Writer/Illustrator/Layout Artist

20
SINOPSIS

Ang Sariling Linangan Kit na ito ay


tumatalakay sa mga kahulugan at kalikasan
ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulatin sa
learning competency na Nabibigyang-
kahulugan ang akademikong pagsulat at
nakikilala ang iba’t ibang akademikong
sulatin ayon sa layunin, gamit, katangian at
anyo.

Ang mga mag-aaral ay inaasahang


maipamalas ang kanilang pag-unawa sa
mga kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang
anyo ng sulatin..

Tara na at samahan mo kami sa


pagsusuri ng mga kahulugan at A.1.
kahalagahan ng pagsulat sa ating buhay. Sulating Papel Blg. 2

MGA SAGOT:

May-Akda: RACQUEL B. SEKI. Nagtapos sa University of


San Jose - Recoletos sa kursong Bachelor of Secondary
Education major in Filipino at ng Master of Arts in
Teaching major in Filipino sa Southwestern University-
Phinma. Kasalukuyang nagtuturo sa Mandaue City
Comprehensive National High School bilang guro sa
Senior High.

21

You might also like