You are on page 1of 43

1.

Ano ang makikita natin sa mga


larawan sa itaas?
2. Mahilig ba kayong maglakbay o mamasyal sa iba’t ibang lugar?

3. Ano-ano sa mga lugar na napuntahan mo ang iyong labis na naibigan?

4. Ano iyong karanasan sa paglalakbay o pamamasyal?


LAYUNIN:

Sa loob ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nasusurii ang katangian ng isang mahusay na sanaysay.

b. Nakikilala ang lakbaysanaysay ayon sa layunin, gamit, at katangian nito.

c. Nabibigyang halaga ang kung ano ang lakbay sanaysay.

d. Nakasusulat ng sariling lakbay sanaysay.


Ano ang lakbay-sanaysay?

AYS A
AN
-Ito ay tinatawag na travel essay o travelogue Ingles.

-Bahagi ng mas malawak na kategorya ng travel literature.

-Ito ay maaaring maging propesyon o hanapbuhay.

-Kadalasang naglalaman at nagtatala ng mga karanasan ng


may-akda sa paglalakbay, pagsasaliksik, at pagtuklas ng
isang lugar.
Ang Lakbay-Sanaysay ay tinatawag ding travel essay o
travelogue. Ito ay isang uri ng lathalaing ang pangunahing
layunin ay maitala ang mga karanasan sa paglalakbay.
Ayon kay Nonon Carandang, ito ay tinawag niyang
sanaylakbay kung saan ang terminolohiyang ito,
ayon sa kanya ,ay binubuo ng tatlong
konsepto:sanaysay,sanay at lakbay. Naniniwala
siyang ang sanaysay ang pinakaepektibong pormat
ng sulatin upang maitala ang mga naranasan sa
paglalakbay.
Mga Dahilan ng Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay
Ayon kay Dr. Lilia Antonio ;et.al sa kanilang aklat
na Malikhaing Sanaysay (2013) may apat na
pangunahing dahilan ng pagsusulat ng Lakbay-
Sanaysay:
1. Upang itaguyod ang isang lugar at
kumita sa pagsusulat. Halimbawa nito ay
ang travel blog
2. Layunin din nitong makalikha ng
patnubay para sa mga posibleng
manlalakbay.
3. Maaari ring itala ang pansariling kasaysayan sa
paglalakbay tulad ng espiritwalidad, pagpapahilom , o
kaya ay pagtuklas sa sarili . Kadalasang naisasagawa ito
sa pamamagitan ng paggamit ng upang maitala ang mga
bagong bagay na nakita ,narinig , naranasan at iba pa sa
kanyang ginawang paglalakbay.
4. Upang maidokumento ang
kasaysayan, kultura at heograpiya ng
lugar sa malikhaing pamamaraan.
Anuman ang dahilan sa paglalakbay, ang
Lakbay-Sanaysay ay kadalasang naglalaman ng
mga tala ng karanasan ng awtor o sumulat sa
paglalakbay. Ang pagtatalang ito ay isang
paraan ng manunulat na maibahagi ang
karanasan at kasiyahan sa paglalakbay
Mga Dapat Tandaan Sa Pagsulat
Ng Lakbay-Sanaysay
1. Magkaroon ng kaisipang
manlalakbay sa halip na isang
turista
Dapat na isaisip ng taong naglalakbay na siya ay tutungo sa isang
lugar hindi bilang isang turista kundi isang manlalakbay. Ang isang
turista ay nagpupunta sa isang lugar upang maglibang, magliwaliw, at
makita ang magandang tanawin ,mga gusali , at iba’t ibang lugar
samantalang para sa isang manlalakbay ay pangalawa na lamang ang
mga bagay na ito. Kasabay sa kanyang paglalakbay sa iba’t ibang
lugar ay sinisikap niyang maunawaan ang kultura , kasaysaysan ,
heograpiya , hanapbuhay ,pagkain , at maging uri ng pang-araw-araw
na pamumuhay ng isang tao .
2. Sumulat sa unang panauhang
punto de-bista-
Tumutukoy sa pagkilala at pagpapakilala sa sarili at
sa pagmumuni sa mga naranasan sa proseso ng
paglalakbay. Ayon kay Antonio (2013) , ang susi sa
mainam na pagsulat nito ay ang erudisyon o ang
pagtataglay ng sapat na kaalaman at pagkatuto sa
isang paglalakbay.
3. Tukuyin ang pokus ng
susulating Lakbay-Sanaysay-
Mahalagang matukoy kung ano ang magiging
pokus ng susulating Lakbay- Sanaysay batay sa
human interest. Ang pagtukoy sa tiyak na paksa ay
makatutulong upang matiyak ang sakop ng
nilalaman ng Lakbay-Sanaysay. Tinatawag din
itong delimitasyon sa pagsulat ng isang akda.
4. Magtala ng mahahalagang detalye
at kumuha ng mga larawan para sa
dokumentasyon habang naglalakbay
Ang mga pangunahing gamit na dapat dala ng taong
susulat ng Lakbay- Sanaysay ay ang panulat,
kuwaderno o dyornal at kamera. Mahalaga ito para sa
wastong dokumentasyon ng sanaysay Iwasang
maglagay ng napakadetalyadong deskripsyon upang
ito ay kawilihang basahin ng mga mambabasa.
5. Ilahad ang mga realisasyon o
mga natutuhan sa ginawang
paglalakbay
Bukod sa paglalahad ng mga karanasan at mga nakita sa
paglalakbay, mahalaga ring maisama sa nilalaman ng
sanaysay ang mga bagay na natutuhan habang isinagawa
ang paglalakbay. Ito ay magsisilbing pinakapuso ng
sanaysay kung saan dito ibabahagi sa mga mambabasa
ang mga gintong aral na nakuha bunga ng epekto ng
ginawang paglalakbay.
6. Gamitin ang kasanayan sa pagsulat
ng sanaysay
Mahalagang taglayin ng may-akda ang sapat na kasanayan sa
paggamit ng wika. Sikaping ang susulating sanaysay ay maging
malinaw, organisado, lohikal at malaman. Gumamit ng akmang salita
batay sa himig ng lakbay -sanaysay na iyong bubuoin. Tiyaking
makakukuha ng atensyon ng mambabasa ang iyong susulating akda.
Sa pagsulat ng Lakbay-Sanaysay, maging obhetibo sa paglalatag ng
mga impormasyon. Sikaping mailahad ang katotohanan sa
pamamagitan ng paglalahad ng mga positibo at negatibong karanasan
at maging ng kondisyon ng lugar na pinuntahan.
Halimbawa ng Lakbay-sanaysay

BAGUIO TRIP
Bilang isang kabataan, nais kong pumunta sa iba’t ibang lugar na may iba’t
ibang tanawin. Lalong- lalo na ang mga lugar na talaga namang tinatangkilik
ng mga turista, mapadayuhan man na galing ibang bansa o yung mga taong
doon na mismo sa lugar na yon lumaki at nagkaisip. Hindi ko ginagawa ito
upang magbakasyon lamang at magmuni – muni kundi para malaman ko kung
saan at paano nga ba ganoon ang tawag sa lugar na iyon. At bakit nga ba ito
tinatangkilik at dinadayo ng mga turista. Masayamg gawin ito pag kasama mo
ang mga mahal mo sa buhay lalong lalo naang pamilya.
1. Bakit sinasabing kailangang
magkaroon ng kaisipang
manlalakbay ang isang manunulat
sa halip na isang turista?
2. kung ikaw ang naglalakbay, anong
lugar ang gusto mong puntahan at
bakit?
3. Bakit mahalagang matutuhan ang
wastong paraan ng pagsulat ng
panukalangproyekto?
Gawain 1
Panuto: Balikan ang halimbawa ng binasang
lakbay-sanaysay . Suriin at kilalanin kung
taglay ba nito ang katangian ng isang
mahusay na sanaysay. Isulat ang iyong
paliwanag sa dayagram.
Gawain 2
Panuto: Balikan ang mga akademikong sulating
iyong sinagot sa naunang pagsasanay. Ibigay ang
layunin, gamit, katangian, at anyo ng isang lakbay-
sanaysay.
  Lakbay-sanaysay

Kahulugan/katangian  

layunin  

Gamit kahalagahan sa taong nagsulat at makakabasa  


nito.
Bilang isang mag-aaral, masasabi
mo bang kapaki-pakinabang nga
ang pagsulat ng Lakbay-Sanaysay
?
Paano mo mabubuo nang
maganda at kahika-hikayat ang
isang lakbay-sanaysay?
Karamihan sa mga tao ay nakasanayan na gumawa ng
parehong gawain sa kanilang buhay, araw-araw.
Nasanay tayo sa ating mga ginagawa, kaibigan, at
karaniwang lugar na pinupuntahan natin para masaya.
Ang paglalakbay ay magdadala sa iyo ang layo mula sa
lahat ng iyon. Itinatapon ka nito sa isang beach tulad ng
isang isda na walang tubig.
Ngunit, ito ay isang mabuting bagay. Bakit? Dahil
pinaparamdam nito sa iyo na mas buhay ka.
Natutunan mong magtiwala sa iyong mga likas sa
isang bagong sitwasyon at pahintulutan ang iyong
sarili na pahalagahan lamang ang bawat sandali para
sa kung ano ito.
Huminga ka ng malalim sa tabi ng dagat,
naglalakad ka nang walang sapin sa tabing-dagat,
nakikita mo ang mga bagay na hindi mo pa
nakikita at ginising ka nito, na parang isang
pangarap ang natitirang buhay mo.
Kapag natutunan mong maging nasa sandali ng
ngayon, mas may kamalayan ka sa lahat ng
nangyayari sa paligid mo. Mas mapagmasid ka.
Nakikita at naranasan mo ang pagiging bago ng
bawat araw.
TAKDANG-ARALIN
Panuto: Ikaw ay isang travel journalist sa isang kompanyang
gumagawa ng iba’t ibang uri ng magasin. Nahingan kang
gumawa at sumulat ng isang lakbay sanaysay tungkol sa isang
maganda at makasaysayang lugar na napuntahan mo sa Pilipinas
na itatampok bilang pangunahing artikulo para sa isang isyu ng
travel magasin ninyo. Ito’y isang malaking break para sa iyo.
Gawin ang makakaya upang mabuo ito nang maganda at kahika-
hikayat.
Gawin mong gabay ang pamantayan sa ibaba sa iyong gagawin.

You might also like